2020
Mga Kabataan
Agosto 2020


Mga Kabataan

Larawan
Joseph S

Retratong kuha ni Michael R. Morris

Hanggang nitong huli, ang football, pag-aaral, at pagsisimba ay naharap ko palagi nang magkakahiwalay at sinikap kong balansehin. Pagkaraan ng football season, nagpupulong kami noon ng mga manlalaro kasama ang aming football coach. Kinausap niya ako tungkol sa pamumuno at kung paano ako magiging mas mahusay na lider. May sinabi siyang nakatutuwa na hindi ko inasahan kailanman.

Sabi niya, “Alam ko na nagpaplano kang magmisyon. Relihiyoso ka, at OK ka sa pagtalakay tungkol sa Diyos. Gusto kong kausapin mo ang iba pang mga manlalaro tungkol sa Diyos. Kaya ako naging coach—para mas ilapit ang mga tao sa Diyos. Gusto kong makita na nagbabago ang buhay ng mga tao. Palagay ko isa ka sa pinakamahuhusay na manlalaro sa team para gawin ito. Kapag may pagkakataon ka, bakit hindi mo kausapin ang isang tao tungkol sa Diyos? Maaaring tanggihan ito ng ilang tao, ngunit maaaring baguhin nito ang buhay ng isang tao. Malay mo.”

Hindi ko talaga napagkonekta ang isports at paaralan at relihiyon. Pero pinagkonekta ng pag-uusap na ito ang mga bagay na ito para sa akin at naganyak ako at naging mas handang ibahagi ang ebanghelyo sa iba. Tinulutan ako nitong matanto na maaari kang maging iisang tao sa football at sa paaralan at sa early-morning seminary sa tahanan ng isang tao at magtagumpay pa rin. Ngayong napagkonekta ko na ang mga ito naging mas madali na ang mga bagay-bagay.

Nakatulong ito sa akin na maghanda para sa misyon. Mas nasasanay akong makipag-usap sa mga tao tungkol sa Diyos, magbahagi ng ebanghelyo, at magpatotoo.

Joseph S., 17, Louisiana, USA