“25. Pagbubuklod ng mga Pamilya para sa Kawalang-Hanggan sa pamamagitan ng Gawain sa Templo at Family History,” Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (2025).
“25. Pagbubuklod ng mga Pamilya para sa Kawalang-Hanggan sa pamamagitan ng Gawain sa Templo at Family History,” Pangkalahatang Hanbuk.
25.
Pagbubuklod ng mga Pamilya para sa Kawalang-Hanggan sa pamamagitan ng Gawain sa Templo at Family History
25.0
Pambungad
Ang templo ang bahay ng Panginoon. Ang mga ordenansa at tipan sa templo ay nagpapala sa mga anak ng Ama sa Langit. Inaanyayahan ng Ama sa Langit ang lahat ng Kanyang anak na maging marapat sa at tanggapin ang mga ordenansa sa templo.
Ang pagbubuklod ng mga pamilya sa walang-hanggan ay bahagi ng gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos (tingnan sa 1.2). Ang gawain sa templo at family history ay ang paraan para mabuklod ang mga pamilya sa walang-hanggan (tingnan sa Mateo 16:19). Kabilang sa gawaing ito ang:
-
Paggawa ng mga tipan kapag tinanggap natin ang sarili nating mga ordenansa sa templo (tingnan sa Isaias 55:3; Doktrina at mga Tipan 84:19–23).
-
Pagtuklas sa ating mga yumaong ninuno at pagsasagawa ng mga ordenansa para sa kanila sa templo upang makagawa sila ng mga tipan sa Diyos (tingnan sa Malakias 4:5–6; 1 Corinto 15:29; Doktrina at mga Tipan 128:15–18).
-
Regular na pagpunta sa bahay ng Panginoon, kung saan posible, upang sumamba sa Diyos at magsagawa ng mga ordenansa para sa ating mga ninuno (tingnan sa Lucas 24:52–53; Doktrina at mga Tipan 109:13–14).
Ang pakikibahagi sa gawaing ito ay naghahatid ng mga dakilang pagpapala. Sa paggawa at pagtupad ng mga miyembro ng mga sagradong tipan, maaari nilang matanggap ang kapangyarihan ng Diyos. Magkakaroon sila ng kagalakan sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon para sa kanilang mga ninuno.
Ginagabayan ng kabanatang ito ang mga lider at miyembro ng Simbahan kung paano makikibahagi sa pagbubuklod ng mga pamilya para sa kawalang-hanggan sa pamamagitan ng gawain sa templo at family history. Ang karagdagang impormasyon ay makukuha sa “Mga Templo,” “Proxy Baptism,” at “Family History” (Mga Paksa at Mga Tanong, Gospel Library).
25.1
Pakikilahok ng mga Miyembro at mga Lider sa Pagbubuklod ng mga Pamilya para sa Kawalang-Hanggan
Ang mga miyembro ng Simbahan ay may masayang pribilehiyo at responsibilidad na tumulong sa pagbubuklod ng kanilang mga pamilya sa walang-hanggan. Inihahanda nila ang kanilang sarili na gumawa ng mga tipan kapag tinanggap nila ang mga ordenansa sa templo. Sinisikap nilang tuparin ang mga tipang iyon.
Tinutulungan din nila ang kanilang mga kapamilya na maunawaan, matanggap, at sikaping tuparin ang mga tipan sa templo. Ang mga magulang ang may pangunahing responsibilidad sa pagtulong sa kanilang mga anak na maranasan ang kagalakan at mga pagpapalang nagmumula sa paggawa ng mga tipan para sa kanilang sarili at sa pagsasagawa ng mga ordenansa para sa mga yumaong kamag-anak (tingnan sa 2.1.3).
Hinihikayat ang mga miyembro ng Simbahan na kilalanin ang kanilang mga yumaong kamag-anak na hindi pa nakatanggap ng mga ordenansa sa templo. Pagkatapos ay isinasagawa ng mga miyembro ang mga ordenansa para sa mga kamag-anak na iyon (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 128:18). Sa daigdig ng mga espiritu, maaaring piliin ng mga indibiduwal na tanggapin o tanggihan ang mga ordenansang isinagawa para sa kanila.
Hinihikayat din ang mga miyembro na tuklasin ang mga kuwento ng kanilang mga ninuno, na maaaring magpayaman sa kanilang karanasan sa pagsasagawa ng mga ordenansa para sa kanilang mga ninuno. Hinihikayat ng mga miyembro ang iba na gawin din ito.
Maraming tool ang magagamit para tulungan ang mga miyembro sa kanilang gawain sa templo at family history. Ang ilan sa mga ito ay inilarawan sa 25.4.1 at 25.4.2.
25.1.1
Indibiduwal na Responsibilidad sa Pagsamba sa Templo
Ang mga miyembro ang magpapasiya para sa kanilang sarili kung kailan at kung gaano kadalas sila sasamba sa templo. Ang mga lider ay hindi nagtatatag ng mga quota o sistema ng pag-uulat para sa pagsamba sa templo.
