2020
Ipakita at Ikuwento
Marso 2020


Ipakita at Ikuwento

Larawan
Show and Tell

Noong nabinyagan ako, masayang-masaya ako na gawin ang mahalagang hakbang na iyon, nalalamang sinunod ko si Jesus sa pamamagitan ng pagpapabinyag at pagpapakumpirma.

Sary Del Mar R., edad 8, Valle del Cauca, Colombia

Dapat tayong manalangin sa Ama sa Langit na tulungan tayo.

Yohann P., edad 8, Brittany, France

Gusto ko ang pangkalahatang kumperensya dahil napapanood ko ang propeta na nagsasalita at nagbabahagi ng kanyang patotoo. Tinutulungan niya akong maunawaan kung ano ang nais ipagawa sa akin ng ating Ama sa Langit.

Fuki M., edad 10, Shizuoka, Japan

Isang napakagandang araw kapag magkakasamang nakaupo ang pamilya para manood ng pangkalahatang kumperensya.

Faith M., edad 9, Dar es Salaam, Tanzania

Mahalagang bahagi ng plano ng Ama sa Langit ang pamilya. Gusto kong makapiling ang aking pamilya magpakailanman sa langit. Lahat kami ay magkakasamang nananalangin, at pinapalakas at tinutulungan namin ang isa’t isa. Mahal ko ang aking pamilya.

Katya, edad 10

Mahal ko ang Ama sa Langit. Natutuwa Siya kapag gumagawa ako ng mabubuting bagay. Nagpapasalamat ako sa Kanya para sa lahat ng ibinibigay Niya sa akin.

Vlad, edad 4