Mga Tulong sa Pag-aaral
8. Jerusalem


8. Jerusalem

Tumatanaw pahilaga. Sa gitna ng larawan ay ang dambana ng Muslim na may gintong bubungan na tinatawag na Bobida ng Bato. Noong sinaunang panahon ang mga Judio ay sumasamba sa mga templong matatagpuan dito. Ang mga muog na malapit sa Bobida ng Bato ang pumapalibot sa lumang lunsod ng Jerusalem. Nasa gawing kanan ng muog ang Lambak ng Cedron. Sa malayong dako sa gawing kanan ang Bundok ng mga Olibo. Sa may hilaga, sa kabila ng Bobida ng Bato, ay ang posibleng pook ng Golgota, o Calvario.

Mahahalagang Pangyayari: Ang Jerusalem ay tinawag na Salem noong una (Awit 76:2). Si Abraham ay nagbayad ng ikapu kay Melquisedec (Gen. 14:18–20). Tinungo ito ni Abraham upang ihain si Isaac (Gen. 22:2–14). Nasakop n1 Haring David ang Jerusalem mula sa mga Jebuseo (2 Sam. 5:4–9). Nagtayo s1 Haring Solomon ng isang templo (1 Hari 6–7). Nilisan ni Lehi upang magtungo sa isang lupang pangako (1 Ne. 1:4; 2). Ang Tagapagligtas ay nagministeryo, nagbayad-sala para sa mga kasalanan, at nabuhay na mag-uli (Mat. 21–28). Gaya ng iprinopesiya ng Tagapagligtas, nawasak agad ang Jerusalem matapos ang kanyang kamatayan (JS—M 1:3–20). Ang Jerusalem ay sasalakayin sa mga huling araw (Ez. 38–39; Joel 2–3; Apoc. 11; 16). Ang Tagapagligtas ay magpapakita rito bago ang Ikalawang Pagparito (Zac. 12–14; D at T 45:48–53). (Tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Jerusalem,” “Salem.”)

Larawan
Larawan 8

8. Jerusalem Ang lunsod na ito ay itinuturing na banal ng tatlong relihiyon—Cristianismo, Judaismo, at Islam.