Mga Hanbuk at Calling
38. Mga Patakaran at Tuntunin ng Simbahan


“38. Mga Patakaran at Tuntunin ng Simbahan,” Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (2024).

“38. Mga Patakaran at Tuntunin ng Simbahan,” Pangkalahatang Hanbuk.

38.

Mga Patakaran at Tuntunin ng Simbahan

38.1

Pakikibahagi sa Simbahan

Mahal ng ating Ama sa Langit ang Kanyang mga anak. “Pantay-pantay ang lahat sa Diyos,” at inaanyayahan Niya ang lahat na “lumapit sa kanya at makibahagi sa kanyang kabutihan” (2 Nephi 26:33).

Ang mga lider at miyembro ng Simbahan ay madalas na tinatanong kung sino ang maaaring dumalo sa mga pulong ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, at kung sino ang maaaring dumalo sa templo.

38.1.1

Pagdalo sa mga Miting sa Simbahan

Itinuro ng Tagapagligtas na dapat mahalin ng Kanyang mga disipulo ang kanilang kapwa (tingnan sa Mateo 22:39). Inanyayahan ni Pablo ang mga bagong binyag na “[huwag] na kayong [maging] mga dayuhan at banyaga, kundi kayo’y [maging] mga kapwa mamamayan ng mga banal” (Efeso 2:19). Itinuro din ng Tagapagligtas sa mga miyembro ng Simbahan na “hindi [nila] dapat paalisin ang sinuman sa … mga pangkalahatang pagpupulong, na idinaraos sa harapan ng madla” (Doktrina at mga Tipan 46:3).

Lahat ay malugod na tinatanggap na dumalo sa sacrament meeting, sa iba pang mga miting sa araw ng Linggo, at sa mga pagtitipon ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang namumunong awtoridad ang may responsibilidad na tiyakin na lahat ng dumadalo ay iginagalang ang sagradong pagtitipon na iyon.

Dapat iwasan ng mga dumadalo ang mga pang-aabala o panggagambala na salungat sa pagsamba o sa iba pang mga layunin ng miting. Dapat na igalang ang lahat ng panuntunan sa edad at pag-uugali sa iba’t ibang miting at pagtitipon sa Simbahan. Kabilang dito ang hindi pagpapakita ng hayagang paglalambingan at pananamit o pag-aayos ng sarili na nakagagambala. Kabilang din dito ang hindi pagsasalita tungkol sa pulitika o pagsasalita tungkol sa seksuwal na oryentasyon o iba pang personal na mga katangian sa paraang malilihis ang pagtutuon ng mga miting sa Tagapagligtas.

Kung mayroong hindi angkop na pag-uugali, ang bishop o stake president ay magbibigay ng personal na payo sa diwa ng pagmamahal. Hinihikayat niya ang mga taong may hindi angkop na pag-uugali sa kaganapang iyon na magtuon sa pagtulong sa pagpapanatili ng isang sagradong lugar para sa mga naroroon, na binibigyan ng espesyal na diin ang pagsamba sa Ama sa Langit at sa Tagapagligtas.

Ang mga meetinghouse ng Simbahan ay nananatiling pribadong pag-aari na sakop ng mga patakaran ng Simbahan. Ang mga taong ayaw sumunod sa mga tuntuning ito ay hihilingan sa magalang na paraan na huwag dumalo sa mga miting at pagtitipon sa Simbahan.

38.1.2

Pagiging Miyembro ng Simbahan

Maaaring maging miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ang sinumang lalapit “nang may bagbag na puso at nagsisising espiritu,” “pumapayag na taglayin sa kanilang sarili ang pangalan ni Jesucristo,” at nagnanais na gumawa ng at tumupad sa mga sagradong tipan sa binyag (Doktrina at mga Tipan 20:37).

Para sa binyag ng mga menor-de-edad na edad 8 pataas, tingnan ang 38.2.8.2.

38.1.3

Pagsamba sa Templo

Ang mga templo ay mga banal na lugar ng pagsamba kung saan natatanggap ang mahahalagang ordenansa at mga sagradong tipan. Para sa mga miyembro ng Simbahan, ang mga templo ay mga bahay ng Diyos. Dahil sa kasagraduhang ito at sa ginagawang mga tipan dito, tanging mga miyembro lamang ng Simbahan na mayroong current temple recommend ang maaaring sumamba sa templo. Ang mga miyembro ay maaaring tumanggap ng temple recommend kapag matapat nilang sinusunod ang mga kinakailangang utos at ipinamumuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo. (Tingnan sa kabanata 26.)

38.1.4

Pakikibahagi at mga Pagpapala ng mga Miyembrong Hindi Kasal

Lahat ng miyembro, hindi man sila nakapag-asawa kahit kailan o walang pamilya sa Simbahan, ay dapat magsikap na mamuhay ayon sa huwaran ng isang walang-hanggang pamilya. Ang ibig sabihin nito ay paghahandang mabuklod bilang isang karapat-dapat na asawa at maging mapagmahal na ama o ina. Para sa ilan, ang mga pagpapalang ito ay hindi matutupad sa buhay na ito kundi sa susunod na buhay pa, ngunit ang pinakamahalagang layunin ay pareho para sa lahat.

Ang matatapat na miyembro na hindi natanggap ang mga pagpapala ng walang-hanggang kasal at hindi naging magulang sa buhay na ito nang dahil sa sitwasyon sa kanilang buhay ay matatanggap ang lahat ng ipinangakong pagpapala sa kawalang-hanggan, kapag tinupad nila ang mga tipang ginawa nila sa Diyos (tingnan sa Mosias 2:41).

38.1.5

Mga Magkakaanak nang Hindi Kasal na Wala pang 18 Taong Gulang

Ang isang kabataang lalaki na hindi kasal na wala pang 18 taong gulang at magiging ama ay maaaring dumalo sa kanyang Aaronic Priesthood quorum o sa elders quorum. Ang desisyong ito ay mapanalanging gagawin ng kabataang lalaki, ng kanyang mga magulang, at ng bishop.

Ang isang kabataang babae na hindi kasal na wala pang 18 taong gulang at magiging ina ay maaaring dumalo sa Young Women o sa Relief Society. Ang desisyong ito ay mapanalanging gagawin ng kabataang babae, ng kanyang mga magulang, at ng bishop.

Sa paggawa ng desisyong ito, isinasaalang-alang ng kabataan, mga magulang, at mga lider ang mga sumusunod:

  • Kung ang kabataan ay dadalo sa mga klase at aktibidad para sa mga kabataan, hindi niya dapat isama rito ang bata.

  • Ang mas nakatatandang mga kabataan na piniling palakihin ang bata ay maaaring makinabang sa pagdalo sa elders quorum bilang mga prospective elder o sa Relief Society.

38.2

Mga Patakaran Para sa mga Ordenansa at mga Basbas

Ang bahaging ito ay nagbibigay ng mga patakaran para sa mga ordenansa at mga basbas. Ang ilan sa mga patakarang ito ay kinapapalooban ng mga espesyal na sitwasyon. Nasa kabanata 18 ang pangkalahatang impormasyon tungkol sa mga ordenansa at mga basbas. Ang impormasyon tungkol sa mga ordenansa sa templo ay nasa kabanata 27 at 28.

38.2.1

Pag-i-interpret ng mga Ordenansa at Basbas sa Ibang Wika

Mahalagang nauunawaan ng isang taong tumatanggap ng ordenansa o basbas ang sinasabi ng taong nagbibigay nito. Kung kinakailangan, maaaring hilingin ng isang namumunong lider sa isang tao na i-interpret ang ordenansa o basbas sa wikang nauunawaan ng taong tatanggap nito. Kabilang dito ang sign language interpretation.

Kung bingi o hirap makarinig ang isang taong tatanggap ng ordenansa o basbas, maaari siyang gumamit ng voice-to-text application. Ang mga taong bingi o hirap makarinig ay maaari ding gumamit ng sign language interpretation o isang voice-to-text application para maunawaan ang mga basbas na ibinibigay sa kanilang mga kapamilya.

Para sa impormasyon tungkol sa mga nakasulat na pagsasalin ng mga patriarchal blessing, tingnan ang 38.2.10.5. Para sa impormasyon tungkol sa sign language interpretation ng mga patriarchal blessing, tingnan ang 38.2.10.6.

38.2.2

Mga Retrato, Recording, at Transcription ng mga Ordenansa at Basbas

Ang mga ordenansa at basbas ay sagrado. Dahil dito, walang sinuman ang dapat kumuha ng retrato o video recording ng mga ordenansa, basbas, o serbisyo sa binyag.

Ang isang pamilya ay maaaring gumawa ng audio recording at transcription ng basbas ng ama. Ang basbas na ito ay inilarawan sa 18.14.1.

Ang mga patriarchal blessing ay itina-transcribe o ginagawan ng nakasulat na kopya. Para magawa ito, ang patriarch o ang kanyang taga-sulat ay gumagawa ng audio recording ng basbas.

Ang iba pang mga ordenansa at basbas ay hindi dapat itala o i-transcribe.

Para sa impormasyon tungkol sa pag-stream ng mga ordenansa, tingnan ang 38.2.3.

38.2.3

Pag-stream ng mga Ordenansa

Hangga’t maaari, ang mga taong gustong masaksihan ang ordenansa ay dapat magsikap na dumalo nang personal. Kapag nagtitipon ang mga miyembro at kanilang mga kaibigan para sa isang ordenansa, nadarama nila ang impluwensya ng Espiritu at ang diwa ng pakikipagkaibigan sa isa’t isa.

Gayunman, kapag hindi makadalo nang personal ang isang malapit na kapamilya, maaaring magbigay ng awtorisasyon ang bishop o stake president na i-stream ang ordenansa sa kanya. Ang pag-stream ay pinapayagan, halimbawa, kapag ang malapit na kapamilya ay:

  • Nakatira sa liblib na lugar o limitado ang kakayahang maglakbay.

  • May mga hamon sa pisikal, mental, o emosyonal na kalusugan.

  • Immunocompromised o nasa isang bahay kalinga o ospital.

  • Kailangan ng sign-language interpretation.

  • Naglilingkod sa full-time mission. (Kailangan ang pag-apruba ng mission president.)

Maaaring iawtorisa ng bishop ang pag-stream ng mga pagbabasbas ng sanggol, binyag, kumpirmasyon, at mga ordinasyon sa Aaronic Priesthood. Maaaring iawtorisa ng stake president ang pag-stream ng mga ordinasyon sa Melchizedek Priesthood at ang pag-set apart ng mga missionary.

Ang ordenansa ng sakramento ay hindi maaaring i-stream. Kung ang sacrament meeting ay naka-livestream, dapat itigil ang pag-stream habang pinangangasiwaan ang sakramento. Maaaring iawtorisa ng bishop ang isang priest o mayhawak ng Melchizedek Priesthood na personal na pangasiwaan ang sakramento sa mga hindi makadadalo sa miting (tingnan sa 18.9.1).

Ang pag-stream ng mga ordenansa ay hindi dapat makagambala sa Espiritu. Karaniwang isang device lamang ang dapat gamitin. Ang stake technology specialist ang humahawak nito. Ang device at ang taong gumagamit nito ay dapat na hindi kapansin-pansin.

Ang kopya ng naka-stream na mga ordenansa ay dapat burahin isang araw pagkatapos ng ordenansa.

38.2.4

Mga Ordenansa para sa mga Taong May Kapansanan sa Pag-iisip

Kapag pinag-iisipang magsagawa ng mga ordenansa para sa isang taong may kapansanan sa pag-iisip, ang indibiduwal, kanyang mga magulang o tagapag-alaga (kung angkop), at mga lider ay magkakasamang magsasanggunian. Mapanalangin nilang isasaalang-alang ang mga kagustuhan at antas ng pang-unawa ng taong iyon. Ang mga ordenansa ay hindi dapat ipinagkakait kung karapat-dapat ang tao, nagnanais na matanggap ang mga ito, at nagpapakita ng sapat na antas ng responsibilidad at pananagutan.

Maaaring sumangguni ang bishop sa stake president kung may mga tanong siya tungkol sa mga partikular na tao. Maaaring kontakin ng stake president ang Office of the First Presidency kung kinakailangan.

Ang mga taong may kapansanan na ginagawa silang walang pananagutan ay “ligtas sa kahariang selestiyal ng langit” (Doktrina at mga Tipan 137:10). Dahil dito, ang mga ordenansa ay hindi na kailangan o hindi na ginagawa para sa kanila. Ang tanging eksepsyon ay ang pagbubuklod sa mga magulang para sa mga taong hindi isinilang sa loob ng tipan.

Para sa impormasyon tungkol sa pagsasagawa ng mga ordenansa para sa mga taong may kapansanan sa pag-iisip, tingnan ang mga sumusunod:

  • Para sa binyag at kumpirmasyon, 38.2.8.1

  • Para maorden sa isang katungkulan sa priesthood, 38.2.9.7

  • Para sa patriarchal blessing, 38.2.10.1

  • Para sa endowment at pagbubuklod sa templo, 27.2.1.3 at 27.3.1.2

38.2.5

Mga Ordenansa at Basbas na Isinasagawa ng at para sa mga Taong May Pisikal na Kapansanan

Ang mga taong may pisikal na kapansanan, tulad ng pagkaputol ng braso, paralisado, o pagkabingi, ay maaaring magsagawa at tumanggap ng mga ordenansa at basbas. Ang mga lider ang nag-aayos para ang mga taong ito ay makabahagi sa abot ng kanilang makakaya. Kung ang mga lider ay may mga tanong na hindi nila kayang masagot, kokontakin ng stake president ang Office of the First Presidency.

Ang mga taong bingi o hirap makarinig ay maaaring makipag-ugnayan sa pamamagitan ng sign language kapag nagsasagawa o tumatanggap ng ordenansa o basbas. Tinitiyak ng isang priesthood leader na namamahala sa ordenansa na nauunawaan ito ng tumatanggap sa pamamagitan ng isang interpreter o sa ibang paraan (tingnan sa 38.2.1).

38.2.6

Pagpapatunay o Pagpapatibay ng mga Ordenansa

Ang mga impormasyon na nakalista sa ibaba ay nagbibigay-dahilan para hindi maging balido ang isang ordenansa. Inilalarawan din ng mga ito kung paano mapapatunayan o mapagtitibay ang ordenansa.

Sa ilang pagkakataon, kailangang isagawang muli ang isang ordenansa. Kapag nangyari ito, itinatala ng clerk ang bagong petsa sa membership record, kahit na hindi na ito naaayon sa pagkakasunud-sunod ng mga petsa ng ibang ordenansa.

38.2.6.1

Ang Membership Record ay Hindi Nalikha o ang Taon ay Nawawala o Mali

Para sa mga layunin ng pag-iingat ng talaan, ang ordenansa ay itinuturing na hindi balido kung ang taon kung kailan ito isinagawa ay nawawala o mali sa membership record. Dagdag pa rito, ang binyag ay hindi balido kung hindi nalikha ang membership record. Ang ordenansa ay maaaring patunayan sa pamamagitan ng orihinal na sertipiko na ibinigay noong isinagawa ang ordenansa. Gamit ang sertipikong ito, maaaring iawtorisa ng bishop ang clerk na i-update ang membership record.

Kung hindi mahanap ang sertipiko, ang ordenansa ay maaaring mapatunayan sa pamamagitan ng patotoo ng dalawang taong nakasaksi nito. Ang dalawang saksi ay dapat:

  • 8 taong gulang na o mas matanda pa noong isinagawa ang ordenansa.

  • Nakita at narinig ang ordenansa.

  • Mga member of record ng Simbahan sa panahong ibinigay nila ang kanilang patotoo.

  • Ibinigay ang kanilang patotoo sa pamamagitan ng pagsulat, na binabanggit (1) ang kumpletong petsa kung kailan isinagawa ang ordenansa o (2) ang taon kung kailan ito isinagawa at ang taong nagsagawa nito.

  • Nilagdaan ang kanilang patotoo sa presensya ng isang miyembro ng bishopric o stake presidency.

Gamit ang patotoong ito, maaaring iawtorisa ng bishop ang clerk na lumikha ng membership record o i-update ang membership record. Pagkatapos ay maaari nang itapon ang nakasulat na patotoo.

Kung hindi mahanap ang sertipiko o walang mahanap na mga saksi, kailangang isagawang muli ang ordenansa.

Kapag ang miyembro ay nakatanggap ng iba pang mga ordenansa matapos matanggap ang hindi balidong ordenansa, dapat pagtibayin ang mga ito ng Unang Panguluhan. Upang makahiling ng pagpapatibay na ito, ang stake president ay nagpapadala ng liham sa Office of the First Presidency.

38.2.6.2

Ang mga Ordenansa ay Natanggap nang Hindi Ayon sa Tamang Pagkakasunud-sunod

Ang isang ordenansa ay hindi balido kung natanggap ito ng isang tao nang hindi ayon sa tamang pagkakasunud-sunod. Halimbawa, ang endowment ng isang lalaki ay hindi balido kung natanggap niya ito bago matanggap ang Melchizedek Priesthood. Gayunman, maaaring pagtibayin ng Unang Panguluhan ang ganitong ordenansa. Upang makahiling ng pagpapatibay na ito, ang stake president ay nagpapadala ng liham sa Office of the First Presidency.

38.2.6.3

Ang Ordenansa ay Isinagawa Bago ang Naaangkop na Edad

Ang isang ordenansa ay hindi balido kung isinagawa ito bago ang naaangkop na edad. Halimbawa, ang isang binyag ay hindi balido kung isinagawa ito bago maging 8 taong gulang ang tao.

Kung walang ibang ordenansang natanggap pagkatapos ng ordenansa na hindi balido, dapat muli itong isagawa. Kung may natanggap na iba pang mga ordenansa, ang mga ordenansang hindi balido ay dapat pagtibayin ng Unang Panguluhan. Upang makahiling ng pagpapatibay na ito, ang stake president ay nagpapadala ng liham sa Office of the First Presidency.

38.2.6.4

Ang Ordenansa ay Isinagawa nang Walang Wastong Awtoridad

Ang isang ordenansa ay hindi balido kung ito ay isinagawa ng isang taong walang wastong awtoridad ng priesthood. Halimbawa, ang isang kumpirmasyon ay hindi balido kung isinagawa ito ng isang taong hindi hawak ang Melchizedek Priesthood. Gayundin, hindi ito balido kung ang taong nagsagawa nito ay tinanggap ang Melchizedek Priesthood nang hindi ayon sa tamang pagkakasunud-sunod ng mga ordenansa o walang wastong pag-apruba (tingnan sa 38.2.6.2; tingnan din sa 32.17).

Kung walang ibang ordenansang natanggap pagkatapos ng ordenansa na hindi balido, dapat muli itong isagawa ng isang taong may wastong awtoridad. Kung may natanggap na iba pang mga ordenansa, ang mga ordenansang hindi balido ay dapat pagtibayin ng Unang Panguluhan. Upang makahiling ng pagpapatibay na ito, ang stake president ay nagpapadala ng liham sa Office of the First Presidency. Sa ilang pagkakataon, maaaring ipag-utos ng Unang Panguluhan na muling isagawa ang mga ordenansa.

38.2.7

Pagbibigay ng Pangalan at Basbas sa mga Bata

Para sa pangkalahatang impormasyon tungkol sa pagbibigay ng pangalan at basbas sa mga bata, tingnan ang 18.6.

38.2.7.1

Mga Sanggol na may Malubhang Sakit

Kung ang isang bagong silang na sanggol ay may malubhang sakit, isang mayhawak ng Melchizedek Priesthood ang maaaring magsagawa ng ordenansa ng pagbibigay ng pangalan at basbas sa ospital o tahanan. Hindi niya kailangan ng awtorisasyon mula sa bishop. Matapos ibigay ang basbas, agad niyang inaabisuhan ang bishop para makalikha ng membership record para sa bata.

38.2.7.2

Mga Bata na ang mga Magulang ay Hindi Kasal (Kabilang ang Diborsyado)

Ang isang bata ay maaaring basbasan kapag nakatanggap ng pasalitang pahintulot ang bishop mula sa mga magulang o tagapag-alaga. Ang pahintulot mula sa isang magulang o tagapag-alaga ay hindi kailangan kung wala siyang legal na batayan para tutulan ang basbas.

38.2.7.3

Mga Bata na ang mga Magulang ay Hindi Miyembro ng Simbahan

Kung minsan, hinihiling ng mga magulang o tagapag-alaga ng isang bata na basbasan ang bata kahit hindi sila mga miyembro ng Simbahan. Kapag nangyari ito, ang bishop ay humihingi ng pasalitang pahintulot mula sa mga magulang o tagapag-alaga. Ang pahintulot mula sa isang magulang o tagapag-alaga ay hindi kailangan kung wala siyang legal na batayan para tutulan ang basbas.

Ipinaliliwanag ng bishop na:

  • Lilikha ng isang membership record para sa bata.

  • Kokontakin sila ng mga miyembro ng ward paminsan-minsan.

  • Imumungkahi niya o ng iba pang lider ng ward na ang bata ay maghandang mabinyagan sa kapag malapit na ang kanyang ika-8 kaarawan.

38.2.8

Binyag at Kumpirmasyon

Para sa pangkalahatang impormasyon tungkol sa binyag at kumpirmasyon, tingnan ang 18.7 at 18.8.

38.2.8.1

Mga Taong may Kapansanan sa Pag-iisip

Ang isang taong may kapansanan sa pag-iisip ay maaaring mabinyagan at makumpirma kung makatwiran siyang maituturing na may pananagutan. Dapat mayroon siyang kakayahan na maunawaan at matupad ang mga tipan sa binyag.

Taglay ng bishop ang mga susi para sa binyag ng tao kung siya ay:

  • Isang member of record na edad 8 pataas.

  • Edad 8 at mayroong kahit isang magulang o tagapag-alaga na miyembro ng Simbahan (tingnan sa 18.7.1.1).

Ang tao, kanyang mga magulang o tagapag-alaga (kung naaangkop), at ang bishop ay nagsasanggunian upang matukoy kung ang tao ay dapat mabinyagan at makumpirma.

