2012
Mga Balita Tungkol sa Templo
Abril 2012


Mga Balita Tungkol sa Templo

Inilaan ang Quetzaltenango Guatemala Temple

Ang Quetzaltenango Guatemala Temple ay inilaan noong Linggo, Disyembre 11, 2011, sa tatlong sesyon ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf, Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan. Ang mga sesyon sa paglalaan ay isinahimpapawid sa mga kongregasyon ng Simbahan na sakop ng temple district.

“Napakaganda ng templong ito,” sabi ni Pangulong Uchtdorf sa kultural na pagdiriwang noong Sabado, kung saan ang mga kabataan ay kumanta, sumayaw, at nagtanghal ng visual display ng kasaysayan at kultura ng lugar. “Ito ay nagliliwanag tulad ng isang hiyas, at ito ay isang hiyas para sa lugar na ito ng bansang ito.”

Ang Quetzaltenango Guatemala Temple ang ika-136 na templo ng Simbahan sa buong mundo at ikalima sa Central America. Maglilingkod ang templong ito sa tinatayang 60,000 mga Latter-day Saint.

Groundbreaking para sa Ikapitong Templo ng Simbahan sa Brazil

Noong Nobyembre 15, 2011, si Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol ang nangulo sa groundbreaking ceremony para sa Fortaleza Brazil Temple, ang ikapitong templo ng Simbahan sa Brazil.

“Ang templong ito ang pagmumulan ng pag-asa, liwanag, at pananampalataya sa Diyos para sa lahat ng pumupunta rito,” sabi ni Elder Bednar. “Ang lungsod na ito ay palaging magiging maganda at kakaiba dahil sa itatayong templo rito.”

Ang templo ay itatayo sa Avenida Santos Dumont sa Fortaleza, Ceará, Brazil. Ibinalita ni Pangulong Thomas S. Monson ang pagtatayo ng Fortaleza Brazil Temple sa pangkalahatang kumperensya noong Oktubre 2009.

Ang Quetzaltenango Guatemala Temple, na inilaan noong Disyembre 11, 2011 ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf, ang ika-136 na templo ng Simbahan.

CREDIT: