2010
Ang Ating Pahina
Setyembre 2010


Ang Ating Pahina

Ako ay isinilang sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, na ipinagpapasalamat ko nang lubos. Sa pamamagitan ng Simbahan marami akong natutuhan tungkol sa Ama sa Langit, kay Jesucristo, at sa Espiritu Santo. Si Jesucristo ang aking dakilang halimbawa. Alam ko na mahal Niya tayong lahat.

Tumibay ang patotoo ko noong binyagan ako. Talagang nadama ko ang Espiritu Santo. Tinutulungan ako ng Espiritu Santo na piliin ang tama.

Si Joseph Smith ay propeta, gayundin ang lahat ng propeta na tinawag bago at pagkatapos niya. Totoo ang Aklat ni Mormon at ang Biblia.

Lukas D., edad 11, Germany

Elyssa M., edad 9, Philippines

Keilyn C., edad 11, Costa Rica

Minsan naglalaro ako ng basketbol kasama ang mga kaklase ko sa eskwelahan, at ginamit ng isa sa kanila ang bola para batuhin ang isa pa naming kaklase. Sinubukan ko siyang pigilan at tinulungan siyang maunawaan na mali ang gagawin niya, pero hindi siya nakinig sa akin.

Kalaunan hiniling sa akin ng bishop ko na magsalita ako sa simbahan tungkol sa kabanalan. Hindi ko alam ko ano ang kabanalan at kung mayroon ako nito o wala. Pagkatapos ay ipinaalala sa akin ng nanay ko na dahil sinikap kong maging tagapamayapa sa aking mga kaibigan sa paaralan at sinikap na matulungan ang mahina, taglay ko ang katangian ng kabanalan.

David S., edad 10, Taiwan

Nang hilingin sa atin ni Pangulong Monson na maglingkod sa iba, ibinigay ko ang isang pares ng paborito kong sandalyas sa isang batang babae na nangangailangan nito. Sana matulungan ko siya sa marami pang bagay.

Thayane S., edad 10, Brazil

Kaliwa: retrato ng basketbol © Getty Images