Lumang Tipan 2022
Mayo 2–8. Exodo 35–40; Levitico 1; 16; 19: “Banal sa Panginoon”


“Mayo 2–8. Exodo 35–40; Levitico 1; 16; 19: ‘Banal sa Panginoon,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Lumang Tipan 2022 (2021)

“Mayo 2–8. Exodo 35–40; Levitico 1; 16; 19,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: 2022

Larawan
São Paulo Brazil Temple

Mayo 2–8

Exodo 35–40; Levitico 1; 16; 19

“Banal sa Panginoon”

Habang pinag-aaralan mo ang mga banal na kasulatan, bigyang-pansin ang mga espirituwal na impresyong natatanggap mo para ikaw ay maging higit na katulad ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.

Itala ang Iyong mga Impresyon

Ang paglisan sa Egipto—bagaman mahalaga at puno ng himala noon—ay hindi lubos na naisakatuparan ang mga layunin ng Diyos para sa mga anak ni Israel. Maging ang hinaharap na kasaganaan sa lupang pangako ay hindi ang pinakalayunin ng Diyos para sa kanila. Sila ay ilang hakbang lamang sa nais ng Diyos para sa Kanyang mga tao: “Kayo’y magpakabanal, sapagkat akong Panginoon ninyong Diyos ay banal” (Levitico 19:2). Paano hinangad ng Diyos na gawing banal ang Kanyang mga tao samantalang wala silang alam maliban sa pagkabihag sa loob ng maraming henerasyon? Inutusan Niya silang lumikha ng lugar ng kabanalan sa Panginoon—isang tabernakulo sa ilang. Binigyan Niya sila ng mga tipan at batas para gabayan ang kanilang mga kilos at, sa huli, para baguhin ang kanilang puso. At nang mabigo sila sa pagsisikap nilang sundin ang mga batas na iyon, inutusan Niya sila na gumawa ng mga alay na hayop para isagisag ang pagbabayad-sala para sa kanilang mga kasalanan. Lahat ng ito ay upang ituon ang kanilang isipan, kanilang puso, at kanilang buhay sa Tagapagligtas at sa pagtubos na iniaalok Niya. Siya ang tunay na landas tungo sa kabanalan, para sa mga Israelita at sa atin. Lahat tayo ay gumugol na ng panahon sa pagkabihag sa kasalanan, at lahat tayo ay inaanyayahang magsisi—na talikuran ang kasalanan at sundin si Jesucristo, na nangakong, “magagawa ko kayong banal” (Doktrina at mga Tipan 60:7).

Para sa buod ng aklat ng Levitico, tingnan sa “Levitico” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan.

Larawan
Learn More image
Larawan
icon ng personal na pag-aaral

Mga Ideya para sa Personal na Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

Exodo 35–40; Levitico 19

Nais ng Panginoon na maging banal ako na tulad Niya.

Nakatala sa Exodo 25–31 ang mga tagubilin ng Panginoon sa mga Israelita kung paano magtayo ng tabernakulo, kung saan tutulungan sila ng sagradong mga ordenansa na maging mga banal na tao. Inilalarawan sa Exodo 35–40 ang mga pagsisikap ng mga Israelita na sundin ang mga tagubiling ito. Habang binabasa mo ang mga kabanata 35–40, alamin ang mga bagay na ipinagawa ng Panginoon sa Kanyang mga tao sa tabernakulo, at pag-isipan kung ano ang isinasagisag ng mga bagay na ito at kung ano ang imumungkahi ng mga ito sa inyo tungkol sa ibayong kabanalan. Pag-isipan kung paano ibinabaling ng mga bagay na ito ang iyong isipan sa Tagapagligtas. Ang isang table na tulad nito ay maaaring makatulong sa iyo:

Ano ang bagay na nakita mo?

Ano ang isinasagisag nito?

Ano ang bagay na nakita mo?

Kaban ng tipan (Exodo 37:1–9; 40:20–21)

Ano ang isinasagisag nito?

Presensya ng Diyos; Kanyang mga tipan at kautusan

Ano ang bagay na nakita mo?

Dambana ng insenso (Exodo 40:26–27; tingnan din sa Exodo 30:1, 6–8)

Ano ang isinasagisag nito?

Ang mga panalangin ay nakakarating sa Panginoon

Ano ang bagay na nakita mo?

Kandelero o lalagyan ng kandila (Exodo 37:17–24)

Ano ang bagay na nakita mo?

Dambana ng hain o alay (Exodo 38:1–7; tingnan din sa Exodo 27:1; 29:10–14)

Ano ang bagay na nakita mo?

Hugasan (palanggana ng tubig): Exodo 30:17–21

Kung ikaw ay nakibahagi sa mga ordenansa sa templo, ano ang natutuhan mo tungkol sa tabernakulo mula sa Exodo 35–40 na nagpapaalala sa iyo ng iyong karanasan doon? (tingnan din sa “Mga Ideya na Dapat Tandaan: Ang Tabernakulo at Hain”). Pag-isipang mabuti kung paano ka tinutulungan ng mga tipan sa templo na maging mas banal tulad ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.

Mangyari pa, ang pagtuntong sa mga banal na lugar ay hindi nagpapabanal sa atin. Ang Levitico 19 ay naglalarawan ng mga batas at kautusan na ibinigay ng Panginoon upang tulungan ang mga Israelita na mag-ibayo sa kabanalan. Ano ang nakita mo sa mga kautusang ito na makakatulong sa iyo na maging mas banal? Ano ang nadama mong dapat mong gawin para mas lubos na maipamuhay ang mga alituntuning ito?

