Mga Kapansanan
Paano ko maipadarama sa mga miyembro ng klase na sila ay kabilang?


“Paano ko maipadarama sa mga miyembro ng klase na sila ay kabilang?” Disability Services: Mga Lider (2020)

“Paano ko maipadarama sa mga miyembro ng klase na sila ay kabilang?” Disability Services: Mga Lider

Paano ko maipadarama sa mga miyembro ng klase na sila ay kabilang?

Larawan
Woman teaching class

“Lahat ng ginawa ng Tagapagligtas sa buong ministeryo Niya sa lupa ay hinikayat ng pagmamahal—pagmamahal Niya sa Kanyang Ama at pagmamahal Niya sa ating lahat. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, mapupuspos din tayo ng pagmamahal na iyon kapag sinikap nating maging tunay na mga alagad ni Cristo (tingnan sa Juan 13:34–35; Moroni 7:48; 8:26). Taglay ang pagmamahal na katulad ng kay Cristo sa ating puso, gagawin natin ang lahat ng posibleng paraan para tulungan ang iba na matuto tungkol kay Cristo at lumapit sa Kanya. Pagmamahal ang magiging dahilan at motibo natin sa pagtuturo” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, lesson 1).

Ang mga indibiduwal na may kapansanan ay dapat bigyan ng pagkakataong matuto, magturo, at maglingkod sa abot ng kanilang makakaya. Bilang guro, mahalagang bumuo ka ng isang kapaligirang may pagmamahal at paglalahok. Hangaring maunawaan ang mga tinuturuan mo at ang kanilang mga pangangailangan. Ipinayo ni Pangulong M. Russell Ballard: “Hinihikayat ko ang bawat miyembro ng Simbahan, kapag naglilingkod kayo bilang guro, alalahanin na bawat kaluluwa ng tao ay mahalaga sa ating Ama sa Langit, sapagkat lahat tayo ay Kanyang anak. Ang mga anak ng Diyos ay may karapatang maturuan ng mga katotohanan ng ebanghelyo sa malinaw at mauunawang mga kataga upang mapagtibay sa kanila ng Espiritu ang mga katotohanan ng ebanghelyo.”

Ang mga indibiduwal na may kapansanan ay maaaring mangailangan ng mga akomodasyon sa silid-aralan upang tulungan silang matuto at madama na sila’y kabilang. Kausapin ang mga indibiduwal tungkol sa mga akomodasyong maaaring kailanganin nila upang lubos na makalahok sa pag-aaral ng ebanghelyo. Kapag nagtuturo sa mga bata o kabataan, maaari ka ring sumangguni sa kanilang magulang, o tagapag-alaga tungkol sa anumang mga akomodasyong maaaring kailanganin nila. Sa paggawa ng mga simpleng pag-aangkop sa silid-aralan, maaari kang magtaguyod ng pagkatuto para sa lahat. Ang ilang halimbawa ng mga simpleng akomodasyon ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

  • Gumamit ng closed captions kapag nagpapalabas ng mga video.

  • Maglaan ng ekstrang oras para masagot ang mga tanong.

  • Hayaang gumawa ang mga estudyante sa maliliit na grupo.

  • Gumawa ng mga materyal na may malalaking letra na babasahin ng mga estudyante.

  • Gumamit ng sari-saring paraan para mailahad ang mga lesson, kabilang na ang mga larawan, bagay, retrato, at video.

  • Para sa mga estudyanteng hindi makapagsalita, mag-alok ng mga pagpipilian sa pagitan ng dalawang aytem para tulutan silang magpahiwatig ng isang sagot sa pamamagitan ng pagturo o pagtitig.

  • Hatiin ang mga assignment o mga kahilingan sa maliliit na hakbang. Halimbawa, sa halip na paghandain ang isang tao na mag-alay ng panalangin, maaari mong hatiin ang gawain sa mas maliliit na hakbang na paghalukipkip, pagyuko ng ulo, at pagpikit ng mga mata. Maging handang gumamit ng pag-uulit sa pagtuturo.

  • Gumamit ng mga ideya sa pagtuturo tulad ng pagdudula-dulaan, pagkanta, mga pakay-aralin, at iba pang mga visual aid para ilarawan ang mahihirap na konsepto. Hatiin ang mahihirap na konsepto sa mga simpleng bahagi.

  • Mapanalanging pumili ng mga pagkakataon para makalahok sa mga lesson ang mga miyembrong may kapansanan. Maaaring kasama sa mga halimbawa ang pagpili ng musika, pagbabasa ng isang talata sa banal na kasulatan, paghawak ng isang larawan, pagbabahagi ng patotoo, at pagsagot sa mga tanong.

Mga Estratehiya sa Pagtuturo sa mga Batang May Kapansanan

Print