Ang bawat miyembro at pamilya na mayroong current temple recommend ay maaaring dumalo sa kahit anong templo na nais nila. Maaari silang mag-iskedyul ng appointment sa templo. Tingnan ang temples.ChurchofJesusChrist.org para sa contact information ng bawat templo.
25.1.2
Mga Ward at Stake Temple Trip
Ang bawat unit ng Simbahan ay bahagi ng isang temple district. Hindi hinihikayat na mag-organisa ang mga ward at stake ng pagbista sa mga templo sa labas ng kanilang itinalagang temple district.
Lahat ng ward at stake temple trip ay dapat i-iskedyul sa templo. Tingnan ang temples.ChurchofJesusChrist.org para sa contact information ng bawat templo.
25.2
Mga Lider ng Ward
25.2.1
Bishopric
Nakikipagtulungan ang bishopric sa elders quorum presidency at Relief Society presidency na pamunuan ang gawain sa templo at family history sa ward, na tumutulong sa pagbubuklod ng mga pamilya para sa kawalang-hanggan. Regular na nagsasanggunian ang mga lider na ito.
Ang bishopric ay mayroon ding sumusunod na karagdagang responsibilidad:
-
Rebyuhin at aprubahan ang ward temple and family history plan (tingnan sa 25.2.6).
-
Tiyakin na ang mga pagsisikap ng ward sa templo at family history ay tinatalakay at binibigyang-pansin sa mga ward council meeting at ward youth council meeting.
-
Pamahalaan ang pag-organisa ng mga temple preparation course (tingnan sa 25.2.8).
-
Magbigay ng mga temple recommend (tingnan sa kabanata 26).
Ang bishopric ay sumasangguni sa stake president upang matukoy kung tatawag ba ng isang ward temple and family history leader (tingnan ang 25.2.3 para sa karagdagang impormasyon).
25.2.2
Elders Quorum Presidency at Relief Society Presidency
Ang elders quorum presidency at Relief Society presidency ang namumuno sa pang-araw-araw na mga pagsisikap sa templo at family history, na tumutulong sa pagbubuklod ng mga pamilya para sa kawalang-hanggan (tingnan sa 8.2.4 at 9.2.4). Pinamumunuan ng elders quorum presidency ang mga pagsisikap na ito para sa mga miyembro ng elders quorum. Pinamumunuan ng Relief Society presidency ang mga pagsisikap ng mga miyembro ng Relief Society. Sila ay nagtutulungan na pamunuan ang mga pagsisikap na ito kasama ang ward council, sa pakikipagtulungan sa bishop.
Ang mga lider na ito ay may sumusunod na mga responsibilidad:
-
Tulungan ang ward council sa pagbuo at pagpapatupad ng ward temple and family history plan (tingnan sa 25.2.6).
-
Hilingin sa isang ward temple and family history consultant na tulungan ang partikular na mga miyembro na mahanap at maihanda ang mga pangalan ng kanilang mga yumaong kamag-anak para sa mga ordenansa sa templo (tingnan sa 25.4.1). Ang mga pagsisikap na ito ay partikular na nakatuon sa mga tumanggap kamakailan ng tawag sa misyon at sa mga hindi pa nakatanggap ng endowment.
-
Tiyakin na ang mga pagsisikap sa templo at family history ay pinaplano at tinatalakay sa mga ward council meeting at mga ward temple and family history coordination meeting.
-
Pamunuan ang gawain ng ward temple and family history leader. Kung walang tinawag na ward temple and family history leader, isang miyembro ng elders quorum presidency ang gaganap sa tungkuling ito (tingnan sa 25.2.3).
-
Kung angkop, atasan ang mga ward temple and family history consultant na maglingkod sa FamilySearch center (tingnan sa 25.3.6).
Inaatasan ng elders quorum president at Relief Society president ang isa sa kanilang mga counselor na tumulong na pamunuan ang gawain sa templo at family history sa ward. Nagtutulungan ang dalawang miyembrong ito ng presidency. Tinitiyak nila na nakapagdaraos ng mga ward temple and family history coordination meeting (tingnan sa 25.2.7).
25.2.3
Ward Temple and Family History Leader
Sumasangguni ang bishopric sa stake president para matukoy kung tatawag sila o hindi ng ward temple and family history leader. Kung napagpasiyahan nila na tumawag ng ward temple and family history leader, sasangguni ang bishop sa elders quorum president at Relief Society president para matukoy kung sino ang tatawagin. Ang taong ito ay dapat mayhawak ng Melchizedek Priesthood. Kung walang tinawag na ward temple and family history leader, isang miyembro ng elders quorum presidency ang gaganap sa tungkuling ito.
Sinusuportahan ng ward temple and family history leader ang elders quorum presidency at Relief Society presidency sa kanilang mga responsibilidad sa gawain sa templo at family history. Responsibilidad din niya ang mga sumusunod:
-
Makipagtulungan sa mga lider ng mga organisasyon sa ward, kabilang na ang mga youth quorum presidency at youth class presidency, sa pag-organisa ng mga pagsisikap sa gawain sa templo at family history.
