1
Pambungad
Mungkahi para sa mga lider ng priesthood: Rebyuhin ang pambungad na ito kasama ng pauwing missionary.
-
Basahin:Binabati ka namin sa pagtupad mo sa pagtawag sa iyo na maglingkod sa Panginoon bilang missionary. Pambihira ang iyong nagawa. Habang nasa misyon ka, naging abala ka sa pagtuturo ng doktrina ni Cristo, sa pag-anyaya sa mga kaluluwa na lumapit kay Cristo, at sa paghiling sa mga investigator na magpakita ng malaking pananampalataya.
-
Talakayin:Ano ang nakita mo sa iyong misyon na mga halimbawa ng mga taong kumikilos nang may pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos? Ano ang maituturo ng mga halimbawang ito sa iyo tungkol sa pagtitiwala sa Diyos at pagkilos nang may pananampalataya na maiuugnay sa trabaho, edukasyon, at pag-aasawa?
-
Basahin:Pinamumunuan ng Panginoon ang “isang dakila at kagila-gilalas na gawain” (D at T 6:1), at kailangan sa gawaing ito ang iyong paglilingkod. Binigyang-diin ito ni Elder M. Russell Ballard sa malinaw na panawagang ito: “Ang kailangan namin ngayon ay ang pinakadakilang henerasyon ng mga young adult sa kasaysayan ng Simbahan. Kailangan namin ang inyong buong puso at kaluluwa” (“Ang Pinakadakilang Henerasyon ng mga Young Adult,” Ensign o Liahona, Mayo 2015, 68). Bagama’t maaaring iniisip mo na tapos na ang mga araw mo bilang missionary, hindi ito totoo.
Inilaan ng Panginoon ang Kanyang plano ng kaligayahan para sa iyo. Pagpapalain ka Niya kapag tinanggap mo ito nang lubusan. Biniyayaan ka Niya ng espesyal na mga kaloob at talento na magtutulot sa iyo na maging ang lahat ng nais Niya para sa iyo. Magagampanan mo ang iyong misyon dito sa lupa kung ikaw ay masigasig sa paghahangad na maunawaan at sundin ang Kanyang kalooban para sa iyo. Tutulungan ka ng buklet na ito na matuklasan at maisagawa ang iyong misyon bilang disipulo ni Jesucristo. Tutulungan ka rin nito na maging self-reliant sa espirituwal at temporal.
Nangako ang Tagapagligtas na tutulungan ka sa bawat kinakailangan mo sa iyong buhay kung mayroon kang pananampalataya at susunod sa Kanyang salita. Sinabi Niya sa Kanyang mga disipulo, “Hindi kayo makapaglilingkod sa Dios at sa mga kayamanan.” Pagkatapos ay itinanong niya, “At tungkol sa pananamit, bakit kayo nangababalisa? … Talastas ng inyong Ama sa kalangitan na kinakailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito” (Mateo 6:24, 28, 32). At pagkatapos ay itinuro Niya ang daan para sa atin, na sinasabing, “Datapuwa’t hanapin muna ninyo ang [kaharian ng Diyos], at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay ay idaragdag sa inyo” (Mateo 6:33).
-
Talakayin:Paanong ang iyong misyon sa buhay ay bahagi ng plano ng kaligayahan ng Diyos?
-
Panoorin:Panoorin ang video na pinamagatang “The Greatest Generation of Young Adults” sa srs.lds.org/mcm. (Walang video? Basahin ang sumusunod.)
Elder Jeffrey R. Holland: “Ang panawagan ay bumalik, manatiling tapat, mahalin ang Diyos, at [tumulong]. Isinasama ko sa panawagang iyon na manatiling tapat ang bawat nakauwi nang missionary. … ‘Inaasahan ng inyong Ama sa Langit ang inyong katapatan at pagmamahal sa bawat yugto ng inyong buhay.’
“Sa lahat ng nakaririnig sa aking mensahe, ang tinig ni Cristo ay naririnig sa lahat ng panahon, at nagtatanong sa bawat isa sa atin habang may panahon, ‘Iniibig mo baga ako?’ Para sa ating lahat, sumasagot ako nang aking buong dangal at kaluluwa, ‘Oo, Panginoon, iniibig ka namin.’ At yamang tayo ay ‘nakahawak na sa araro,’ hindi na tayo tatalikod hanggang sa matapos ang gawain at maghari sa mundo ang tunay na pag-ibig sa Diyos at sa ating kapwa” (“Ang Unang Dakilang Utos,” Ensign o Liahona, Nob. 2012, 85).
-
Talakayin:Ano ang ibig sabihin sa iyo ng “manatiling tapat”?
-
Basahin:Itinuturo sa atin ng mga banal na kasulatan na manalangin tayo “nang buong lakas ng puso” upang tayo ay maging “katulad niya,” na ating Tagapagligtas (Moroni 7:48). Tunay nga na inaasahan ng Panginoon na isusulong natin ang Kanyang gawain sa pamamagitan ng pagiging katulad Niya at sa pagtulong sa iba na ganoon din ang gawin. Bilang returned missionary, dapat mong mithiin ito. Isang mahalagang pundasyon sa pagkakamit ng mithiing ito ay ang pagtayo sa sarili mong paa, kapwa sa temporal at espirituwal—sa madaling salita, ang pagiging self-reliant. Iniutos ng Diyos na tayo ay maging self-reliant.
Ang pagiging self-reliant ay kusang-loob na pag-ako sa sarili mong buhay—maging responsable at magkaroon ng pananagutan sa pagpapaunlad ng iyong mga kasanayan at pagtustos sa sarili mong pangangailangan habang patuloy na naglilingkod sa iba. Nakakamit natin ito sa pamamagitan ng pananampalataya at pagtitiwala sa Tagapagligtas at sa Kanyang Pagbabayad-sala, pagsunod sa Kanyang mga kautusan, at pagpapabuti ng ating sarili at ng iba. Kapag tayo ay nagiging self-reliant sa espirituwal at temporal, mas mapaglilingkuran natin ang iba at matutulungan ang Panginoon sa Kanyang gawain na isakatuparan ang kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan ng tao.
-
Pag-isipang mabuti:Ano ang magagawa ko ngayon para maging lalong self-reliant sa espirituwal at temporal?
-
- Mangakong Gawin:
-
Kung ikaw ay nakibahagi sa Aking Plano sa iyong misyon, rebyuhing muli ang iyong plano. Repasuhin ang worksheet na nasa likod ng manwal na ito, pagkatapos ay basahin ang quotation ni Elder Richard G. Scott (sa kanan). Ano ang ipinadarama ng Espiritu na gawin mo? Isulat ang mga impresyon, at mangako na kikilos ayon sa mga ito.
-
Ibahagi ang natutuhan mo ngayon sa isa pang returned missionary, young single adult, o sa miyembro ng iyong pamilya.
-
Mangyaring kumpletuhin ang online survey na nasa srs.lds.org/mcm.
-