Mga Tulong sa Pag-aaral
1. Ilog Nilo at Egipto


1. Ilog Nilo at Egipto

Mga tanim na tumutubo sa mga pampang ng Ilog Nilo. Nasa kabila nito ang mga pook ng tuyong disyerto na bumabalot sa kalaparan ng Egipto.

Mahahalagang Pangyayari: Ang lupain ay natuklasan ni Egiptus (Abr. 1:23–25). Nagtungo si Abraham sa Egipto (Gen. 12:10–20; Abr. 2:21–25). Ipinagbili si Jose sa Egipto, siya’y naging tagapamahala, at iniligtas ang kanyang mag-anak mula sa taggutom (Gen. 37; 39–46). Ang mga inapo ni Jacob ay nanirahan sa Egipto (Gen. 47; Ex. 1; 12:40). Natagpuan ng babaing anak ni Faraon ang sanggol na si Moises sa ilog at inaruga siya (Ex. 2:1–10). Inilabas ni Moises ang mga Israelita sa Egipto (Ex. 3–14). Sina Maria, Jose, at Jesus ay sandaling nagtungo sa Egipto upang takasan si Herodes (Mat. 2:13–15, 19–21). Sa mga huling araw, makikilala ng mga taga-Egipto ang Panginoon, at pagpapalain ng Panginoon ang Egipto (Is. 19:20–25). (Tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Egipto.”)

Larawan
Larawan 1

1. Ilog Nilo at Egipto Sa isang dakong tulad nito, itinago ng ina ni Moises ang kanyang sanggol na anak. Natagpuan siya ng anak na babae ni Faraon at inaruga siya sa mga maharlikang bulwagan ng Egipto.