-
Pagdaos ng mga ward temple and family history coordination meeting (tingnan sa 25.2.7).
-
Dumalo sa mga ward council meeting kapag inanyayahan.
-
Tulungan ang ward council sa pagbuo at pagpapatupad ng ward temple and family history plan (tingnan sa 25.2.6).
-
Turuan ang mga ward temple and family history consultant. I-organisa ang kanilang mga pagsisikap na maghanap ng pangalan ng mga ninuno at magsagawa ng mga ordenansa sa templo para sa kanila.
-
Makipagtulungan sa ward mission leader at mga missionary para tulungan ang mga nag-aaral ng ebanghelyo, mga bagong miyembro, at mga nagbabalik na miyembro na makibahagi sa gawain sa templo at family history (tingnan sa 23.2 at 23.3).
25.2.4
Mga Ward Temple and Family History Consultant
Ang mga ward temple and family history consultant ay naglilingkod sa ilalim ng pamamahala ng ward temple and family history leader. Ang bishopric ang tumatawag sa mga miyembrong ito na maglingkod. Maaaring tawaging maglingkod ang mga adult at mga kabataan. Ang elders quorum president, Relief Society president, at Young Women president ay maaaring magmungkahi kung sino ang maaaring maglingkod.
Tinuturuan ng mga consultant ang iba sa simpleng paraan kung paano makikibahagi sa gawain sa templo at family history, na nagbubuklod ng mga pamilya para sa kawalang-hanggan. Pinagtutuunan nila ng pansin ang mga kabataan, mga bago at nagbabalik-loob na mga miyembro, at ang mga hindi pa nakatanggap ng endowment. Ang mga consultant ay may sumusunod na mga responsibilidad:
-
Tulungan ang mga miyembro na maghandang tumanggap ng mga ordenansa sa templo at gumawa ng mga tipan sa templo.
-
Tulungan ang mga miyembro na maranasan ang mga pagpapala ng pagtuklas sa kanilang mga ninuno at pagsasagawa ng mga ordenansa sa templo para sa kanila.
-
Makibahagi sa mga temple and family history coordination meeting (tingnan sa 25.2.7).
-
Maglingkod sa isang lokal na FamilySearch center kapag inatasan (tingnan sa 25.3.6).
Ang resources na makatutulong sa mga temple and family history consultant ay nakalista sa 25.4.1 at 25.4.2.
25.2.5
Ward Council
Ang mga miyembro ng ward council ay mapanalanging gumagawa at nagpapatupad ng isang ward temple and family history plan. Para sa impormasyon tungkol sa planong ito, tingnan ang 25.2.6.
Maaaring anyayahan ng bishop ang ward temple and family history leader na dumalo sa mga ward council meeting.
Ang mga miyembro ng ward council ay may sumusunod na mga responsibilidad:
-
Tulungan ang bawat miyembro na maghandang gumawa ng mga tipan sa Diyos sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga ordenansa sa templo (tingnan sa 27.1).
-
Hikayatin ang lahat ng kabataan at adult na miyembro, pati na ang mga bagong miyembro, na magkaroon ng aktibong temple recommend (tingnan sa 26.0).
-
Hikayatin ang mga miyembro na sumamba sa bahay ng Panginoon hangga’t kaya nila.
-
Anyayahan ang mga indibiduwal at pamilya na alamin ang doktrina at mga pagpapala ng pakikibahagi sa gawain ng pagbubuklod ng mga pamilya para sa kawalang-hanggan. Kabilang sa gawaing ito ang pag-alam tungkol sa ating mga ninuno at pagsasagawa ng mga ordenansa sa templo para sa kanila.
-
Suportahan ang mga magulang sa pagtuturo sa kanilang mga anak ng doktrina ng gawain ng pagbubuklod ng mga pamilya para sa kawalang-hanggan. Kabilang dito ang mga pagpapala ng mga tipan at ordenansa sa templo at pagsasagawa ng mga ordenansa sa templo para sa kanilang mga yumaong ninuno.
-
Regular na ituro ang mga alituntunin ng gawaing ito sa mga miting ng Simbahan.
Tingnan ang kabanata 26 para sa impormasyon tungkol sa mga temple recommend.
25.2.6
Ward Temple and Family History Plan
Bawat ward ay dapat magkaroon ng isang simpleng temple and family history plan. Ang planong ito ay tumutulong sa mga miyembro ng ward, kabilang na ang mga bata at kabataan, na maghanda na sumamba sa bahay ng Panginoon at makibahagi sa gawain sa templo at family history hangga’t maaari.
Tinutulungan ng elders quorum president at Relief Society president ang ward council na buuin ang plano. Tumutulong din ang ward temple and family history leader. Sa pagbuo ng plano:
-
Mapanalanging isaalang-alang ang mga pangangailangan ng mga miyembro at ang resources na magagamit.
-
Tinutukoy nila ang mga hakbang na gagawin sa buong taon.
