Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Masayang Oras sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
Ang mga ideyang ito ay naaayon sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—para sa mga Indibiduwal at Pamilya bawat linggo.
Tatayo sa mga Banal na Lugar
Para sa Doktrina at mga Tipan 45
-
Awitin ang “Piliin ang Tamang Landas” (Aklat ng mga Awit Pambata, 82).
-
Itinuro ni Jesucristo na dapat tayong “[tumayo] sa mga banal na lugar” (Doktrina at mga Tipan 45:32). Ang banal na lugar ay maaaring kahit saan na makakasama natin ang Espiritu Santo.
-
Kasama ang iyong pamilya, maglista ng ilang bagay na tutulong sa iyo na tumayo sa mga banal na lugar, tulad ng pagiging mabait o pagdarasal. Paano tayo inihahanda ng mga bagay na iyon sa pagdating ni Jesucristo? Ilagay ang listahan sa lugar na makikita mo ito nang madalas.
Oras ng Talento
Para sa Doktrina at mga Tipan 46–48
-
Awitin ang “Sinisikap Kong Tularan si Jesus” (Aklat ng mga Awit Pambata, 40–41).
-
Ang Ama sa Langit ay nagbigay ng mga espirituwal na kaloob sa bawat isa sa atin (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 46:11–26). Ibig sabihin niyan ay binigyan Niya tayo ng mga espesyal na talento. Lahat ay natatangi at mahalaga sa Ama sa Langit!
-
Isipin ang mga kaloob na mayroon ka. Pagkatapos ay magdaos ng isang pagtatanghal ng mga talento ng pamilya! Ibahagi sa iba ang mga kaloob na ibinigay sa iyo ng Ama sa Langit.
Sundan ang Liwanag
Para sa Doktrina at mga Tipan 49–50
-
Awitin ang “Turuang Lumakad sa Liwanag” (Aklat ng mga Awit Pambata, 70).
-
Itinuro ni Jesucristo, “Yaong sa Diyos ay liwanag” (Doktrina at mga Tipan 50:24). Ang ebanghelyo ay parang liwanag na umaakay sa atin palabas sa kadiliman at pagkalito.
-
Magtago ng isang bagay sa madilim na silid at subukang hanapin ito. Pagkatapos ay hanapin itong muli gamit ang flashlight o maliit na lampara. Paano ka tinutulungan ng ebanghelyo na mahanap ang iyong daan?
Maging Tapat!
Para sa Doktrina at mga Tipan 51–57
-
Awitin ang “Gawin ang Tama” (Mga Himno, blg. 144).
-
Itinuro ni Jesus na dapat tayong “makitungo nang tapat” sa isa’t isa (Doktrina at mga Tipan 51:9). Ibig sabihin niyan ay pagsasabi ng totoo at pagiging makatarungan sa iba.
-
Mag-isip ng mga sitwasyon na maaaring maranasan mo sa araw-araw na buhay—tulad ng napulot mo ang pera ng isang tao o naiwala mo ang isang bagay na hiniram mo. Isadula ang gagawin mo para “makitungo nang tapat.”
Mga Journal ng Pagpapasalamat
Para sa Doktrina at mga Tipan 58–59
-
Awitin ang “Salamat, Ama Ko” (Aklat ng mga Awit Pambata, 9).
-
Itinuro ni Jesus, “Pasalamatan ninyo ang Panginoon ninyong Diyos sa lahat ng bagay” (Doktrina at mga Tipan 59:7).
-
Gumawa ng mga journal ng pagpapasalamat kasama ang iyong pamilya! Itupi ang mga piraso ng papel nang magkakasama na parang isang aklat at palamutian ang pabalat. Tuwing gabi bago ka matulog, magsulat o magdrowing ng tatlong bagay na pinasasalamatan mo.