2021
Kilalanin si Karles mula sa Puerto Rico
Hunyo 2021


Mga Matulunging Kamay sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo

Kilalanin si Karles mula sa Puerto Rico

Kilalanin ang mga batang Primary na tumutulong sa iba, tulad ng ginawa ni Jesus.

Larawan
boy in Puerto Rico

Lahat ng tungkol kay Karles

Larawan
drawings of Karles and his family

Edad: 6

Mula sa: Puerto Rico

Mga wika: Espanyol, Portuges, Ingles

Mag-anak: Sina Inay at Itay

Mga mithiin at pangarap: 1) Magmisyon.2) Maging isang bumbero, doktor, o pulis.

Ang mga Matulunging Kamay ni Karles

Larawan
Karles with his family

Gustung-gusto ni Karles na tumutulong sa mga tao. Sinasabi ng kanyang ina na may espesyal na kaloob siya sa paglilingkod sa iba.

Noong Enero 2020, lumindol nang malakas sa Puerto Rico. Isa itong nakakatakot na panahon para sa lahat. Kinailangang matulog ni Karles at ng kanyang pamilya sa kanilang kotse sa loob ng maraming linggo. Pero nanatiling nakangiti si Karles at kaagad na kumilos. Tumulong siya sa pamimigay ng mga hygiene kit sa iba na nawalan ng kanilang mga tahanan at sa mga maysakit at matatanda.

Tumulong din si Karles noong pandaigdigang araw ng paglilingkod sa Karibe. Tumulong siya sa mga tao sa kanyang branch na magtipon ng mga dahon at maglinis ng mga bakuran. Gustung-gusto ni Karles na tumutulong sa kanyang mga magulang sa pamamagitan ng paglalaba ng mga damit, pagtatrabaho sa halamanan, at paggawa ng masa ng tinapay para sa kanyang paboritong pagkain, pizza!

Mga Paborito ni Karles

Larawan
pictures of Karles’s favorites

Lugar: Ang water park

Kuwento tungkol kay Jesus: Nang pagalingin ni Jesus ang mga ketongin

Awitin sa Primary: “Isinugo, Kanyang Anak” (Aklat ng mga Awit Pambata, 20–21)

Pagkain: Puting kanin, nilagang beans, manok, at pizza

Kulay: Pula

Asignatura sa paaralan: Edukasyong Pangkatawan at matematika

Larawan
Friend Magazine, Global 2021/06 Jun

Mga paglalarawan ni Dana Sanmar