Mga Calling sa Mission
Pag-iingat 2


“Pag-iingat 2,” Mga Pag-iingat sa Paggamit ng Teknolohiya (2015)

“Pag-iingat 2,” Mga Pag-iingat sa Paggamit ng Teknolohiya

Pag-iingat 2

Magtuon sa Iyong Layunin Bilang Missionary

Sinabi na ng Panginoon: “At kung ang inyong mata ay nakatuon sa aking kaluwalhatian, ang inyong buong katawan ay mapupuno ng liwanag, at walang magiging kadiliman sa inyo; at yaong katawan na puno ng liwanag ay nakauunawa sa lahat ng bagay” (Doktrina at mga Tipan 88:67). Ang ibig sabihin ng ituon ang iyong mata sa kaluwalhatian ng Diyos ay lubos kang magtuon sa layunin ng Diyos—na siya ring layunin mo bilang missionary.

Lahat ng ginagawa mo—pati na kung paano mo ginagamit ang teknolohiya—ay dapat na nakasentro sa iyong layunin, na “imbitahin ang iba na lumapit kay Cristo sa pagtulong sa kanila na matanggap ang [ipinanumbalik] na ebanghelyo sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala, pagsisisi, [pagpapa]binyag, pagtanggap ng kaloob na Espiritu Santo, at pagtitiis hanggang wakas” (Mangaral ng Aking Ebanghelyo, 1). Ang hangarin mong maibahagi ang ebanghelyo ay makatutulong para makaiwas ka sa mga nakagagambalang bagay.

Buksan lamang ang iyong device kapag malinaw sa iyo ang layunin mo. Bago buksan ang iyong mobile device o computer o buksan ang isang app, magpasiya kayo ng iyong kompanyon kung ano ang gagawin ninyo. Isipin ang haba ng oras na iuukol ninyo at kung paano hahantong ang mga aktibidad na ito sa pagtulong sa mga tao na sumampalataya kay Jesucristo, magsisi, gumawa at tumupad ng mga tipan, madama at sundin ang Espiritu Santo, at magtiis hanggang wakas. Sundin ang mga patnubay ng iyong mission president tungkol sa kung alin ang angkop na mga digital na aktibidad. Batay sa karanasan, mas malamang na makakita ang mga tao ng di-angkop na content sa internet kapag basta lang sila nagsu-surf sa web nang walang partikular na layunin sa isipan.

Larawan
dalawang elder missionary na nagtuturo gamit ang mobile phone