2012
Mga Bakas ng Paa sa Araw ng Paskua
Abril 2012


Mga Bakas ng Paa sa Araw ng Paskua

Si Jesucristo ay gumawa ng mahalagang bagay sa mga espesyal na lugar bago Siya ipinako sa krus at nabuhay na mag-uli. Sundan ang mga bakas ng paa kung saan Siya pumunta at ano ang ginawa Niya.

Paglalarawan ni Adam Koford

1. Tinuruan ni Jesus ang mga tao sa burol na tinawag na Bundok ng mga Olivo.

2. Pumunta si Jesus sa Jerusalem sakay ng asno. Masaya ang maraming tao na makita Siya.

3. Pinagaling ni Jesus ang mga maysakit sa templo.

4. Sa Halamanan ng Getsemani, nanalangin si Jesus sa Ama sa Langit at nagdusa para sa ating mga kasalanan.

5. Si Jesus ay ipinako sa krus.

6. Si Jesus ay nabuhay na mag-uli.