Kung ang tao ay isang potensyal na convert, taglay ng mission president ang mga susi para sa kanyang binyag (tingnan sa 18.7.1.2). Sa ganitong sitwasyong, inaabisuhan ng mga missionary ang mission president. Sasangguni siya sa tao at sa mga magulang o tagapag-alaga nito (kung naaangkop) upang malaman kung ito ay dapat mabinyagan at makumpirma. Kung kilalang-kilala ng bishop ang tao, maaari ding sumangguni sa kanya ang mission president.

Ang mga taong walang pananagutan ay hindi na kailangang binyagan, anuman ang kanilang edad (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 29:46–50 at sa 38.2.4 ng hanbuk na ito).

Para sa impormasyon tungkol sa mga membership record ng mga taong maaaring walang pananagutan, tingnan ang 33.6.10.

38.2.8.2

Mga Menor-de-Edad

Ang isang menor-de-edad, ayon sa pakahulugan ng mga lokal na batas, ay maaari lamang mabinyagan kapag natugunan ang sumusunod na mga kondisyon:

  1. Ang mga magulang o mga legal na tagapag-alaga ay nagbigay ng pahintulot. Ang pahintulot mula sa isang magulang o tagapag-alaga ay hindi kailangan kung wala siyang legal na batayan para tutulan ang binyag. Ang mga eksepsiyon ay nangangailangan ng pag-apruba ng Unang Panguluhan.

    Ang taong nagsasagawa ng interbyu para sa binyag at kumpirmasyon ay hihingin ang pahintulot na ito nang nakasulat kung sa pakiramdam niya ay makatutulong ito na maiwasan ang mga di-pagkakaunawaan. Sa ilang lugar, kailangan ang nakasulat na pahintulot. Ang mga lider sa mission at area ay makapagbibigay ng patnubay.

    Dapat nauunawaan ng mga magulang o mga tagapag-alaga ang doktrina na ituturo sa kanilang anak. Dapat handa silang suportahan ang kanilang anak sa paggawa at pagtupad ng tipan sa binyag.

  2. Inaalam ng taong nagsasagawa ng interbyu kung nauunawaan ng bata ang tipan sa binyag. Dapat madama niya na sisikapin ng bata na tuparin ang tipan na ito sa pamamagitan ng pagsunod sa mga kautusan, kabilang na ang pagdalo sa mga miting ng Simbahan.

Kung ginagamit ng bata ang apelyido ng kanyang amain, siya ay maaaring binyagan at kumpirmahin sa pangalang iyon. Maaari din itong gawin kahit hindi pa siya pormal na inampon. Gayunman, ang legal na pangalan ng bata, ayon sa lokal na batas o kaugalain, ang dapat ilagay sa membership record at sertipiko ng binyag at kumpirmasyon.

38.2.8.3

Mga Taong Ikinasal

Ang isang taong ikinasal ay dapat na may pahintulot mula sa kanyang asawa bago mabinyagan.

38.2.8.4

Mga Taong Nagsasama nang Hindi Kasal

Ang magkasintahang nagsasama sa iisang bahay nang hindi kasal ay kailangang mangakong susundin nila ang batas ng kalinisang-puri bago mabinyagan ang isa sa kanila. Kabilang dito ang pananampalataya tungo sa pagsisisi ayon sa inilarawan sa Doktrina at mga Tipan 20:37. Kabilang din dito ang pagtira sa magkaibang bahay o pagpapakasal, kung ang magkasintahan ay isang lalaki at isang babae.

38.2.8.5

Mga Taong Binawain ng Pagkamiyembro sa Simbahan o Nagbitiw sa Pagkamiyembro sa Simbahan

Ang mga taong binawian ng pagkamiyembro sa Simbahan o nagbitiw sa pagkamiyembro sa Simbahan ay maaaring muling tanggapin sa pamamagitan ng binyag at kumpirmasyon. Hindi sila itinuturing na mga convert. Hindi sila iniinterbyu ng mga missionary para sa binyag. Para sa mga tagubilin, tingnan ang 32.16.

38.2.8.6

Mga Sitwasyon na Nangangailangan ng Awtorisasyon mula sa Mission President o sa Unang Panguluhan

Kailangan ang awtorisasyon mula sa mission president bago mabinyagan ang isang tao kung siya ay:

  • Nakagawa ng mabigat na krimen (tingnan sa 38.2.8.7).

  • Nakibahagi sa isang pagpapalaglag (tingnan sa 38.6.1).

Sa ganitong mga sitwasyon, iniinterbyu ng mission president ang tao. Kung kinakailangan, maaaring pahintulutan ng mission president ang isa sa kanyang mga counselor na isagawa ang interbyu. Ang awtorisasyong ito ay hiwalay na ibinibigay para sa bawat interbyu. Ang counselor na nagsasagawa nito ay nagrereport sa mission president, na maaari namang iawtorisa o hindi ang binyag at kumpirmasyon.

Kailangan ang pag-apruba mula sa Unang Panguluhan bago mabinyagan at makumpirma ang isang tao kung siya ay:

  • Nakapatay ng tao (tingnan sa 38.2.8.7).

  • Nahatulang maysala sa krimeng kinasasangkutan ng seksuwal na gawain (tingnan sa 38.2.8.7).

  • Kasalukuyang sumasailalim sa legal probation o parole para sa anumang mabigat na krimen o paglabag (karaniwang may parusang pagkakakulong ng isang taon o higit pa) o anumang krimen na kinasasangkutan ng seksuwal na gawain (tingnan sa 38.2.8.7).

  • Nakibahagi sa pagsasagawa ng pag-aasawa nang higit sa isa (tingnan sa 38.2.8.8).

Para sa gabay tungkol sa pagbibinyag at pagkumpirma sa mga indibiduwal na nagsasabing sila ay transgender, tingnan ang 38.2.8.9.

Kung ang tao ay naghahangad ng binyag sa unang pagkakataon, siya ay iinterbyuhin ng mission president. Kapag napag-alaman niya na ang tao ay karapat-dapat at inirerekomenda niya na ito ay mabinyagan, siya ay magsusumite ng kahilingan para sa pag-apruba ng Unang Panguluhan gamit ang LCR.

Kung ang tao ay dating miyembro na naghahangad na muling tanggapin, siya ay iinterbyuhin ng bishop at ng stake president. Susundin nila ang mga tagubilin sa 32.16. Kapag napag-alaman nilang dalawa na ang tao ay karapat-dapat at inirerekomenda nila na ito ay mabinyagan, magsusumite ang stake president ng kahilingan sa Unang Panguluhan gamit ang LCR.

Dapat isama ang lahat ng mahahalagang detalye na natukoy sa mga interbyu sa anumang kahilingan sa Unang Panguluhan.

Tingnan ang 6.2.3 para sa responsibilidad ng stake (o mission) president kapag nagsusumite ng mga aplikasyon sa Unang Panguluhan.

38.2.8.7

Mga Taong Nahatulang Maysala sa Paggawa ng mga Krimen

Ang mga taong nahatulang maysala sa paggawa ng mga krimen ay hindi maaaring mabinyagan hangga’t hindi pa nila nakukumpleto ang kanilang sentensya sa kulungan. Angkop ito para sa mga convert at sa mga naghahangad na muling tanggapin.

Ang mga taong nahatulang maysala sa paggawa ng felony o mabibigat na krimen o anumang krimen na may kinalaman sa seksuwal na gawain ay hindi rin maaaring mabinyagan at makumpirma hangga’t hindi pa nila nakukumpleto ang kanilang nakatakdang probation o parole. Ang Unang Panguluhan lamang ang maaaring magbigay ng eksepsyon (tingnan sa 38.2.8.6). Hinihikayat ang mga taong ito na makipagtulungang mabuti sa mga lokal na priesthood leader. Ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang matanggap ang tulong ng Tagapagligtas para maging karapat-dapat sa binyag at kumpirmasyon.

Hindi tinuturuan ng mga full-time missionary ang mga taong nakakulong o nasa bilangguan.

Ang isang taong nahatulang maysala sa pagpatay o krimen na may kinalaman sa seksuwal na gawain ay hindi maaaring binyagan maliban kung magbigay ng pag-apruba ang Unang Panguluhan (tingnan sa 38.2.8.6). Angkop din ito para sa taong nagtapat na pumatay ng tao, kahit na ang pagtatapat ay ginawa nang pribado sa isang priesthood leader. Sa paggamit dito, hindi ibinibilang na pagpatay ng tao ang pagpapalaglag o anumang ginawa habang opisyal na naglilingkod sa pulisya o military.

Kung ang tao ay naghahangad ng binyag sa unang pagkakataon, susundin ng mission president ang mga tagubilin sa 38.2.8.6. Kung ang tao ay dating miyembro na naghahangad na muling tanggapin, susundin ng bishop at stake president ang mga tagubilin sa bahagi ring iyon (tingnan din sa 32.16).

38.2.8.8

Mga Adult na Nakibahagi sa Pag-aasawa nang Higit sa Isa

Ang isang adult na naghikayat, nagturo, o nakibahagi sa pag-aasawa nang higit sa isa ay kailangang makatanggap ng pag-abruba mula sa Unang Panguluhan bago siya maaaring binyagan.

Kung ang tao ay naghahangad ng binyag sa unang pagkakataon, susundin ng mission president ang mga tagubilin sa 38.2.8.6. Kung ang tao ay dating miyembro na naghahangad na muling tanggapin, susundin ng bishop at stake president ang mga tagubilin sa 38.2.8.6 (tingnan din sa 32.16).

Dapat nakalahad sa kahilingan ang pagkakasangkot noon ng tao sa pag-aasawa nang higit sa isa. Dapat din ilarawan sa kahilingan ang kanyang pagsisisi at ang kasalukuyang sitwasyon ng kanyang pamilya.

38.2.8.9

Mga Indibiduwal na Nagsasabing Sila ay Transgender

Ang binyag at kumpirmasyon ay tinatanggap ayon sa biological na kasarian ng isang tao noong siya ay isinilang. Ang mga karapat-dapat na indibiduwal na hindi sumasailalim sa prosesong medikal, operasyon, o social transitioning para baguhin ang kanyang biological na kasarian noong siya ay isinilang ay maaaring mabinyagan at makumpirma. (Para sa kahulugan ng social transition, tingnan ang 38.6.23.)

Ang anumang mga eksepsiyon sa patakarang ito ay kailangang aprubahan ng Unang Panguluhan. Para humiling ng pag-apruba, ang tao ay iinterbyuhin ng mission president, o ng stake president kung ito ay walong-taong-gulang na bata. Kapag napag-alaman niya na ang tao ay karapat-dapat at inirerekomenda niya na ito ay mabinyagan at makumpirma, siya ay magsusumite ng kahilingan para sa pag-apruba ng Unang Panguluhan gamit ang LCR.

Kahit aprubahan ng Unang Panguluhan ang binyag at kumpirmasyon, ang taong ito ay hindi makakatanggap ng priesthood, temple recommend, o ilang mga calling sa Simbahan habang naka-transition pa rin. Gayunman, ang indibiduwal ay maaaring makibahagi sa Simbahan sa ibang paraan.

Ang mga taong gumawa ng mga hakbang para mag-transition at pagkatapos ay nag-transition para bumalik sa kanilang biological na kasarian noong sila ay isinilang at karapat-dapat at sinusunod ang mga kautusan ng Diyos ay maaaring mabinyagan at makumpirma.

Ang mission president, o ang stake president para sa isang walong-taong-gulang na bata, ay maingat na tutugunan ang partikular na mga sitwasyon nang may pagmamahal na tulad ng kay Cristo. Humihingi sila ng payo mula sa Area Presidency.

Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang 38.6.23.

38.2.9

Ordinasyon sa Priesthood

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga ordinasyon sa priesthood, tingnan ang 18.10.

38.2.9.1

Mga Bagong Miyembro

Kapag nabinyagan at nakumpirma ang isang lalaki, siya ay maaaring maordenan sa isang katungkulan sa Aaronic Priesthood kung siya ay magiging 12 taong gulang sa katapusan ng taong iyon o mas matanda pa. Iniinterbyu siya kaagad ng bishop pagkatapos ng kanyang kumpirmasyon, karaniwan sa loob ng isang linggo. Ipinakikilala siya ng isang miyembro ng bishopric sa sacrament meeting upang masang-ayunan ng mga miyembro ng ward ang mungkahing pag-oorden sa kanya (tingnan sa 18.10.3). Pagkatapos ay maaari siyang maordenan sa angkop na katungkulan:

  • Deacon, kung siya ay magiging 12 o 13 taong gulang bago matapos ang taon

  • Teacher, kung siya ay magiging 14 o 15 taong gulang bago matapos ang taon

  • Priest, kung siya ay magiging 16 taong gulang bago matapos ang taon o mas matanda pa; kung siya ay 19 taong gulang pataas, siya ay itinuturing din bilang isang prospective elder (tingnan sa 38.2.9.3)

Ang isang bagong miyembro ay maaaring tanggapin ang Melchizedek Priesthood at maordenan bilang elder kung siya ay:

  • Edad 18 pataas.

  • Nakapaglingkod na bilang priest (walang partikular na haba ng panahon ang kailangan).

  • May sapat na pang-unawa sa ebanghelyo.

  • Nagpakita ng pagkamarapat.

Ang mga bagong binyag na lalaki ay hindi inoorden sa araw na sila ay nabinyagan o nakumpirma. Kailangan muna silang interbyuhin ng bishop at sang-ayunan ng mga miyembro ng ward.

Hindi dapat ipagpaliban ang binyag ng mga miyembro ng pamilya upang matanggap muna ng ama ang priesthood at siya mismo ang magbinyag sa kanyang pamilya.

38.2.9.2

Mga Kabataang Lalaki na ang mga Magulang ay Hindi Kasal (Kabilang ang Diborsyado)

Ang isang kabataang lalaki ay maaaring iorden sa mga katungkulan sa Aaronic Priesthood kapag ang bishop ay nakakuha ng pasalitang pahintulot mula sa mga magulang o tagapag-alaga. Ang pahintulot mula sa isang magulang o tagapag-alaga ay hindi kailangan kung wala siyang legal na batayan para tutulan ang ordinasyon.

Kung ginagamit ng kabataang lalaki ang apelyido ng kanyang amain, maaari siyang maordenan sa pangalang iyon. Maaari din itong gawin kahit hindi pa siya pormal na inampon. Gayunman, ang legal na pangalan ng kabataang lalaki, ayon sa lokal na batas o kaugalian, ang dapat ilagay sa sertipiko ng ordinasyon.

38.2.9.3

Mga Prospective Elder

Ang prospective elder ay isang lalaking miyembro ng Simbahan na edad 19 pataas na hindi pa hawak ang Melchizedek Priesthood. Ang mga lalaking kasal na, na wala pang 19 na taong gulang at hindi pa hawak ang Melchizedek Priesthood ay mga prospective elder din.

Sa ilalim ng pamamahala ng bishop, ang elders quorum presidency ay nakikipagtulungang mabuti sa mga prospective elder upang tulungan silang maghandang tanggapin ang Melchizedek Priesthood. Kung ang isang prospective elder ay hindi priest, dapat na i-orden muna siya bilang priest sa oras na maging karapat-dapat siya. Hindi na siya kailangang iorden muna bilang deacon o teacher. Maaari siyang iorden bilang elder kapag nagkaroon na siya ng sapat na pang-unawa tungkol sa ebanghelyo at naipakita ang kanyang pagkamarapat. Iniinterbyu siya ng bishop at stake president para matukoy ito (tingnan sa 31.2.6).

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagtulong sa mga prospective elder na maghandang tanggapin ang Melchizedek Priesthood, tingnan ang 8.4.

38.2.9.4

Mga Lalaki na Lumipat ng Ward sa Nakaraang Taon

Kung minsan ang isang lalaki na kailangan o nais maordenan sa isang katungkulan sa Melchizedek Priesthood ay wala pang isang taon na nakatira sa isang ward. Sa sitwasyong iyon, kokontakin ng bishop o ng isang inatasang counselor ang dating bishop para itanong kung may anumang bagay na dapat isaalang-alang na nauukol sa pagkamarapat. Kapag may nalamang kumpidensyal na impormasyon ang counselor, tatapusin niya ang usapan. Sasabihan niya ang kanyang bishop na kontakin ang dating bishop bago isagawa ang interbyu.

38.2.9.5

Mga Lalaki sa mga Young Single Adult Ward at Single Adult Ward

Ang mga karapat-dapat na lalaki na edad 18 pataas na nasa mga young single adult ward at single adult ward ay dapat iorden bilang mga elder. Ang mga lalaking hindi inorden bilang mga elder ay kasama sa elders quorum bilang mga prospective elder.

38.2.9.6

Mga Sundalo sa mga Lugar na may Digmaan o nasa Malalayong Lugar

Ang isang sundalo ay karaniwang iniinterbyu at inoordenan sa ward kung nasaan ang kanyang membership record. Gayunman, maaaring hindi ito posible kung ang sundalo ay nasa dagat sa loob ng mahabang panahon o naglilingkod sa isang lugar na may digmaan o nasa malayong lugar. Sa ganitong mga sitwasyon, nakikipagkita ang sundalo sa kanyang service member group leader. Kung nadarama ng group leader na ang sundalo ay handa na para maordenan, gumagawa siya ng nakasulat na rekomendasyon sa namumunong opisyal ng unit ng Simbahan na namamahala sa service member group. (Kung walang gayong unit ng Simbahan, ibibigay niya ang rekomendasyon sa Area Presidency.) Kokontakin ng lider na iyon ang bishop ng home ward ng serviceman para matukoy ang pagkamarapat ng lalaki.

Para sa ordinasyon sa mga katungkulan sa Aaronic Priesthood, maaaring iawtorisa ng namumunong lider ang group leader o chaplain na Banal sa mga Huling Araw na interbyuhin ang tao at pamahalaan ang ordinasyon. Para sa ordinasyon sa katungkulan ng elder, maaaring iawtorisa ng stake president, mission president, o Area Presidency ang chaplain na Banal sa mga Huling Araw na interbyuhin ang tao at pamahalaan ang ordinasyon. Ang lahat ng ordinasyon ay dapat sang-ayunan o pagtibayin tulad ng ipinaliwanag sa 18.10.3.

38.2.9.7

Mga Lalaki na May mga Kapansanan sa Pag-iisip

Ang isang lalaking miyembro ng Simbahan na may kapansanan sa pag-iisip, ang kanyang mga magulang (kung angkop), at ang bishop ay magkakasamang magsasanggunian kung dapat ba siyang tumanggap ng priesthood. Pinag-uusapan nila ang kanyang mga hangarin at kung nauunawaan niya ang mga pangunahing alituntunin na nauukol sa priesthood at ang kanyang mga responsibilidad.

Ang mga mayhawak ng priesthood na may ganitong kapansanan ay dapat matulungan upang magampanan nila ang mga tungkulin sa priesthood sa abot ng kanilang makakaya.

38.2.9.8

Mga Lalaki na Muling Tinanggap sa Simbahan sa Pamamagitan ng Binyag at Kumpirmasyon

Kapag ang isang lalaki na hindi pa nakatanggap ng endowment noon ay muling tinanggap sa Simbahan sa pamamagitan ng binyag at kumpirmasyon, maaari siyang maordenan kaagad pagkatapos niyon. Siya ay inoorden sa katungkulan sa priesthood na hawak niya noong binawi ang kanyang pagkamiyembro o nagbitiw siya sa kanyang pagkamiyembro.

Kung ang lalaki ay nakatanggap na noon ng endowment, hindi siya inoorden sa isang katungkulan sa priesthood. Sa halip, ang kanyang katungkulan noon sa priesthood ay ipinanunumbalik sa pamamagitan ng ordenansa ng pagpapanumbalik ng mga pagpapala.

Para sa karagdagang impormasyon at tagubilin, tingnan ang 32.17.

38.2.9.9

Mga Indibiduwal na Nagsasabing Sila ay Transgender

Ang ordinasyon sa priesthood ay tinatanggap ayon sa biological na kasarian ng isang tao noong siya ay isinilang. Ang isang karapat-dapat na lalaking miyembro ng Simbahan na hindi sumasailalim sa prosesong medikal, operasyon, o social transitioning para baguhin ang kanyang biological na kasarian noong siya ay isinilang ay maaaring tanggapin at gamitin ang priesthood. (Para sa kahulugan ng social transition, tingnan ang 38.6.23.)

Ang mga lalaking miyembro na gumawa ng mga hakbang para mag-transition at pagkatapos ay nag-transition para bumalik sa kanilang biological na kasarian noong sila ay isinilang at karapat-dapat at sinusunod ang mga kautusan ng Diyos ay maaaring tanggapin at gamitin ang priesthood.

Dapat sumangguni ang mga bishop sa stake president upang maingat na matugunan ang partikular na mga sitwasyon nang may pagmamahal na tulad ng kay Cristo. Ang mga stake president at mission president ay humihingi ng payo mula sa Area Presidency.

Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang 38.6.23.

38.2.10

Mga Patriarchal Blessing

Para sa pangkalahatang impormasyon tungkol sa mga patriarchal blessing, tingnan ang:

  • Bahagi 18.17 ng hanbuk na ito.

  • Information and Suggestions for Patriarchs.

  • Worldwide Leadership Training Meeting: The Patriarch.

38.2.10.1

Mga Miyembrong May Kapansanan sa Pag-iisip

Ang miyembrong may kapansanan sa pag-iisip, kanyang mga magulang o tagapag-alaga (kung angkop), at ang bishop ay magkakasamang magsasanggunian kung dapat ba siyang tumanggap ng patriarchal blessing. Isinasaalang-alang nila ang mga hangarin ng miyembro at kung siya ay may kakayahang maunawaan ang basbas. Kung gayon, ang isang miyembro ng bishopric ay maaaring magbigay ng Patriarchal Blessing Recommend. Ang mga tagubilin ay nasa 18.17.

38.2.10.2

Mga Missionary

Ang patriarchal blessing ay maaaring pagmulan ng espirituwal na lakas para sa isang missionary. Kapag maaari, dapat tumanggap ng patriarchal blessing ang isang miyembro bago siya magsimulang maglingkod sa misyon. Kapag hindi ito posible, maaari siyang tumanggap ng patriarchal blessing sa kanyang misyon. Iniinterbyu ng mission president ang missionary at naghahanda ng Patriarchal Blessing Recommend. Ang mga tagubilin ay nasa 18.17.

