Mga Hanbuk at Calling
7: Anong Resources at Tools ang Makatutulong sa Aking Progreso?


7

Anong Resources at Tools ang Makatutulong sa Aking Progreso?

Magreport:Ibahagi (o itala sa iyong journal) ang isang karanasan mo sa linggong ito sa isang mentor o guro o paano mo tinuruan ang isang tao.

Sa pagsisikap mong kamtin ang iyong mga mithiin, maraming resources ang makakatulong sa iyo.

Responsibilidad ng Bawat Tao

Basahin:Kahit gaano karami ang resources na makukuha natin, nasa atin kung gagamitin natin sa mabuti ang resources at tools na ito. Itinuro ni Pangulong Brigham Young: “Hindi ako inaakay ng pananampalataya ko na isipin na magbibigay sa atin ang Panginoon ng mga litsong baboy, tinapay na may mantekilya na, atbp., bibigyan niya tayo ng kakayahang alagaan ang mga butil, anihin ang mga bunga ng lupa, gumawa ng mga tirahan, bumili ng ilang tabla para makagawa ng kahon, at kapag anihan na, bibigyan tayo ng mga butil, para pangalagaan natin ito” (Discourses of Brigham Young, sel. John A Widtsoe [1954], 291–92).

Activity:Sa scale na 1 hanggang 5, bigyan mo ng marka ang sarili mo sa ibaba:

1

2

3

4

5

Hinihintay ko ang iba na gawin ang mga bagay para sa akin.

Hinihintay kong sabihin sa akin ng iba kung ano ang gagawin ko.

Ginagawa ko ang mga bagay na magaang gawin.

Kung minsan kusa kong ginagawa ang mga bagay na tutulong sa aking progreso o pag-unlad.

Halos palagi akong nagkukusa sa paggawa ng mga bagay na tutulong sa aking progreso o pag-unlad.

Kung ang marka mo sa sarili mo ay wala pang 5, isaad sa iyong journal ang isa o dalawang bagay na gagawin mo para lalo ka pang maging responsable sa buhay. Basahin kung paano ipinapangako ng Panginoon na bibigyan ka Niya ng kapangyarihang gawin ito upang ikaw ay mapangalagaan at hindi madaig (tingnan sa D at T 44:4–5).

Mga Materyal Tungkol sa Pamilya

Pag-isipang mabuti:Paano ako makahuhugot ng lakas mula sa aking pamilya?

Activity:Ilista ang resources na makukuha mo sa pamamagitan ng iyong pamilya o mga kamag-anak. (Kasama sa ilang halimbawa ang mga talento o kasanayan na makakatulong sa iyo, ang kaalaman tungkol sa mga programa sa pag-aaral o trabaho, o espirituwal na lakas, o patotoo.)

Mga Self-reliance Center at mga Grupo

Basahin:Ang mga self-reliance resource center at self-reliance group ay makatutulong sa iyo na maging mas malaya at matatag sa espirituwal. Sa ngayon, may resources ang mga center para tulungan kang alamin ang iyong mga pangangailangan at mga kasanayan at maaaring makahanap ng trabaho, magsimula o magpalago ng maliit na negosyo, o piliin ang edukasyon na hahantong sa mas magandang trabaho. Nirerebyu din nila ang mga pangunahing doktrina at alituntunin ng self-reliance. Lahat ng materyal ay matatagpuan online sa srs.lds.org.

Activity:Magpunta sa inyong stake self-reliance resource center at kausapin ang isang tao roon. Kung walang self-reliance center sa inyong stake, hilingin sa inyong stake self-reliance specialist na magrekomenda ng iba pang resources na magagamit mo.

Isulat ang ilang mahahalagang resources na makukuha sa mga self-reliance resource center na maaaring maging kapaki-pakinabang sa iyo.

Resources ng Self-Reliance Center

1.

2.

3.

4.

Online Resources ng Simbahan

Basahin:Ang Simbahan ay nag-aalok din ng maraming online resources sa pamamagitan ng LDS.org at iba pang mga site na makatutulong sa iyo na maging self-reliant sa espirituwal, temporal, at emosyonal. Kabilang sa resources na ito ang:

  • education.lds.org

  • srs.lds.org (self-reliance section ng LDS.org)

  • welfare.lds.org (paliwanag tungkol sa mga paksa ng ebanghelyo)

  • manuals.lds.org (lahat ng manwal tungkol sa ebanghelyo)

  • overcomingpornography.org (tulong sa mga adiksyon sa pornograpiya)

  • mormonandgay.lds.org (tulong sa mga naaakit sa kaparehong kasarian)

  • medialibrary.lds.org (mga video ng Simbahan)

  • scriptures.byu.edu (mga link sa mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya na bumabanggit sa bawat banal na kasulatan)

  • speeches.byu.edu (mga debosyonal sa BYU)

Institute

Basahin:Ang institute ay isang magandang resource o sanggunian. Kung hindi ka pa nakapagparehistro sa isang klase, makakahanap ka sa pamamagitan ng pagpunta sa institute.lds.org/find-institute, o sa pagtatanong sa inyong mga lokal na lider. Mangakong makatapos sa institute.

Pathway

Basahin:Ang Pathway ay murang programa na dinisenyo para magbigay sa mga estudyante ng tiwala sa sarili at kasanayan na kailangan upang magtagumpay sa kolehiyo. Tinutulungan nito ang mga participant na pag-ibayuhin ang kanilang espirituwal na lakas at paghusayin ang kanilang skill sa English at matematika. Sa programa, dumadalo ang mga estudyante sa lokal na mga pagtitipon at online na mga kurso upang magkaroon ng credits sa kolehiyo na puwede ring i-credit kung lilipat sa BYU–Idaho at iba pang mga unibersidad. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga oportunidad ng Pathway na malapit sa iyo, magpunta sa pathway.lds.org.

Financial Resources

Pag-isipang Mabuti:Ano ang financial resources na makukuha mo? May sinusunod ka bang badyet, nag-iipon ng pera, at umiiwas sa di-kailangang pangungutang?

Activity:Maghanap ng taong pinagkakatiwalaan mo na marunong humawak ng sarili niyang pera. Humingi ng payo sa taong ito na nakatulong sa kanya na maabot ang kanyang financial goals.

Mga Programa ng Gobyerno

Basahin:Ang gobyerno ay madalas maglaan ng mga job training program, pautang sa estudyante, at mga scholarship. Ang dagdag na impormasyon tungkol sa mga ito ay maaaring matagpuan sa isang self-reliance resource center.

Mga Mapagkukunan ng Impormasyon Online

Basahin:Ang mga online search engine ay makakatulong sa iyo sa paghahanap ng impormasyon at mga video tungkol sa halos anumang paksang gusto mong malaman o matutuhan. Bagama’t maaaring hindi mo makita ang lahat online, magandang magsimula rito at maaaring maituro nito sa iyo ang iba pang resources.

    Mangakong Gawin:
  • Alalahanin ang isang pagkakataon sa misyon na hindi mo alam ang gagawin. Itala sa iyong journal kung paano ka tumugon at paano angkop ang karanasang iyon sa iyong buhay ngayon.

  • Bisitahin ang isang self-reliance center (kung mayroon sa inyong stake) at maging pamilyar sa resources na iniaalok nila.

  • Ibahagi ang natutuhan mo ngayon sa isa pang returned missionary, young single adult, o sa miyembro ng iyong pamilya.