2021
Bininyagan Ako ng Kuya Ko
Hunyo 2021


Isinulat Mo

Bininyagan Ako ng Kuya Ko

Larawan
sister and brother in white clothes for baptism

Noong malapit na akong magdiwang ng aking ikawalong kaarawan, itinanong ng aking mga magulang kung gusto kong binyagan ako ng kuya kong si Enzo. Noong una, hindi ako sigurado kung gusto kong siya ang magbinyag sa akin. Pero nagpasiya akong hilingin sa kanya na siya ang magbinyag sa akin.

Nagsanay kami ng kuya ko bago sumapit ang binyag ko. Sinabi niya sa akin kung ano ang sasabihin niya at kung kailan ko dapat pisilin ang aking ilong bilang paghahanda sa paglubog sa tubig. Tinulungan ng aking ama si Kuya Enzo na sauluhin ang panalangin sa binyag.

Nagkaroon ng bahagi ang buong pamilya ko sa aking binyag. Sina Chloé at Margo ang naging mga saksi. Si Margo at ang aking ina ang nagbigay ng mga mensahe. Si Ate Chloé ay nagtanghal ng isang piyesa sa biyolin. Bininyagan ako ni Kuya Enzo, at kinumpirma ako ng aking ama bilang miyembro ng Simbahan at ibinigay niya sa akin ang kaloob na Espiritu Santo.

Habang naghahanda akong lumusong sa tubig, sabik na sabik ako. Nakaramdam ako ng labis na kaligayahan sa buong katawan ko. Nang lumusong ako sa tubig, napakagaan ng aking pakiramdam kaya parang ayaw ko nang umahon.

Kinabukasan, tumanggap ako ng sakramento bilang bagong miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang kuya ko ay nagbasbas din ng sakramento sa unang pagkakataon!

Ibang-iba ang pakiramdam ko pagkatapos ng aking binyag. Naramdaman ko na ang impluwensya ng Espiritu Santo bago pa man ako mabinyagan, pero mas nararamdaman ko ito ngayon. Sinisikap kong sundin si Jesucristo. Pakiramdam ko ay tinutulungan ako ng Espiritu Santo na gumawa ng mas mabubuting pagpili at inaalo ako nito. Mas panatag ako, at alam kong binabantayan ako ng Ama sa Langit.