2016
Pakiramdam Ko …
Marso 2016


Pakiramdam Ko …

Ang mga scripture card na ito ay magpapasigla sa iyo kung nalulungkot ka.

Larawan
I’m Feeling cards 1
Larawan
I’m Feeling cards 2
Larawan
I’m Feeling cards 3
Larawan
I’m Feeling cards 4

Ano man ang pakiramdam mo, kilala ka ng Diyos, at nauunawaan Niya kung ano ang pinagdaraanan mo. Sa katunayan, mahal na mahal ka Niya kaya isinugo Niya ang Kanyang Anak na si Jesucristo upang isagawa ang Pagbabayad-sala para mapaglabanan mo ang mga hamon, maging masaya ka, at muli kang makabalik sa Kanyang piling (tingnan sa Juan 3:16). Tila hindi ito madali kung malungkot ka, ngunit may mapupuntahan ka para humingi ng tulong: ang mga banal na kasulatan.

Ang sumusunod na mga card ay naglalarawan ng mga dakilang halimbawa mula sa mga banal na kasulatan na nagpapakita kung paanong nariyan palagi ang Diyos para sa iyo. Kaya kapag pakiramdam mo ay nalulungkot ka, nalulumbay, o bigo, maaari mong hugutin ang mga card na ito, basahin ang mga talatang nakalista roon, at malaman na kasama mo ang Diyos.

Mga Tagubilin: Gupitin ang mga card na ito at pagsama-samahin ang mga ito gamit ang isang loose-leaf ring, tali, o laso. Maaari ninyong i-laminate o ilagay ang mga ito sa isang sheet protector para magtagal. Maaari kayong mag-download ng mas maraming kopya para sa mga kaibigan o kapamilya sa liahona.lds.org.

Nalulungkot

Nadama ni Cristo ang lahat ng kalungkutang kailangan kong maranasan, upang mapanatag Niya ako.

Doktrina at mga Tipan 121:1–9: Habang nasa Liberty Jail, pinanghinaan ng loob si Joseph Smith dahil nagdurusa ang mga miyembro ng Simbahan, at siya rin. Nanalangin siya at nakatanggap ng katiyakan. Makakasama ko ang Diyos kapag bumaling ako sa Kanya para sa kapanatagan.

Karagdagang mga Banal na Kasulatan:

Natatakot

Nadaig ni Cristo ang lahat, kaya wala akong dapat ikatakot.

Marcos 4:36–41: Natakot ang mga disipulo nang lumabas sila sa dagat at inabot ng malakas na bagyo sa gitna ng karagatan. Pinayapa ni Cristo ang bagyo sa pag-uutos na, “Pumayapa, tumahimik ka.” Kapag natatakot ako, nananawagan ako sa Panginoon, at tinutulungan Niya akong mapanatag.

Karagdagang mga Banal na Kasulatan:

Nalilito

Alam ng Panginoon kung paano lutasin ang bawat problemang kinakaharap ko, kaya makakaasa ako sa Kanyang Pagbabayad-sala.

Joseph Smith—Kasaysayan 1:5–20: Nalito si Joseph Smith kung aling simbahan ang dapat niyang sapian. Tinanong niya ang Diyos at natanggap ang sagot, na humantong sa Panunumbalik ng Simbahan ng Panginoon. Kapag nalilito ako, nagdarasal ako sa Diyos, at sasagutin Niya ako.

Karagdagang mga Banal na Kasulatan:

Nakokonsiyensya

Inako ng Tagapagligtas ang aking mga kasalanan upang ako ay mapatawad at hindi na malungkot at makonsiyensya.

Alma 36:16–21: Si Nakababatang Alma ay nakagawa ng ilang mabibigat na kasalanan, ngunit napatawad pa rin siya at hindi na nakonsiyensya. Sa pagsisisi, magkakaroon ako ng kapayapaan na inilarawan ni Alma.

Karagdagang mga Banal na Kasulatan:

Pinanghihinaan ng loob

Mawawala ang panghihina ng loob ko kapag hinangad kong unawain ang Pagbabayad-sala ni Cristo at natanggap ko ang Kanyang kapangyarihan.

Alma 26:27: Pinaalalahanan ni Ammon ang kanyang mga kapatid na nang panghinaan sila ng loob, pinatatag sila ng Panginoon at pinangakuan sila ng tagumpay. Iyon ang ipinapangako ng Diyos sa akin kung babaling ako sa Kanya.

Karagdagang mga Banal na Kasulatan:

Nanghihina

Sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo, maaari akong tumanggap ng pananampalataya at lakas na tiisin ang lahat ng bagay.

