2017
Lagi bang sasagutin ng Ama sa Langit ang aking mga dalangin?
January 2017


Mga Sagot mula sa Isang Apostol

Lagi bang sasagutin ng Ama sa Langit ang aking mga dalangin?

Mula sa “Faith in the Lord Jesus Christ,” Ensign, Mayo 1994, 98–100.

Larawan
Elder Oaks on prayer

Mga paglalarawan ni Jim Madsen

Mas maraming alam ang Ama sa Langit kaysa sa atin. Sasagutin Niya ang ating mga dalangin sa pinakamainam na paraan.

Kapag sumasampalataya tayo sa Ama sa Langit at kay Jesucristo, nagtitiwala tayo sa Kanila.

Magtiwala na kilala at mahal ka ng Ama sa Langit. Magtiwala na pakikinggan Niya ang iyong mga dalangin at sasagutin ang mga ito sa paraang pinakamainam para sa iyo. (Tingnan sa 3 Nephi 18:20.)