2023
Si Jesucristo ang Ating Ilaw
Enero 2023


Mula sa Unang Panguluhan

Si Jesucristo ang Ating Ilaw

Hango sa “The Light and Life of the World,” Ensign, Nob. 1987, 63–66.

Larawan
Jesus Christ standing among the Nephites

Matapos Siyang mabuhay na mag-uli, binisita ni Jesus ang ilan sa mga tao sa mga lupain ng Amerika. Nakadamit ng puting kasuotan, bumaba Siya mula sa langit. Iniunat Niya ang Kanyang kamay at sinabing, “Masdan, ako si Jesucristo. … “Ako ang ilaw at ang buhay ng sanlibutan” (3 Nephi 11:10–11).

Si Jesus ang Ilaw ng Sanlibutan dahil tinatanglawan ng Kanyang mga turo at halimbawa ang ating daan pabalik sa Ama sa Langit.

Tumatanglaw sa Ating Daan

Larawan
Page from the January 2023 Friend Magazine. Lighting Our Way

Sinabi sa atin ni Pangulong Oaks ang apat na paraan na tinatanglawan ni Jesus ang ating daan. Hanapin ang talata sa banal na kasulatan na tumutugma sa bawat paraan.

  1. Ipinapakita sa atin ng Kanyang halimbawa kung ano ang dapat nating gawin.

  2. Tinutulungan Niya tayong malaman kung ano ang tama at mali.

  3. Tinutulungan tayo ng Kanyang kapangyarihan na naising gumawa ng mabuti.

  4. Ginagabayan tayo ng Kanyang liwanag sa mahihirap na panahon.

  1. Moroni 7:16–17

  2. 3 Nephi 18:16

  3. 1 Nephi 17:13

  4. Eter 4:11–12

Painting ni John Scott; mga larawang-guhit ni Shawna J. C. Tenney