-
Tutukuyin nila kung paano ipatutupad ang plano at magbibigay ng mga takdang-gawain ayon dito.
Nakalista sa ibaba ang mga halimbawa ng maaaring maging bahagi ng plano:
-
Tulungan ang partikular na mga miyembro na maunawaan ang mga pagpapala ng pagsamba sa bahay ng Panginoon.
-
Tulungan ang mga miyembro na maghandang tanggapin ang mga pagpapalang nagmumula sa mga ordenansa sa templo.
-
Tulungan ang mga miyembro na gamitin ang Mga Ordenansang Handa nang Isagawa para madala ang pangalan ng isang ninuno sa templo (tingnan sa 25.4.1).
-
Tulungan ang mga miyembro na gamitin ang FamilySearch website o app para idagdag ang nalalaman nila tungkol sa mga yumaong kamag-anak na nangangailangan ng mga ordenansa (tingnan sa 25.4.1).
-
Isali sa gawain sa templo at family history ang mga bago at nagbabalik na miyembro, mga kabataan, at mga bata. Ang Family Name Assist ay isang simpleng paraan para matulungan ng mga lider ang mga miyembrong ito na maghanda ng mga pangalan ng mga kapamilya na tatanggap ng mga ordenansa (tingnan sa 25.4.1).
-
Tulungan ang mga bata sa Primary na maghandang tumanggap ng temple recommend at regular na sumamba sa bahay ng Panginoon hangga’t maaari. Ang Primary presidency ay dapat magdaos ng Temple and Priesthood Preparation Meeting bawat taon (tingnan sa 12.1.7 at 12.2.4).
Ang ward temple and family history plan ay hindi dapat magtatag ng mga quota o sistema sa pag-uulat para sa pagsamba sa templo (tingnan sa 25.1.1).
Nirerebyu at inaaprubahan ng bishop ang planong ito. Pinangungunahan ng mga miyembro ng ward council ang pagpapatupad sa planong ito. Inirereport nila sa mga ward council meeting ang mga nagawa nila. Ina-update din nila ang plano kung kinakailangan.
25.2.7
Mga Ward Temple and Family History Coordination Meeting
Regular na nagdaraos ng mga maiikli at di-pormal na ward temple and family history coordination meeting. Ang ward temple and family history leader ang nangangasiwa sa mga miting na ito.
Kabilang sa iba pang inaanyayahang dumalo ang:
-
Mga inatasang miyembro ng Relief Society presidency, elders quorum presidency, at Primary presidency.
-
Isang assistant sa priests quorum (o ang teachers o deacons quorum president kung walang mga priest sa ward).
-
Isang miyembro ng presidency ng pinakamatandang Young Women class.
-
Mga temple and family history consultant.
Lahat ng dumadalo, kabilang ang mga kabataan, ay nagsasanggunian bilang magkakapantay na kalahok. Ang mga miting na ito ay nakatuon sa mga pangangailangan ng mga indibiduwal at kung paano sila mapagpapala kapag nakibahagi sila sa gawain sa templo at family history. Pinagtutuunan nila ng pansin ang mga kabataan, mga bago at nagbabalik-loob na mga miyembro, at ang mga hindi pa nakatanggap ng endowment. Karaniwang tinatalakay sa mga miting na ito ang sumusunod na mga paksa:
-
Paano ipatupad ang ward temple and family history plan (tingnan sa 25.2.6).
-
Paano tutulungan ang partikular na mga miyembro ng ward na maghandang tanggapin ang kanilang mga ordenansa sa templo.
-
Paano tutulungan ang partikular na mga miyembro ng ward sa kanilang mga pagsisikap sa templo at family history.
Ang mga miting na ito ay maaaring idaos nang personal o online. Ang pakikipag-ugnayan ay maaari ding gawin sa iba pang paraan, tulad ng pagtawag sa telepono o group text.
Sikaping sundin ang mga alituntunin ng pagkilos at pananagutan sa 4.4.5. Maaaring atasan ang isang tao sa meeting na itala at ipaalala sa grupo ang mga nakaplanong gagawin.
Maaaring piliin ng maliliit na branch na gawin ang kanilang temple and family history coordination sa branch council.
25.2.8
Temple Preparation Course
Sa ilalim ng pamamahala ng bishop, maaaring mag-organisa ng isang temple preparation course para tulungan ang mga miyembro na maghandang gumawa at tumupad ng mga tipan kapag tinanggap nila ang mga ordenansa sa templo. Ang mga kursong ito ay idinaraos sa labas ng regular na mga miting sa araw ng Linggo sa oras na pwede ang mga miyembro. Maaaring idaos ang mga ito sa meetinghouse o sa isang tahanan.