Tingnan din sa Carol F. McConkie, “Ang Kagandahan ng Kabanalan,” Liahona, Mayo 2017, 9–12; ChurchofJesusChrist.org; Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Holiness”; temples.ChurchofJesusChrist.org.

Exodo 35:436:7

Hinihiling ng Panginoon na gumawa ako ng alay na may nagkukusang puso.

Sa taon matapos lisanin ang Egipto, ang kaugnayan ng mga anak ni Israel kay Jehova ay maaaring sabihing pabagu-bago. Gayunman, habang binabasa mo ang Exodo 35:436:7, pansinin kung paano tumugon ang mga Israelita sa utos na itayo ang tabernakulo. Ano ang natutuhan mo mula sa mga Israelita na makatutulong sa iyo na mas mapaglingkuran ang Panginoon?

Itinuro ni Pangulong Bonnie L. Oscarson: “Dapat malaman ng bawat miyembro kung gaano siya kailangan. Bawat tao ay may mahalagang maiaambag at may kakaibang mga talento at kakayahang isulong ang mahalagang gawaing ito” (“Mga Kabataang Babae sa Gawain,” Liahona, Mayo 2018, 37). Habang binabasa mo ang Exodo 36:1–4, isiping mabuti kung ano ang “itinakda” sa iyo ng Panginoon. Isiping itanong sa Ama sa Langit kung ano ang ibinigay Niya sa iyo upang makalahok ka sa Kanyang gawain.

Larawan
mga sinaunang tao na nagdadala ng mga handog sa pagtatayo ng tabernakulo

Ibinigay ng mga anak ni Israel ang mga handog para sa tabernakulo nang may “mapagbigay na puso” (Exodo 35:5). Paglalarawan ni Corbert Gauthier, © Lifeway Collection/lisensyado mula sa goodsalt.com

Levitico 1:1–9; 16

Sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo, maaari akong mapatawad.

Karamihan sa aklat ng Levitico ay tila kakatwa sa atin—pag-aalay ng mga hayop, mga ritwal na may dugo at tubig, at mga batas na namamahala sa mga detalye ng buhay. Ngunit ang mga ritwal at batas na ito ay nilayong magturo ng pamilyar na mga alituntunin—pagsisisi, kabanalan, at Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas. Para malaman ang mga alituntuning ito habang binabasa mo ang Levitico 1:1–9; 16, isiping itanong ang ganito: Ano ang matututuhan ko sa mga sakripisyong ito tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo? Paano ako katulad ng mga gumagawa ng ganitong mga sakripisyo? Maaari mong repasuhin ang “Mga Ideyang Dapat Tandaan: Ang Tabernakulo at Sakripisyo” sa resource na ito at “Sakripisyo” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan (scriptures.ChurchofJesusChrist.org).

Larawan
icon ng pag-aaral ng pamilya

Mga Ideya para sa Pag-aaral ng Banal na Kasulatan ng Pamilya at Home Evening

Exodo 36:1–7.Sa Exodo 36:1–7, ano ang matututuhan natin sa paraan ng pagtugon ng mga Israelita sa utos na itayo ang tabernakulo? Bilang pamilya, maaari kayong mag-isip ng mga paraan na inanyayahan tayo ng Panginoon na makibahagi sa Kanyang gawain. Paano natin masusundan ang halimbawa ng mga Israelita?

Exodo 40.Habang sama-sama ninyong binabasa ang Exodo 40, maaari mong ipataas ang kamay ng mga miyembro ng pamilya sa tuwing maririnig nila ang katagang tulad ng “ayon sa iniutos ng Panginoon.” Ano ang natutuhan natin sa kabanatang ito tungkol sa pagsunod sa Panginoon?

Exodo 40:1–34.Habang binabasa ninyo ang tungkol sa pagbuo ng tabernakulo sa Exodo 40, maaari kayong magtulungan para matukoy ang iba’t ibang bahagi ng tabernakulo, gamit ang larawang kalakip ng outline na ito. Para maiugnay ang talakayang ito sa pagsamba sa templo sa ating panahon, maaari ninyong sama-samang rebyuhin ang “Why Latter-day Saints Build Temples” temples.ChurchofJesusChrist.org) o panoorin ang video na “Temples” (ChurchofJesusChrist.org).

Levitico 19.Makikita ng mga miyembro ng pamilya ang isang talata sa kabanatang ito na sa pakiramdam nila ay makatutulong sa kanilang “maging banal” (Levitico 19:2) at ibahagi ito sa pamilya.

Para sa iba pang mga ideya sa pagtuturo sa mga bata, tingnan sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary.

Iminumungkahing awitin: “Kabanalang Lalo, Aking Kahilingan,” Mga Himno, blg. 80.

Pagpapahusay ng Personal na Pag-aaral

Hanapin si Jesucristo. Lahat ng mga banal na kasulatan, maging ang Lumang Tipan, ay nagpapatotoo tungkol kay Jesucristo? Habang binabasa mo ang Lumang Tipan, isipin kung ano ang maituturo sa inyo ng mga simbolo, mga tao, at pangyayari tungkol sa Tagapagligtas.

Larawan
tabernakulo

Ang Sinaunang Tabernakulo, ni Bradley Clark