Seminary
I-assess ang Iyong Pagkatuto, Bahagi 1: Moises 1–5; Abraham 1–3; Genesis 37; 39; 41


“I-assess ang Iyong Pagkatuto, Bahagi 1: Moises 1–5; Abraham 1–3; Genesis 37; 39; 41,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“I-assess ang Iyong Pagkatuto, Bahagi 1: Moises 1–5; Abraham 1–3; Genesis 37; 39; 41,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan

Appendix

I-assess ang Iyong Pagkatuto, Bahagi 1

Moises 1–5; Abraham 1–3; Genesis 37; 39; 41

Ang pagninilay at pag-assess sa ating espirituwal na pagkatuto ay makatutulong sa atin na mas mapalapit sa Tagapagligtas. Ang assessment na ito ay makatutulong sa iyo na alalahanin at suriin kung paano nakatulong sa iyo ang mga karanasan mo sa pag-aaral ng Moises 1–5; Abraham 1–3; at Genesis 37; 39; 41 na espirituwal na umunlad at mas mapalapit kay Jesucristo. Maghanap ng mga pagkakataon upang ibahagi ang ilan sa iyong mga sagot sa mga kaibigan o kapamilya.

Tandaan: Bago gawin ang assessment na ito, tiyaking kumpletuhin ang mga kinakailangang babasahin kung hindi mo pa ito nagagawa: Moises 1–5; Abraham 1–3; Genesis 37; 39; 41.

Ano ang natututuhan mo? Paano ka umuunlad?

Zina Flowers and Zina Seeds

Isipin ang tungkol sa prosesong nangyayari sa isang binhi para maging bulaklak.

  • Ano ang ilan sa mga bagay na kinakailangan upang ganap na maging bulaklak ang isang binhi?

  • Sa anong mga paraan maihahalintulad ang pagiging higit na katulad ng Ama sa Langit at ni Jesucristo sa prosesong nangyayari sa binhi para maging bulaklak?

Maglaan ng ilang minuto para isulat sa iyong study journal ang tungkol sa iyong progreso na maging higit na katulad ng Ama sa Langit at ni Jesucristo habang pinag-aaralan mo ang Lumang Tipan. Habang nagsusulat ka, matutulungan ka ng Espiritu Santo na maalala ang mga katotohanang natutuhan mo. Matutulungan ka rin ng Espiritu na matukoy ang mga paraan kung paano umuunlad ang iyong espiritwalidad.

Pagpapaliwanag ng mga epekto ng Pagkahulog at ng tungkulin ni Jesucristo bilang ating Manunubos

Mahalagang maunawaan ang Pagkahulog bilang bahagi ng plano ng Ama sa Langit at ang tungkulin ng Tagapagligtas bilang ating Manunubos mula sa mga epekto ng Pagkahulog. Pumili ng isa sa mga paksa sa ibaba. Rebyuhin ang Moises 4:6–13; 22–25; 5:5–12, at pag-isipan kung paano mo ipapaliwanag ang paksang pinili mo.

  1. Ang pagpili nina Adan at Eva na humantong sa Pagkahulog

  2. Ang mga epekto ng Pagkahulog kina Adan at Eva at sa lahat ng anak ng Ama sa Langit

  3. Kung paano tayo tinutubos ng Tagapagligtas mula sa mga epekto ng Pagkahulog

Isulat sa iyong study journal kung paano mo ipapaliwanag ang paksang pinili mo at magsanay na ipaliwanag ang mga paksang ito sa isang kapamilya, kaibigan, o sa iyong seminary teacher.

Pagpapatindi ng ating hangaring isakatuparan ang ating banal na identidad at layunin

Old Testament Lesson 21 - Identity

Magdrowing ng outline ng isang tao na maaaring kumatawan sa iyo. Sa outline na ito, o malapit dito, isulat ang mga katotohanan tungkol sa iyong banal na identidad na natutuhan mo kamakailan sa Lumang Tipan. Kung maaari, gawing personal ang mga pahayag na ito gamit ang “akin” o “ako.” Isiping gamitin ang ilan o lahat ng sumusunod na talata ng banal na kasulatan na pinag-aralan mo kamakailan para matulungan ka:

Abraham 3:22–23

Moises 1:1–11

Moises 1:12–24

Genesis 1:26–27

Pagkatapos ay pumili ng isa sa mga sumusunod na aktibidad na kukumpletuhin:

Opsiyon A: Ilarawan ang ilang sitwasyon kung saan makatutulong sa isang tao ang pag-alam sa mga katotohanang ito. Ipaliwanag kung paano makatutulong ang mga katotohanang ito sa bawat sitwasyon.

Opsiyon B: Kumpletuhin ang mga sumusunod na parirala:

Makatutulong sa akin ang kaalaman sa mga katotohanang ito kapag

  • Iniisip ko ang aking sarili dahil …

  • Nahaharap ako sa tukso dahil …

  • Nakikipag-ugnayan ako sa iba dahil …

  • Gumagawa ako ng mga desisyon dahil …

Pakikibahagi sa pagtitipon ng Israel

Sa Lumang Tipan, nalaman natin ang tungkol sa pangako ng Panginoon sa sambahayan ni Israel na kilala bilang tipang Abraham. Basahin ang Abraham 2:8–11 para rebyuhin kung ano ang tipang ito. Hinikayat ni Pangulong Russell M. Nelson ang mga kabataan ng Simbahan na tulungan ang iba na pumasok sa tipang ito sa Panginoon. Ito ay kilala bilang pagtitipon ng Israel. Ibinahagi ni Pangulong Nelson kung paano tayo makikibahagi rito:

Official portrait of President Russell M. Nelson taken January 2018

Sa tuwing gumagawa tayo ng kahit ano na makatutulong sa kahit sino—sa magkabilang panig ng tabing—para gawin at tuparin ang kanilang mga tipan sa Diyos, tumutulong tayo na tipunin ang Israel (“Hayaang Manaig ang Diyos,” Liahona, Nob. 2020, 92–93).

Isipin kung paano ka aktibong makikibahagi sa pagtitipon ng Israel sa pamamagitan ng paggawa ng diagram na katulad ng sumusunod sa iyong study journal. Isulat sa bawat bilog ang mga naiisip at nadarama mo.

Patuloy na hingin ang tulong ng Espiritu Santo upang malaman ang mga paraan kung paano ka makikibahagi sa pagtitipon ng Israel. Kahit na maaaring wala kang gaanong nagawa upang makatulong sa pagtitipon ng Israel, maaari kang magsimula ngayon. Ang Panginoon ay pagpapalain ka at ang iba pa kapag isinagawa mo ang iyong plano.