Mga Tulong sa Pag-aaral
Mapa 10: Canaan Noong Panahon ng Lumang Tipan


Mapa 10

Canaan Noong Panahon ng Lumang Tipan

Larawan
Biblia Mapa 10

H

Sidon

Damasco

Mga Bundok ng Libano

Bundok ng Hermon

Litani

Pharpar

Tiro

Phoenicia

Dan (Lais)

Hazor

Lawa ng Huleh (Mga Tubig ng Merom)

Acho

Basan

Dagat ng Cinnereth (Dagat ng Galilea)

Cison

Lambak ng Jezreel (Esdraelon)

Gath-heper

Bundok ng Carmelo

Endor

Bundok ng Tabor

Yarmuk

Megiddo

Burol ng Moreh

Jezreel

Beth-san

Dotan

Bundok ng Gilboa

Samaria

Samaria

Galaad

Kapatagan ng Saron

Sichem

Bundok ng Ebal

Penuel

Mahanaim

Bundok ng Gerizim

Jabok

Joppe

Silo

Malaking Dagat (Dagat ng Mediterania)

Ajalon

Betel (Luz)

Hai

Ilog Jordan

Rabba (Amman)

Gabaon

Jerico

Ammon

Sorek

Jerusalem

Asdod

Ecron

Bundok ng mga Olibo

Bundok ng Nebo

Gath

Betlehem

Ashkelon

Ela

Tekoa

Patay na Dagat

Gaza

Shephelah

Kapatagan ng Filistea

Lachis

Hebron

Engedi

Arnon

Gerar

Gerar

Juda

Moab

Besor

Beer-sheba

Kir-hareset

Idumea

Dako ng Sodoma at Gomorra

Negev

Araba

Zered

Edom

Mga Kilometro

0 20 40 60

A B C D

1 2 3 4 5 6 7 8

●1

●2

●3

●4

●5

●6

●7

●8

●9

●10

●11

●12

●13

●14

●15

●15

●15

●15

●15

●16

●17

●18

●19

●20

●21

  1. Dan (Lais) Si Jeroboam ay gumawa ng isang gintong guya upang sambahin ng Hilagang Kaharian (1 Hari 12:26–33). Ang Dan ang kahilagaan ng sinaunang Israel.

  2. Bundok ng Carmelo Hinamon ni Elijah ang mga saserdote ni Baal at binuksan ang kalangitan para sa ulan (1 Hari 18:17–40).

  3. Megiddo Isang lugar ng maraming pakikipaglaban (Huk. 4:13–16; 5:19; 2 Cron. 35:20–23; 2 Hari 23:29). Si Solomon ay nangalap ng mga manggagawa upang itayo ang Megiddo (1 Hari 9:15). S1 Haring Josias ng Juda ay malubhang nasugatan sa isang digmaan laban kay Faraon Nechao ng Egipto (2 Hari 23:29–30). Sa Ikalawang Pagparito ng Panginoon, isang malaki at huling labanan ang magaganap sa Lambak ng Jezreel bilang bahagi ng digmaan ng Armagedon (Joel 3:14; Apoc. 16:16; 19:11–21). Ang pangalang Armagedon ay isang salitang Griyego na hango sa Hebreong Har Megiddon, o Bundok ng Megiddo.

  4. Jezreel Ang pangalan ng isang lunsod sa pinakamalaki at pinakamayabong na lambak ng Israel na may gayon ding pangalan. Ang mga hari ng Hilagang Kaharian ay nagtayo rito ng isang palasyo (2 Sam. 2:8–9; 1 Hari 21:1–2). Dito nanirahan at namatay ang masamang si Reyna Jezabel (1 Hari 21; 2 Hari 9:30).

  5. Beth-san Dito hinarap ng Israel ang mga Cananeo (Jos. 17:12–16). Ibinitin ang katawan ni Saul sa mga pader ng kutang ito (1 Sam. 31:10–13).

  6. Dotan Ipinagbili si Jose ng kanyang mga kapatid bilang isang alipin (Gen. 37:17, 28; 45:4). Nakakita si Eliseo ng isang pangitain ng bundok na puno ng mga kabayo at karo (2 Hari 6:12–17).

  7. Samaria Ang kabisera ng Hilagang Kaharian (1 Hari 16:24–29). Nagtayo s1 Haring Achab ng isang templo para kay Baal (1 Hari 16:32–33). Sina Elijah at Eliseo ay nagministeryo (1 Hari 18:2; 2 Hari 6:19–20). Noong 721 B.C. ito ay nasakop ng mga taga-Asiria, na bumuo sa pagkakabihag sa 10 lipi (2 Hari 18:9–10).