Mapanalanging pinipili ng mga miyembro ng ward council ang mga miyembro na aanyayahang makilahok sa bawat kurso. Ang mga kursong ito ay maaaring lalong makatulong sa mga sumusunod na tao:
-
Mga bagong miyembro
-
Mga miyembrong naghahandang tumanggap ng sarili nilang endowment o mabuklod
-
Mga miyembrong nagbabalik sa pagiging aktibo sa Simbahan
-
Mga miyembrong tumanggap na ng endowment noon pero hindi napanibago ang kanilang mga temple recommend sa loob ng mahabang panahon
Ang bishopric ay tumatawag ng isa o mahigit pang mga temple preparation instructor. Ang mga aralin at mga tagubilin sa pag-oorganisa ng kursong ito ay matatagpuan sa Pinagkalooban Mula sa Kaitaasan: Seminar sa Paghahanda sa Pagpasok sa Templo Manwal ng Guro. Ang mga kalahok ay binibigyan ng mga kopya ng Paghahanda sa Pagpasok sa Banal na Templo. Para sa mga sanggunian sa personal na pag-aaral at aralin sa klase, tingnan ang temples.ChurchofJesusChrist.org.
25.3
Mga Lider ng Stake
25.3.1
Stake Presidency
Taglay ng stake president ang mga susi para sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos sa stake. Sila ng kanyang mga counselor ay may sumusunod na mga responsibilidad sa pagtulong sa mga pamilya na mabuklod para sa kawalang-hanggan:
-
Tulungan ang mga miyembro na maghandang gumawa ng mga sagradong tipan kapag tinanggap nila ang mga ordenansa sa templo (tingnan sa 27.1).
-
Hikayatin ang lahat ng miyembro, lalo na ang mga single na kababaihan at kalalakihan at ang mga hindi pa nakatanggap ng endowment, na magkaroon ng aktibong recommend at sumamba sa bahay ng Panginoon hangga’t maaari.
-
Tiyakin na ang doktrina at mga pagpapala ng pagbubuklod ng mga pamilya para sa kawalang-hanggan (tulad ng inilarawan sa 1.2.4) ay regular na itinuturo sa mga miting ng stake.
-
Hikayatin ang mga miyembro na alamin ang tungkol sa kanilang mga ninuno at isagawa ang mga ordenansa sa templo para sa kanila.
-
Magsagawa ng mga interbyu para sa temple recommend (tingnan sa kabanata 26).
Sa kanyang regular na pakikipagpulong sa bawat elders quorum president, tinatalakay ng isang miyembro ng stake presidency ang mga pagsisikap ng ward na ibuklod ang mga pamilya para sa kawalang-hanggan sa pamamagitan ng gawain sa templo at family history (tingnan sa 8.3.1). Ang mga counselor sa elders quorum presidency at ang high councilor na inatasan sa korum ay maaaring dumalo.
25.3.2
Stake Adult Leadership Committee
Kabilang sa stake adult leadership committee ang:
-
Stake presidency.
-
Stake Relief Society presidency.
-
Mga high councilor na inatasang makipagtulungan sa mga elders quorum.
Tinuturuan at sinusuportahan ng mga lider na ito ang mga elders quorum presidency at mga Relief Society presidency sa kanilang mga responsibilidad sa mga pagsisikap sa templo at family history (tingnan sa 25.2.2). Ang pagtuturo na ito ay maaaring gawin bilang grupo o nang personal. Maaaring anyayahan ang mga ward temple and family history leader para maturuan din sila.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga miting ng komiteng ito, tingnan ang 29.3.8.
25.3.3
Mga High Councilor
Maaaring atasan ng stake presidency ang mga high councilor na turuan at suportahan ang sumusunod na mga tao sa kanilang mga pagsisikap na mabuklod ang mga pamilya sa kawalang-hanggan sa pamamagitan ng gawain sa templo at family history:
-
Mga elders quorum presidency
-
Mga ward temple and family history leader
-
Mga stake temple and family history consultant
-
Mga FamilySearch center coordinator
Maaaring mag-atas ng isa o higit pang mga high councilor para pamunuan ang mga pagsisikap na ito. Gayunman, lahat ng mga high councilor ay mayroong ganitong mga responsibilidad para sa mga ward at korum na nakaatas sa kanila.
Maaaring tulungan ng mga high councilor ang mga elders quorum presidency at ward temple and family history leader na turuan ang mga ward temple and family history consultant. Ang mga high councilor ay maaaring tulungan ng mga stake temple and family history consultant.
Maaaring atasan ng stake presidency ang isang high councilor para iorganisa ang mga pagsisikap ng stake para sa mga volunteer sa family history (tingnan sa 25.4.3). Siya o isa pang high councilor ay maaaring atasan na pamahalaan ang gawain sa mga FamilySearch center (tingnan sa 25.3.6).
25.3.4
Stake Relief Society Presidency
Sa ilalim ng pamamahala ng stake president, tinuturuan at sinusuportahan ng stake Relief Society presidency ang mga ward Relief Society presidency sa kanilang mga responsibilidad sa mga pagsisikap sa templo at family history (tingnan sa 9.2.4).
25.3.5
Mga Stake Temple and Family History Consultant
Sinusuportahan ng mga stake temple and family history consultant ang mga pagsisikap sa templo at family history sa buong stake. Naglilingkod sila sa ilalim ng pamamahala ng stake presidency at ng isa o higit pang mga high councilor na naatasan sa mga pagsisikap sa templo at family history.
