2020
Ang Kamay ni Jesus na Handang Tumulong
Marso 2020


Ang Kamay ni Jesus na Handang Tumulong

Larawan
Jesus Helping Hand

Minsan ay nagpunta kami sa isang palaruan para sa mga bata. Mayroong isang napakataas na burol doon na kinakailangang akyatin gamit ang lubid. Ilang beses ko iyong sinubukang akyatin, pero hindi ko maabot ang tuktok. Bago ko pa man maabot ang tuktok, dumadausdos na ako pababa ng burol.

Pakiramdam ko ay hindi ko na maaabot ang tuktok. Pagkatapos, biglang umakyat ang isang empleyado sa burol at iniabot niya sa akin ang kanyang kamay mula sa tuktok. Dahil sa kanyang tulong, madali kong naabot ang tuktok.

Sa sandaling iyon, naisip ko si Jesus. Ganoon rin ang ginagawa Niya para sa atin. Kapag ginagawa na natin ang lahat ng ating makakaya pero hindi pa rin natin maabot ang ating mithiin, iniaabot Niya sa atin ang Kanyang kamay na handang tumulong. Ang karanasang ito ay napakaespirituwal para sa akin, at maaalala ko ito sa buong buhay ko. ●

Paglalarawan ni Maren Scott