2023
Pagtuklas sa Aking mga Talento
Enero 2023


Mga Bata at Kabataan

Pagtuklas sa Aking mga Talento

Larawan
A young boy smiles as he looks up at a bird that is in a tree. He is holding a book about birds.

Nang magsimula akong magtakda ng mga mithiin para sa Mga Bata at Kabataan, pinag-usapan namin ng nanay ko kung anong mga bagong talento ang gusto kong matutuhan. Gusto kong magpraktis ng pagkanta, pagsasayaw, at pagtugtog ng piyano. Gusto ko ring malaman ang tungkol sa mga hayop, at gusto kong matutong magluto. Gusto ko ring basahin ang Aklat ni Mormon!

Maraming itinuro sa akin ang nanay ko tungkol sa pagpapaunlad ng aking mga talento. Noong una, mahirap iyon. Pero nagpraktis ako nang nagpraktis. Ngayon ay kaya ko nang tugtugin ang “Ako ay Anak ng Diyos,” “Do, Re, Mi,” at “Mary Had a Little Lamb” sa piyano. Natuto rin akong magsaing at magluto ng mga hotdog at mag-bake ng cookies. Nabasa ko ang ilang aklat tungkol sa mga hayop. Ngayo’y alam ko na ang mga pangalan ng maraming ibon, tulad ng bunting, honey creeper, at mockingbird. At natapos kong basahin ang Aklat ni Mormon bago ako nag-siyam na taong gulang. Ang galing kapag natapos mo ang buong aklat pagkaraan ng dalawang taon.

Sana marami pang matutuhan ang mga batang Primary tungkol kay Jesucristo at sa mga talento nila.

Larawang-guhit ni Kylah Garcia