Seminary
Genesis 3–4; Moises 4–5: Buod


“Genesis 1–2; Moises 2–3; Abraham 4–5: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Genesis 1–2; Moises 2–3; Abraham 4–5: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Genesis 3–4; Moises 4–5

Genesis 3–4; Moises 4–5

Buod

Sa buhay bago tayo isinilang o premortal na buhay, hinangad ni Satanas na wasakin ang ating kalayaang pumili, at pinili ng Ama sa Langit si Jesucristo na maging Tagapagligtas natin. Ang Pagkahulog nina Adan at Eva ay isang kinakailangang hakbang sa plano ng Ama sa Langit. Pumarito si Jesucristo upang tubusin tayo mula sa mga epekto ng Pagkahulog, kabilang ang espirituwal at pisikal na kamatayan.

icon ng seminary Matutuhan ang doktrina ni Jesucristo para sa iyong sarili. May kapangyarihan ang pag-aaral, pagninilay, at pagkatuto ng doktrina ng Tagapagligtas para sa iyong sarili bilang paghahanda sa pagtuturo sa iyong mga estudyante. Upang matuto pa tungkol dito, tingnan ang bahaging “Natutuhan ng Tagapagligtas ang Doktrina” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 20–21). Ang pagbibigay ng mga tanong sa klase na naghihikayat ng malalim na pag-iisip ay makatutulong sa mga estudyante na pagnilayan, ipahayag, at mas matutuhan ang doktrina ng Tagapagligtas para sa kanilang sarili. Makikita ang isang halimbawa ng paggawa nito sa Lesson 10: “Moises 4:1–4.”

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Moises 4:1–4

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na hangaring tularan ang halimbawa ni Jesucristo sa pagsunod sa Ama sa Langit.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na mag-isip ng mga taong kakilala nila na ang halimbawang ipinapakita ay naghihikayat sa kanila na maging mas masunurin sa Ama sa Langit. Hilingin sa kanila na pumasok sa klase na handang magbahagi.

  • Video:Itaas Mo ang Iyong Ulo at Magsaya” (9:51; panoorin mula sa time code na 5:48 hanggang 6:27 at mula sa time code na 6:53 hanggang 7:48)

Moises 4:5–32; 5:1–15, Bahagi 1

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang mga epekto ng Pagkahulog sa plano ng Ama sa Langit at sa kanilang sariling buhay.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na isaulo ang doctrinal mastery passage na 2 Nephi 2:25 at itanong sa isang magulang o lider ng Simbahan kung ano ang kahulugan nito para sa kanila.

  • Mga larawan: Sina Adan at Eva; (maaari mo ring piliing magpakita ng iba’t ibang larawan na kumakatawan sa pagsisikap, mga pagsubok, kalungkutan, at kamatayan)

  • Video:Adam and Eve” (1:53)

  • Mga materyal para sa mga estudyante: Papel para sa bawat estudyante

  • Nilalamang ipapakita: Mga tagubilin para sa paggawa ng mga polyeto

Moises 4:5–32; 5:1–15, Bahagi 2

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madama ang kagalakang matubos mula sa Pagkahulog sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na alamin ang mga epekto ng Pagkahulog nina Adan at Eva sa buong paligid nila. Maaaring kabilang dito ang pagsilang, kamatayan, pisikal na katawan, kasalanan, gutom, karamdaman, at iba pa. Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung paano makatutulong si Jesucristo sa bawat epektong matutukoy nila.

  • Mga larawan: Isang taong nahuhulog mula sa eroplano; Pag-aalay nina Adan at Eva ng mga panganay ng kanilang mga kawan

  • Mga materyal para sa mga estudyante: Mga polyeto na sinimulang gawin ng mga estudyante sa nakaraang lesson

  • Nilalamang ipapakita: Mga tagubilin para sa paggawa ng mga polyeto

  • Handout:Tinutubos ako ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo mula sa …