2016
Maaari Nating Piliing Maniwala
Marso 2016


Pangako ng Propeta

Maaari Nating Piliing Maniwala

Larawan
President Dieter F. Uchtdorf

“Ako ay nagpapatotoo na kahit sa pinakamahirap na mga panahon, sasabihin sa inyo ng Tagapagligtas tulad ng sinabi Niya sa isang nababahalang ama sa masikip na kalye sa Galilea, ‘Huwag kang matakot, manampalataya ka lamang.’

“Maaari nating piliing maniwala.

“Dahil sa paniniwala, matutuklasan natin ang pagsikat ng liwanag.

“Matutuklasan natin ang katotohanan.

“Mahahanap natin ang kapayapaan.

“Dahil sa ating paniniwala, kailan man ay hindi na tayo magugutom, hindi na mauuhaw. Ang mga kaloob na biyaya ng Diyos ay magtutulot sa ating maging tapat sa ating pananampalataya at pupuspusin ang ating kaluluwa gaya ng ‘isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan’ [Juan 4:14]. Tayo ay daranas ng tunay at tumatagal na kaligayahan.”

Pangulong Dieter F. Uchtdorf, Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan, “Huwag Kang Matakot, Manampalataya Ka Lamang,” Liahona, Nob. 2015, 79.