Ang missionary na nasa isang missionary training center (MTC) ay maaari lamang makatanggap ng patriarchal blessing kapag ang lahat ng sumusunod ay naaangkop:

  • Ang missionary ay mula sa isang lugar na walang patriarch na makapagbibigay ng basbas sa katutubong wika ng missionary.

  • Ang missionary ay maglilingkod sa mission kung saan walang patriarch na makapagbibigay ng basbas sa katutubong wika ng missionary.

  • Mayroong isang patriarch na malapit sa MTC na makapagbibigay ng basbas sa katutubong wika ng missionary.

38.2.10.3

Mga Miyembrong Papasok sa Military

Ang patriarchal blessing ay maaaring pagmulan ng espirituwal na lakas para sa isang miyembro na naglilingkod sa military. Kung maaari, ang isang karapat-dapat na miyembro ay dapat tumanggap ng patriarchal blessing bago magreport para sa aktibong tungkulin.

Kung hindi ito posible, maaaring tumanggap ng patriarchal blessing ang miyembro sa kanyang permanenteng destino. Isang miyembro ng bishopric doon ang mag-iinterbyu sa miyembro at maghahanda ng Patriarchal Blessing Recommend. Ang mga tagubilin ay nasa 18.17.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring kontakin ng stake president ang Office of the Quorum of the Twelve Apostles sa Q12Patriarchs@ChurchofJesusChrist.org.

38.2.10.4

Mga Miyembrong Nakatira sa Labas ng Stake ng Patriarch

Ang isang miyembro ay karaniwang tumatanggap ng patriarchal blessing mula sa patriarch sa kanyang stake. Gayunman, ang isang miyembro ay maaaring tumanggap ng basbas mula sa isang patriarch sa ibang stake kung siya ay:

  • Direktang inapo ng patriarch (anak, apo, o apo-sa-tuhod) sa pamamagitan ng pagsilang o pag-aampon.

  • Nakatira sa stake na walang functioning patriarch.

  • Nakatira sa isang district.

  • Hindi nagsasalita ng wika ng stake patriarch, at ang patriarch sa kalapit na stake ay nagsasalita ng wika ng miyembro.

Sa bawat isa sa mga sitwasyong ito, isang miyembro ng bishopric o ang branch president ang nag-iinterbyu sa miyembro ayon sa inilarawan sa 18.17. Dapat aprubahan ng isang miyembro ng stake presidency ng patriarch at ng stake o mission presidency ng taong tatanggap ng basbas ang recommend sa pamamagitan ng Patriarchal Blessing System.

38.2.10.5

Pagsasalin ng mga Patriarchal Blessing

Mahirap ipabatid sa pamamagitan ng pagsasalin ang inspirasyon at kahulugan ng isang patriarchal blessing. Dahil dito, dapat matanggap ng mga miyembro ang kanilang mga patriarchal blessing sa wikang nauunawaan nila nang husto. Ang Simbahan ay hindi nagbibigay ng nakasulat na pagsasalin ng mga patriarchal blessing.

Hindi hinihikayat ang mga miyembro na isalin ang mga patriarchal blessing. Gayunman, kung minsan ay kailangan ng isang miyembro na maisalin ang basbas na ito sa wikang nauunawaan niya. Ang miyembrong ito ay maaaring maghanap ng isang mapagkakatiwalaan at karapat-dapat na miyembro ng Simbahan na makatutulong sa pagsasalin. Ang miyembro ay dapat pumili ng isang mahusay na tagapagsalin na nakauunawa sa espirituwal na katangian at pagiging kumpidensyal ng basbas. Ang mga naisaling kopya ng mga basbas ay hindi itinatago sa headquarters ng Simbahan.

Maaaring humiling ang stake president ng braille transcription ng isang patriarchal blessing. Kokontakin niya ang Office of the Quorum of the Twelve Apostles sa Q12Patriarchs@ChurchofJesusChrist.org.

38.2.10.6

Sign Language Interpretation ng mga Patriarchal Blessing

Kung ang isang miyembro ay bingi o mahirap makarinig, ang kanyang patriarchal blessing ay maaaring gawan ng sign language interpretation. Ang miyembro ang pumipili ng interpreter. Pinakamainam kung ang taong ito ay mapagkakatiwalaan at karapat-dapat na miyembro ng Simbahan na nakauunawa sa kahalagahan ng doktrina ng patriarchal blessing. Gayunman, kapag walang mahanap na miyembro ng Simbahan na makagagawa nito, isang taong may kakayahan ang maaaring magbigay ng sign language interpretation.

38.2.10.7

Pangalawang Patriarchal Blessing

Sa mga hindi pangkaraniwang sitwasyon, ang isang karapat-dapat na miyembro ay maaaring humiling ng pangalawang patriarchal blessing. Gayunpaman, hindi ito hinihikayat, at ang kahilingan ay maaaring hindi aprubahan. Kung ang miyembro ay mayroong mahalagang dahilan para hilingin iyon, kakausapin niya ang bishop tungkol dito. Kung nadarama ng bishop na kailangan ang pangalawang patriarchal blessing, naghahanda siya ng Patriarchal Blessing Recommend. Ang mga tagubilin ay nasa 18.17.

Pagkatapos ay iinterbyuhin ng stake president ang miyembro at sabay nilang babasahin ang orihinal na basbas. Kung nadarama niya na kailangan ang pangalawang basbas, hihingi siya ng pag-apruba mula sa Office of the Quorum of the Twelve Apostles sa Q12Patriarchs@ChurchofJesusChrist.org.

Ipinaaalam ng stake president sa tatanggap ng basbas at sa patriarch ang desisyon ng Office of the Quorum of the Twelve Apostles. Kung inaprubahan ang kahilingan, aaprubahan ng stake president ang recommend sa Patriarchal Blessing System. Sasabihin ng stake president sa tatanggap ng basbas na ang orihinal na basbas ay mapapalitan ng pangalawang basbas. Pagkatapos ay maaari nang ibigay ng patriarch ang pangalawang patriarchal blessing.

38.3

Kasal na Sibil

Hinihikayat ng mga lider ng Simbahan ang mga miyembro na maging karapat-dapat na maikasal at mabuklod sa templo. Kung pinahihintulutan ng mga lokal na batas, ang mga lider ng Simbahan ay maaaring magsagawa ng mga kasal na sibil sa mga sumusunod na mga sitwasyon:

  • Ang isang magkasintahan ay nagpaplanong maikasal sa templo, ngunit hindi kinikilala ng batas ang kasal sa templo.

  • Ang isang magkasintahan ay ikakasal sa templo, ngunit ang isang kasal na sibil ay makatutulong na madama ng mga magulang o malalapit na kapamilya na sila ay kabilang sa okasyong ito.

  • Walang access sa templo sa loob ng mahabang panahon.

  • Ang magkasintahan ay hindi nagpaplanong maikasal sa templo.

Ang kasal na sibil ay may bisa hangga’t buhay ang mag-asawa. Hindi ito tumatagal sa kabilang buhay.

Ang mga kasal na sibil ay dapat isagawa ayon sa mga batas ng lugar kung saan isasagawa ang seremonya ng kasal.

Ang mga kasal na sibil at kaugnay na mga seremonyang panrelihiyon ay hindi dapat isagawa sa araw ng Sabbath. Hindi rin ito dapat isagawa sa mga di-pangkaraniwang oras.

Ang isang bishop ay sumasangguni sa kanyang stake president kung may mga tanong siya tungkol sa kasal na sibil na hindi nasagot sa bahaging ito. Maaaring iparating ng stake president ang mga tanong sa Office of the First Presidency.

38.3.1

Sino ang Maaaring Magsagawa ng Isang Kasal na Sibil

Kapag pinahihintulutan ng lokal na batas, ang sumusunod na kasalukuyang naglilingkod na mga opisyal ng Simbahan ay maaaring kumilos sa kanilang calling para magsagawa ng seremonya ng kasal na sibil:

  • Mission president

  • Stake president

  • District president

  • Bishop

  • Branch president

Ang mga opisyal na ito ay maaari lamang magsagawa ng kasal na sibil para sa isang lalaki at isang babae. Dapat ding matugunan ang lahat ng sumusunod na kondisyon:

  • Ang ikakasal na babae o ikakasal na lalaki ay miyembro ng Simbahan o may nakatakdang petsa ng binyag.

  • Ang membership record ng ikakasal na babae o ikakasal na lalaki ay nasa unit ng Simbahan na pinamumunuan ng opisyal, o iingatan sa unit na ito pagkatapos ng binyag.

  • Ang opisyal ng Simbahan ay awtorisado ng batas na mangasiwa ng kasal na sibil sa lugar kung saan gagawin ang kasal.

Ang mga chaplain na Banal sa mga Huling Araw na aktibong naglilingkod sa military ay maaaring magsagawa ng mga kasal na sibil nang walang paunang pahintulot.

Ang mga chaplain na nakadestino sa mga Reserve o National Guard unit ay kailangan munang tumanggap ng pahintulot mula sa Military Relations and Chaplain Services Division ng Simbahan upang makapagsagawa ng isang kasal na sibil. Ang contact information ay nasa 38.9.10.

Ang mga nonmilitary chaplain na naglilingkod sa sumusunod na mga organisasyon ay kailangang tumanggap ng paunang pahintulot mula sa Military Relations and Chaplain Services Division ng Simbahan upang magsagawa ng kasal na sibil:

  • Mga Ospital

  • Mga Hospice organization

  • Mga Assisted-living center

  • Mga Bilangguan

  • Border patrol

  • Mga police department o fire department

Ang mga retiradong chaplain ay hindi awtorisadong magsagawa ng mga kasal na sibil bilang mga chaplain.

Ang mga nagsasagawa ng mga kasal na kumikilos sa kanilang mga calling bilang mga lider o chaplain ng Simbahan ay dapat sundin ang mga tuntunin sa bahaging ito. Sinusunod din nila ang lahat ng hinihingi ng batas.

Ang mga chaplain na Banal sa mga Huling Araw ay hindi itinuturing na namumunong opisyal ng Simbahan, maliban na lamang kung sila ay naglilingkod bilang stake president, bishop, o branch president. Kapag ang isang chaplain na hindi namumunong opisyal ng Simbahan ay nagsagawa ng kasal na sibil, ginagawa niya ito bilang isang kinatawan ng organisasyon ng pamahalaan o ng organisasyong sibilyan na kanyang pinaglilingkuran. Sa gayon, ang mga salita sa seremonya ng kasal na sibil ay bahagyang binabago para sa mga chaplain na ito gaya ng nakasaad sa 38.3.6.

Ang mga chaplain na Banal sa mga Huling Araw ay maaari lamang magsagawa ng kasal na sibil para sa isang lalaki at isang babae.

Ang mga opisyal at chaplain ng Simbahan na nagsasagawa ng mga kasal na sibil para sa mga miyembro ng Simbahan ay dapat na ibigay sa ward o branch clerk ang mga kinakailangang impormasyon tungkol sa kasal. Ia-update ng clerk ang mga membership record.

Ang isang opisyal o chaplain ng Simbahan na nagsasagawa ng mga kasal na sibil bilang bahagi ng kanyang tungkulin sa Simbahan ay hindi maaaring tumanggap ng bayad.

38.3.2

Kasal na Sibil para sa mga Miyembrong Mula sa Iba Pang mga Unit

Ang isang opisyal ng Simbahan ay hindi maaaring magsagawa ng kasal para sa mga miyembro ng Simbahan kung wala sa unit ng Simbahan na kanyang pinamumunuan ang membership record ng ikakasal na babae o ikakasal na lalaki (tingnan sa 38.3.1). Ang isang eksepsyon ay para sa mga chaplain na Banal sa mga Huling Araw at mga opisyal ng Simbahan na mga opisyal ng pamahalaan.

38.3.3

Kasal na Sibil para sa mga Hindi Miyembro ng Simbahan

Ang isang opisyal ng Simbahan ay hindi maaaring magsagawa ng kasal kapag ang ikakasal na babae at ang ikakasal na lalaki ay parehong hindi miyembro ng Simbahan maliban kung ang isa sa kanila o silang dalawa ay may nakatakdang petsa ng binyag. Ang isang eksepsyon ay para sa mga chaplain na Banal sa mga Huling Araw at mga opisyal ng Simbahan na mga opisyal ng pamahalaan.

38.3.4

Mga Kasal na Sibil na Ginagawa sa mga Gusali ng Simbahan

Ang seremonya ng kasal ay maaaring idaos sa isang gusali ng Simbahan kung hindi ito nakasasagabal sa iskedyul ng regular na mga gawain ng Simbahan. Ang mga kasalan ay hindi dapat idaos sa araw ng Sabbath o sa gabi ng Lunes. Ang mga kasalan na isinasagawa sa mga gusali ng Simbahan ay dapat na simple at kagalang-galang. Ang musika ay dapat sagrado, mapitagan, at masaya.

Ang mga kasalan ay maaaring isagawa sa sacrament hall, sa cultural hall, o sa iba pang silid na angkop para dito. Ang mga reception sa kasal ay hindi maaaring idaos sa sacrament hall maliban kung ito ay isang multipurpose area (lugar na pinagdarausan ng iba’t ibang gawain). Ang mga kasalan ay dapat sumunod sa mga tuntunin sa wastong paggamit ng meetinghouse (tingnan sa 35.5.3).

Hindi pinahihintulutan ng Simbahan ang mga meetinghouse o ari-arian nito na gamitin para sa anumang layunin na may kaugnayan sa same-sex marriage (kasal ng magkaparehong kasarian), polygamous marriage (pag-aasawa nang higit sa isa), kasal na labag sa batas, o mga kasal na hindi nakaayon sa doktrina at patakaran ng Simbahan.

Sa mga pambihirang mga sitwasyon, maaaring pahintulutan ng bishop ang paggamit ng gusali ng Simbahan para sa mga kasalan na isinasagawa ng isang taong hindi opisyal ng Simbahan o para sa mga hindi miyembro ng Simbahan. Sasangguni muna siya sa stake president. Kakausapin niya ang taong mangangasiwa upang matiyak na nauunawaan nito ang mga tuntunin sa bahaging ito. Isang miyembro ng stake o ward council ang dumadalo upang matiyak na angkop ang paggamit at pangangalaga sa gusali.

Maaaring pahintulutan ng bishop ang isang livestream ng isang kasalan na isinasagawa sa isang gusali ng Simbahan (tingnan sa 29.7).

38.3.5

Mga Kasal na Sibil na Kailangang Isagawa ng Isang Opisyal ng Pamahalaan o sa Isang Pampublikong Lugar

Sa ilang lugar, hinihiling ng batas na ang seremonya ng kasal ay dapat isagawa ng isang opisyal ng pamahalaan. May ilan na nangangailangan na ang seremonya ay isagawa sa isang pampublikong gusali o sa iba pang pampublikong lugar. Sa ganitong mga sitwasyon, ang isang awtorisadong opisyal ng priesthood ay maaaring magsagawa ng maikling pagtitipon na panrelihiyon pagkatapos ng kasal na sibil. Nagbibigay siya ng payo sa mag-asawa sa pagtitipon na ito.

38.3.6

Seremonya ng Kasal na Sibil

Ang kasal ay sagrado at dapat bigyan ng nararapat na paggalang at pagpipitagan. Ang mga kasal para sa mga miyembro ng Simbahan na isinagawa sa labas ng templo ay dapat magpakita ng diwa ng katapatan at kagalakan.

Maliban kung iba ang nakasaad, ang impormasyon sa bahaging ito ay angkop sa mga chaplain na Banal sa mga Huling Araw at gayundin sa mga opisyal ng Simbahan.

Bago isagawa ang kasal na sibil, maaaring payuhan ng isang opisyal ng Simbahan ang magkasintahan tungkol sa kasagraduhan ng mga pangako sa kasal. Maaari siyang magbigay ng iba pang payo ayon sa patnubay ng Espiritu.

Upang makapagsagawa ng kasal na sibil, tatawagin ng opisyal ng Simbahan ang magkasintahan at magsasabing, “Pakihawakan ninyo ang kanang kamay ng isa’t isa.” Pagkatapos ay sasabihin niyang, “[Buong pangalan ng ikakasal na lalaki] at [buong pangalan ng ikakasal na babae], hawak ninyo ang kanang kamay ng isa’t isa bilang tanda ng mga tipan na ginagawa ninyo ngayon sa harap ng Diyos at ng mga saksing ito.” (Maaaring piliin o imungkahi ng magkasintahan ang mga saksing ito nang maaga.)

Pagkatapos ay babaling ang opisyal sa ikakasal na lalaki at itatanong, “[Buong pangalan ng ikakasal na lalaki], tinatanggap mo ba si [buong pangalan ng ikakasal na babae] bilang iyong asawa sang-ayon sa batas, at pinili mo ba at kusang-loob ka bang nangangako bilang kanyang makakasama at asawa sang-ayon sa batas, na pipisan sa kanya at wala nang iba pa; na susundin mo ang lahat ng mga batas, responsibilidad, at obligasyon na nauukol sa banal na matrimonyo, at mamahalin, igagalang, at kakalingain siya habang kapwa kayo nabubuhay?”

Ang ikakasal na lalaki ay sasagot, “Opo” o “Gagawin ko po.”

Pagkatapos ay babaling ang opisyal ng Simbahan sa ikakasal na babae at itatanong, “[Buong pangalan ng ikakasal na babae], tinatanggap mo ba si [buong pangalan ng ikakasal na lalaki] bilang iyong asawa sang-ayon sa batas, at pinili mo ba at kusang-loob ka bang nangangako bilang kanyang makakasama at asawa sang-ayon sa batas, na pipisan sa kanya at wala nang iba pa; na susundin mo ang lahat ng mga batas, responsibilidad, at obligasyon na nauukol sa banal na matrimonyo, at mamahalin, igagalang, at kakalingain siya habang kapwa kayo nabubuhay?”

Ang ikakasal na babae ay sasagot ng “Opo” o “Gagawin ko po.”

Pagkatapos ay tatawagin ng opisyal ng Simbahan ang magkasintahan at sasabihing, “Sa bisa ng kapangyarihang legal na ipinagkaloob sa akin bilang isang elder ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, ipinapahayag ko kayo, [pangalan ng ikakasal na lalaki] at [pangalan ng ikakasal na babae], na mag-asawa, kasal sang-ayon sa batas para sa kahabaan ng inyong mga buhay sa mundo.”

[Alternatibong mga salita para sa isang chaplain na hindi naglilingkod bilang namumunong opisyal ng Simbahan: “Sa bisa ng kapangyarihang legal na ipinagkaloob sa akin bilang isang chaplain sa [sangay ng militar o organisasyong sibilyan], ipinapahayag ko kayo, [pangalan ng ikakasal na lalaki] at [pangalan ng ikakasal na babae], na mag-asawa, kasal sang-ayon sa batas para sa kahabaan ng inyong mga buhay sa mundo.”]

“Nawa’y pagpalain ng Diyos ang inyong pagsasama nang may kagalakan sa inyong mga inapo at ng mahabang buhay ng kaligayahan sa inyong pagsasama, at nawa’y pagpalain Niya kayong matupad ang sagradong mga pangako na inyong ginawa. Ang mga pagpapalang ito ay ipagkakaloob ko sa inyo sa pangalan ng Panginoong Jesucristo, amen.”

Ang paanyayang halikan ang bawat isa bilang mag-asawa ay opsiyonal, batay sa kaugalian sa kultura.

38.4

Mga Patakaran sa Pagbubuklod

Ang mga miyembro ng Simbahan ay gumagawa ng mga sagradong tipan sa Diyos kapag tumanggap sila ng mga ordenansa sa templo. Ang mga ordenansa ng pagbubuklod sa templo ay nagiging daan upang magkaisa sa walang-hanggang ang mga pamilya kapag sinisikap ng mga miyembro na tuparin ang mga tipan na ginawa nila noong tinanggap nila ang ordenansa. Kabilang sa mga ordenansa ng pagbubuklod ang:

  • Pagbubuklod ng mag-asawa.

  • Pagbubuklod ng mga anak sa mga magulang.

38.4.1

Pagbubuklod ng Mag-asawa

Ipinaliliwanag ng sumusunod na table kung saan matatagpuan ang mga patakaran sa pagbubuklod ng mag-asawa.

Pangangailangan

Bahagi

Pangangailangan

Ikinasal ako sa sibil na seremonya at gusto kong mabuklod sa aking asawa.

Bahagi

38.4.1.1

Pangangailangan

Nagdiborsiyo kami ng dati kong asawa at gusto kong mabuklod sa aking kasalukuyang asawa.

Bahagi

38.4.1.2

Pangangailangan

Namatay ang asawa ko na ibinuklod sa akin. Kanino ako maaaring ibuklod ngayon?

Bahagi

38.4.1.3

Pangangailangan

Maaari ba akong mabuklod sa isang yumaong tao na kinasama ko noon nang hindi legal na ikinasal sa kanya?

Bahagi

38.4.1.4

Pangangailangan

Kailangan kong mag-apply para sa kanselasyon sa pagbubuklod o pahintulot na mabuklod.

Bahagi

38.4.1.5

Pangangailangan

Kailangan kong maalis ang aking restriksyon laban sa pagbubuklod sa templo.

Bahagi

38.4.1.6

Pangangailangan

Ikinasal kami ng aking asawa sa templo para sa buhay na ito lamang. Maaari ba kaming mabuklod sa isa’t isa?

Bahagi

38.4.1.7

Pangangailangan

Kanino maaaring mabuklod ang mga yumaong kapamilya ko?

Bahagi

38.4.1.8

Pangangailangan

Paano makakaapekto ang diborsiyo sa aking pagbubuklod?

Bahagi

38.4.1.9

Pangangailangan

Ano ang mga epekto ng pagkansela ng pagbubuklod?

Bahagi

38.4.1.10

Pangangailangan

Paano makakaapekto sa aking pagbubuklod ang pagbibitiw o pagbawi sa pagkamiyembro sa Simbahan?

Bahagi

38.4.1.11

Dapat sumangguni ang mga miyembro sa kanilang bishop kung may mga tanong sila tungkol sa mga patakaran sa pagbubuklod na hindi nasagot sa bahaging ito. Kokontakin ng bishop ang stake president kung may mga tanong siya. Kokontakin ng stake president ang Office of the First Presidency kung mayroon siyang mga tanong.

