2012
Magkapatid sa Pangalan at Pananampalataya
Abril 2012


Magkapatid sa Pangalan at Pananampalataya

Sina Maria at Diana D. ay hindi lang magkapatid, sila ay matalik na magkaibigan din. Si Diana ay 10-taong-gulang, at si Maria ay nag-12-taon nitong nakaraang Agosto. Nakatira sila sa Romania, kung saan may mga 3,000 miyembro ng Simbahan. Pinananatili nilang malakas ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo sa pamamagitan ng pagsisimba, pagbabasa ng mga banal na kasulatan, at pagdarasal.

“Natutuhan ko sa Simbahan na magkaroon ng pananampalataya sa Diyos,” sabi ni Maria. Isang araw may pagsusulit siya, kaya nagdasal siya sa Ama sa Langit sa pangalan ni Jesucristo para humingi ng tulong. Nang makakuha siya ng mataas na marka, alam niyang tinulungan siya ng Ama sa Langit.

Sabi ni Diana natutulungan siya ng Aklat ni Mormon na manampalataya. “Sa bawat araw ng pagbabasa ko sa Aklat ni Mormon, masaya ako,” sabi niya. Paborito niyang kuwento sa banal na kasulatan ang tungkol kay Joseph Smith. “Nagdasal siya, at tinulungan siya ng Diyos at ni Jesucristo,” sabi niya.

Tsokolate

Paboritong panghimagas ng magkapatid ang tsokolate: brownies ang gusto ni Maria, at gusto naman ni Diana ng chocolate cake.

Paboritong Awitin

Parehong tumutugtog ng piyano sina Maria at Diana. Ang paboritong awitin ni Maria ay “Mahalin ang Bawat Isa.” Tungkol ito sa utos ni Jesus na mahalin ang ibang tao. Kaya itong tugtugin ni Diana nang halos perpekto, pero ang huling bahagi ang pinakamahirap, sabi niya.

Templo’y Ibig Makita

Gusto nina Maria at Diana na makasal sa templo balang-araw. Nakatira sila sa Kyiv Ukraine Temple District.

Kapag malaki na si Diana, pupunta siya sa Kyiv Ukraine Temple para magpabinyag para sa mga patay. Nasa tamang edad na si Maria para makapunta sa templo. Ang templo ay mga 500 milya (805 km) ang layo.

Una ang Pamilya

Mahal nina Maria at Diana ang kanilang mga magulang. “Pinagiginhawa ni Inay ang pakiramdam namin kapag maysakit kami,” sabi ni Maria. “Inihahatid kami ni Itay sa paaralan,” sabi ni Diana.

Mga Himno

Paboritong himno ni Diana ang “Sa Kapatagan sa May Judea,” na tungkol sa pagsilang ni Jesucristo. Ginagamit ng mga miyembro sa Romania ang berdeng himnaryo ng Simbahan. Ang ibig sabihin ng “Imnuri” ay “mga himno” sa Romania.

Mga larawan ng magkapatid na kuha ni Adam C. Olson; paglalarawan sa cake at brownie ni Thomas S. Child