2020
Ipakita at Ikuwento
Agosto 2020


Ipakita at Ikuwento

Larawan
Show and Tell

Natututuhan ng mga batang Primary na ito sa Cebu, Philippines, na kapag pinalalakas nila ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo, sumusulong sila sa landas ng tipan.

Naiwala ko ang jacket ng kapatid ko nang maglakad-lakad ang pamilya ko. Ipinagdasal namin na tulungan kami ng Ama sa Langit na mahanap ito. Nadama namin na dapat naming balikan ang nilakaran namin. Nakita namin ang jacket niya! Ipinatanto nito sa akin na lahat ng bagay sa buhay ko ay mahalaga sa Ama sa Langit at lagi Siyang handang tulungan ako.

Timothy M., edad 8, Kyiv Oblast, Ukraine

Nakinig kami sa talinghaga ni Jesus tungkol sa manghahasik at pagkatapos ay nagtanim kami ng mga binhi ng sunflower. Hindi gaanong mainit o maaraw sa tinitirhan namin, kaya natuwa kami nang umusbong ang mga binhi sa lupa. Tumaas nang tumaas ang mga halaman hanggang sa mamulaklak ang mga ito, tulad ng mga binhi sa kuwento ni Jesus!

Magnus K., Islay S., Louis S., Sylvie K., Greta K., at Sibyl S., edad 7, 9, 6, 1, 5, at 4, Renfrewshire, Scotland

Ang Mga Saligan ng Pananampalataya ay naghihikayat sa akin na maging mas mabuting bata, at sinisikap kong gawin ang tama para maging mabuting missionary.

Jonathan M., edad 11, Sololá, Guatemala

Samuel S., edad 11, Minas Gerais, Brazil