Sinusuportahan ng mga consultant na ito ang mga high councilor at stake Relief Society presidency sa kanilang mga pagsisikap na turuan ang mga lider ng ward tungkol sa mga pagsisikap sa templo at family history (tingnan sa 25.3.3 at 25.3.4). Maaari din silang bigyan ng sumusunod na mga responsibilidad:
25.3.6
Mga FamilySearch Center
Kung may mga resource, maaaring mag-organisa ang stake ng isa o higit pang mga FamilySearch center. Ang layunin ng mga center na ito ay tulungan ang mga bumibisita rito na tuklasin ang, mangalap ng impormasyon tungkol sa, at ibuklod ang mga buhay at yumaong mga kapamilya sa pamamagitan mga ordenansa sa templo. Bukas ang mga center na ito para gamitin ng lahat ng tao.
Ang stake president ay tumatawag ng isang FamilySearch center coordinator na siyang mamamahala sa mga pagsisikap sa bawat FamilySearch center. Bawat center ay karaniwang binabantayan ng mga naka-assign na stake at ward temple and family history consultant. Ang mga FamilySearch center ay dapat bukas sa mga praktikal na oras. Maaaring baguhin ng mga FamilySearch center na malapit sa templo ang kanilang mga iskedyul para umayon sa iskedyul ng lokal na templo.
Bilang eksepsyon, ang ilang malalaking FamilySearch center ay pinangangasiwaan ng mga Area Presidency.
25.3.7
FamilySearch Center Coordinator
Ang FamilySearch center coordinator ang nag-oorganisa ng pang-araw-araw na operasyon ng FamilySearch center. Naglilingkod siya sa ilalim ng pamamahala ng stake president o ng inatasang high councilor. Maaaring kabilang sa mga responsibilidad ang mga nakalista sa ibaba:
-
Tulungan ang mga miyembro na maghanda ng mga pangalan ng pamilya upang maisagawa nila ang mga ordenansa sa bahay ng Panginoon.
-
I-organisa ang mga aktibidad ng center na tutulong sa mga miyembro ng Simbahan at mga bisita mula sa komunidad na tuklasin ang kanilang mga ninuno.
-
Makipagtulungan sa (1) high councilor na inatasang suportahan ang gawain sa templo at family history at sa (2) stake technology specialist para matugunan ang mga pangangailangan sa pagpapatakbo ng center at mapanatili ang mga resource nito.
Ang FamilySearch Center Operations Guide ay nagbibigay ng gabay kung paano magpatakbo ng isang FamilySearch center.
25.3.8
Mga Area Temple and Family History Adviser
Ang mga Area Presidency ay maaaring tumawag ng mga area temple and family history adviser. Kung pahihintulutan ng kanilang sitwasyon, maaaring tumawag ng isang indibiduwal o isang mag-asawa para sa bawat coordinating council. Ang mga adviser ay karaniwang naglilingkod sa loob ng tatlo hanggang limang taon.
Ang indibiduwal o mag-asawa na area adviser ay maaaring atasang suportahan ang mga pagsisikap ng ibang mga area adviser na nakatalaga sa mga coordinating council sa area.
Maaaring atasan ng Area Presidency ang mga Area Seventy na iorganisa at pag-ugnayin ang gawain ng mga adviser na ito sa mga coordinating council. Ang gawain ng mga adviser ay dapat nakaayon sa mga bagay na pinagtutuunan ng area.
Ayon sa tagubilin ng Area Presidency o ng isang inatasang Area Seventy, tinutulungan ng mga adviser ang mga stake president na gampanan ang kanilang mga responsibilidad na tulungan ang mga pamilya na mabuklod para sa kawalang-hanggan sa pamamagitan ng gawain sa templo at family history (tingnan sa 25.3.1). Tinutulungan ng mga adviser ang mga stake president sa pagtuturo sa mga taong naglilingkod sa sumusunod na mga tungkulin tungkol sa kanilang mga responsibilidad:
-
Mga high councilor
-
Mga Stake Relief Society presidency
-
Mga Stake adult leadership committee
-
Mga stake temple and family history consultant
-
Mga FamilySearch center coordinator
Maaaring atasan ang mga adviser na tulungan ang mga stake presidency na ihanda ang mga miyembro para sa pagsamba sa mga bagong ibinalitang templo sa lugar. Maaaring kabilang sa iba pang mga responsibilidad ang pagtuturo sa mga lider ng stake tungkol sa mga alituntunin at mga ginagawa sa gawain sa templo at family history. Kabilang dito ang:
-
Paano tutulungan ang mga miyembro sa kanilang unang beses na pagsasagawa ng mga proxy na binyag at kumpirmasyon (tingnan sa 23.2).
-
Paano tutulungan ang mga miyembrong naghahanda na tumanggap ng kanilang sariling endowment o mabuklod (tingnan sa 25.2.8, 27.2, 27.3, at 27.4).
