2017
Mahal Ako ni Jesus
January 2017


Mga Kuwento tungkol kay Jesus

Mahal Ako ni Jesus

Bago nilalang ang lupa, lahat tayo ay nanirahan sa langit kapiling ang ating mga magulang sa langit at ang ating Nakatatandang Kapatid na si Jesus. Masaya tayo roon, at mahal na mahal natin ang isa’t isa.

Isang araw sinabi sa atin ng Ama sa Langit na gagawa Siya ng lupa na titirhan natin. Alam Niya na kung minsan ay hindi natin susundin ang Kanyang mga utos habang nasa lupa tayo. Kakailanganin natin ang isang Tagapagligtas para tulungan tayong bumalik sa Kanya. Pinili ng Ama sa Langit si Jesucristo na maging Tagapagligtas natin.

Nang pumarito sa lupa si Jesucristo, ipinakita Niya sa atin ang tamang pamumuhay. Tinulungan Niya ang mga tao. Itinuro Niya na magmahalan sila.

Si Jesucristo ay nagdusa sa Halamanan ng Getsemani at sa krus. Ginawa Niya ito upang makapagsisi tayo at muli tayong mabuhay matapos tayong mamatay.

Kapag natututo ako tungkol kay Jesus, nadarama ko ang pagmamahal Niya para sa akin.

Larawan
Jesus Loves Me 1
Larawan
Jesus Loves Me 2
Larawan
Jesus Loves Me 3