Mga Kapansanan
Pambungad


“Pambungad,” Disability Services: Mga Lider (2020)

“Pambungad,” Disability Services: Mga Lider

Pambungad

Larawan
Man in wheelchair with scriptures

Ang ating Tagapagligtas na si Jesucristo ang ating pinakadakilang halimbawa ng pagpapadama sa iba na sila ay kabilang sa Kanyang Simbahan at ng pagtulong sa “isang nawawala.” Ipinaliwanag ni Elder Joseph B. Wirthlin:

“Pinaligiran Siya ng madla at nagsalita sa libu-libo, subalit lagi Siyang nag-alala sa nawala. ‘Sapagka’t ang Anak ng tao ay naparito upang iligtas ang nawala’ (Mateo 18:11), wika Niya. ‘Aling tao sa inyo, na kung mayroong isang daang tupa, at mawala ang isa sa mga yaon, ay hindi iiwan ang siyamnapu’t siyam sa ilang, at hahanapin ang nawala, hanggang sa ito’y kaniyang masumpungan?’ (Lucas 15:4).

“Angkop ang tagubiling ito sa lahat ng sumusunod sa Kanya. Inutusan tayong hanapin ang mga nawala. Tayo ang bantay ng ating kapatid. Hindi natin dapat kaligtaan ang utos na ito ng ating Tagapagligtas. Dapat tayong mag-alala sa nawala.”1

Itinuro ni Elder Jeffrey R. Holland: “Bilang mga miyembro ng Simbahan, lahat tayo’y nasa paglalakbay na ito. Ang ating edad at karanasan ay laging magkakaiba, tulad ng ating mga wika, kultura, at antas ng pag-unawa sa ebanghelyo. Ngunit anuman ang inyong kalagayan, tinatanggap namin kayo. Sabi nga ni Apostol Pablo, ‘Kayo … [ngayo’y] mga kababayan na kasama ng mga banal, at sangbahayan ng Dios’ (Mga Taga Efeso 2:19), at ibig sabihin niyan ay magkakasama tayo rito.”2

Mga Tala

  1. Joseph B. Wirthlin, “Pag-alala sa Nawala,” Liahona, Mayo 2008, 18.

  2. Jeffrey R. Holland, “Ang Nais Kong Malaman ng Bawat Bagong Miyembro—at Matandaan ng Bawat Matagal nang Miyembro,” Liahona, Okt. 2006, 10.

Print