2021
Paisa-isang Peach
Hunyo 2021


Kaibigan sa Kaibigan

Paisa-isang Peach

Mula sa isang panayam kasama ni Amber Healey

Larawan
girl picking a peach

Noong bata pa ako, dinala kami ng aming mga magulang sa isang halamanang pag-aari ng Simbahan. Naroon kami upang tumulong sa pamimitas ng mga peach. Umakyat kami sa matataas na hagdanan at inabot namin ang makakapal na dahon upang mapitas ang mga peach sa mga puno.

Noong una ay sabik na sabik kami. Pero hindi nagtagal, ang aming mga braso ay nangati dahil sa mga balahibo sa prutas! Sabi namin sa aming ina, “Ayaw na po namin itong gawin. Gusto na po naming huminto.”

Tinanong kami ng aming ina kung alam namin kung saan dadalhin ang lahat ng peach. Nang sabihin namin na hindi, ipinaliwanag niya ito sa amin.

Larawan
family eating together

“Ang bawat isa sa mga peach na ito ay dinadala sa isang gusali kung saan inilalagay ito sa lata ng mga boluntaryo. Pagkatapos ay ibinibigay ang mga lata na iyon sa mga taong nangangailangan ng pagkain. Taun-taon, ang Simbahan ay nagbibigay ng libu-libong lata ng pagkain.”

Sa isang iglap, tumigil kami ng ate ko sa pag-aalala tungkol sa makakati naming braso. Tumutulong kami sa mga taong nangangailangan ng pagkain! Pagkatapos niyon, masaya kaming umakyat sa mga hagdanan at namitas ng mabalahibong prutas na kulay kahel.

Ngayong taon, hiniling namin sa iyo na makibahagi ka sa paanyaya ng mga Matulunging Kamay (tingnan sa Kaibigan ng Enero 2021). Ang paglilingkod sa iba sa paraan kung paano naglingkod si Cristo ay isa sa pinakamahahalagang bagay na maaari mong gawin. Ang mga bata ay may espesyal na paraan ng pagpansin sa mga yaong nangangailangan at pagboboluntaryo ng kanilang tulong. Maaaring ang isang simpleng paglilingkod ay tila hindi gaanong malaki sa simula. Pero kung ang lahat ng bata sa buong mundo ay maghahanap ng mga paraan upang makapaglingkod, magiging kamangha-mangha ang mga bagay na ito kapag pinagsama-sama!

Larawan
Friend Magazine, Global 2021/06 Jun

Mga paglalarawan ni Toby Newsome