“Pagsasaulo ng mga Scripture Passage,” Mga Kasanayan sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan (2024)
Pagsasaulo ng mga Scripture Passage
Ipaliwanag
Ang ibig sabihin ng magsaulo ay matutuhan ang isang bagay nang buong puso o tandaan ito. Itinuro ni Elder Richard G. Scott ang tungkol sa kapangyarihang nagmumula sa pagsasaulo ng mga scripture passage. Ipakita ang sumusunod na sipi at basahin ito nang sabay-sabay:
Malaking tulong ang nagagawa ng pagsasaulo ng mga banal na kasulatan. Ang pagsasaulo ng isang talata ay pagbubuo ng [bagong] pagkakaibigan. Ito’y parang pagkakaroon ng bagong kakilala na makatutulong sa oras ng pangangailangan, makapagbibigay ng inspirasyon at kapanatagan, at pagmumulan ng panghihikayat para sa kinakailangang pagbabago. (Richard G. Scott, “Ang Bisa ng Banal na Kasulatan,” Liahona, Nob. 2011, 6)
Ang pagsasaulo ng mga scripture passage ay makatutulong sa atin na mas mapalapit sa Tagapagligtas. Ang pagsasaulo ay magpapala rin sa atin sa pamamagitan ng:
-
Pagtulong sa atin na mas maunawaan ang passage.
-
Pagbibigay sa atin ng tulong, inspirasyon, kapanatagan, at motibasyon.
-
Pagdaragdag ng kapangyarihan sa mga salitang ginagamit natin sa pagtuturo sa iba (tingnan sa Jared R. Moon, “Why Memorize Scriptures?,” New Era, Set. 2014, 17).
Ipakita
Gamitin ang isang scripture passage mula sa lesson na kasalukuyan mong pinag-aaralan o ang Doktrina at mga Tipan 6:36 para maipakita ang ilan sa mga paraan sa pagsasaulo sa ibaba:
-
Basahin ang mga salita nang ilang beses sa isang hilera, at pagkatapos ay takpan ang mga salita at ulitin ang mga ito nang hindi tumitingin.
-
Isulat nang mahigit sa isang beses ang mga salita habang binabasa ang talata, at pagkatapos ay isulat ang passage nang hindi tumitingin sa talata.
-
Isulat ang mga unang letra ng bawat salita sa talata—tulad ng I a s b p; h m, h m—at pagkatapos ay gamitin ang mga letrang iyon para gabayan ka habang binibigkas mo ang talata.
-
Magdrowing ng mga simpleng larawan para matulungan kang maisaulo ang passage. Halimbawa, maaari mong isulat ang:
Kayo ang
ng
.
Isipin ang iba pang malikhaing paraan, tulad ng paglalarawan sa isang talata sa banal na kasulatan gamit lamang ang mga emoji na makukuha sa electronic device.
Magpraktis
Gamitin ang isang scripture passage mula sa iyong kasalukuyang lesson o ang pinili ng mga estudyante (o maaari mong gamitin ang isa sa mga talata ng banal na kasulatan na nakalista sa ibaba). Sabihin sa mga estudyante na magpraktis na isaulo ito nang mag-isa, nang may kapartner, o sa maliliit na grupo. Sabihin sa kanila na subukan ang kahit ilang paraan sa pagsasaulo.
Mga karagdagang passage para sa pagpapraktis:
-
1 Samuel 2:2
-
Roma 15:4
Pagkatapos ng sapat na oras, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na ibahagi sa klase ang mga scripture passage na pinili nila (kung pumili sila ng iba) at ang mga paraan sa pagsasaulo na sinubukan nila. Maaari nilang talakayin kung anong mga paraan ang nakita nila na lubos na nakatulong.
Mag-anyaya at Mag-Follow Up
Hikayatin ang mga estudyante na magsaulo ng makabuluhang mga scripture passage sa kanilang personal na pag-aaral sa linggong ito. Ang mga passage na ito ay maaaring isang talata o maraming talata. Maaari silang pumili ng isang passage na gusto nilang isaulo at maglagay ng kopya nito sa dingding ng kuwarto, salamin sa banyo, background ng device, o katulad na lugar. Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa susunod na klase na handang magbahagi ng mga paraan sa pagsasaulo na nagustuhan nila at ang mga saloobin at natutuhan nila tungkol sa pagsasaulo ng mga banal na kasulatan. Maglaan ng oras sa buong linggo na mag-follow-up sa mga estudyante.