2020
Apat na Katotohanan tungkol sa Pag-ibig at Pag-aasawa
Agosto 2020


Apat na Katotohanan tungkol sa Pag-ibig at Pag-aasawa

Larawan
couple holding hands on a couch

Bago siya nagpakasal kay Pangulong Russell M. Nelson, si Wendy W. Nelson ay isang propesor sa marriage and family therapy sa loob ng 25 taon. Sa isang pandaigdigang debosyonal para sa mga young adult, ibinahagi niya ang apat na katotohanang ito:

  1. “Ang mga katotohanan tungkol sa pag-ibig at pag-aasawa ay hatid sa inyo ng Espiritu Santo mula sa ating Ama sa Langit.”

  2. “Personal na kadalisayan ang susi sa tunay na pag-ibig. Kapag mas dalisay ang inyong pag-iisip at damdamin, salita at gawa, mas kakayanin ninyong magbigay at tumanggap ng tunay na pag-ibig.”

  3. “Bilang mahalagang bahagi ng pagpapahayag ng kanilang pagmamahal, nais ng Panginoon na makibahagi ang mag-asawa sa kagandahan at kagalakan ng intimasiya ng mag-asawa.”

  4. “Sa tunay na intimasiya ng mag-asawa, kailangang isali ang Espiritu Santo. Imposible talagang maranasan sa labas ng kasal ang uri ng intimasiya na mararanasan mo sa loob ng kasal dahil wala roon ang Espiritu.”