Ang mga miyembrong mayroong mga alalahanin tungkol sa kawalang-hanggan ng ordenansa ng pagbubuklod at sa kanilang mga ugnayan ng pamilya at ng mag-asawa ay hinihikayat na magtiwala sa Ama sa Langit at humingi ng kapanatagan mula sa Kanya. Titiyakin ng Ama sa Langit na matatanggap ng bawat tao ang lahat ng pagpapalang ninanais ng tao at naaayon sa mga pagpili nito.

38.4.1.1

Pagbubuklod ng Nabubuhay na mga Miyembro Pagkatapos ng Kasal na Sibil

Ang isang lalaki at isang babae na ikinasal sa sibil na seremonya ay maaaring mabuklod sa templo sa sandaling naabot ang mga sumusunod na kondisyon:

  • Silang dalawa ay miyembro na ng Simbahan nang hindi kukulangin sa isang taon (tingnan sa 27.3.1 at 27.2.1).

  • Sila ay handa at karapat-dapat.

Kapag nagbibigay ng mga temple recommend para mabuklod ang isang mag-asawa, tinitiyak ng mga priesthood leader na ang kasal na sibil ay may bisa ayon sa batas. Tingnan ang 26.3 at 27.3.

38.4.1.2

Pagbubuklod ng Nabubuhay na mga Miyembro Pagkatapos ng Diborsiyo

Kababaihan. Ang nabubuhay na babae ay maibubuklod lamang sa isang asawa. Kung sila ng kanyang asawa ay ibinuklod at kalaunan ay nagdiborsiyo, dapat muna siyang makatanggap ng kanselasyon ng pagbubuklod na iyon bago siya maibuklod sa isa pang lalaki habang siya ay nabubuhay (tingnan sa 38.4.1.5).

Ang isang buhay na babae na kasalukuyang hindi kasal o hindi naibuklod sa isang lalaki ay maaaring ibuklod sa kanyang yumaong asawa kahit na sila ay nagdiborsiyo noong ito ay nabubuhay pa. Kailangan muna niyang makatanggap ng nilagdaang pahintulot mula sa balo ng kanyang dating asawa (kung mayroon).

Tingnan ang kabanata 28 para sa impormasyon tungkol sa pagsasagawa ng mga ordenansa para sa isang yumaong asawa.

Kalalakihan. Kung ang isang lalaki at isang babae ay ibinuklod at kalaunan ay nagdiborsiyo, ang lalaki ay kailangan munang tumanggap ng pahintulot na mabuklod bago maibuklod sa isa pang babae (tingnan sa 38.4.1.5). Ang pahintulot na mabuklod ay kailangan kahit na (1) nakansela na ang nakaraang pagbubuklod o (2) ang dating asawa ay namatay na.

Kailangan lamang ang pahintulot na mabuklod kung ang isang lalaki ay nadiborsiyo sa isang babae na pinakahuling ibinuklod sa kanya. Halimbawa, kung ang isang lalaki ay nakatanggap ng pahintulot na mabuklod para maibuklod sa pangalawang asawa pagkatapos ng diborsiyo, at pagkatapos ay namatay ang pangalawa niyang asawa, hindi na niya kailangan ng isa pang pahintulot na mabuklod para maibuklod muli.

Ang isang buhay na lalaki ay maaaring mabuklod sa isang yumaong asawa kahit na sila ay nagdiborsiyo noong ito ay nabubuhay pa. Kailangan muna niyang makatanggap ng nilagdaang pahintulot mula sa balo ng kanyang dating asawa (kung mayroon). Kung siya ay may asawa, dapat siyang makatanggap ng nakasulat na pahintulot mula sa kanyang kasalukuyang asawa kung buhay pa ito.

Tingnan ang kabanata 28 para sa impormasyon tungkol sa pagsasagawa ng mga ordenansa para sa isang yumaong asawa.

38.4.1.3

Pagbubuklod ng Nabubuhay na mga Miyembro Pagkatapos Mamatay ang Asawa

Kababaihan. Kung ang isang mag-asawa ay nabuklod sa isa’t isa at namatay ang asawang lalaki, ang babae ay hindi maaaring mabuklod sa isa pang lalaki maliban na lamang kung nakatanggap siya ng kanselasyon ng unang pagbubuklod (tingnan sa 38.4.1.5).

Ang isang buhay na babae na kasalukuyang hindi kasal o hindi naibuklod sa isang lalaki ay maaaring ibuklod sa kanyang yumaong asawa (tingnan sa 38.4.1.8). Kung ang kasal ay nagwakas sa diborsiyo, tingnan ang 38.4.1.2.

Ang isang buhay na babae na kasalukuyang kasal ay hindi maaaring mabuklod sa namayapang asawa nang walang pag-apruba ng Unang Panguluhan.

Tingnan ang kabanata 28 para sa impormasyon tungkol sa pagsasagawa ng mga ordenansa para sa isang yumaong asawa.

Kalalakihan. Kung ang isang mag-asawa ay nabuklod sa isa’t isa at namatay ang asawang babae, ang lalaki ay maaaring mabuklod sa isa pang babae kung ang babaeng ito ay hindi pa nabuklod sa ibang lalaki. Sa ganitong situwasyon, hindi kailangan ng lalaki ang isang pahintulot na mabuklod mula sa Unang Panguluhan maliban kung siya ay nakipagdiborsiyo sa dati niyang asawa bago ito namatay (tingnan sa 38.4.1.2).

Ang isang buhay na lalaki ay maaaring ibuklod sa isang yumaong asawa kung ang yumaong asawang ito ay hindi nabuklod sa ibang lalaki noong siya ay nabubuhay pa. Kung naibuklod siya sa ibang lalaki noong nabubuhay pa siya, lahat ng lalaki na pinakasalan niya ay dapat patay na bago maibuklod sa kanya ang ibang lalaki (tingnan sa 38.4.1.8). Kung ang kasal ay nagwakas sa diborsiyo, tingnan ang 38.4.1.2.

Bago maibuklod sa kanyang yumaong asawa, ang isang lalaki na may asawa ay dapat makatanggap ng nakasulat na pahintulot mula sa kanyang kasalukuyang asawa, kung buhay pa ito.

Tingnan ang kabanata 28 para sa impormasyon tungkol sa pagsasagawa ng mga ordenansa para sa isang yumaong asawa.

38.4.1.4

Pagbubuklod ng Isang Buhay na Miyembro sa Isang Yumaong Indibidwal na Kanyang Kinasama

Kababaihan. Bilang eksepsyon, ang isang buhay na babae na kasalukuyang hindi kasal o hindi naibuklod sa isang lalaki ay maaaring ibuklod sa isang yumaong lalaki na kanyang kinasama noon. Ang eksepsyon na ito ay maaari lamang isaalang-alang kung ang kanilang katangian at tagal ng kanilang pagsasama ay nagpapakita ng determinasyong gawin ang lahat ng sumusunod:

  • Maging tapat sa isa’t isa sa isang permanenteng relasyon.

  • Gampanan ang lahat ng responsibilidad ng mag-asawa sa isa’t isa.

  • Gampanan ang lahat ng responsibilidad ng magulang sa kanilang mga anak.

Kung nadarama ng stake president ng miyembro na maaaring ibigay ang gayong eksepsyon, siya ay magsusumite ng kahilingan sa Office of the First Presidency.

Kalalakihan. Bilang eksepsyon, ang isang buhay na lalaki ay maaaring ibuklod sa isang yumaong babae na kanyang kinasama kung ang babae ay hindi naibuklod sa ibang lalaki noong siya ay nabubuhay pa. Ang eksepsyon na ito ay maaari lamang isaalang-alang kung ang kanilang katangian at tagal ng kanilang pagsasama ay nagpapakita ng determinasyong gawin ang lahat ng sumusunod:

  • Maging tapat sa isa’t isa sa isang permanenteng relasyon.

  • Gampanan ang lahat ng responsibilidad ng mag asawa sa isa’t isa.

  • Gampanan ang lahat ng responsibilidad ng magulang sa kanilang mga anak.

Bago maibuklod sa isang yumaong babae, ang isang kasal na lalaki ay dapat makatanggap ng nakasulat na pahintulot mula sa kanyang kasalukuyang asawa, kung buhay pa ito.

Kung nadarama ng stake president ng miyembro na maaaring ibigay ang gayong eksepsyon, siya ay magsusumite ng kahilingan sa Office of the First Presidency.

38.4.1.5

Paghiling ng Kanselasyon ng Pagbubuklod o Pahintulot na Mabuklod

Tingnan ang 38.4.1.2 para sa impormasyon tungkol sa pagbubuklod ng mga buhay na miyembro pagkatapos ng diborsiyo. Tingnan ang 38.4.1.3 para sa impormasyon tungkol sa pagbubuklod ng buhay na mga miyembro matapos mamatay ang kanilang asawa.

Ang mga miyembrong lalaki at babae ay maaaring humiling ng kanselasyon ng pagbubuklod kahit hindi sila naghahandang mabuklod sa isa pang asawa. Ang isang lalaking miyembro ng Simbahan ay dapat tumanggap ng pahintulot na mabuklod para maibuklod sa isa pang babae pagkatapos ng diborsiyo.

Ang proseso ng paghiling ng kanselasyon ng pagbubuklod ay nakasaad sa ibaba.

  1. Kakausapin ng miyembro ang kanyang bishop tungkol sa kahilingan.

  2. Tinitiyak ng bishop na:

    1. Tapos na ang proseso ng diborsiyo.

    2. Natutugunan ng miyembro ang lahat ng hinihingi ng batas para sa pagbibigay ng suporta sa anak at asawa na may kaugnayan sa diborsiyo.

  3. Kung irerekomenda ng bishop na ipagkaloob ang kanselasyon ng pagbubuklod o pahintulot na mabuklod:

    1. Pupunan niya ang Application to the First Presidency [Aplikasyon sa Unang Panguluhan] para sa miyembro gamit ang Leader and Clerk Resources (LCR). Ang mga lider na walang access sa LCR ay gagamit ng pisikal na kopya ng Application to the First Presidency form. Ang form na ito ay makukuha mula sa Confidential Records Office sa headquarters ng Simbahan.

    2. Isusumite niya ang aplikasyon sa stake president.

  4. Kakausapin nang personal ng stake president ang miyembro. Titiyakin ng stake president na:

    1. Tapos na ang proseso ng diborsiyo.

    2. Natutugunan ng miyembro ang lahat ng hinihingi ng batas para sa pagbibigay ng suporta sa anak at asawa na may kaugnayan sa diborsiyo.

  5. Kung inirerekomenda ng stake president na ipagkaloob ang kanselasyon ng pagbubuklod o pahintulot na mabuklod, isusumite niya ang aplikasyon sa headquarters ng Simbahan gamit ang LCR. Tingnan ang 6.2.3 para sa responsibilidad ng stake president kapag nagsusumite ng mga aplikasyon sa Unang Panguluhan.

  6. Kung inaprubahan ang kahilingan, ang Unang Panguluhan ay magbibigay ng liham na nagsasaad na ipinagkakaloob ang kanselasyon ng pagbubuklod o pahintulot na mabuklod.

  7. Matapos matanggap ang liham, ang miyembro ay maaaring magpa-iskedyul ng appointment para sa pagbubuklod sa templo. Ipakikita ng miyembro sa templo ang liham.

Tingnan sa 38.4.1.9.

38.4.1.6

Pag-aalis ng Restriksyon Laban sa Pagbubuklod sa Templo

Ang isang taong nagkasala ng pangangalunya habang kasal siya sa isang asawa kung kanino siya nabuklod ay hindi maaaring ibuklod sa taong nakatalik niya kapag walang pahintulot mula sa Unang Panguluhan.

Ang mag-asawa ay maaaring humingi ng pahintulot na mabuklod matapos silang maikasal nang hindi kukulangin sa limang taon. Ang proseso sa paghiling na alisin ang restriksyon laban sa pagbubuklod sa templo ay nakasaad sa ibaba.

  1. Makikipagkita ang mag-asawa sa kanilang bishop at stake president.

  2. Kung nadarama ng mga lider na ito na dapat alisin ang restriksyon, susulat sila ng mga liham sa Unang Panguluhan na ibinibigay ang kanilang mga rekomendasyon. Dapat ilarawan sa kanilang mga liham ang pagiging karapat-dapat sa templo ng mag-asawa at ang katatagan ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa nang hindi kukulangin sa limang taon. Tingnan ang 6.2.3 para sa responsibilidad ng stake president kapag nagsusumite ng mga aplikasyon sa Unang Panguluhan.

  3. Ang mag-asawa ay susulat din ng isang liham ng kahilingan sa Unang Panguluhan.

  4. Isinusumite ng stake president ang lahat ng mga liham na ito sa Unang Panguluhan. Maaari niyang isumite ang kahilingan kasama ang aplikasyon para sa kanselasyon ng pagbubuklod o pahintulot na mabuklod (tingnan sa 38.4.1.5).

  5. Kung inaprubahan ang kahilingan, ang Unang Panguluhan ay magbibigay ng liham na nagsasaad na ang restriksyon laban sa pagbubuklod sa templo ay inalis na.

  6. Matapos matanggap ang liham, ang mag-asawa ay maaaring magpa-iskedyul ng appointment para mabuklod. Ipakikita nila sa templo ang liham.

38.4.1.7

Pagbubuklod Matapos ang Kasal sa Templo na para sa Buhay na Ito Lamang

Ang mga mag-asawang ikinasal sa templo para sa buhay na ito lamang ay karaniwang hindi ibinubuklod kalaunan. Upang maganap ang gayong pagbubuklod, kailangan munang matanggap ng babae mula sa Unang Panguluhan ang kanselasyon ng kanyang naunang pagbubuklod. Kung nadarama ng bishop at ng stake president na maaaring mabigyang-katwiran ang kanselasyon, ang stake president ay magsusumite ng aplikasyon sa Unang Panguluhan gamit ang LCR. Tingnan ang 6.2.3 para sa responsibilidad ng stake president kapag nagsusumite ng mga aplikasyon sa Unang Panguluhan.

Ang mga kasal sa templo na para sa buhay na ito lamang ay hindi na isinasagawa (tingnan sa 27.3.3).

38.4.1.8

Pagbubuklod ng mga Taong Yumao Na

Mga Babaing Yumao. Ang isang babaing yumao na ay maaaring mabuklod sa lahat ng lalaking legal na ikinasal sa kanya noong nabubuhay pa siya. Makikita sa susunod na table kung kailan ginagawa ang mga pagbubuklod na ito.

Hindi siya nabuklod sa isang asawang lalaki noong siya ay nabubuhay pa

Maaari siyang maibuklod sa lahat ng buhay o yumaong lalaki na ikinasal sa kanya noong siya ay nabubuhay pa. Kung buhay pa ang lalaki, ang kanyang asawa (kung may asawa siya) ay kailangang magbigay ng nakasulat na pahintulot (tingnan sa 38.4.1.3). Kung yumao na ang lalaki, ang kanyang balo (kung mayroon man) ay dapat magbigay ng nakasulat na pahintulot.

Siya ay nabuklod sa isang asawang lalaki noong siya ay nabubuhay pa

Lahat ng kanyang asawa ay dapat yumao na bago siya ibuklod sa iba pang lalaki na ikinasal sa kanya. Kabilang dito ang mga dating asawa kung kanino siya ay maaaring nakipagdiborsiyo. Bawat isa sa mga balo ng mga lalaki (kung mayroon man) ay dapat magbigay ng nakasulat na pahintulot.

Mga Lalaking Yumao. Ang isang yumaong lalaki ay maaaring ibuklod sa lahat ng babaing legal na ikinasal sa kanya noong nabubuhay pa siya kung (1) sila ay yumao na o (2) sila ay nabubuhay, hindi kasalukuyang kasal, at hindi pa nabuklod sa ibang lalaki (tingnan sa 38.4.1.3).

Bago mabuklod ang isang yumaong lalaki sa isang yumaong babae na ikinasal sa kanya noong siya ay nabubuhay pa, ang balo ng babae (kung mayroon) ay dapat magbigay ng nakasulat na pahintulot.

Mga Mag-asawang Yumao na Nagdiborsiyo. Ang mga mag-asawang diborsiyado na yumao na ay maaaring mabuklod sa pamamagitan ng proxy para mabuklod sa kanila ang kanilang mga anak. Tingnan ang 28.3.5 kung ang isa sa mag-asawa ay binawian ng pagkamiyembro sa Simbahan o nagbitiw sa pagkamiyembro sa Simbahan.

Ang pag-apruba ng Unang Panguluhan ay kailangan bago mabuklod ang isang mag-asawang yumao na nakatanggap ng kanselasyon ng kanilang pagbubuklod sa buhay na ito.

38.4.1.9

Mga Epekto ng Diborsiyo

Kung ang isang mag-asawa ay nabuklod at kalaunan ay nagdiborsiyo, ang mga pagpapala ng pagbubuklod na iyon ay mananatiling may bisa sa mga taong karapat-dapat (tingnan sa 38.4.1.5 at 38.4.1.10). Ang isang miyembrong nanatiling tapat sa mga tipan sa templo ay matatanggap ang mga personal na pagpapala na ipinangako sa templo, kahit na ang kanyang asawa ay lumabag sa mga tipan o nakipaghiwalay. Ipinangako ng Diyos sa Kanyang matatapat na anak na lalaki at babae ang kapayapaan at lakas sa buhay na ito at buhay na walang hanggan sa daigdig na darating.

Tingnan ang 38.4.2.1 para sa impormasyon tungkol sa mga anak na isinilang pagkatapos ng diborsiyo.

38.4.1.10

Mga Epekto ng Kanselasyon ng Pagbubuklod

Habang nananatili pa ang pagbubuklod, ang miyembro na tapat sa mga tipan sa templo ay matatanggap ang mga personal na pagpapalang ipinangako sa templo. Mapapanatili pa rin ng isang tao ang mga pagpapalang ito sa kanyang sarili kahit na ang kanyang asawa ay lumabag sa mga tipan o nakipaghiwalay. Bukod pa rito, hindi nanaisin ng Diyos na manatili ang sinuman sa isang ugnayang nabuklod sa buong kawalang-hanggan nang labag sa kanyang kalooban. Titiyakin ng Ama sa Langit na matatanggap ng bawat tao ang lahat ng pagpapalang ninanais ng tao at naaayon sa mga pagpili nito.

Kapag ipinagkaloob na ng Unang Panguluhan ang kanselasyon ng pagbubuklod, ang mga pagpapalang may kaugnayan sa pagbubuklod na iyon ay wala nang bisa.

Ang sinumang anak na isinilang sa isang babae matapos kanselahin ang kanyang pagkabuklod sa dating asawa ay hindi isinilang sa loob ng tipan maliban kung ang ina ay nabuklod sa ibang lalaki bago isinilang ang anak.

Kinakausap ng mga priesthood leader ang mga miyembro na naghahangad ng kanselasyon ng pagbubuklod para tulungan silang maintindihan ang mga alituntuning ito. Dapat igalang ng mga lokal na lider ang kalayaang pumili ng mga miyembro sa mga desisyong ito.

38.4.1.11

Mga Epekto ng Pagbibitiw o Pagbawi sa Pagkamiyembro sa Simbahan

Matapos mabuklod ang isang mag-asawa sa templo, kung ang isa sa kanila ay nagbitiw sa pagkamiyembro sa Simbahan o binawi ang kanyang pagkamiyembro sa Simbahan, binabawi rin ang kanyang mga pagpapala sa templo. Gayunman, ang personal na mga pagpapala ng ordenansa ng pagbubuklod para sa asawa at mga anak ng taong iyon ay mananatiling may bisa kung mananatili silang tapat.

Ang sinumang anak na isinilang sa isang mag-asawa matapos ang isa o pareho sa kanila ay nagbitiw sa kanilang pagkamiyembro sa Simbahan o binawian ng pagkamiyembro sa Simbahan ay hindi isinilang sa loob ng tipan. Tingnan sa 38.4.2.8.

38.4.2

Pagbubuklod ng mga Anak sa mga Magulang

Ang mga magulang ay dapat mabuklod muna sa isa’t isa bago ibuklod sa kanila ang mga anak (tingnan sa 38.4.1).

Dapat sumangguni ang mga miyembro sa kanilang bishop kung may mga tanong sila tungkol sa mga patakaran sa pagbubuklod na hindi nasagot sa bahaging ito. Kokontakin ng bishop ang stake president kung may mga tanong siya. Kokontakin ng stake president ang Office of the First Presidency kung mayroon siyang mga tanong.

Ang mga miyembrong mayroong mga alalahanin tungkol sa kawalang-hanggan ng ordenansa ng pagbubuklod at sa kanilang mga ugnayan ng pamilya ay hinihikayat na magtiwala sa Panginoon at humingi ng kapanatagan mula sa Kanya. Titiyakin ng Ama sa Langit na matatanggap ng bawat tao ang lahat ng pagpapalang ninanais ng tao at naaayon sa mga pagpili nito.

38.4.2.1

Mga Anak na Isinilang sa Loob ng Tipan (Born In the Covenant)

Ang mga anak na isinilang matapos mabuklod ang kanilang ina sa isang asawang lalaki sa loob ng templo ay isinilang sa loob ng tipan ng pagbubuklod na iyon. Hindi nila kailangang matanggap ang ordenansa ng pagbubuklod sa mga magulang.

Kung minsan ang isang babae na nabuklod sa isang lalaki ay kalaunang nagkaroon ng mga anak sa isa pang lalaki. Kapag nangyari ito, ang mga anak na ito ay isinilang sa loob ng tipan ng pinakahuling pagbubuklod ng babae maliban kung sila ay isinilang (1) matapos kanselahin ang pagbubuklod o (2) matapos itong bawiin dahil sa pagbibitiw o pagbawi sa pagkamiyembro sa Simbahan.

38.4.2.2

Mga Anak na Hindi Isinilang sa Loob ng Tipan

Ang mga anak na hindi isinilang sa loob ng tipan ay maaaring maging bahagi ng isang walang-hanggang pamilya sa pamamagitan ng pagbubuklod sa:

  • Kanilang tunay na mga magulang.

  • Mga magulang na umampon sa kanila.

  • Isang tunay o nag-ampon na magulang at isang stepparent (tingnan sa 38.4.2.5).

Tatanggapin ng mga anak na ito ang kaparehong mga pagpapala na para bang sila ay isinilang sa loob ng tipan.

