Mga Hanbuk at Calling
Paano Gamitin ang Manwal na Ito


Paano Gamitin ang Manwal na Ito

Mga Tagubilin sa mga Lider ng Priesthood

Ang manwal na ito ay maaaring maging resource o sanggunian para matulungan ang mga returned missionary na iyong pinaglilingkuran na palakasin ang mabubuting gawi at maging self-reliant. Ang iyong returned missionary ay malamang na nagsimula sa kanyang misyon ng Aking Plano at gumawa ng pananaw niya sa buhay at mga mithiin. Tutulungan sila ng manwal na ito na gawing mas mabuti ang plano at kumilos ayon dito. Kung hindi nila sinimulan ang Aking Plano sa kanilang misyon, tutulungan sila ng manwal na ito na gumawa ng plano at umunlad gamit ang worksheet na nasa likod ng manwal na ito.

Paano dapat gamitin ang manwal na ito?

Una, inirerekomenda namin na rebyuhin ng stake o district president, o ng isang itinalaga niya, ang pambungad ng manwal na ito sa bawat returned missionary.

Pangalawa, ang nalalabing mga kabanata ay maaaring pag-aralan sa iba-ibang paraan, depende kung ano ang pinakamainam para sa inyong lugar. Kasama sa mga opsiyon ang:

  • Kasama ang isang grupo ng mga returned missionary.

  • Kasama ang isang lider ng Simbahan, kaibigan, o miyembro ng pamilya.

  • Personal.

Ikatlo, mag-follow up sa returned missionary sa isang interbyu sa hinaharap para tingnan ang kanyang plano at pag-unlad.

Kapag Nakikita Mo ang mga Salitang Ito, Sundin ang mga Direksyong Ito

Magreport

Pag-isipang Mabuti

Panoorin

Talakayin

Basahin

Activity o Gawain

Mangakong Gawin

Ibabahagi ng grupo ang kanilang progreso sa pagtupad sa mga pangako sa loob ng 3–4 na minuto.

Bawat isa ay magninilay at susulat sa loob ng 2–3 minuto.

Manonood ng video ang grupo.

Magbabahagi ng mga ideya bilang isang grupo sa loob ng 2–4 na minuto.

Isang tao ang magbabasa nang malakas para sa buong grupo.

Gagawa nang isa-isa o nang magkakasama sa loob ng 4–5 minuto.

Bawat tao ay nangangakong gagawa ng ilang bagay sa loob ng linggo.