-
Paano iorganisa ang gawain sa templo at family history sa mga stake at ward (tingnan sa 25.2).
-
Paano susuportahan ang mga elders quorum presidency and Relief Society presidency sa kanilang mga responsibilidad (tingnan sa 25.2.2).
-
Paano mapagpapala ang mga bata at kabataan sa pakikibahagi sa gawaing ito (tingnan sa 10.2.4, 11.2.4, at 12.2.4).
-
Paano magdaos ng mabisang mga coordination meeting (tingnan sa 25.2.7).
-
Paano tutulungan ang mga lider ng ward na magtatag ng mabisang ward temple and family history plan (tingnan sa 25.2.6).
Para sa tagubilin na nauugnay sa gawaing ito, tingnan ang Temple and Family History Leadership Instruction.
25.4
Family History Resources
25.4.1
Mga Online Resource
Ang FamilySearch ay may mga resource para matulungan ang mga miyembro na matukoy at maihanda ang mga pangalan ng pamilya upang makabahagi sila sa mga ordenansa na para sa kanilang mga yumaong ninuno. Ang mga ordenansang ito ay nagbubuklod ng mga pamilya para sa kawalang-hanggan. Kabilang sa mga resource ng FamilySearch ang mga sumusunod:
-
FamilySearch.org. Ito ang website ng Simbahan para tulungan ang mga miyembro na hanapin at ihanda ang pangalan ng kanilang mga ninuno para sa mga ordenansa sa templo.
-
Family Tree app. Marami sa mga function ng FamilySearch website ang makukuha rin sa mobile app na ito.
-
Mga Ordenansang Handa nang Isagawa. Ang tool na ito ay ginagawang simple ang pagtanggap ng mga pangalan ng pamilya o iba pa na dadalhin sa templo. Makukuha ito sa FamilySearch.org at sa Family Tree app.
-
Family Name Assist. Ginagamit ng mga lider ang online tool na ito para tulungan ang mga bago at nagbabalik na miyembro, gayundin ang mga kabataan, para madaling maihanda at mai-print ang mga family name card para sa mga proxy na binyag at kumpirmasyon.
-
Memories app. Ang mobile app na ito ay tumutulong sa mga indibiduwal at pamilya na tuklasin, ibahagi, at ingatan ang mga kuwento at retrato ng kanilang mga ninuno.
Tingnan ang mga app ng FamilySearch para sa lahat ng magagamit na app.
25.4.2
Ang Aking Pamilya: Mga Kuwentong Nagbibigkis sa Atin
Ang buklet na Ang Aking Pamilya: Mga Kuwentong Nagbibigkis sa Atin ay tumutulong sa mga tao na tipunin at ingatan ang mga pangalan at kuwento ng pamilya. Ito ay makatutulong din sa mga miyembro na magsimulang maghanda ng mga pangalan ng pamilya para sa mga ordenansa sa templo.
Maaaring mag-order ng mga nakalimbag na kopya ng buklet sa store.ChurchofJesusChrist.org.
25.4.3
Mga Volunteer Activity sa Family History
Ang Get Involved app o ang Get Involved menu sa FamilySearch.org ay nagbibigay sa mga volunteer ng pagkakataong makibahagi sa sumusunod na mga aktibidad:
-
Indexing, ang proseso ng pagkuha ng impormasyon mula sa mga nakasulat na rekord na pangkasaysayan at pagpasok nito sa isang searchable database sa FamilySearch.org.
-
Pagrerebyu ng mga talaan para matiyak ang katumpakan ng mga ito.
-
Pagpapabuti sa katumpakan ng Family Tree.
Ginagawang posible ng mga nakikibahagi sa mga aktibidad na ito na matuklasan nila mismo at ng ibang tao ang kanilang mga ninuno at makapagsagawa ng mga ordenansa sa templo para sa mga ito.
Kahit sino ay maaaring makibahagi sa mga volunteer activity sa pamamagitan ng paggamit sa Get Involved app o sa Get Involved menu FamilySearch.org. Ito ay maaaring maging isang makabuluhang karanasan para sa mga sumusunod:
-
Mga kabataan
-
Mga young adult
-
Mga miyembrong walang kakayahang regular na dumalo sa mga pulong ng Simbahan
-
Mga bagong miyembro
-
Mga hindi miyembro ng Simbahan
Maaaring atasan ng stake presidency ang isang stake temple and family history consultant o isang high councilor na iorganisa ang gawaing ito.
25.5
Pagrekomenda at Pagtawag ng mga Temple Worker
25.5.1
Pagrekomenda ng mga Temple Worker
Ang mga posibleng maglingkod bilang mga temple worker ay tinutukoy sa sumusunod na paraan:
-
Mga miyembrong tinukoy ng bishop o ng isa pang lider ng ward
-
Mga miyembrong lumapit sa bishop at nagsabing nais nilang maglingkod
-
Mga miyembrong nirekomenda ng temple president, matron, o isa pang lider sa templo
-
Mga miyembrong naghahandang magmisyon o katatapos lang magmisyon (tingnan sa kabanata 24)
Ang mga pangalan ng mga posibleng maging temple worker ay isinusumite gamit ang Recommend Temple Worker tool. Ang tool na ito ay magagamit ng mga bishop, stake president, at temple presidency. Ang proseso ng pagsusumite ng mga pangalan ay nakabalangkas sa ibaba.