Pagbubuklod ng mga buhay na anak sa mga buhay na magulang. Ang isang buhay na anak ay ibinubuklod lamang sa dalawang magulang—isang mag-asawa. Kung parehong buhay ang dalawang magulang, sila ay dapat na naikasal at naibuklod sa isa’t isa.

Tingnan ang 27.4.1 para sa impormasyon tungkol sa pagbibigay ng mga temple recommend para sa mga anak na ibubuklod sa kanilang mga magulang.

Ang mga miyembrong edad 21 pataas ay dapat tumanggap na ng endowment bago mabuklod sa kanilang mga magulang (tingnan sa 26.4.4).

Pagbubuklod ng mga buhay na anak sa mga yumaong magulang. Ang isang buhay na anak ay ibinubuklod lamang sa isang pares ng magulang. Ang mga magulang ay dapat mabuklod muna sa isa’t isa bago mabuklod sa kanila ang mga anak.

Ang isang miyembro na adult na noong namatay ang kanyang mga magulang ay karaniwang ibinubuklod sa mga magulang na iyon. Sa paggamit dito, ang ibig sabihin ng katagang mga magulang ay mga tunay na magulang, mga magulang na umampon, o isang tunay na magulang at isang stepparent.

Ang sumusunod na table ay nagpapakita ng mga opsiyon sa pagbubuklod para sa isang tao na ang mga magulang ay namatay noong siya ay menor-de-edad pa o walang pananagutan dahil sa mga kapansanan sa pag-iisip.

Sitwasyon

Mga Opsiyon

Menor-de-edad na anak

  • Ibuklod sa nag-ampon na mga magulang o legal na nagpapalaki sa kanya

  • Maghintay hanggang sa siya ay maging isang adult at pagkatapos ay piliin na mabuklod sa (1) mga yumaong magulang o sa (2) mga magulang na nag-ampon o mga legal na tagapag-alaga na nagpalaki sa kanya

Taong walang pananagutan dahil sa mga kapansanan sa pag-iisip

  • Mabuklod sa mga magulang na nag-ampon o mga legal na tagapag-alaga na nangangalaga sa kanya

Tingnan ang 27.4.1 para sa impormasyon tungkol sa pagbibigay ng mga temple recommend para sa mga anak na ibubuklod sa kanilang mga magulang.

Ang mga miyembrong edad 21 pataas ay dapat nakatanggap na ng endowment bago mabuklod sa kanilang mga magulang (tingnan sa 26.4.4).

Pagbubuklod ng mga yumaong anak sa mga magulang (buhay o yumao). Ang isang taong yumao ay karaniwang ibinubuklod sa tunay niyang mga magulang o sa mga magulang na umampon sa kanya. Gayunman, maaari ding ibuklod ang isang yumaong anak sa:

  • Tunay na ina at amain.

  • Tunay na ama at madrasta.

  • Mga foster parent o lolo’t lola na nagpalaki sa kanya (tingnan sa 38.4.2.4).

  • Isang mag-asawa na balak umampon sa kanya ngunit hindi nakumpleto ang pag-aampon bago siya mamatay (tingnan sa 38.4.2.4).

Ang mga pagbubuklod na ito ay maaaring gawin kahit na ang yumaong anak ay naibuklod na sa kanyang tunay o nag-ampon na mga magulang. Ang mga pagbubuklod sa hindi tunay o hindi nag-ampon na mga magulang bukod pa sa mga sitwasyong binanggit sa itaas ay mangangailangan ng pag-apruba ng Unang Panguluhan.

38.4.2.3

Mga Anak na Inampon o Anak-anakan (Foster Child) na Buhay

Ang mga buhay na anak na isinilang sa loob ng tipan o nabuklod na sa mga magulang ay hindi na maaaring ibuklod sa iba pang mga magulang kung walang pag-apruba mula sa Unang Panguluhan.

Ang mga buhay na anak na legal na inampon at hindi isinilang sa loob ng tipan at hindi nabuklod sa dating mga magulang ay maaaring mabuklod sa mga magulang na umampon sa kanila kapag tapos na ang proseso ng pag-aampon. Dapat ipakita sa templo ang kopya ng desisyon ng korte tungkol sa pag-ampon (final adoption decree). Ang pagbibigay ng korte ng legal na kustodiya ay hindi sapat para mapahintulutan ang isang pagbubuklod. Hindi kailangang tukuyin ang tunay na mga magulang ng mga anak na ito.

Kailangan ang pag-apruba ng Unang Panguluhan para mabuklod ang isang miyembrong buhay sa mga magulang na nag-alaga sa kanya (foster parents). Ang pangangailangang ito ay angkop kahit hindi batid ang tungkol sa tunay na mga magulang ng anak-anakan (foster child). Ang gayong mga kahilingan ay ginagawa ng stake president gamit ang LCR (tingnan sa 6.2.3).

38.4.2.4

Mga Anak na Inampon o Anak-anakan (Foster Child) na Yumao Na

Ang isang taong inampon na yumao na ay karaniwang ibinubuklod sa mga magulang na umampon sa kanya.

Ang isang anak-anakan (foster child) na yumao na ay karaniwang ibinubuklod sa tunay niyang mga magulang.

38.4.2.5

Pagbubuklod ng mga Anak na Buhay sa Isang Tunay na Magulang at Isang Madrasta o Amain (Stepparent)

Mga Anak na Menor-de-Edad at mga Anak na Walang Pananagutan. Ang mga buhay na anak na menor-de-edad at mga anak na walang pananagutan dahil sa mga kapansanan sa pag-iisip ay maaari lamang ibuklod sa isang tunay na magulang at isang stepparent kung natugunan ang lahat ng sumusunod na kondisyon:

  • Ang anak ay hindi isinilang sa loob ng tipan o hindi pa nabuklod.

  • Ang anak ay hindi pa naaampon ng isa pang magulang.

  • Ang isa pang tunay na magulang ay nagbigay ng nilagdaang liham ng pahintulot para maisagawa ang pagbubuklod. Ang pagbibigay ng korte ng legal na kustodiya ay hindi sapat para mapahintulutan ang isang pagbubuklod. Ang liham ng pahintulot ay dapat gumamit ng mga salitang katulad ng mga sumusunod:

    “Ako, [pangalan ng tunay na magulang], ay nagbibigay ng pahintulot para kay [pangalan ng anak o mga anak] na maibuklod sa templo kina [pangalan ng mga magulang]. Nauunawan ko na ang pagbubuklod ay isang seremonyang panrelihiyon at wala itong legal na mga implikasyon.”

    Ang liham na ito ay ipakikita sa templo bago isagawa ang pagbubuklod.

Kung ang isa pang tunay na magulang ay yumao na o kung ang kanyang mga karapatan bilang magulang ay inalis sa pamamagitan ng legal na proseso, hindi na kailangan ang pahintulot. Gayundin, hindi kailangan ng pahintulot kung ang anak ay itinuturing na adult ng batas sa lugar kung saan siya nakatira.

Kung ang isa pang tunay na magulang ay hindi mahanap pagkatapos ng masusing paghahanap, hindi na kailangan ang pahintulot. Sa ganitong sitwasyon, pagtitibayin ng bishop at stake president sa proseso ng pagberipika na hindi nagtagumpay ang masusing paghahanap sa magulang. Kung ang isa pang tunay na magulang ay lumitaw kalaunan, ang pagbubuklod ay rerepasuhin.

Mga anak na adult. Ang isang nabubuhay na adult na miyembro ay maaaring mabuklod sa isang tunay na magulang at isang stepparent kung ang miyembro ay hindi isinilang sa loob ng tipan o hindi pa nabuklod sa mga magulang.

Ang mga miyembrong edad 21 pataas ay dapat nakatanggap na ng endowment bago mabuklod sa isang tunay na magulang at isang stepparent.

Ang mga miyembrong may-asawa na wala pang 21 taong gulang ay hindi kailangang tumanggap na ng endowment para mabuklod sa isang tunay na magulang at isang stepparent. Gayunman, dapat mayroon silang current temple recommend para maibuklod sa mga magulang (tingnan sa 26.4.4).

Tingnan ang 27.4.1 para sa impormasyon tungkol sa pagbibigay ng mga temple recommend para sa mga anak na ibubuklod sa kanilang mga magulang.

38.4.2.6

Mga Anak na Ipinagbuntis sa Pamamagitan ng Artificial Insemination o In Vitro Fertilization

Ang mga anak na ipinagbuntis sa pamamagitan ng artificial insemination o in vitro fertilization ay isinilang sa loob ng tipan kung ang kanilang mga magulang ay nabuklod na. Kung ang mga anak ay isinilang bago pa mabuklod ang kanilang mga magulang, sila ay maaaring ibuklod sa kanilang mga magulang pagkatapos mabuklod sa isa’t isa ang kanilang mga magulang.

38.4.2.7

Mga Anak na Isinilang ng mga Surrogate Mother

Kung ang isang anak ay isinilang sa isang surrogate mother (babaing nagbuntis para sa iba), isasangguni ng stake president ang bagay na ito sa Office of the First Presidency (tingnan sa 38.6.22).

38.4.2.8

Katayuan ng mga Anak Kapag ang Isang Pagbubuklod ay Kinansela o Binawi

Ang matatapat na anak na isinilang sa tipan o nabuklod sa mga magulang ay mapapanatili ang mga pagpapala ng pagkakaroon ng magulang sa walang-hanggan. Totoo ito kahit na:

  • Ang pagbubuklod ng kanilang mga magulang ay kinansela kalaunan.

  • Ang isang magulang ay kalaunang nagbitiw sa pagkamiyembro sa Simbahan o binawian ng pagkamiyembro sa Simbahan.

Ang mga anak na isinilang matapos kanselahin o bawiin ang pagbubuklod ng kanilang mga magulang ay hindi isinilang sa loob ng tipan. Ang mga anak na ito ay maaaring mabuklod sa kanilang mga magulang pagkatapos maipanumbalik ang mga pagpapala sa templo ng kanilang mga magulang (kung angkop) at maalis ang anumang sagabal.

38.5

Kasuotan sa Templo at mga Garment

38.5.1

Kasuotan sa Templo

Sa mga ordenansa ng endowment at pagbubuklod sa templo, ang mga miyembro ng Simbahan ay nakasuot ng puting damit. Suot ng mga kababaihan ang sumusunod na puting kasuotan: puting bestida na may mahabang manggas o manggas na abot hanggang sa may pagitan ng siko at kamay (o palda at blusa na may mahabang manggas o manggas na abot hanggang sa may pagitan ng siko at kamay), medyas o stockings, at sapatos o sandalyas.

Suot ng mga kalalakihan ang sumusunod na puting kasuotan: kamiseta na may mahabang manggas, kurbata o bow tie, pantalon, medyas, at sapatos o sandalyas.

Sa mga ordenansa ng endowment at pagbubuklod, ang mga miyembro ay nagsusuot ng karagdagang ceremonial clothing na ipinapatong sa kanilang puting kasuotan.

38.5.2

Pagkakaroon ng Kasuotan sa Templo at mga Garment

Hinihikayat ng mga lider ng ward at stake ang mga miyembrong tumanggap na ng endowment na magkaroon ng sarili nilang kasuotan sa templo. Ang mga kasuotan sa templo at mga garment ay mabibili sa isang Church Distribution store o sa store.ChurchofJesusChrist.org. Maaaring tulungan ng mga stake at ward clerk ang mga miyembro sa pag-order ng mga kasuotang ito.

Maaaring gamitin ng bishop ang pondo ng handog-ayuno para tulungan ang mga miyembrong nangangailangan na bumili ng kasuotan sa templo at mga garment (tingnan sa kabanata 22).

Ang ilang templo ay mayroong ipinaparentang mga kasuotan. Kung walang pinaparentang kasuotan sa isang templo, kailangang magdala ng kasuotan sa templo ang mga miyembro. Tingnan sa temples.ChurchofJesusChrist.org para malaman kung mayroong ipinaparentang mga kasuotan ang isang partikular na templo.

Ang mga templo ay may limitadong suplay ng mga kasuotan sa templo na maaaring gamitin ng mga full-time missionary. Hindi nila kailangang magbayad habang sila ay nasa mga missionary training center at kapag awtorisado silang makibahagi sa mga ordenansa sa templo habang naglilingkod sa misyon. Kung kailangan, ang kasuotang ito ay maaaring gamitin ng mga missionary na tatanggap ng sarili nilang endowment.

Ang garment ay makukuha sa iba’t ibang uri ng tela at estilo, kabilang ang para sa mga babaeng buntis o nagpapasuso (store.ChurchofJesusChrist.org).

Kung kailangan ng mga miyembro ng size ng garment na wala sa kasalukuyan, maaari nilang kontakin ang isang clothing consultant para sa espesyal na order. Ang contact information ay makikita sa store.ChurchofJesusChrist.org/contactus.

Para sa impormasyon tungkol sa pagsusukat ng garment bago ito bilhin, tingnan sa store.ChurchofJesusChrist.org.

38.5.3

Mga Garment at Kasuotan sa Templo para sa mga Miyembrong May mga Kapansanan o mga Allergy

Maaaring bumili ng mga special-order na garment para sa mga miyembrong nakaratay sa kama, may malulubhang kapansanan sa katawan, o may mga allergy sa partikular na uri ng tela o damit (tingnan sa “Garments and Sacred Clothing,” store.ChurchofJesusChrist.org).

May mabibili ring mas maiikling mga kasuotan sa templo para sa mga miyembrong naka-wheelchair o may iba pang mga pangangailangan (tingnan sa store.ChurchofJesusChrist.org).

38.5.4

Paggawa ng Kasuotan sa Templo

Ang mga miyembro ay hindi maaaring gumawa ng mga ceremonial temple clothing o temple garment.

38.5.5

Pagsusuot ng Garment

Inaprubahan ng Unang Panguluhan ang sumusunod na gabay sa pagsusuot ng garment:

“Ang kasuotan ng banal na priesthood ay nagpapaalala sa atin sa tabing sa templo, at ang tabing na iyon ay sumisimbolo kay Jesucristo. Kapag nagsusuot ka ng iyong garment, isinusuot mo ang sagradong simbolo ni Jesucristo. Ang pagsusuot nito ay pagpapakita ng iyong tapat na pangakong sundin Siya. Ang garment ay isa ring paalala sa iyong mga tipan sa templo. Dapat mong isuot ang garment araw at gabi sa buong buhay mo. Kapag kailangang hubarin ito para sa mga aktibidad na hindi magagawa habang nakasuot ng garment, isuot ito agad pagkatapos. Kapag tinutupad mo ang iyong mga tipan, kabilang na ang sagradong pribilehiyong magsuot ng garment ayon sa itinagubilin sa mga panimulang ordenansa, mas matatanggap mo ang awa, proteksyon, lakas, at kapangyarihan ng Tagapagligtas.”

Ang garment ay dapat isuot sa ilalim ng panlabas na damit. Ang pagsusuot ng iba pang damit panloob sa ibabaw o ilalim ng temple garment ay nakadepende sa kagustuhan ng tao.

Hindi dapat baguhin ng mga miyembro ang garment para bumagay sa iba’t ibang estilo ng damit.

Hindi dapat basta-basta ipakita ang mga garment sa mga taong hindi nakauunawa sa kahalagahan nito.

Tingnan sa 26.3.3.

38.5.6

Pag-aalaga sa Garment

Ang garment ay sagradong simbolo ni Jesucristo. Ang paraan ng pangangalaga natin sa ating mga garment ay dapat sumasalamin sa sagradong simbolismong iyan.

Maaaring ayusin ng mga miyembro ang mga sira sa garment hangga’t hindi binabago ang orihinal na disenyo nito. Gayunman, kung ang isang marka ay lubos na natastas o nawawala, dapat palitan na ng mga miyembro ang garment.

38.5.7

Pagsusuot ng Garment ng mga Naglilingkod sa Military, Bombero, Tagapagpatupad ng Batas, o isang Katulad na Ahensya

Ang mga tuntunin sa bahaging ito ay angkop sa mga miyembrong nakatanggap na ng endowment na may mga partikular na kinakailangan sa uniporme habang naglilingkod:

  • Sa military.

  • Bilang mga bombero.

  • Bilang mga tagapagpatupad ng batas.

  • Bilang mga security agent ng pamahalaan.

Kung maaari, dapat isuot ng mga miyembrong ito ang garment na tulad ng ibang miyembro. Gayunman, dapat iwasan nila ang basta-bastang pagpapakita ng garment sa mga hindi nakauunawa sa kahalagahan nito. Dapat hingin ng mga miyembro ang patnubay ng Espiritu at maging maingat, mahinahon, at matalino. Sa ilang pagkakataon, maaaring pinakamabuting itabi muna nang panandalian ang garment at isuot itong muli kapag maayos na ang sitwasyon. Gayunman, ang simpleng pagiging sagabal ng pagsusuot ng garment ay hindi binibigyang-katwiran ang pagtatabi nito.

Kung minsan ay nahahadlangan ng mga regulasyon ng ahensya ang isang miyembro sa pagsusuot ng garment. Sa ganitong mga sitwasyon, ang katayuan ng miyembro sa Simbahan ay hindi naaapektuhan. Ang Panginoon ay nakatuon sa puso at may pagkukusang isipan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 64:34). Hangga’t nananatiling karapat-dapat ang miyembro, matatanggap niya ang mga pagpapalang kaugnay ng pagsusuot ng garment. Kung hindi maisusuot ng mga miyembro ang garment, dapat nilang isuot itong muli sa lalong madaling panahon kapag pinahihintulutan ng mga sitwasyon.

Ang mga miyembrong bahagi ng mga organisasyong ito ay dapat sumangguni sa kanilang organisasyon tungkol sa mga partikular na pamantayan para sa mga undergarment, tulad ng kulay o neckline style. Ang mga miyembrong ito ay maaaring magpadala sa Beehive Clothing ng mga kasuotang aprubado ng kanilang organisasyon na nakatutugon sa mga tuntunin ng garment para markahan bilang mga awtorisadong garment. Ang mga tuntunin at karagdagang mga tagubilin ay ibinigay sa Garment Guidelines for Military, Law Enforcement, and Firefighters.

38.5.8

Mga Kondisyong Medikal na Maaaring Makapigil sa mga Miyembro na Isuot ang Garment

Kung maaari, ang mga miyembro na may kondisyong medikal ay dapat isuot ang garment na tulad ng ibang miyembro.

Ang mga special-order na garment ay maaaring bilhin para sa mga miyembro na mayroong mga kondisyong medikal o gumagamit ng mga kagamitang medikal. Ang mga miyembrong nangangailangan ng mga special-order na garment ay maaaring kontakin ang isang clothing consultant para mag-order. Ang contact information ay makikita sa store.ChurchofJesusChrist.org/contactus.

Ang ilang kondisyong medikal o kagamitang medikal ay maaaring maging dahilan para maging mahirap sa mga miyembro na magsuot ng isa o parehong bahagi ng garment. Dapat laging hangarin ng mga miyembro ang gabay ng Espiritu sa gayong mga sitwasyon. Sa ilang pagkakaton, maaaring pinakamabuting itabi muna nang panandalian ang garment at isuot itong muli kapag maayos na ang sitwasyon.

Kapag hindi maaaring isuot ng isang miyembro ang garment dahil sa isang kondisyon o kagamitang medikal, ang katayuan niya sa Simbahan ay hindi naaapektuhan. Ang Panginoon ay nakatuon sa puso at may pagkukusang isipan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 64:34). Hangga’t nananatiling karapat-dapat ang miyembro, matatanggap niya ang mga pagpapalang kaugnay ng pagsusuot ng garment.

38.5.9

Pagtatapon ng mga Garment at Ceremonial Temple Clothing

Upang maitapon ang luma o sirang mga garment, dapat gupitin at sirain ng mga miyembro ang mga marka. Pagkatapos ay gugupit-gupitin ng mga miyembro ang natitirang tela upang hindi ito magmukhang garment. Ang natitirang tela ay maaaring itapon.

Upang maitapon ang luma o sirang mga ceremonial temple clothing, dapat sirain ng mga miyembro ang kasuotan sa pamamagitan ng paggupit-gupit dito upang hindi na makilala ang orihinal na gamit nito. Ang tela ay dapat na itapon.

Maaaring magbigay ang mga miyembro ng mga garment at kasuotan sa templo na nasa maayos na kondisyon sa iba pang mga miyembro na tumanggap na ng endowment. Hindi dapat ibigay ng mga miyembro ang mga garment o ceremonial temple clothing sa mga thrift store, mga bishops’ storehouse, mga templo, o mga charity.

38.5.10

Temple Burial Clothing

Kung maaari, ang mga yumaong miyembro na nakatanggap na ng endowment ay dapat ilibing o i-cremate na suot ang kasuotan sa templo. Kung hindi ito angkop o mahirap gawin dahil sa tradisyon ng kultura o kaugalian sa paglilibing, ang kasuotan ay maaaring itupi at ilagay sa tabi ng bangkay.

Tanging ang mga miyembrong tumanggap na ng endowment habang nabubuhay ang maaaring ilibing o i-cremate na nakasuot ng kasuotan sa templo. Ang taong tumanggap na ng endowment na tumigil sa pagsusuot ng garment bago siya namatay ay maaaring ilibing o i-cremate na suot ang kasuotan sa templo kung hiniling ng pamilya.

Ang isang taong hindi naipanumbalik ang mga pagpapala pagkatapos mabawian ng pagkamiyembro sa Simbahan o nagbitiw sa pagiging miyembro ng Simbahan ay hindi maaaring ilibing o i-cremate na suot ang kasuotan sa templo.

Ang isang taong tumanggap na ng endowment habang nabubuhay at nagpakamatay ay maaaring ilibing o i-cremate na suot ang kasuotan sa templo.

Ang kasuotan sa templo na gamit sa paglilibing o cremation ay hindi kailangang bago, ngunit dapat ay maayos at malinis ito. Ang sariling kasuotan sa templo ng miyembro ay maaaring gamitin.

