2023
Mahal na mga Kaibigan
Enero 2023


Mahal na mga Kaibigan,

Larawan
Painting of Jesus Christ holding an oil lamp.

Alam ba ninyo ang motto ng Kaibigan? (Hint: Makikita ninyo ito sa pabalat sa harapan ng bawat isyu.) Ito’y ang “Magkakasamang Sumusunod kay Jesus”! Buklatin ang pahina 14 para malaman ang tungkol sa ilang bata mula sa England na sumusunod kay Jesus sa pamamagitan ng pagtulong sa kanilang pamilya.

Sa buwang ito makikita rin ninyo ang isang bagung-bagong comic strip tungkol kina Margo at Paolo at sa kanilang mga pakikipagsapalaran sa Brazil. Buklatin ang pahina 32 para makilala ang kanilang pamilya at ang kanilang alagang loro na si Kiwi!

Nagmamahal,

Ang Kaibigan

P.S. Gusto naming marinig kung paano ninyo sinusunod si Jesus kung saan kayo nakatira. Sagutin lamang ang mga tanong sa pahina 13 at ipadala sa amin ang mga ito!