Mga Banal na Kasulatan
2 Nephi 22


Kabanata 22

Sa araw ng milenyo, pupurihin ng lahat ng tao ang Panginoon—Mananahan siyang kasama nila—Ihambing sa Isaias 12. Mga 559–545 B.C.

1 At iyong sasabihin sa araw na yaon: O Panginoon, pupurihin kita; bagama’t nagalit kayo sa akin ay napawi ang inyong galit, at inalo ninyo ako.

2 Dinggin, ang Diyos ang aking kaligtasan; ako ay magtitiwala, at hindi matatakot; sapagkat ang Panginoong Jehova ang aking lakas at aking awit; siya rin ay naging aking kaligtasan.

3 Samakatwid, masaya kang iigib ng tubig mula sa mga balon ng kaligtasan.

4 At sasabihin mo sa araw na yaon: Purihin ang Panginoon, manawagan sa kanyang pangalan, ipahayag ang kanyang mga gawain sa iyong mga tao, ipahayag na dakila ang kanyang pangalan.

5 Awitan ang Panginoon; sapagkat gumawa siya ng mga dakilang bagay; ang mga ito ay nalalaman sa buong mundo.

6 Humiyaw at sumigaw, kayong mga naninirahan sa Sion; sapagkat dakila ang Banal ng Israel na nasa piling ninyo.