Ang miyembrong ililibing o ike-cremate na nakasuot ng kasuotan sa templo ay maaaring bihisan ng kanyang asawa o ng isang miyembro ng pamilya na nakatanggap na ng endowment na katulad niya ang kasarian. Kung walang miyembro ng pamilya ang maaaring gumawa nito o wala sa kanila ang may gustong bihisan ang bangkay ng isang lalaking tumanggap na ng endowment, maaaring atasan ng bishop ang elders quorum president na anyayahan ang isang lalaking nakatanggap na ng endowment na bihisan ang bangkay o pamahalaan ang wastong pagsusuot ng damit nito. Kung walang miyembro ng pamilya ang maaaring gumawa nito o wala sa kanila ang may gustong bihisan ang bangkay ng isang babaing tumanggap na ng endowment, maaaring atasan ng bishop ang Relief Society president na anyayahan ang isang babaing nakatanggap na ng endowment na bihisan ang bangkay o pamahalaan ang wastong pagsusuot ng damit nito. Tinitiyak ng mga lider na ang gawaing ito ay ibibigay sa isang taong hindi ito ituturing na hindi kanais-nais.

Ang bangkay ng isang lalaki ay susuotan ng temple garments at ng sumusunod na puting damit: kamiseta na may mahabang manggas, kurbata o bow tie, pantalon, medyas, at sapatos o sandalyas. Ang bangkay ng isang babae ay susuotan ng temple garments at ng sumusunod na puting damit: puting bestida na may mahabang manggas o manggas na abot hanggang sa may pagitan ng siko at kamay (o palda at blusa na may mahabang manggas o manggas na abot hanggang sa may pagitan ng siko at kamay), medyas o stockings, at sapatos o sandalyas.

Isinusuot sa bangkay ang ceremonial temple clothing ayon sa tagubilin sa endowment. Ang bata o robe ay inilalagay sa kanang balikat at itinatali sa kaliwang baywang. Ang apron inilalagay sa baywang. Ang laso o sash ay inilalagay paikot sa baywang at itinatali sa kaliwang baywang. Ang sombrero ng lalaki ay kadalasang inilalagay sa tabi ng bangkay hanggang sa isara ang kabaong. Kapag isasara na ang kabaong, isusuot ang sombrero na ang laso ay nasa ibabaw ng kaliwang tainga. Ang belo o veil ng babae ay maaaring nakalatag sa unan sa likod ng kanyang ulo. Ang paglalagay ng belo o veil sa mukha ng babae bago ilibig o i-cremate ay opsiyonal, ayon sa pasiya ng pamilya.

Sa ilang lugar ang isang licensed funeral director lamang o isang empleyado nito ang pinapayagang humawak sa isang bangkay. Sa ganitong mga situwasyon, isang miyembro ng pamilya o isang taong tumanggap na ng endowment na inanyayahan ng bishop o Relief Society president ang tumitiyak na wasto ang pagkasuot ng damit sa bangkay.

Sa ilang bansa, dapat ay biodegradable (nabubulok) na kasuotan ang ibihis sa bangkay kapag ililibing. Mayroong mga biodegradable na kasuotan sa templo na mabibili sa store.ChurchofJesusChrist.org.

Sa mga lugar kung saan maaaring mahirap makakuha ng kasuotan sa templo para sa libing, ang mga stake president ay dapat may nakatabing kahit dalawang kumpletong set ng medium-size na kasuotan sa templo, isang para sa lalaki at isang para sa babae.

Kung walang kasuotan sa templo, ang yumaong miyembro na tumanggap na ng endowment ay binibihisan ng damit na panlibing na suot ang garment at iba pang angkop na damit o kasuotan.

38.6

Mga Patakaran sa mga Isyung Moral

Ang ilang mga patakaran sa bahaging ito ay tungkol sa mga bagay na “hindi hinihikayat” ng Simbahan. Ang mga miyembro ng Simbahan ay kadalasang hindi tumatanggap ng mga restriksyon sa kanilang pagkamiyembro dahil sa kanilang mga desisyon tungkol sa mga bagay na ito. Gayunman, sa huli, lahat ng tao ay mananagot sa Diyos para sa kanilang mga desisyon.

38.6.1

Aborsiyon o Pagpapalaglag

Iniutos ng Panginoon, “Huwag kayong … pumatay, ni gumawa ng anumang bagay na tulad nito” (Doktrina at mga Tipan 59:6). Ang Simbahan ay hindi sumasang-ayon sa pagpapalaglag para sa personal o panlipunan na kaginhawaan. Ang mga miyembro ay hindi dapat sumailalim, magsagawa, gumawa ng paraan para magkaroon, magbayad, pumayag, o maghikayat ng pagpapalaglag. Ang tanging posibleng eksepsyon ay kapag:

  • Ang pagbubuntis ay bunga ng sapilitang panggagahasa (forcible rape) o pagtatalik ng malapit na magkamag-anak (incest).

  • Nasuri ng mapagkakatiwalaang doktor na nanganganib ang buhay o kalusugan ng ina.

  • Nasuri ng mapagkakatiwalaang doktor na may malulubhang depekto ang sanggol sa sinapupunan kaya hindi rin mabubuhay ang sanggol matapos isilang.

Ang mga eksepyong ito ay hindi kaagad magbibigay-katwiran sa pagpapalaglag. Ang pagpapalaglag ay isang napakaseryosong bagay. Ito ay dapat isaalang-alang lamang matapos makatanggap ng kumpirmasyon sa pamamagitan ng panalangin ang mga taong responsable sa desisyong ito. Ang mga miyembro ay maaaring sumangguni sa kanilang bishop bilang bahagi ng prosesong ito.

Maingat na inaaral ng mga namumunong opisyal ang mga sitwasyon kung ang isang miyembro ng Simbahan ay nasangkot sa aborsiyon o pagpapalaglag. Maaaring kailanganin ang isang membership council kung ang isang miyembro ay sumailalim, nagsagawa, gumawa ng paraan para magkaroon, nagbayad, pumayag, o naghikayat ng pagpapalaglag (tingnan sa 32.6.2.5). Gayunman, hindi dapat isaalang-alang ang pagdaraos ng isang membership council kung ang isang miyembro ay nasangkot sa pagpapalaglag bago mabinyagan. Hindi rin dapat isaalang-alang ang pagdaraos ng membership council o paglalagay ng mga restriksyon sa pagkamiyembro para sa mga miyembro na nasangkot sa pagpapalaglag sa alinman sa tatlong sitwasyong binanggit sa simula ng bahaging ito.

Ang mga katanungan tungkol sa partikular na mga sitwasyon ay isinasangguni ng mga bishop sa stake president. Maaaring iparating ng stake president ang mga tanong sa Office of the First Presidency kung kinakailangan.

Batay sa naging mga paghahayag, ang isang tao ay maaaring magsisi at mapatawad sa kasalanan na pagpapalaglag.

38.6.2

Pang-aabuso

Ang pang-aabuso ay ang maling pagtrato o kapabayaan ng ibang tao na nagdudulot ng pisikal, seksuwal, emosyonal, o pinansiyal na pinsala. Ang paninindigan ng Simbahan ay hindi nito mapahihintulutan ang anumang uri ng pang-aabuso. Ang mga taong nang-aabuso sa kanilang mga asawa, mga anak, iba pang mga miyembro ng pamilya, o sinuman ay lumalabag sa mga batas ng Diyos at ng tao.

Lahat ng miyembro, lalo na ang mga magulang at lider, ay hinihikayat na maging alerto at masigasig at gawin ang lahat upang maprotektahan ang mga bata at iba pa laban sa pang-aabuso. Kapag ang mga miyembro ay may nalamang naganap na pang-aabuso, isinusumbong nila ito sa mga awtoridad at sumasangguni sila sa bishop. Dapat seryosohin ng mga lider ng Simbahan ang mga ulat tungkol sa pang-aabuso at hindi nila dapat balewalain ito.

Ang lahat ng adult na naglilingkod sa mga bata o kabataan ay dapat kumpletuhin ang children and youth protection training sa loob ng isang buwan mula nang sila ay sang-ayunan (tingnan sa ProtectingChildren.ChurchofJesusChrist.org). Inuulit nila ang training kada tatlong taon.

Kapag may nangyaring pang-aabuso, ang una at kaagad na responsibilidad ng mga lider ng Simbahan ay tulungan ang mga naabuso at protektahan ang mga maaaring maging biktima ng pang-aabuso sa hinaharap. Hindi dapat hikayatin ng mga lider ang isang tao na manatili sa isang tahanan o sitwasyon na may pang-aabuso o hindi ligtas.

38.6.2.1

Abuse Help Line

Sa ilang mga bansa, ang Simbahan ay nagtatag ng isang confidential abuse help line para tumulong sa mga stake president at bishop. Dapat tawagan kaagad ng mga lider na ito ang help line sa bawat sitwasyon kung saan maaaring naabuso ang isang tao—o nanganganib na maabuso. Dapat din nila itong tawagan kung nalaman nila na ang isang miyembro ay nanonood, bumibili, o namamahagi ng pornograpiyang gumagamit ng mga bata.

Ang help line ay matatawagan ng mga bishop at stake president 24 oras kada araw, 7 araw sa isang linggo. Nasa ibaba ang contact information.

  • Estados Unidos at Canada: 1-801-240-1911 o 1-800-453-3860, extension 2-1911

  • United Kingdom: 0800 970 6757

  • Ireland: 1800 937 546

  • Mga bansa sa Europe Central Area: +49 69 54802 016 o EURC-Abuse@ChurchofJesusChrist.org

  • Australia: 02 9841 5454 (mula sa loob ng bansa)

  • New Zealand: 09 488 5592 (mula sa loob ng bansa)

Dapat tawagan ng mga bishop at stake president ang help line kapag tumutugon sa anumang uri ng pang-aabuso. Mga legal at clinical professional ang sasagot sa kanilang mga tanong. Ang mga propesyonal na ito ay magbibigay din ng mga tagubilin tungkol sa kung paano:

  • Tutulungan ang mga biktima at tumulong na protektahan sila mula sa karagdagang pang-aabuso.

  • Tutulong na maprotektahan ang mga maaaring maging biktima.

  • Tutugon sa mga kinakailangan ng batas para sa pagsusumbong ng pang-aabuso.

Ang Simbahan ay nangangakong susunod sa batas para sa pagsusumbong ng pang-aabuso (tingnan sa 38.6.2.7). Iba-iba ang mga batas sa iba’t ibang lugar, at karamihan ng mga lider ng Simbahan ay hindi eksperto sa batas. Ang pagtawag sa help line ay mahalaga para matugunan ng mga bishop at stake president ang kanilang mga responsibilidad sa pagsusumbong ng pang-aabuso.

Dapat ding abisuhan ng bishop ang kanyang stake president tungkol sa mga pang-aabuso.

Sa mga bansang walang help line, kapag nalaman ng bishop na mayroong naganap na pang-aabuso, dapat niyang kontakin ang kanyang stake president. Ang stake president ay hihingi ng patnubay mula sa area legal counsel sa area office. Hinihikayat din siya na sumangguni sa isang kawani ng Family Services o sa welfare and self-reliance manager sa area office.

38.6.2.2

Pagpapayo para sa mga Kaso ng Pang-aabuso

Ang mga biktima ng pang-aabuso ay kadalasang dumaranas ng matinding trauma. Ang mga stake president at bishop ay tumutugon nang may taos-pusong pagkahabag at pagdamay. Sila ay nagbibigay ng espirituwal na pagpapayo at suporta upang matulungan ang mga biktima na madaig ang mga nakapipinsalang epekto ng pang-aabuso.

Kung minsan, ang mga biktima ay nakadarama ng kahihiyan o nadaramang sila ang maysala. Ang mga biktima ay walang kasalanan. Sila at ang kanilang mga pamilya ay tinutulungan ng mga lider na maunawaan ang pagmamahal ng Diyos at na ang pagpapagaling ay darating sa pamamagitan ni Jesucristo at ng Kanyang Pagbabayad-sala (tingnan sa Alma 15:8; 3 Nephi 17:9).

Dapat tulungan ng mga stake president at bishop ang mga nang-abuso na magsisi at itigil ang kanilang mapang-abusong gawain. Kung ang isang adult ay nakagawa ng seksuwal na kasalanan laban sa isang bata, maaaring maging napakahirap na baguhin ang pag-uugaling ito. Ang proseso ng pagsisisi ay maaaring maging napakahaba. Tingnan sa 38.6.2.3.

Ang mga stake president at bishop ay dapat ding maging mapagmahal at sensitibo kapag tumutulong sa mga pamilya ng mga biktima at ng mga nang-abuso.

Ang patnubay sa pagpapayo sa mga biktima at mga nagkasala ay ibinigay sa Abuse: How to Help.

Dagdag pa sa pagtanggap ng inspiradong tulong mula sa mga lider ng Simbahan, maaaring mangailangan ng professional counseling ang mga biktima, ang nang-abuso, at kanilang mga pamilya. Para sa impormasyon, tingnan ang 31.3.6.

Para sa impormasyon tungkol sa dapat gawin ng mga bishop at stake president kapag may nalaman silang anumang uri ng pang-aabuso, tingnan ang 38.6.2.1. Para sa impormasyon tungkol sa pagpapayo sa mga kaso ng seksuwal na pang-aabuso, panggagahasa, o iba pang uri ng sexual assault o panghahalay, tingnan ang 38.6.18.2.

Tingnan din sa FamilyServices.ChurchofJesusChrist.org.

38.6.2.3

Pang-aabuso sa Bata o Kabataan

Ang pang-aabuso sa isang bata o isang kabataan ay isang napakabigat na kasalanan (tingnan sa Lucas 17:2). Sa paggamit dito, ang pang-aabuso sa bata o kabataan ay kinabibilangan ng sumusunod:

  • Pisikal na pang-aabuso: Pagdudulot ng malubhang pinsala sa katawan sa pamamagitan ng pisikal na karahasan. Ang ilang pinsala ay maaaring hindi nakikita.

  • Seksuwal na pang-aabuso o pananamantala: Pagsasagawa ng anumang seksuwal na aktibidad kasama ang isang bata o kabataan o sadyang pagpapahintulot o pagtulong sa iba na gumawa ng gayong mga aktibidad. Sa paggamit dito, hindi kabilang sa seksuwal na pang-aabuso ang kusang-loob na pakikibahagi sa isang seksuwal na aktibidad ng dalawang menor-de-edad na magkalapit ang mga edad.

  • Emosyonal na pang-aabuso: Paggamit ng mga kilos at salita para lubhang sirain ang paggalang o pagpapahalaga sa sarili ng isang bata o kabataan. Ito ay karaniwang kinabibilangan ng paulit-ulit na pang-iinsulto, manipulasyon, at pamimintas para ipahiya at maliitin ang isang tao. Maaaring kabilang din dito ang pagpapabaya.

  • Pornograpiyang gumagamit ng mga bata: Tingnan sa 38.6.6.

Kapag nalaman ng o may hinala ang bishop o stake president na may nangyayaring pang-aabuso sa bata o kabataan, kaagad niyang sinusunod ang mga tagubilin sa 38.6.2.1. Kumikilos din siya para tumulong sa pagprotekta laban sa karagdagang pang-aabuso.

Kailangan ang isang membership council at anotasyon sa membership record kung ang isang adult na miyembro ay nang-abuso ng isang bata o kabataan tulad ng inilarawan sa bahaging ito. Tingnan din sa 32.6.1.1 at sa 38.6.2.5.

Ang pisikal o emosyonal na pananakot o pambu-bully o pang-aasar sa pagitan ng mga bata o kabataan na magkatulad ang edad ay dapat aksyunan ng mga lider ng ward. Hindi nagdaraos ng isang membership council.

38.6.2.4

Pang-aabuso sa Asawa o sa Isa Pang Adult

Ang pang-aabuso sa asawa o sa isa pang adult ay maaaring mangyari sa maraming paraan. Kabilang dito ang pisikal, seksuwal, emosyonal, at pinansiyal na pang-aabuso. Kung minsan, ang mga adult na may edad na, vulnerable o mahina, o may kapansanan ay may mataas na posibilidad na maabuso.

Kadalasan ay walang isang kahulugan ang pang-aabuso na maaaring sumaklaw sa lahat ng sitwasyon. Sa halip, napakalawak ng antas ng bigat ng mga mapang-abusong pagkilos. Ang mga antas na ito ay nagsisimula sa paminsan-minsang paggamit ng masasakit na salita hanggang sa pagdudulot ng malubhang pinsala.

Kapag nalaman ng bishop o stake president na may nangyayaring pang-aabuso sa asawa o sa isa pang adult, kaagad niyang sinusunod ang mga tagubilin sa 38.6.2.1. Kumikilos din siya para tumulong sa pagprotekta laban sa karagdagang pang-aabuso.

Hinahangad ng mga lider ang patnubay ng Espiritu para malaman kung personal na pagpapayo o membership council ang pinakaangkop na paraan para matuguan ang pang-aabuso. Maaari din silang sumangguni sa kanilang direktang priesthood leader tungkol sa angkop na paraan. Gayunman, para sa anumang pang-aabuso sa asawa o sa isa pang adult na umabot sa antas na inilarawan sa ibaba, kailangang magdaos ng isang membership council.

  • Pisikal na pang-aabuso: Pagdudulot ng malubhang pinsala sa katawan sa pamamagitan ng pisikal na karahasan. Ang ilang pinsala ay maaaring hindi nakikita.

  • Seksuwal na pang-aabuso: Tingnan ang mga sitwasyong tinukoy sa 38.6.18.3.

  • Emosyonal na pang-aabuso: Paggamit ng mga kilos at salita para lubhang sirain ang paggalang o pagpapahalaga sa sarili ng isang tao. Ito ay karaniwang kinabibilangan ng paulit-ulit na pang-iinsulto, manipulasyon, at pamimintas para ipahiya at maliitin ang isang tao.

  • Pinansiyal na pang-aabuso: Pananamantala sa isang tao sa aspektong pinansiyal. Maaaring kabilang dito ang ilegal o di-awtorisadong paggamit ng pag-aari, pera, o iba pang mahahalagang gamit ng isang tao. Maaaring kabilang din dito ang panlilinlang para magkaroon ng kontrol sa pananalapi ng isang tao. Maaaring kabilangan ito ng paggamit ng kontrol sa pananalapi para makapamilit o makapanakot. Tingnan din sa 32.6.1.3.

38.6.2.5

Mga Calling sa Simbahan, mga Temple Recommend, at mga Anotasyon sa Membership Record

Ang mga miyembrong nang-abuso ng ibang tao ay hindi dapat bigyan ng mga calling sa Simbahan at hindi rin sila maaaring magkaroon ng temple recommend hanggang sa sila ay makapagsisi at maalis ang kanilang mga restriksyon sa pagkamiyembro sa Simbahan.

Kung ang isang tao ay seksuwal na inabuso ang isang bata o kabataan o gumawa ng malubhang pisikal o emosyonal na pang-aabuso sa isang bata o kabataan, ang kanyang membership record ay lalagyan ng anotasyon. Hindi siya dapat bigyan ng anumang calling o takdang-gawain na kinabibilangan ng interaksyon sa mga bata o kabataan. Kabilang dito ang hindi pagbibigay sa kanya ng ministering assignment para sa isang pamilya na mayroong kasamang mga bata o kabataan sa loob ng tahanan. Kasama rin dito ang hindi pagkakaroon ng ministering companion na kabataan. Ang mga restriksyong ito ay dapat na manatili hanggang sa magbigay ang Unang Panguluhan ng awtorisasyon na alisin ang anotasyon. Tingnan ang 32.14.5 para sa impormasyon tungkol sa mga anotasyon.

38.6.2.6

Mga Stake at Ward Council

Sa mga stake at ward council meeting, regular na nirerebyu ng mga stake presidency at bishopric ang mga patakaran at tuntunin ng Simbahan tungkol sa pagpigil at pagtugon sa pang-aabuso. Itinuturo nila ang mahahalagang mensahe mula sa bahaging Pang-aabuso ng Tulong sa Buhay sa Gospel Library. Hinihikayat nila ang talakayan mula sa mga miyembro ng council. Hinihingi ng mga lider at miyembro ng council ang patnubay ng Espiritu sa kanilang pagtuturo at pagtalakay sa sensitibong paksang ito.

Dapat ding kumpetuhin ng mga miyembro ng council ang children and youth protection training (tingnan sa 38.6.2).

38.6.2.7

Mga Legal na Isyu na Nauugnay sa Pang-aabuso

Kapag ang mga ginawang pang-aabuso ng isang miyembro ay lumabag sa batas, hinihimok ng bishop o stake president ang miyembro na isumbong ang mga aktibidad na ito sa mga nagpapatupad ng batas o ibang kinauukulang awtoridad ng gobyerno. Makakukuha ang bishop o stake president ng impormasyon tungkol sa mga lokal na kinakailangan sa pagsusumbong sa pamamagitan ng help line ng Simbahan (tingnan sa 38.6.2.1). Kung ang mga miyembro ay may mga tanong tungkol sa mga kinakailangan sa pagsusumbong, hinihikayat niya silang humingi ng legal na payo mula sa mga kwalipikadong tao.

Dapat gampanan ng mga lider at miyembro ng Simbahan ang lahat ng legal na obligasyon na isumbong ang pang-aabuso sa mga awtoridad. Sa ilang lugar, ang mga lider at guro na naglilingkod sa mga bata at kabataan ay itinuturing na mga “mandated reporter” at dapat isumbong ang pang-aabuso sa legal na awtoridad. Gayundin, sa maraming lugar, ang sinumang tao na nagkaroon ng kaalaman tungkol sa nangyayaring pang-aabuso ay dapat isumbong ito sa legal na awtoridad. Dapat tawagan ng mga bishop o stake president ang help line para sa mga detalye tungkol sa mga mandated reporter at iba pang legal na kinakailangan para sa pagsusumbong ng pang-aabuso. Ang patakaran ng Simbahan ay sundin ang batas.

38.6.3

Artificial Insemination

Tingnan sa 38.6.9.

38.6.4

Birth Control

Ang pisikal na intimasiya sa pagitan ng mag-asawa ay nilayong maging maganda at sagrado. Ito ay inorden ng Diyos para sa paglikha ng mga anak at para maipahayag ang pag-ibig ng mag-asawa sa isa’t isa (tingnan sa 2.1.2).

