Seminary
Magtagumpay sa Paaralan: Buod


“Magtagumpay sa Paaralan: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Magtagumpay sa Paaralan: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Paghahanda sa Buhay: Magtagumpay sa Paaralan

Magtagumpay sa Paaralan

Buod

Para sa marami, ang mga hamon upang magtagumpay sa kanilang pag-aaral ay maaaring mabigat. Kapag isinali natin ang Ama sa Langit at si Jesucristo sa proseso ng pagtatamo ng edukasyon, palalakihin at palalakasin Nila ang ating mga pagsisikap. Kinikilala natin na tayo ang responsable sa ating mga pagpapasiya at iniiwasan natin ang pagdadahilan dahil sa hindi magandang kinahinatnan. Maaari nating sundin ang mga huwarang itinuro ng Tagapagligtas na makatutulong sa atin na maging mas maayos, at iwasan ang tukso na pagpapaliban, habang may kumpiyansa nating dinaraig ang anumang hirap sa pag-aaral.

Mungkahi sa takbo ng pagtuturo: Maaaring ituro ang ilan sa o ang lahat ng lesson na ito sa simula ng school year. Kapag ginawa ito, matutulungan ang mga estudyante na matuto ng mahahalagang kasanayan na makatutulong sa kanila na magtagumpay sa kanilang pag-aaral sa buong taon.

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailanganin mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Pagsali sa Panginoon sa Inyong Pagkatuto

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na isali ang Panginoon sa kanilang pag-aaral.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pagnilayan kung paano nila nakitang tinulungan sila ng Panginoon o ng isang kakilala nila na matuto sa paaralan. Maaari silang maghandang ibahagi sa klase ang karanasang ito.

  • Mga Materyal: Maghanda ng aktibidad na kakailanganin ng isang estudyante na tapusin ang isang gawain sa tulong ng iba (tulad ng pagbubukod-bukod ng mga may kulay na kendi habang nakapiring)

  • Nilalaman na ipapakita: Mga tagubilin sa aktibidad sa pagsusulat sa journal sa katapusan ng lesson

  • Handout:Pagsali sa Panginoon sa Ating Pag-aaral

Pagiging Responsable sa Inyong Pag-aaral

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang mga kilos na makatutulong sa kanilang maging responsable sa kanilang pag-aaral.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na isipin ang tungkol sa kanilang mga pagsisikap sa pag-aaral sa mga sumusunod na tanong:

    • Ano ang ilang bagay na mahusay kong ginagawa na nakatutulong sa akin sa paaralan?

    • Gaano kadalas ako gumagawa ng mga dahilan na maaaring makahadlang sa aking pagkatuto?

  • Handout: “Pagiging Responsable

Pag-aayos ng mga Gawain at Priyoridad

Mungkahi sa takbo ng pagtuturo: Ginagamit ng lesson na ito ang salaysay sa Abraham 4–5 tungkol sa Paglikha upang makapagtaguyod ng mga huwaran ng kaayusan at pag-aayos ng isang tao na gumawa ng mga inspiradong pagpili na nakasalig kay Jesucristo at sa Kanyang doktrina. Maaari mong ituro ang lesson kasabay ng pagtuturo mo ng Lesson 7: “Genesis 1:1–25.”

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na matutuhan ang mga paraan na ang halimbawa ng Tagapagligtas ay makatutulong na magkaroon ng kaayusan sa kanilang mga gawain sa paaralan.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na gumawa ng listahan ng mga gawain sa paaralan na kailangan nilang tapusin sa linggong ito. Maaaring kabilang dito ang takdang-aralin, mga pagsusulit, proyekto, o nakatalagang babasahin (kabilang ang seminary).

  • Nilalaman na ipapakita: Isang larawan ng isang bagay na nangangailangan ng maraming hakbang para magawa (tulad ng recipe, jigsaw puzzle, o do-it-yourself na proyekto); isang larawan ng langit at lupa

  • Handout:Pag-aayos at Pag-una sa Aking Gawain sa Paaralan

Pagdaig sa Pagpapaliban

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang mga paraan upang madaig ang tuksong ipagpaliban ang mga gawain sa paaralan.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na dumating nang handang magbahagi ng ilan sa mga dahilan kung bakit maaaring ipagpaliban ng mga tinedyer ang kanilang gawain sa paaralan. Hikayatin silang maghandang ibahagi ang kanilang ginawa upang manatiling napapanahon sa kanilang mga gawain at assignment sa paaralan.

  • Nilalaman na ipapakita: Isang larawan ng mga Israelita na nagtitipon ng manna

  • Mga Materyal: Mga kagamitan sa sining para makagawa ng poster ang mga estudyante

  • Video:Your Next Step,” time code na 7:38 hanggang 8:29