Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Masayang Oras na Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan para sa Maliliit na Anak
Magagamit mo ang mga ideyang ito upang makatulong sa pagtuturo mo mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya sa bawat linggo.
Para sa Doktrina at mga Tipan 45: Basahin ang Doktrina at mga Tipan 45:32 at tulungan ang iyong maliliit na anak na sabihin ang, “Makakatayo ako sa mga banal na lugar.” Maglaro para makita kung sino ang unang tatayo at magsasabi ng isang mabuting bagay na ginawa nila nang araw na iyon.
Para sa Doktrina at mga Tipan 46–48: Basahin ang Doktrina at mga Tipan 46:11. Pagkatapos ay tulungan ang iyong maliliit na anak na punan ang patlang: “Mahusay ako sa …” Tulungan sila na malaman ang kanilang mga talento at espirituwal na kaloob.
Para sa Doktrina at mga Tipan 49–50: Basahin ang Doktrina at mga Tipan 50:41. Tulungan ang iyong maliliit na anak na sabihin ang, “Mahal ako ni Jesucristo.” Tingnan ang bawat pahina ng magasin ng Simbahan at tingnan kung ilang larawan ni Jesus ang mabibilang ninyo.
Para sa Doktrina at mga Tipan 51–57: Basahin ang Doktrina at mga Tipan 51:9 at tulungan ang iyong maliliit na anak na sabihin ang, “Magiging tapat ako!” Ikuwento sa iyong anak ang isang pangyayari na pinili mong maging tapat.
Para sa Doktrina at mga Tipan 58–59: Basahin ang Doktrina at mga Tipan 59:7. Pagkatapos ay maglaro kasama ang iyong maliliit na anak ng larong maghahanap ng isang bagay at magpapasalamat. Maglakad ka at sabihing, “May nakita akong isang bagay na (pula, maliit, atbp.) na ipinagpapasalamat ko.” Tingnan kung makikita nila ito!