Pribilehiyo ng mag-asawang maaaring magkaanak na maglaan ng mga mortal na katawan para sa mga espiritung anak ng Diyos, na may responsibilidad silang pangalagaan at palakihin (tingnan sa 2.1.3). Ang desisyon kung ilan ang kanilang magiging anak at kung kailan magkakaanak ay lubhang personal at pribado. Ito ay dapat ipaubaya sa pagitan ng mag-asawa at ng Panginoon. Hindi dapat husgahan ng mga miyembro ang isa’t isa sa bagay na ito.

Hindi hinihikayat ng Simbahan ang paggamit ng surgical sterilization bilang isang opsiyonal na paraan ng birth control. Ang surgical sterilization ay kinabibilangan ng mga operasyong tulad ng vasectomy at tubal ligation. Gayunman, ito ay isang personal na desisyon na sa huli ay ipinauubaya sa pagpapasiya at mapanalanging pagsasaalang-alang ng mag-asawa. Ang mga mag-asawa ay dapat na mag-usap nang may pagkakaisa at hingin ang pagpapatibay ng Espiritu sa paggawa ng desisyong ito.

Kung minsan, ang surgical sterilization ay kailangan sa mga kadahilanang medikal. Ang mga miyembro ay maaaring makinabang sa pakikipag-usap sa mga propesyonal sa larangan ng medisina.

38.6.5

Kalinisang-Puri at Katapatan

Ang batas ng kalinisang-puri ng Panginoon ay:

  • Hindi pagkakaroon ng seksuwal na relasyon sa labas ng legal na kasal ng isang lalaki at isang babae.

  • Buong katapatan sa loob ng kasal.

Ang pisikal na intimasiya sa pagitan ng mag-asawa ay nilayong maging maganda at sagrado. Ito ay inorden ng Diyos para sa paglikha ng mga anak at sa pagpapadama ng pagmamahalan ng mag-asawa.

Ang isang lalaki at isang babae lamang na ikinasal ayon sa batas bilang mag-asawa ang maaaring magkaroon ng seksuwal na relasyon. Sa paningin ng Diyos, ang moral na kalinisan ay napakahalaga. Ang mga paglabag sa batas ng kalinisang-puri ay napakabigat (tingnan sa Exodo 20:14; Mateo 5:28; Alma 39:5). Ang mga lumalabag dito ay nilalapastangan ang sagradong kapangyarihang ibinigay ng Diyos na lumikha ng buhay.

Maaaring kailanganin ang isang Church membership council kung ang isang miyembro ay:

  • Mayroong seksuwal na relasyon sa labas ng legal na kasal ng isang lalaki at isang babae, tulad ng pangangalunya, pakikipagtalik nang hindi kasal, at same-sex relations, at seksuwal na aktibidad online o sa telepono (tingnan sa 32.6.2).

  • Nasa isang uri ng kasal o pagsasama sa labas ng legal na kasal ng isang lalaki at isang babae, tulad ng pagsasama nang hindi kasal, mga civil union at mga civil partnership, at kasal ng magkaparehong kasarian.

  • Labis na paggamit o pagkalulong sa pornograpiya na nagdudulot ng malaking pinsala sa kasal o pamilya ng isang miyembro (tingnan sa 38.6.13).

Ang desisyon kung magdaraos ng isang membership council sa mga sitwasyong ito ay nakadepende sa maraming sitwasyon (tingnan sa 32.7). Halimbawa, ang isang membership council ay mas malamang na kailangan upang matulungan ang isang miyembro na magsisi kung siya ay lumabag sa mga tipan sa templo o kung naging paulit-ulit ang kasalanan.

Tingnan ang 32.6.1.2 para malaman kung kailan kailangan ang isang membership council para sa mga kasalanang seksuwal.

Sa ilang pagkakataon, maaaring sapat na ang personal na pagpapayo at di-pormal na mga restriksyon sa pagkamiyembro (tingnan sa 32.8).

38.6.6

Pornograpiyang Gumagamit ng mga Bata

Mariing tinututulan ng Simbahan ang pornograpiyang gumagamit ng mga bata sa anumang anyo nito. Kapag nalaman ng bishop o stake president na nasangkot ang isang miyembro sa pornograpiyang gumagamit ng mga bata, agad niyang sinusunod ang mga tagubilin sa 38.6.2.1.

Kailangan ang isang membership council at anotasyon sa membership record kung ang miyembro ay gumagawa, nagbabahagi, nagtataglay, o paulit-ulit na nanonood ng mga pornograpikong larawan na kinasasangkutan ng mga bata (tingnan sa 32.6.1.2 at 32.14.5). Ang tuntuning ito ay karaniwang hindi angkop sa mga bata o kabataang halos magkakalapit ang edad na nagbabahagian ng mga seksuwal na retrato nila o ng ibang tao. Ang personal na pagpapayo at di-pormal na mga restriksyon sa pagkamiyembro ay angkop sa gayong mga sitwasyon.

Para sa karagdagang patnubay, tingnan ang 38.6.13.

38.6.7

Pagbibigay o Pagbebenta ng Semilya o Selyulang Itlog

Itinalaga ng Diyos na ang mag-asawang lalaki at babae mismo ang maglalaan ng mga katawan para sa mga espiritung anak ng Diyos (tingnan sa 2.1.3). Dahil dito, hindi hinihikayat ng Simbahan ang pagbibigay ng semilya o selyulang itlog. Gayunman, ito ay isang personal na desisyon na sa huli ay ipinauubaya sa pagpapasiya at mapanalanging pagsasalang-alang ng potensyal na donor. Tingnan sa 38.6.9. Hindi rin hinihikayat ng Simbahan ang pagbebenta ng semilya o selyulang itlog.

38.6.8

Female Genital Mutilation

Mariing tinututulan ng Simbahan ang female genital mutilation.

38.6.9

Mga Fertility Treatment

Itinalaga ng Diyos na ang mag-asawang lalaki at babae mismo ang maglalaan ng mga katawan para sa mga espiritung anak ng Diyos (tingnan sa 2.1.3). Kung kailangan, ang reproductive technology ay maaaring tumulong sa mag-asawang lalaki at babae sa kanilang mabuting hangarin na magkaroon ng mga anak. Kabilang sa teknolohiyang ito ang artificial insemination at in vitro fertilization.

Hindi hinihikayat ng Simbahan ang pagsasagawa ng artificial insemination o in vitro fertilization gamit ang semilya mula sa kahit kanino maliban sa asawang lalaki o isang selyulang itlog mula sa kahit kanino maliban sa asawang babae. Gayunman, ito ay isang personal na desisyon na sa huli ay ipinauubaya sa pagpapasiya at mapanalanging pagsasalang-alang ng mag-asawang lalaki at babae na kasal ayon sa batas.

Para sa impormasyon tungkol sa pagbubuklod ng mga anak na ipinagbuntis sa pamamagitan ng artificial insemination o in vitro fertilization, tingnan sa 38.4.2.6.

Tingnan din sa “Pag-aampon” (Mga Paksa ng Ebanghelyo, topics.ChurchofJesusChrist.org).

38.6.10

Incest o Pagtatalik ng Malapit na Magkamag-anak

Mariing tinututulan ng Simbahan ang anumang anyo ng incest o pagtatalik ng malapit na magkamag-anak. Sa paggamit dito, ang incest ay seksuwal na relasyon sa pagitan ng:

  • Isang magulang at isang anak.

  • Isang lolo o lola at isang apo.

  • Magkakapatid.

  • Isang tiyo o tiya at isang pamangkin.

Sa paggamit dito, ang anak, apo, kapatid, at pamangkin ay kinabibilangan ng mga kapamilyang kadugo, ampon, amain/madrasta/kinakapatid, o foster na uri ng relasyon. Ang incest ay maaaring mangyari sa pagitan ng dalawang menor-de-edad, isang adult at isang menor-de-edad, o dalawang adult. Kung ang stake president ay may mga tanong tungkol sa kung ang isang relasyon ay itinuturing na incest ayon sa lokal na mga batas, humihingi siya ng patnubay mula sa Office of the First Presidency.

Kapag ang isang menor-de-edad ay naging biktima ng incest, tatawagan ng bishop o stake president ang abuse help line ng Simbahan sa mga bansa na mayroon nito (tingnan sa 38.6.2.1). Sa ibang mga bansa, ang stake president ay dapat humingi ng patnubay mula sa area legal counsel sa area office. Hinihikayat din siya na sumangguni sa isang kawani ng Family Services o sa welfare and self-reliance manager sa area office.

Ang isang Church membership council at anotasyon sa membership record ay kinakailangan kung ang isang miyembro ay gumawa ng incest (tingnan sa 32.6.1.2 at 32.14.5). Halos palaging kailangan na bawiin ng Simbahan ang pagkamiyembro ng isang taong gumawa o gumagawa ng incest.

Kung isang menor-de-edad ang nakagawa ng incest, kokontakin ng stake president ang Office of the First Presidency para sa direksyon.

Ang mga biktima ng incest ay kadalasang dumaranas ng matinding trauma. Ang mga lider ay tumutugon nang may taos-pusong pagkahabag at pagdamay. Sila ay nagbibigay ng espirituwal na suporta at pagpapayo upang matulungan ang mga biktima na madaig ang nakapipinsalang mga epekto ng incest.

Kung minsan, ang mga biktima ay nakadarama ng kahihiyan o nadaramang sila ang maysala. Ang mga biktima ay walang kasalanan. Sila at ang kanilang mga pamilya ay tinutulungan ng mga lider na maunawaan ang pagmamahal ng Diyos at na ang pagpapagaling ay darating sa pamamagitan ni Jesucristo at ng Kanyang Pagbabayad-sala (tingnan sa Alma 15:8; 3 Nephi 17:9).

Dagdag pa sa pagtanggap ng inspiradong tulong mula sa mga lider ng Simbahan, maaaring mangailangan ng professional counseling ang mga biktima, at kanilang mga pamilya. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang 38.6.18.2.

38.6.11

In Vitro Fertilization

Tingnan sa 38.6.9.

38.6.12

Okultismo

“Yaong sa Diyos ay liwanag” (Doktrina at mga Tipan 50:24). Ang okultismo ay nakatuon sa kadiliman at humahantong sa panlilinlang. Winawasak nito ang pananampalataya kay Cristo.

Kabilang sa okultismo ang pagsamba kay Satanas. Kabilang din dito ang mga mahiwagang gawain na hindi naaayon sa ebanghelyo ni Jesucristo. Kabilang sa mga ito ang (ngunit hindi limitado sa) panghuhula, paggawa ng mga sumpa, at panggagamot na panghuhuwad sa kapangyarihan ng priesthood ng Diyos (tingnan sa Moroni 7:11–17).

Ang mga miyembro ng Simbahan ay hindi dapat makilahok sa anumang uri ng pagsamba kay Satanas o maging bahagi ng anumang uri ng okultismo. Hindi sila dapat magtuon sa gayong mga kadiliman sa mga pag-uusap o sa mga miting sa Simbahan.

38.6.13

Pornograpiya

Mariing tinututulan ng Simbahan ang pornograpiya sa anumang anyo nito. Ang paggamit ng pornograpiya sa anumang uri nito ay sumisira ng mga buhay, mga pamilya, at lipunan. Itinataboy rin nito ang Espiritu ng Panginoon. Dapat iwasan ng mga miyembro ng Simbahan ang lahat ng anyo ng pornograpiya at tutulan ang paggawa, pagpapalaganap, at paggamit nito.

Inilalaan ng Simbahan ang sumusunod na resources upang tulungan ang mga tao na ang buhay ay naapektuhan ng pornograpiya:

Ang mga stake president at bishop ay naglalaan din ng suporta sa mga miyembro ng pamilya kung kailangan.

Ang ilang sitwasyon kung saan nakapanood ng pornograpiya ay maaaring hindi sinasadya. Ang sadyang paggamit ng pornograpiya ay nakakasama—paminsan-minsan man o sobra-sobra.

Ang personal na pagpapayo at di-pormal na mga restriksyon sa pagkamiyembro ay karaniwang sapat na para matulungan ang isang tao na magsisi sa paggamit ng pornograpiya (tingnan sa 32.8). Karaniwang hindi nagdaraos ng mga membership council. Gayunman, maaaring kailanganing magdaos ng isang membership council para sa sobra-sobrang paggamit at pagkalulong sa pornograpiya na nagdulot ng malubhang pinsala sa pagsasama ng mag-asawa o sa pamilya ng miyembro (tingnan sa 38.6.5). Kailangang magdaos ng isang membership council para sa isang miyembro na gumagawa, nagbabahagi, nagtataglay, o paulit-ulit na nanonood ng mga pornograpikong larawan na kinasasangkutan ng mga bata (tingnan sa 38.6.6).

Dagdag pa sa inspiradong tulong ng mga lider ng Simbahan, maaaring mangailangan ng professional counseling ang ilang miyembro. Maaaring kontakin ng mga lider ang Family Services para humingi ng tulong kung kailangan. Tingnan ang 31.3.6 para sa contact information.

38.6.14

Panghuhusga nang Walang Katwiran

Lahat ng tao ay mga anak ng Diyos. Lahat ay magkakapatid na bahagi ng Kanyang banal na pamilya (tingnan sa “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo”). “Nilikha [ng Diyos] mula sa isa ang bawat bansa” (Mga Gawa 17:26). “Pantay-pantay ang lahat” sa Kanya (2 Nephi 26:33). Bawat tao ay “magkakasinghalaga sa kanyang paningin” (Jacob 2:21).

Ang panghuhusga nang walang katwiran ay hindi naaayon sa inihayag na salita ng Diyos. Ang pagsang-ayon at hindi pagsang-ayon ng Diyos ay nakabatay sa katapatan ng tao sa Kanya at sa Kanyang mga kautusan, at hindi sa kulay ng balat o iba pang mga katangian ng tao.

Nananawagan ang Simbahan sa lahat ng tao na iwaksi ang mga kaisipan at pagkilos na nagpapakita ng panghuhusga nang walang katwiran sa alinmang grupo o indibiduwal. Dapat manguna ang mga miyembro ng Simbahan sa pagtataguyod ng paggalang sa lahat ng anak ng Diyos. Sinusunod ng mga miyembro ang utos ng Tagapagligtas na mahalin ang iba (tingnan sa Mateo 22:35–39). Sila ay nagsisikap na pakitunguhan ang lahat ng tao nang may kabutihan, at iwinawaksi ang anumang uri ng panghuhusga nang walang katwiran. Kabilang dito ang panghuhusga batay sa lahi, etnisidad, nasyonalidad, tribo, kasarian, edad, kapansanan, katayuan sa lipunan, paniniwala o hindi paniniwala sa relihiyon, at seksuwal na oryentasyon.

38.6.15

Pagkaakit sa Kaparehong Kasarian (Same-Sex Attraction) at Same-Sex Behavior

Hinihikayat ng Simbahan ang mga pamilya at mga miyembro na maging sensitibo, mapagmahal, at magalang sa pagtulong sa mga taong naaakit sa kaparehong kasarian. Itinataguyod din ng Simbahan ang pang-unawa sa lipunan sa pangkalahatan na sumasalamin sa mga turo nito tungkol sa kabaitan, pagpapadama ng pagiging kabilang, pagmamahal sa iba, at paggalang sa lahat ng tao. Ang Simbahan ay walang posisyon patungkol sa mga dahilan ng pagkaakit sa kaparehong kasarian o same-sex attraction.

Ipinagbabawal ng mga kautusan ng Diyos ang lahat ng hindi dalisay na pagkilos, ito man ay sa hindi kaparehong kasarian o sa kaparehong kasarian. Pinapayuhan ng mga lider ng Simbahan ang mga miyembro na lumabag sa batas ng kalinisang-puri. Tinutulungan sila ng mga lider na magkaroon ng malinaw na pag-unawa sa pananampalataya kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala, sa proseso ng pagsisisi, at sa layunin ng buhay sa lupa. Ang mga pag-uugali at kilos na hindi naaayon sa batas ng kalinisang-puri ay maaaring maging dahilan para magdaos ng isang Church membership council (tingnan sa 38.6.5). Ito ay maaaring mapatawad sa pamamagitan ng taos-pusong pagsisisi.

Ang pagkaakit sa kaparehong kasarian ay hindi kasalanan. Ang mga miyembrong may ganitong mga damdamin at hindi naman kumikilos ayon dito ay namumuhay nang naaayon sa plano ng Ama sa Langit para sa Kanyang mga anak at sa doktrina ng Simbahan. Sinusuportahan at hinihikayat sila ng mga lider sa kanilang desisyon na mamuhay ayon sa mga kautusan ng Panginoon. Ang mga miyembrong may ganitong mga damdamin ay maaaring tumanggap ng mga calling sa Simbahan, magkaroon ng temple recommend, at tumanggap ng mga ordenansa sa templo kung sila ay karapat-dapat. Ang mga lalaking miyembro ng Simbahan ay maaaring tanggapin at gamitin ang priesthood.

Lahat ng miyembro na tumutupad sa kanilang mga tipan ay tatanggap ng lahat ng ipinangakong pagpapala sa kawalang-hanggan, pinahihintulutan man sila o hindi ng kanilang mga sitwasyon na tanggapin ang mga pagpapala ng walang hanggang kasal at pagiging magulang sa buhay na ito (tingnan sa Mosias 2:41).

Inilalaan ng Simbahan ang sumusunod na resources upang mas maunawaan at masuportahan ang mga taong naaapektuhan ng pagkaakit sa kaparehong kasarian:

  • Same-Sex Attraction [Pagkaakit sa Kaparehong Kasarian],“ Mga Paksa ng Ebanghelyo, topics.ChurchofJesusChrist.org

  • Same-Sex Attraction,” Life Help, ChurchofJesusChrist.org

Dagdag pa sa mga inspiradong tulong ng mga lider ng Simbahan, maaaring makinabang ang mga miyembro sa professional counseling. Maaaring kontakin ng mga lider ang Family Services para humingi ng tulong. Tingnan ang 31.3.6 para sa contact information.

38.6.16

Pagpapakasal ng Magkaparehong Kasarian

Bilang alituntunin ng doktrina, na batay sa mga banal na kasulatan, pinagtitibay ng Simbahan na ang kasal sa pagitan ng isang lalaki at isang babae ay mahalaga sa plano ng Tagapaglikha para sa walang hanggang tadhana ng Kanyang mga anak. Pinagtitibay ng Simbahan na ang kahulugan ng kasal sa batas ng Diyos ay ang pag-iisang-dibdib ng isang lalaki at isang babae nang naaayon sa batas.

Ang isang lalaki at isang babae lamang na ikinasal ayon sa batas bilang mag-asawa ang maaaring magkaroon ng seksuwal na relasyon. Ang anumang iba pang seksuwal na relasyon, pati na ang sa pagitan ng mga taong magkapareho ang kasarian, ay makasalanan at pinahihina ang institusyon ng pamilya na nilikha ng Diyos.

38.6.17

Sex Education

Mga magulang ang may pangunahing responsibilidad na magturo ng sex education o aralin tungkol sa seksuwal na relasyon sa kanilang mga anak. Ang mga magulang ay dapat magkaroon ng tapat, malinaw, at nagpapatuloy na pag-uusap sa kanilang mga anak tungkol sa malusog at matwid na seksuwalidad. Ang mga pag-uusap na ito ay dapat na:

  • Angkop sa edad at antas ng kaalaman at pag-unawa ng kanilang anak.

  • Makatulong sa mga anak na maghanda para sa kaligayahang handog ng kasal at sundin ang batas ng kalinisang-puri (tingnan sa 2.1.2).

  • Talakayin ang mga panganib ng pornograpiya, bakit ito kailangang iwasan, at paano tutugon kapag naharap sila dito.

Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang “Sex Education and Behavior [Edukasyon at Pag-uugali ukol sa Seks] ” (Mga Paksa ng Ebanghelyo, topics.ChurchofJesusChrist.org).

Bilang bahagi ng kanilang responsibilidad na turuan ang kanilang mga anak, dapat alam ng mga magulang ang sex education na itinuturo sa paaralan at sikaping impluwensyahan ito sa tamang paraan. Ang mga magulang ay dapat magturo ng tamang mga alituntunin at suportahan ang mga itinuturo sa paaralan na naaayon sa ebanghelyo.

38.6.18

Seksuwal na Pang-aabuso, Panggagahasa, at Iba Pang Uri ng Sexual Assault o Panghahalay

Mariing tinututulan ng Simbahan ang seksuwal na pang-aabuso. Sa paggamit dito, ang seksuwal na pang-aabuso ay ang pagpilit sa isang tao na gumawa ng anumang seksuwal na aktibidad na labag sa kanyang kagustuhan. Ang seksuwal na aktibidad kasama ang isang tao na hindi nagbigay o walang kakayahang magbigay ng pahintulot na naaayon sa batas ay itinuturing na seksuwal na pang-aabuso. Ang seksuwal na pang-aabuso ay maaari ding mangyari sa pagitan ng mag-asawa o sa mga nagde-date. Para sa impormasyon tungkol sa seksuwal na pang-aabuso sa bata o kabataan, tingnan ang 38.6.2.3.

Ang seksuwal na pang-aabuso ay sumasaklaw sa maraming iba’t ibang uri ng pagkilos, mula sa panliligalig o harassment hanggang sa panggagahasa at iba pang mga uri ng sexual assault o panghahalay. Ito ay maaaring mangyari nang pisikal, sa pananalita, at sa iba pang mga paraan. Para sa patnubay tungkol sa pagpapayo sa mga miyembrong nakaranas ng seksuwal na pang-aabuso, panggagahasa, o iba pang uri ng sexual assault o panghahalay, tingnan ang 38.6.18.2.

Kapag may hinala o nalaman ang mga lider at miyembro na may nangyayaring seksuwal na pang-aabuso, sila ay kumikilos upang protektahan ang mga biktima at iba pa sa lalong madaling panahon. Kabilang dito ang pagsusumbong sa mga awtoridad at pagsasabi sa bishop o stake president. Kung inabuso ang isang bata, dapat sundin ng mga miyembro ang mga tagubilin sa 38.6.2.

38.6.18.1

Abuse Help Line

Kapag nalaman ng bishop o stake president na may nangyaring seksuwal na pang-aabuso, panggagahasa, o iba pang uri ng sexual assault o panghahalay, tatawagan niya ang abuse help line ng Simbahan sa mga bansa na mayroon nito (tingnan ang 38.6.2.1 para sa contact information). Mga legal at clinical professional ang sasagot sa kanyang mga tanong. Ang mga propesyonal na ito ay magbibigay din ng mga tagubilin tungkol sa kung paano:

  • Tutulungan ang mga biktima at tutulong sa pagprotekta sa kanila mula sa karagdagang panganib.

