2023
Pagtulong sa Gawain ng Ama sa Langit
Enero 2023


Kaibigan sa Kaibigan

Pagtulong sa Gawain ng Ama sa Langit

Mula sa interbyu ni Richard M. Romney.

Alam ba ninyo na inaanyayahan kayong tulungan ang Ama sa Langit sa Kanyang mahalagang gawain? Ang gawaing iyan ay ang tulungan ang lahat ng Kanyang anak na makabalik at makapiling Siya (tingnan sa Moises 1:39). Makakatulong kayo kapag ginawa ninyo ang apat na bagay: mamuhay, mangalaga, mag-anyaya, at magbuklod.

Mamuhay ayon sa ebanghelyo ni Jesucristo. Namumuhay kayo ayon sa ebanghelyo kapag tinutularan ninyo ang halimbawa ni Jesus. Maaari kayong manalangin, magbasa ng mga banal na kasulatan o mga aklat ng mga kuwento sa banal na kasulatan, magpatawad sa iba, at magsimba.

Pangalagaan ang mga nangangailangan. Maaari ninyong tabihan sa upuan ang isang taong nalulumbay. O maaari ninyong tawagan ang isang kaibigang maysakit at pasayahin siya.

Anyayahan ang iba na tanggapin ang ebanghelyo. Maaari ninyong anyayahan ang mga kaibigan sa simbahan o sa aktibidad sa Primary. Maaari ninyong anyayahan ang mga kaibigan sa inyong binyag.

Pagbuklurin ang mga pamilya para sa kawalang-hanggan. Maaari ninyong kausapin ang inyong mga lolo’t lola para malaman ang tungkol sa kanilang buhay. Maaari kayong maging tagapamayapa sa inyong tahanan. Kayo mismo ay maaaring maghanda na makapunta sa templo.

Ipinapangako ko na magagalak kayo kapag sinisikap ninyong mamuhay, mangalaga, mag-anyaya, at magbuklod sa tahanan, sa paaralan, at sa Primary. Mahal kayo ng Ama sa Langit! At makakatulong kayo sa Kanyang mahalagang gawain.

Mga larawang-guhit ni Augusto Zambonato