Kapag natukoy ng mga miyembro ng temple presidency ang isang taong posibleng maging temple worker, isusumite nila ang pangalan ng tao sa bishop nito gamit ang Recommend Temple Worker tool.
Kapag natukoy ng bishop ang isang taong posibleng maging temple worker o tumanggap siya ng rekomendasyon mula sa temple president, kakausapin niya ang miyembro tungkol sa pagkakataong maglingkod. Nirerebyu niya ang mga kinakailangan para sa mga temple worker (tingnan sa 25.5.2). Kung kapwa nadama ng bishop at ng miyembro na naaangkop ang pagkakataong maglingkod, kukumpletuhin at isusumite ng bishop ang rekomendasyon gamit ang Recommend Temple Worker tool. Dapat maunawaan ng miyembro na ang isinumiteng rekomendasyon ay hindi garantiya na siya ay tatawagin o aatasan na maglingkod bilang temple worker.
Pagkatapos ay rerebyuhin ng stake president ang rekomendasyon. Kung aaprubahan ng stake president ang rekomendasyon, isusumite niya ito sa temple president para marebyu gamit ang Recommend Temple Worker tool.
Ang mga miyembrong tinawag o inatasang maglingkod bilang mga temple worker ay karaniwang nangangakong maglingkod sa isang regular na iskedyul bawat linggo. Dapat iwasang magbigay ng mga lider ng karagdagang mga calling na hahadlang sa kakayahan ng mga miyembro na makapaglingkod sa templo.
Ang Recommend Temple Worker tool ay mayroon ding listahan para sa mga bishop at stake president na nagpapakita ng lahat ng miyembro ng kanilang ward o stake na kasalukuyang naglilingkod bilang temple worker.
25.5.2
Mga Kwalipikasyon para sa mga Temple Worker
Ang mga temple worker ay tumutulong sa pagsasagawa ng mga ordenansa o tumutulong sa mga gawain sa templo, tulad ng opisina, paglalaba, o mga gawain sa bakuran ng templo. Para mairekomenda na maglingkod bilang temple worker, dapat matugunan ng miyembro ang sumusunod na mga kwalipikasyon:
-
Nakatira sa loob ng temple district ng templo kung saan siya maglilingkod.
-
Tumanggap na ng endowment, tinutupad ang mga tipan sa templo, at mayroong current temple recommend.
-
Mayroong matatag na patotoo sa ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo.
-
May sapat na lakas ng katawan para maisagawa ang mga gawain sa templo na iniatas sa kanya. Ang worker na naglilingkod sa mga patron o nangangasiwa sa mga ordenansa ay dapat may sapat na lakas ng katawan para magawa ito nang hindi tinutulungan ng iba.
-
Karapat-dapat sa paggalang sa Simbahan at sa komunidad.
-
May kakayahang maayos na makipagtulungan sa ibang tao.
-
Maaasahan at may mabuting kalusugan.
-
Walang anotasyon sa kanyang membership record sa kasalukuyan.
Bukod pa rito, sinisiguro ng bishop ang mga sumusunod:
-
Kung nagkaroon ng pormal na restriksyon sa pagkamiyembro ang isang tao, maaari lamang siyang irekomendang maging temple worker pagkatapos ng limang taon matapos alisin ang mga restriksyon. (Tingnan sa 32.11.3 at 32.16.1.)
-
Kung binawi ang pagkamiyembro ng isang taong hindi pa nakatanggap ng endowment, o kung ang tao ay nagbitiw sa pagkamiyembro, maaari lamang siyang irekomendang maging temple worker pagkatapos ng limang taon matapos muling tanggapin sa Simbahan. (Tingnan sa 32.11.4, 32.14.9, 32.16.1, at 32.16.2.)
-
Kung binawi ang pagkamiyembro ng isang taong nakatanggap ng endowment, o kung ang tao ay nagbitiw sa pagkamiyembro, maaari lamang siyang irekomendang maging temple worker pagkatapos ng limang taon matapos matanggap ang pagpapanumbalik ng mga pagpapala. (Tingnan sa 32.11.4, 32.14.9, at 32.17.2.)
25.5.3
Pagtawag at Pag-Set Apart ng mga Temple Worker
Matapos matanggap ng temple president ang rekomendasyon para sa isang taong maglilingkod bilang temple worker, ang taong ito ay iinterbyuhin ng isang miyembro ng temple presidency o ng isang taong inatasan niya. Ayon sa matatanggap niyang inspirasyon, ang nagsasagawa ng interbyu ay tatawaging maglingkod at ise-set apart ang mga taong may kakayahang maglingkod bilang mga temple worker.