Mosias 24:13–15: Ang mga tao ni Alma ay naging mga alipin ng isang masamang tagapagbantay. Nagdasal sila at nakatanggap ng lakas na dalhin ang kanilang mga pasanin. Kapag ako ay nanghihina, palalakasin din ako ng Diyos.

Karagdagang mga Banal na Kasulatan:

Nag-aalinlangan

Maaari akong makahanap ng sagot sa aking mga katanungan sa ebanghelyo at magtiwala sa Tagapagligtas na tutulungan akong malampasan ang anumang pag-aalinlangan.

Santiago 1:5–6: Hinikayat ako ni Santiago na humingi sa Diyos kung hindi ko maunawaan, ngunit nagbigay siya ng payo na humiling nang may pananampalataya. Naunawaan niya na ang pagtatanong ay humahantong sa hangaring makaunawa, samantalang ang pag-aalinlangan ay humahantong sa kawalan ng paniniwala.

Karagdagang mga Banal na Kasulatan:

Naiinis

Ang biyaya ni Cristo ay tumutulong sa akin na magtiis upang mawala ang pagkainis ko sa aking sarili at sa iba.

2 Nephi 4:16–35: Kahit si Nephi, na napakatapat, ay nainis sa kanyang sarili. Kapag sinisikap kong daigin ang aking mga kahinaan, matapos ang isang gawain, o mapaglabanan ang tukso, napapanatag ako sa kaalaman na ang Diyos ay tutulong sa akin at magbibigay ng kapayapaan.

Karagdagang mga Banal na Kasulatan:

Walang halaga

Si Cristo ay nagdusa para sa akin dahil mahal Niya ako at alam Niya ang aking walang-katumbas na kahalagahan.

Lucas 15:3–7: Makikita sa talinghaga ng nawawalang tupa na gagawin ng Mabuting Pastol na si Jesucristo ang lahat upang mabawi ang isang nawawalang tupa. Napakahalaga ko sa Ama sa Langit at kay Jesucristo kaya’t naglaan Sila ng paraan upang makabalik ako sa Kanila at maging katulad Nila.

Karagdagang mga Banal na Kasulatan:

May karamdaman

Alam ng Panginoon kung paano ako tulungan at dahil sa Kanya ay gagaling ako balang-araw sa lahat ng aking karamdaman.

Lucas 8:43–48: Habang narito sa lupa, pinagaling ni Cristo ang maraming tao. Mapagagaling din ako. Ang paggaling na iyan ay maaaring hindi dumating kaagad o sa buhay na ito, ngunit papanatagin Niya ako (isang uri ng pagpapagaling) at lubusan akong pagagalingin sa Pagkabuhay na Mag-uli.

Karagdagang mga Banal na Kasulatan:

Nalulumbay

Dahil nagdusa si Cristo sa Pagbabayad-sala para sa akin, hindi ko kailangang tiisin ang anumang pagsubok nang mag-isa.

Job 1:21–22: Pinagdusahan ni Job ang napakahihirap na bagay, kabilang na ang pagkamatay ng kanyang mga anak. Nakatiis siya sa pamamagitan ng pag-asa sa Panginoon. Kapag bumaling ako sa Panginoon sa pamamagitan ng pagkilala sa Kanya, malalaman ko na hindi ako lubos na nag-iisa dahil Siya ay kasama ko.

Karagdagang mga Banal na Kasulatan:

Nanghihina

Ang awa at biyaya ni Cristo ay magbibigay sa akin ng lakas na malampasan ang mga hamon kahit nanghihina ako.

Alma 2:27–31: Noong nasa digmaan ang mga Nephita, bumaling sila sa Panginoon at pinalakas Niya sila. Sa pagharap ko sa lahat ng uri ng pag-atakeng espirituwal at emosyonal, maaari akong manghina, ngunit palalakasin ako ng Panginoon.

Karagdagang mga Banal na Kasulatan:

Nasasaktan

Anumang sakit na nadarama ko ay mapapagaling sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Cristo, at ang Kanyang pagmamahal ay magbibigay-inspirasyon sa akin na patawarin ang iba.

1 Nephi 7:6–21: Iginapos nina Laman at Lemuel si Nephi at tinakot na iiwanan siya sa ilang. Nanalangin si Nephi, at sa tulong ng Panginoon, nakalaya siya at pinatawad niya ang kanyang mga kapatid. Maaari din akong manalangin, makaramdam ng kapayapaan, and magkaroon ng lakas na magpatawad.

Karagdagang mga Banal na Kasulatan: