2012
Ang Simbahan sa Iba’t Ibang Dako
Abril 2012


Ang Simbahan sa Iba’t Ibang Dako

Libu-libo ang Dumalo sa Konsiyerto sa Puerto Rico

Noong Disyembre 18, 2011, ang mga miyembro ng limang stake ng Puerto Rico ay nakibahagi sa Pamaskong konsiyerto na ginanap sa Paseo de las Artes sa lungsod ng Caguas. Tinatayang 85 miyembro ng Simbahan ang nagtanghal, at mga 2,500 miyembro ng komunidad ang dumalo.

Ang Bagong Young Adult Center ang Ikatlo sa Africa

Noong Nobyembre 4, 2011, idinaos ng mga young adult ng Soweto South Africa Stake ang kanilang unang aktibidad sa isang bagong gusali na ekslusibong gagamitin bilang young adult center.

Mayroon nang mahigit 140 center sa iba’t ibang dako ng Europa, at may ilan sa buong Estados Unidos. Ang center sa Soweto ang ikatlo sa Africa; ang iba pa ay nasa Democratic Republic of Congo at Zimbabwe.

Naghikayat ng Pagtatanong ang Kakaibang Paraan

Isang nakarolyong papel ang pinagmulan ng aktibidad ng misyonero na “Questions for God” sa Nizhniy Novgorod, Russia, noong Oktubre 9, 2011.

Makaraan ang ilang oras, mahigit 150 katao ang tumigil sa dalawang mesa sa kalsadang dinaraanan ng maraming tao, at kumuha ng bolpen at isinulat ang kanilang mga tanong. Sa kabuuan, 84 na mga tanong ang naisulat sa nakarolyong papel. Maraming tao ang naghangad na marinig ang sagot sa mga misyonerong naroon.