Mga Kapansanan
Paano ako makapaglilingkod sa taong may kapansanan at sa kanilang pamilya?


“Paano ako makapaglilingkod sa taong may kapansanan at sa kanilang pamilya?” Disability Services: Mga Lider (2020)

“Paano ako makapaglilingkod sa taong may kapansanan at sa kanilang pamilya?” Disability Services: Mga Lider

Paano ako makapaglilingkod sa taong may kapansanan at sa kanilang pamilya?

Larawan
Women sitting together on a bench

Ipinaliwanag ni Elder Jeffrey R. Holland: “Maaaring hindi natin mabago ang paglalakbay, ngunit maaari nating siguruhin na walang maglalakbay nang mag-isa. Siguradong iyan ang kahulugan ng magpasan ng mga pasanin ng isa’t isa.”1

Ang isa sa pinakamaiinam na paraan ng paglilingkod at pagtulong sa mga miyembrong may kapansanan, sa kanilang mga kapamilya, at sa iba pang mga tagapag-alaga ay sa pagiging isang kaibigan. Kadalasan ang mga indibiduwal at pamilyang ito ay may mabibigat na pisikal, pinansyal, at emosyonal na pasanin. Ang pagkakaroon ng isang kaibigan o taong maaasahan nila sa ward ay maaaring napakahalaga sa pagtulong sa kanila na manatiling aktibo sa Simbahan sa kabila ng napakaraming hamon na kanilang kinakaharap. Kapag naging kaibigan tayo, maaari din tayong tumulong na magpasan ng mga pasanin ng isa’t isa (tingnan sa Mosias 18:8–9).

Matutulungan kayo ng Panginoon na malaman kung ano ang gagawin habang nakikilala ninyo ang mga miyembrong pinaglilingkuran ninyo, nagiging pamilyar kayo sa kanilang mga pangangailangan, at bumabaling kayo sa mga banal na kasulatan at nagdarasal. Alalahanin na ang mga miyembrong may kapansanan at ang kanilang mga kapamilya ang karaniwang pinakamainam na sangguniin tungkol sa kanilang kapansanan. Alam nila ang mga kalakasan at hamon na kaakibat ng isang partikular na kapansanan at kadalasan ay matutulungan kayong matukoy kung saan kailangan ang tulong.

Mga Tala

  1. Jeffrey R. Holland, “Pagpasan ng mga Pasanin ng Isa’t Isa,” Liahona, Hunyo 2018, 27.

Print