Seminary
Genesis 12–17; Abraham 1–2: Buod


“Genesis 12–17; Abraham 1–2: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Genesis 12–17; Abraham 1–2: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Genesis 12–17; Abraham 1–2

Genesis 12–17; Abraham 1–2

Buod

Hinangad ni Abraham ang Panginoon at ninais na maging tagasunod ng kabutihan. Nakipagtipan ang Panginoon na pagkakalooban Niya si Abraham ng lupain, inapo, at ng mga pagpapala ng priesthood. Ang mga inapo ni Abraham ay magkakaroon ng responsibilidad na pagpalain ang lahat ng bansa sa lupa sa pamamagitan ng mga pagpapala ng ebanghelyo ng Tagapagligtas. Ang tipan na ito ay nakilala bilang tipang Abraham. Bilang mga miyembro ng Simbahan ng Tagapagligtas, matatanggap natin ang mga pagpapala at responsibilidad ng tipang Abraham.

icon ng seminary

Tulungan ang mga mag-aaral na maghangad, makahiwatig, at kumilos ayon sa personal na paghahayag. Matutulungan ng mga titser ang mga estudyante na makahiwatig at kumilos ayon sa inspirasyon mula sa Espiritu Santo. Ang isang paraan upang magawa ito ay magtanong ng mga bagay na makatutulong sa mga estudyante na kumilos ayon sa personal na paghahayag. Tinulungan din ng Tagapagligtas ang mga mag-aaral na kumilos ayon sa paghahayag sa pamamagitan ng pagtatanong sa kanila. Ang isang halimbawa kung paano tutulungan ang iba na kumilos ayon sa paghahayag ay matatagpuan sa Lesson 24: “Abraham 2:9–11.” Upang malaman ang iba pa, tingnan sa “Tinulungan ng Tagapagligtas ang Iba na Maghangad, Makahiwatig, at Kumilos ayon sa Personal na Paghahayag” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2022], 18).

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Abraham 1

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na makadama ng pag-asa na matutulungan sila ng Ama sa Langit na matamo ang mga pagpapalang nais Niyang matanggap nila.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na ilista ang pinakagusto nila sa buhay at isipin kung ano ang nadarama ng Ama sa Langit tungkol sa pinakagusto nila.

  • Mga Video:Deliverance of Abraham” (1:38); “Ganap na Kaliwanagan ng Pag-asa” (17:45) mula sa time code na 11:09 hanggang 11:38

Genesis 12, 17

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maipaliwanag ang tipang Abraham at kung paano ito nauugnay sa kanila.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na saliksikin ang “Tipang Abraham” sa Gospel Library o Gabay sa mga Banal na Kasulatan, at pumasok sa klase na handang ibahagi ang nalaman nila.

  • Nilalamang ipapakita: Ang chart na may dalawang column sa ilalim ng heading na “Ano ang tipang Abraham?”; ang kaugnay na mga scripture passage para sa bawat column

Abraham 2:9–11

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na kumilos ayon sa mga responsibilidad na ibinigay sa kanila ng Panginoon bilang binhi ni Abraham.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pag-isipan ang mga sumusunod na tanong at talakayin ang mga ito sa isang kapamilya: “Bakit mahalaga sa iyo ang ebanghelyo ni Jesucristo? Sa iyong palagay, bakit ito kailangan ng lahat ng tao?”

  • Video:Pagiging Misyonero” (17:07) mula sa time code na 15:00 hanggang 15:27

  • Handout:Pagtupad sa ating mga responsibilidad sa tipang Abraham