Mga Kapansanan
Ano ang responsibilidad ko bilang isang lider?


“Ano ang responsibilidad ko bilang isang lider?” Disability Services: Mga Lider (2020)

“Ano ang responsibilidad ko bilang isang lider?” Disability Services: Mga Lider

Ano ang responsibilidad ko bilang isang lider?

Larawan
Man speaking from a pulpit

Ang mga lider ng Simbahan ay may sagradong responsibilidad na pangalagaan ang bawat miyembro ng kanilang kawan at tumulong sa “isang nawawala.” Kabilang dito ang pagtulong sa mga miyembrong may mga kapansanan at sa kanilang mga tagapag-alaga. Kapag ang motibo sa likod ng pag-aaral tungkol sa iba ay nagmumula sa isang lugar na may pagmamahal at habag, maaaring mangyari ang magagandang bagay. Dapat isaisip ng mga lider at guro ng Simbahan ang mga sumusunod habang nakikipagtulungan sila sa mga may kapansanan at nagsisikap na maragdagan ang kanilang kamalayan at pag-unawa sa mga kapansanan:

  • Welcome. Maghanap ng mga paraan para maipadama sa mga indibiduwal na may kapansanan na sila ay minamahal, tanggap, at kabilang.

  • Maglaan ng mga pagkakataon. Mapanalanging tumukoy ng mga makabuluhang pagkakataon para makapaglingkod ang mga miyembrong may kapansanan. Kausapin ang mga indibiduwal at ang kanilang mga tagapag-alaga upang tumulong na tukuyin ang mga kasanayan at talento. Talakayin sa kanila ang mga paraan na higit na magagamit ang mga kasanayan at talentong iyon. Lahat ay may maiaambag.

  • Tukuyin ang mga partikular na pangangailangan. Kausapin ang mga indibiduwal at pamilya tungkol sa kanilang mga pangangailangan. Maaaring kailangan nila ang pisikal, espirituwal, at emosyonal na suporta gayundin ang pahinga mula sa kanilang araw-araw na gawain. Alalahanin na ang mga miyembrong may kapansanan at ang kanilang mga kapamilya ang karaniwang pinakamainam na sangguniin tungkol sa kanilang kapansanan. Alam nila ang mga kalakasan at hamon na kasama ng isang partikular na kapansanan at matutulungan kayong tukuyin kung saan kailangan ang tulong. Maaari kayong magtamo ng maraming kabatiran sa pagtatanong nang magalang sa mga indibiduwal, kanilang mga kapamilya, at iba pang mga tagapag-alaga ng mga bagay na tulad ng mga sumusunod:

    • “Ano ang makakatulong na malaman ko tungkol sa inyo upang magawa ko ang lahat para maging mas makabuluhan ang karanasan ninyo sa Simbahan?”

    • “Ano ang nais ninyong malaman ko tungkol sa inyong anak?”

    • “Ano ang mga bagay na nalaman ninyong makakatulong noong araw na maaari kong subuking isagawa sa Simbahan?”

  • Magtaguyod ng pag-unawa. Matapos sumangguni sa mga miyembrong may kapansanan kung ano sa pakiramdam nila ang komportableng ibahagi ninyo sa iba, ipaunawa sa mga miyembro ng ward ang mga kapansanan at pangangailangan ng mga indibiduwal. Makakatulong ito sa mga miyembro ng ward na magkaroon ng higit na habag, pag-unawa, at inspirasyon kung paano magbigay ng suporta.

  • Tumukoy ng resources. Sa pagkausap ninyo sa mga indibiduwal, pamilya, at lider, mauunawaan ninyo kung saan ang pinakamalalaking pangangailangan, gayundin ang mga kalakasan at kaloob na handang ibahagi ng mga miyembro. Kung naaangkop, tumukoy ng makukuhang resources sa komunidad, ward, at stake para makatulong sa mga pangangailangang iyon.

  • Magpayuhan. Kung angkop, anyayahan ang mga indibiduwal, kanilang mga magulang, o iba pang mga tagapag-alaga na talakayin sa mga lider ng ward ang kanilang mga kalakasan gayundin ang mga hamon at balakid na maaaring humadlang sa kanila na lubos na makibahagi sa ward. Tulungan ang mga magulang na makipag-ugnayan sa iba pang mga magulang na may mga anak na may kaparehong mga kapansanan.

Print