Mga Tulong sa Pag-aaral
Mga Larawan ng mga Pook sa mga Banal na Kasulatan


Mga Larawan ng mga Pook sa mga Banal na Kasulatan

Ang mga larawang ito ng mahahalagang pook ay halimbawa ng mga lupain kung saan lumakad si Jesus, kung saan ang mga propeta sa Biblia ay nanirahan at nagturo, at kung saan naganap ang marami sa mga pangyayari sa mga banal na kasulatan. Upang matulungan kayong magamit nang mas mabuti ang mga larawan sa inyong pag-aaral, ang bawat larawan ay nilakipan ng maikling paglalarawan. Ang bilang at pamagat ng maikling paglalarawan at ang bilang at pamagat ng larawan ay magkatulad. Ipinaliliwanag ng unang talata na kasunod ng pamagat ng paglalarawan ang tagpo na nasa larawan, kabilang ang mahahalagang bagay na mamamasdan at kadalasan kung saang dako nakaharap ang kumukuha ng larawan. Pagkatapos, ang mahahalagang pangyayari sa pook na iyon na nakasaad sa mga banal na kasulatan ay natatala, lakip ang mga sanggunian sa mga banal na kasulatan nang sa gayon ay malaman ninyo kung saan pa ninyo mababasa ang tungkol sa mga pangyayaring iyon.