Mga Tala sa Kumperensya
Mabubuhay Tayong Muli
Nagturo si Sister Aburto tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo. Pagkatapos ay nagkuwento siya mula sa kanyang buhay. Noong siyam na taong gulang siya, namatay ang kapatid niyang lalaki. Inisip niya, “Saan siya pumunta? Makikita ko ba siyang muli?” Nalaman niya na dahil sa Pagkabuhay na Mag-uli, mabubuhay na muli ang kanyang kapatid! Tinulungan siya ng Espiritu Santo na makadama ng kapanatagan at pag-asa.
Itinuturo nito sa akin:
Sinisikap Kong Tularan si Jesus
Nagkuwento si Elder Stevenson tungkol sa pagiging mabait. Pinagtawanan ng isang batang lalaking nagngangalang Minchan at ng kanyang mga kaklase ang isang batang lalaki sa paaralan. Nang malaman niyang lungkot na lungkot ang bata dahil doon, nagsisi nang husto si Minchan! Humingi siya ng tawad. Sinabihan niya ang mga kaklase niya na itigil na ang panunukso sa ang bata. Naging kaibigan ng bata si Minchan. Tinularan niya ang halimbawa ni Jesus.
Itinuturo nito sa akin:
Paglilingkod sa Templo
Sinabi ni Pangulong Eyring na noong bata pa ang anak niyang babae, nagpunta ito sa templo para magsagawa ng mga binyag sa templo. Siya ang huling bibinyagan sa araw na iyon. Ngunit marami pang pangalang natitira. Paulit-ulit siyang tinanong ng mga temple worker, “Kaya mo pa ba?” Sa bawat pagkakataon, oo ang isinagot niya. Determinado siyang paglingkuran ang Panginoon.
Itinuturo nito sa akin:
Pagtulong sa Iba
Sinabi ni Elder Becerra na noong bata pa siya, naghahanap ang tatay niya ng mga taong nangangailangan. Sasabihin niya, “Pobrecito” (kaawa-awa). Pagkatapos ay maghahanap siya ng paraan para makatulong. Natuto si Elder Becerra na mahabag sa iba. Bawat tao ay anak ng Diyos, at matutulungan natin sila.
Itinuturo nito sa akin:
Mga paglalarawan ni Bryan Beach