  8. Sichem Nagtayo ng dambana si Abraham (Gen. 12:6–7). Nanirahan si Jacob sa malapit dito. Pinagpapatay nina Simeon at Levi ang lahat ng kalalakihan sa lunsod na ito (Gen. 34:25). Ang panghihikayat ni Josue na “piliin…sa araw na ito” na paglingkuran ang Diyos ay naganap sa Sichem (Jos. 24:15). Dito itinayo ni Jeroboam ang unang kabisera ng Hilagang Kaharian (1 Hari 12).

  9. Bundok ng Ebal at Bundok ng Gerizim Hinati ni Josue ang Israel sa dalawang bundok na ito—ang mga pagpapala ng batas ay ipinahayag mula sa Bundok ng Gerizim, samantalang ang mga sumpa ay mula sa Bundok ng Ebal (Jos. 8:33). Di naglaon nagtayo ang mga Samaritano ng templo sa Gerizim (2 Hari 17:32–33).

  10. Penuel (Peniel) Dito buong magdamag na nakipagbuno si Jacob sa isang mensahero ng Panginoon (Gen. 32:24–32). Winasak ni Gideon ang isang muog ng mga Midianita (Huk. 8:5, 8–9).

  11. Joppe Naglayag si Jonas mula rito patungong Tarsis upang iwasan ang kanyang misyon sa Ninive (Jonas 1:1–3).

  12. Silo Noong kapanahunan ng mga Hukom, ang kabisera ng Israel at ang tabernakulo ay dito matatagpuan (1 Sam. 4:3–4).

  13. Betel (Luz) Dito humiwalay si Abraham kay Lot (Gen. 13:1–11) at nagkaroon ng pangitain (Gen. 13; Abr. 2:19–20). Nagkaroon si Jacob ng pangitain tungkol sa isang hagdan na umaabot sa langit (Gen. 28:10–22). Ilang panahon ding nanatili ang tabernakulo rito (Huk. 20:26–28). Si Jeroboam ay gumawa ng isang ginintuang guya upang sambahin ng Hilagang Kaharian (1 Hari 12:26–33).

  14. Gabaon Ang mga taong Heveo na tagarito ay nadaya si Josue sa isang kasunduan (Jos. 9). Tumigil ang araw samantalang nanalo si Josue sa digmaan (Jos. 10:2–13). Ito rin ay isang pansamantalang lugar ng tabernakulo (1 Cron. 16:39).

  15. Gaza, Asdod, Ashkelon, Ecron, Gath (ang limang lunsod ng mga Filisteo) Sa mga lunsod na ito kadalasang nakikidigma ang mga Filisteo sa Israel.

  16. Betlehem Si Raquel ay inilibing sa malapit dito (Gen. 35:19). Sina Ruth at Boaz ay nanirahan dito (Ruth 1:1–2; 2:1, 4). Ito ay tinawag na lunsod ni David (Lucas 2:4).

  17. Hebron Sina Abraham (Gen. 13:18), Isaac, Jacob (Gen. 35:27), David (2 Sam. 2:1–4), at Absalom (2 Sam. 15:10) ay nanirahan dito. Ito ang unang kabisera ng Juda sa ilalim n1 Haring David (2 Sam. 2:11). Pinaniniwalaan na sina Abraham, Sara, Isaac, Rebeca, Jacob, at Lea ay inilibing dito sa yungib ng Macpela (Gen. 23:17–20; 49:31, 33).

  18. En-gedi Pinagtaguan ni David si Saul at iniligtas ang buhay ni Saul (1 Sam. 23:29; 24:1–22).

  19. Gerar Ilang panahon ding nanirahan dito sina Abraham at Isaac (Gen. 20–22; 26).

  20. Beer-sheba Humukay rito ng isang balon si Abraham at nakipagtipan kay Abimelech (Gen. 21:31). Nakita ni Isaac ang Panginoon (Gen. 26:17, 23–24), at dito nanirahan si Jacob (Gen. 35:10; 46:1).

  21. Sodoma at Gomorra Pinili ni Lot na manirahan sa Sodoma (Gen. 13:11–12; 14:12). Winasak ng Diyos ang Sodoma at Gomorra dahil sa kasamaan (Gen. 19:24–26). Di naglaon ginamit ni Jesus ang mga lunsod na ito bilang mga sagisag ng kasamaan (Mat. 10:15).