Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Nanalangin si Enos
Nangangaso si Enos sa kagubatan. Nagsimula siyang mag-isip tungkol sa Diyos.
Larawan
Enos praying
Gusto niyang mas makilala pa ang Diyos. Kaya nanalangin siya. Narinig niya ang tinig ng Diyos!
Larawan
Jesus
Sinabi ng Diyos na dahil nanampalataya si Enos kay Jesus, ang kanyang mga kasalanan ay pinatawad. Naging masaya si Enos. Pero hindi siya tumigil sa pananalangin.
Larawan
Enos friends and family
Nanalangin si Enos para sa kanyang mga kaibigan. Nanalangin siya para sa kanyang mga kaaway. Nanalangin siya tungkol sa mga banal na kasulatan. Patuloy siyang nanalangin sa loob ng mahabang panahon!
Larawan
little girl praying
Maaari akong manalangin sa Diyos anumang oras, saanmang lugar. Matutulungan ko ang ibang tao sa pamamagitan ng pananalangin para sa kanila.