2012
Komentaryo
Abril 2012


Komentaryo

Isang Mahalagang Kompas

Ang Liahona ay tanglaw ko sa buhay na ito. Sa pamamagitan nito, hindi ako kailanman maliligaw. Naniniwala ako na mahahanap ng lahat ng nagbabasa ng mga magasin ng Simbahan ang kailangan niya. Ako ay Primary president, at nakita kong gustung-gusto ng mga bata na makinig sa mga kuwento tungkol sa mga batang katulad nila sa magasin. Ang Liahona ay napakahalagang kompas sa ating buhay; tumutulong ito para maiwasan natin ang mga patibong ni Satanas.

Yanina Ivanivna Davydenko, Ukraine

Nagbibigay ng Kapanatagan ang mga Karanasan

Ang Liahona ay lubos na nakatulong sa akin sa pamamagitan ng mga mensahe at artikulo nito. Sa hirap ng aming buhay, madalas akong humihinto bawat araw at nagbabasa ng isang artikulo mula sa magasin na nagbabahagi ng mga karanasan sa buhay ng iba pang mga miyembro. Ang mga artikulong ito ay palaging tumutulong sa akin na madama ang espirituwal na kapanatagan at pinaninibago ang aking hangaring bumalik sa kinaroroonan ng Diyos at ni Jesucristo kasama ang aking pamilya.

João Carlos, Brazil