2021
Matt at Mandy
Hunyo 2021


Matt at Mandy

Larawan
Friend Magazine, Global 2021/06 Jun

Isang gabi sa home evening …

Ang ikapitong saligan ng pananampalataya ay tungkol sa mga kaloob—mga kaloob ng Espiritu. Mandy, maari mo bang basahin ang unang linya?

“Naniniwala kami sa kaloob na mga wika, propesiya, paghahayag, mga pangitain …”

Ang mga kaloob na ito ay dumarating sa pamamagitan ng Espiritu Santo, at ang bawat tao ay may kahit isa man lang na kaloob.

Ano pong mga kaloob ang mayroon ako?

Matt, naaalala mo noong humingi ka ng basbas ng priesthood? May pananampalataya ka. Isa iyong kaloob ng Espiritu.

Mandy, noong nakaraang buwan ay nagpatotoo ka sa simbahan. Ang patotoo ay isa pang kaloob ng Espiritu.

Ibinibigay sa atin ng Panginoon ang mga kaloob na ito upang pagpalain ang ating mga buhay at tulungan tayong gumawa ng kabutihan para sa iba.

Astig. Sa susunod na makarinig ako ng tungkol sa mga kaloob, hindi na Pasko ang unang bagay na maiisip ko!

Ikapitong Saligan ng Pananampalataya

“Naniniwala kami sa kaloob na mga wika, propesiya, paghahayag, mga pangitain, pagpapagaling, pagbibigay-kahulugan sa mga wika, at iba pa.”

Mga paglalarawan ni Matt Sweeney