  • Tutulong na maprotektahan ang mga maaaring maging biktima.

  • Tutugon sa mga kinakailangan ng batas para sa pagsusumbong.

Sa mga bansang walang help line, kapag nalaman ng bishop na mayroong naganap na ganitong mga pagkakasala, dapat niyang kontakin ang kanyang stake president. Ang stake president ay hihingi ng patnubay mula sa area legal counsel sa area office. Hinihikayat din siya na sumangguni sa isang kawani ng Family Services o sa welfare and self-reliance manager sa area office.

38.6.18.2

Pagpapayo sa mga Biktima ng Seksuwal na Pang-aabuso, Panggagahasa, at Iba Pang Uri ng Sexual Assault o Panghahalay

Ang mga biktima ng seksuwal na pang-aabuso, panggagahasa, o iba pang uri ng sexual assault o panghahalay ay kadalasang dumaranas ng matinding trauma. Kapag nagsabi sila sa isang bishop o stake president tungkol sa kanilang naranasan, siya ay tutugon nang may taos-pusong pagkahabag at pagdamay. Siya ay nagbibigay ng espirituwal na pagpapayo at suporta upang matulungan ang mga biktima na madaig ang nakapipinsalang mga epekto ng pang-aabuso. Tinatawagan din niya ang abuse help line ng Simbahan para sa patnubay kung saan mayroon nito (tingnan sa 38.6.18.1).

Kung minsan, ang mga biktima ay nakadarama ng kahihiyan o nadaramang sila ang maysala. Ang mga biktima ay walang kasalanan. Hindi sinisisi ng mga lider ang biktima. Tinutulungan nila ang mga biktima at mga pamilya nito na maunawaan ang pagmamahal ng Diyos at na ang pagpapagaling ay darating sa pamamagitan ni Jesucristo at ng Kanyang Pagbabayad-sala (tingnan sa Alma 15:8; 3 Nephi 17:9).

Bagama’t maaaring piliin ng mga miyembro na magbahagi ng impormasyon tungkol sa pang-aabuso o panghahalay, hindi dapat masyadong patuunan ng mga lider ang mga detalye nito. Maaaring makasama ito sa mga biktima.

Dagdag pa sa pagtanggap ng inspiradong tulong mula sa mga lider ng Simbahan, maaaring mangailangan ng professional counseling ang mga biktima, at kanilang mga pamilya. Para sa impormasyon, tingnan ang 31.3.6.

38.6.18.3

Mga Membership Council

Maaaring kailanganing magdaos ng isang membership council para sa tao na nanghalay o nang-abuso ng isang tao. Kailangang magdaos ng isang membership council kung ang isang miyembro ay nanggahasa o nahatulang maysala sa paggawa ng iba pang uri ng sexual assault o panghahalay (tingnan sa 32.6.1.1).

Dapat magdaos din ng isang membership council para sa seksuwal na aktibidad kasama ang isang vulnerable adult. Sa paggamit dito, ang isang vulnerable adult ay isang tao na dahil sa pisikal o mental na limitasyon ay walang kakayahang magbigay ng pahintulot sa isang aktibidad o walang kakayahang maunawaan ang mga katangian nito.

Para sa iba pang uri ng seksuwal na pang-aabuso, hinahangad ng mga lider ang patnubay ng Espiritu para malaman kung personal na pagpapayo o isang membership council ang pinakaangkop na paraan para matugunan ang sitwasyon (tingnan sa 32.6.2.2 at 32.8). Kailangan ang isang membership council para sa malulubhang kaso. Maaaring sumangguni ang mga lider sa kanilang direktang priesthood leader tungkol sa nararapat na paraan.

Kung may mga restriksyon sa pagkamiyembro na nagmula sa isang membership council na idinaos para sa isang taong gumawa ng seksuwal na pang-aabuso, lalagyan ng anotasyon ang membership record ng taong iyon.

Para sa impormasyon tungkol sa pagpapayo sa mga kaso ng pang-aabuso, tingnan ang 38.6.2.2. Para sa impormasyon tungkol sa pagpapayo sa mga biktima ng sexual assault o panghahalay, tingnan ang 38.6.18.2.

38.6.19

Mga Taong Magkakaanak nang Hindi Kasal

Hinihikayat ang mga miyembro ng Simbahan na magkakaanak nang hindi kasal na makipagkita sa kanilang bishop. Sa Estados Unidos at Canada, ang Family Services ay magagamit para sa:

  • Pagsangguni ng mga lider ng Simbahan.

  • Counseling para sa mga taong magkakaanak nang hindi kasal at sa kanilang mga pamilya.

Hindi kailangan ang referral ng bishop para sa serbisyong ito. Wala itong bayad. Tingnan ang 31.3.6 para sa contact information ng Family Services.

Sa ibang mga lugar, maaaring kontakin ng mga lider ang isang kawani ng Family Services o ang welfare and self-reliance manager sa area office para kumonsulta.

Ang gabay para sa pagpapayo sa mga taong magkakaanak nang hindi kasal ay ibinigay din sa “Unwed Pregnancy [Magkakaanak nang Hindi Kasal]” (Mga Paksa ng Ebanghelyo, topics.ChurchofJesusChrist.org).

38.6.20

Pagpapakamatay

Ang buhay sa lupa ay isang mahalagang kaloob mula sa Diyos—isang kaloob na dapat pahalagahan at protektahan. Ang Simbahan ay lubos na sumusuporta sa mga pagsisikap na mapigilan ang pagpapakamatay. Para sa impormasyon kung paano tutulungan ang taong nag-iisip na magpakamatay o naapektuhan ng pagpapakamatay, tingnan ang suicide.ChurchofJesusChrist.org.

Karamihan sa mga taong nakapag-isip na magpakamatay ay nagnanais na makahanap ng lunas sa nadarama nilang pisikal, mental, emosyonal, at espirituwal na pasakit. Ang gayong mga indibiduwal ay nangangailangan ng pagmamahal, tulong, at suporta mula sa mga kapamilya, lider ng Simbahan, at mga kwalipikadong propesyonal.

Ang bishop ay nagbibigay ng espirituwal na suporta kung ang miyembro ay nag-iisip o sinubukang magpakamatay. Kaagad din niyang tutulungan ang miyembro na makakuha ng propesyonal na tulong. Hinihikayat niya ang mga malapit sa tao na humingi ng propesyonal na tulong kung kinakailangan.

Sa kabila ng lahat ng pagsisikap ng mga mahal sa buhay, mga lider, at mga propesyonal, ang pagpapakamatay ay hindi palaging mapipigilan. Ito ay nag-iiwan ng malalalim na sugat sa puso, emosyonal na pagkabagabag, at mga hindi masagot-sagot na mga katanungan para sa mga mahal sa buhay at iba pa. Dapat payuhan at panatagin ng mga lider ang pamilya. Sila ay nangangalaga at sumusuporta. Maaaring kailangan din ng pamilya ng suporta at pagpapayo mula sa mga propesyonal.

Hindi tama para sa isang tao na kitilin ang sarili niyang buhay. Gayunman, tanging ang Diyos lamang ang may kakayahang humatol sa mga iniisip, ginagawa, at antas ng pananagutan ng tao (tingnan sa 1 Samuel 16:7; Doktrina at mga Tipan 137:9).

Ang pamilya, sa pagsangguni sa bishop, ang tutukoy kung saan at kung paano gagawin ang funeral service para sa taong iyon. Maaaring piliin ng pamilya na gamitin ang mga pasilidad ng Simbahan. Kung ang tao ay nakatanggap ng endowment habang nabubuhay, maaari siyang ilibing na suot ang kasuotan sa templo.

Ang mga nawalan ng mahal sa buhay dahil sa pagpapakamatay ay makahahanap ng pag-asa at pagpapagaling kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala.

Para sa impormasyon tungkol sa pagpigil sa pagpapakamatay at ministering, tingnan ang suicide.ChurchofJesusChrist.org.

38.6.21

Surgical Sterilization (Kabilang ang Vasectomy)

Tingnan sa 38.6.4.

38.6.22

Surrogate Motherhood

Itinalaga ng Diyos na ang mag-asawang lalaki at babae mismo ang maglalaan ng mga katawan para sa mga espiritung anak ng Diyos (tingnan sa 2.1.3). Dahil dito, hindi hinihikayat ng Simbahan ang surrogate motherhood (paggamit ng bahay bata ng isa pang babae upang magkaroon ng anak). Gayunman, ito ay isang personal na desisyon na sa huli ay ipinauubaya sa pagpapasiya at mapanalanging pagsasalang-alang ng mag-asawa.

Ang mga anak na isinilang sa isang surrogate mother (babaing nagbuntis para sa iba) ay hindi isinilang sa loob ng tipan. Pagkatapos nilang ipanganak, maaari silang ibuklod sa kanilang mga magulang sa pag-apruba ng Unang Panguluhan (tingnan sa 38.4.2.7). Ang mga magulang ay susulat sa liham sa Unang Panguluhan at ibibigay ito sa stake president. Kung susuportahan niya ang kahilingan, isusumite niya ang liham kasama ang kanyang sariling liham.

38.6.23

Mga Indibiduwal na Nagsasabing Sila ay Transgender

Ang kasarian ay isang mahalagang bahagi ng plano ng kaligayahan ng Ama sa Langit (tingnan sa Genesis 1:27). Ang nilayong kahulugan ng kasarian sa “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” ay ang biological na kasarian noong isinilang. (Para sa mga taong ang biological na kasarian ay hindi malinaw noong sila ay isinilang, tingnan sa 38.7.7.)

Nadarama ng ilang tao na ang nasasaloob nilang kasarian ay hindi tugma sa kanilang biological na kasarian noong sila ay isinilang. Ang Simbahan ay walang posisyon patungkol sa mga dahilan ng gayong mga damdamin. Ang ilang nakakaramdam ng ganitong mga damdamin ay sinasabing sila ay transgender.

Ang mga indibiduwal na ito ay madalas na nahaharap sa kumplikadong mga hamon. Sila—at ang kanilang pamilya at mga kaibigan—ay dapat na pakitunguhan nang may pag-unawa, kabaitan, pagkahabag, at pag-ibig na tulad ng kay Cristo. Lahat ay anak ng Diyos at may banal na kahalagahan.

Ang mga ordenansa ng kaligtasan at kadakilaan ay tinatanggap ayon sa biological na kasarian ng isang tao noong siya ay isinilang. Para sa patnubay tungkol sa pagsasagawa ng mga ordenansang ito, sumangguni sa sumusunod:

  • Binyag at kumpirmasyon (tingnan sa 38.2.8.9)

  • Ordinasyon sa priesthood (tingnan sa 38.2.9.9)

  • Mga ordenansa sa templo (tingnan sa 26.5.7)

Ang mga karapat-dapat na indibiduwal na hindi sumasailalim sa prosesong medikal, operasyon, o social transitioning para baguhin ang kanilang biological na kasarian noong sila ay isinilang ay maaaring matamasa ang lahat ng pribilehiyo ng pagiging miyembro ng Simbahan.

Ang mga lider ng Simbahan ay nagpapayo laban sa pagsailalim sa prosesong medikal, operasyon, o social transitioning para baguhin ang biological na kasarian ng isang tao noong siya ay isinilang. (Ang ibig sabihin ng social transitioning ay ang sadyang pagpapakilala ng isang tao sa kanyang sarili sa kasarian na hindi naman niya biological na kasarian noong siya ay isinilang, at maaaring kabilangan ng pagpapalit ng damit, pag-aayos ng sarili, pangalan, o mga panghalip.) Nagpapaalala ang mga lider na ang paggawa ng mga ito ay hahantong sa ilang mga restriksyon sa pagkamiyembro sa Simbahan. Kabilang sa mga restriksyon na ito ang pagtanggap o paggamit ng priesthood, pagtanggap o paggamit ng temple recommend, at paglilingkod sa ilang mga calling sa Simbahan.

Ang mga indibiduwal na nag-transition palayo sa kanilang biological na kasarian noong sila ay isinilang ay maaaring dumalo sa mga sacrament meeting at makibahagi sa Simbahan sa maraming paraan. Ang mga indibiduwal na ito at kanilang mga pamilya ay hinihikayat na sumangguni sa kanilang mga lokal na lider tungkol sa pakikibahagi sa Simbahan. Ang mga lider ng Simbahan ay nagtuturo ng katotohanan ng ebanghelyo at naglilingkod na tulad ng gagawin ni Cristo. Isinasaalang alang nila ang mga pangangailangan ng lahat ng may kinalaman dito. Ang mga bahagi ng hanbuk na ito—tulad ng pagdalo sa mga miting at aktibidad ng Simbahan (tingnan sa 38.1.1), pakikilahok sa gawain sa family history (tingnan sa 25.1 at 25.4), paglilingkod sa iba (tingnan sa 22.2.3), at iba pa—ay dapat maging gabay ng mga lider sa pagpapayo nila sa mga indibiduwal at kanilang mga pamilya. Para sa karagdagang patnubay ukol pakikilahok sa Simbahan ng mga taong nagsasabing sila ay transgender, sumangguni sa mga gabay na alituntuning ito.

Ang mga miyembrong gumawa ng mga hakbang para mag-transition at pagkatapos ay nag-transition para bumalik sa kanilang biological na kasarian noong sila ay isinilang at karapat-dapat at sinusunod ang mga kautusan ng Diyos ay maaaring matamasa ang lahat ng pribilehiyo ng pagiging miyembro ng Simbahan.

Lubhang magkakaiba ang sitwasyon ng bawat tao at maaari itong magbago sa paglipas ng panahon. Ang mga miyembro na nadarama na ang nasasaloob nilang kasarian ay hindi tugma sa kanilang biological na kasarian noong sila ay isinilang o nagsasabing sila ay transgender, pati na rin ang mga magulang o tagapag-alaga ng mga menor-de-edad na nasa gayong sitwayon, ay hinihikayat na humingi ng payo sa kanilang bishop. Dapat sumangguni ang mga bishop sa stake president upang maingat na matugunan ang partikular na mga sitwasyon nang may pagmamahal na tulad ng kay Cristo. Ang mga stake president at mission president ay humihingi ng payo mula sa Area Presidency.

Magkakaiba ang pambansa at lokal na mga batas ukol sa mga indibiduwal na nagsasabing sila ay transgender. Sa Estados Unidos at Canada, ang mga stake president at mission president na may mga tanong tungkol sa mga hinihingi ng batas ay dapat kontakin ang Office of General Counsel ng Simbahan:

1-800-453-3860, extension 2-6301

1-801-240-6301

Sa labas ng Estados Unidos at Canada, kokontakin ng mga lider na ito ang area legal counsel sa area office.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pag-unawa at pagsuporta sa mga indibidwal na ang nasasaloob nilang kasarian ay hindi tugma sa kanilang biological na kasarian noong sila ay isinilang o nagsasabing sila ay transgender, tingnan ang “Transgender” sa ChurchofJesusChrist.org.

38.7

Mga Patakaran Tungkol sa Medisina at Kalusugan

38.7.1

Mga Autopsiya

Ang mga autopsiya ay maaaring isagawa kung ang pamilya ng taong namatay ay nagbigay ng pahintulot at ito ay naaayon sa batas. Sa ilang mga sitwasyon, ang isang autopsiya ay ipinag-uutos ng batas.

38.7.2

Libing at Cremation

Ang pamilya ng taong namatay ang nagpapasiya kung ang kanyang katawan ay ililibing o ike-cremate. Iginagalang nila ang mga kahilingan ng tao.

Sa ilang bansa, ipinag-uutos ng batas ang cremation. Sa ibang mga sitwasyon, hindi praktikal o hindi kayang bayaran ng pamilya ang paglilibing. Sa lahat ng sitwasyon, ang katawan ay dapat pangasiwaan nang may paggalang at pagpipitagan. Dapat tiyakin sa mga miyembro na palaging naaangkop ang kapangyarihan ng Pagkabuhay na Mag-uli (tingnan sa Alma 11:42–45).

Kung maaari, ang katawan ng isang miyembrong yumao na tumanggap ng endowment ay dapat suotan ng ceremonial temple clothing kapag ito ay ililibing o ike-cremate na (tingnan sa 38.5.10).

Ang funeral o memorial service ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga pamilya na magtipun-tipon at pagyamanin ang mga ugnayan at pinahahalagahan ng pamilya (tingnan sa 29.5.4).

38.7.3

Mga Batang Namatay Bago Isinilang (Mga Stillborn at Nalaglag na Bata)

Ang mga magulang na namatayan ng isang hindi pa isinisilang na anak ay nakadarama ng lubos na pagdadalamhati at pakiramdam ng kawalan. Ang mga lider, mga kapamilya, mga ministering brother, at mga ministering sister ay nagbibigay ng emosyonal at espirituwal na suporta.

Maaaring piliin ng mga magulang na magdaos ng memorial o graveside service.

Maaaring itala ng mga magulang ang impormasyon tungkol sa bata sa FamilySearch.org. Ang mga tagubilin ay nakasaad sa website.

Hindi na kailangang isagawa ang mga ordenansa sa templo para sa mga batang namatay bago isilang. Hindi nito tinatanggihan ang posibilidad na ang mga batang ito ay maaaring maging bahagi ng pamilya sa kawalang-hanggan. Ang mga magulang ay hinihikayat na magtiwala sa Panginoon at hingin ang Kanyang kapanatagan.

38.7.4

Euthanasia

Ang buhay ng tao sa mundong ito ay sagradong kaloob mula sa Diyos. Ang euthanasia ay sadyang pagwakas sa buhay ng isang taong nagdurusa dahil sa sakit na walang lunas o iba pang mga kalagayan. Ang isang tao na nakikilahok sa euthanasia, kabilang na ang pagtulong sa isang tao na magpakamatay, ay lumalabag sa mga kautusan ng Diyos at maaaring labag sa mga lokal na batas.

Ang pagpapatigil o hindi paggamit ng labis-labis na life support para sa isang tao na nasa dulo na ng kanyang buhay ay hindi itinuturing na euthanasia (tingnan sa 38.7.11).

38.7.5

Pagkakaroon ng HIV at AIDS

Ang mga miyembro na mayroong impeksyon na HIV (human immunodeficiency virus) o may AIDS (acquired immunodeficiency syndrome) ay dapat na tanggapin sa mga miting at aktibidad ng Simbahan. Ang kanilang pagdalo ay hindi naghahatid ng panganib sa kalusugan ng ibang tao.

38.7.6

Hipnosis

Para sa ilang mga tao, ang hipnosis ay maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa kalayaang pumili. Ang mga miyembro ay hindi hinihikayat na makibahagi sa hipnosis para sa mga layunin ng pagtatanghal o libangan.

Ang paggamit ng hipnosis para sa paggamot ng mga sakit sa katawan o mga sakit sa pag-iisip ay dapat pagpasiyahan matapos kumonsulta sa mapagkakatiwalaang mga propesyonal sa larangan ng medisina.

38.7.7

Mga Tao na ang Kasarian Noong Ipinanganak ay Hindi Malinaw

Sa napakabihirang mga kalagayan, ang isang sanggol ay ipinapanganak na ang ari ay hindi malinaw kung sa lalaki o sa babae (ambiguous genitalia, sexual ambiguity, o intersex). Ang mga magulang o ang ibang tao ay maaaring kailanganing magdesisyon para matukoy ang kasarian ng kanilang anak sa patnubay ng mapagkakatiwalaang mga propesyonal sa larangan ng medisina. Ang mga desisyon tungkol sa pagsasagawa ng prosesong medikal o operasyon ay kadalasang ginagawa habang sanggol pa ang bata. Gayunman, ang mga ito ay maaaring ipagpaliban, maliban na lamang kung ito ay kinakailangan ayon sa medisina.

Kailangan ang espesyal na pagkahabag at karunungan kapag ang mga kabataan o adult na ipinanganak nang may sexual ambiguity ay nakaranas ng emosyonal na pagkalito tungkol sa kasariang ipinagkaloob sa kanya noong siya ay sanggol o bata pa lamang at sa kasarian na nadarama niyang kinabibilangan niya.

Ang mga tanong tungkol sa mga membership record, ordinasyon sa priesthood, at mga ordenansa sa templo para sa mga kabataan o adult na ipinanganak nang may sexual ambiguity ay dapat na iparating sa Office of the First Presidency.

38.7.8

Pangangalagang Medikal at Pangkalusugan

Ang paghingi ng mapagkakatiwalaan na tulong medikal, pagsampalataya, at pagtanggap ng mga basbas ng priesthood ay magkakasamang nakatutulong para sa paggaling, ayon sa kalooban ng Panginoon.

Ang mga miyembro ay hindi dapat gumamit o magtaguyod ng mga pamamaraang medikal o pangkalusugan na kaduda-duda sa etika, sa espirituwal, at sa batas. Ang mga may problema sa kalusugan ay dapat na kumonsulta sa mapagkakatiwalaang mga propesyonal sa larangan ng medisina na may lisensya sa lugar kung saan sila nagbibigay ng serbisyo.

Bukod sa paghahanap ng mapagkakatiwalaan na tulong medikal, ang mga miyembro ng Simbahan ay hinihikayat na sundin ang utos sa Santiago 5:14 na “ipatawag niya ang [mga elder ng simbahan], at kanilang ipanalangin siya, at siya’y pahiran nila ng langis sa pangalan ng Panginoon.” Ang mga basbas ng pagpapagaling ng priesthood ay ibinibigay ng mga mayhawak ng kinakailangang katungkulan sa priesthood. Ibinibigay ang mga ito kapag hiniling at nang walang bayad (tingnan sa 18.13).

Ang mga miyembro ng Simbahan ay hindi hinihikayat na maghangad ng mga mahimala o mahiwagang pagpapagaling mula sa mga indibiduwal o grupo na nagsasabing mayroon silang espesyal na mga pamamaraan para makakuha ng kapangyarihang magpagaling sa labas ng pananalangin at mga basbas ng priesthood na naisagawa nang wasto. Ang mga gawaing ito ay kadalasang tinatawag na “energy healing.” Ginagamit din ang iba pang mga pangalan. Ang gayong mga pangako na magpagaling ay kadalasang isinasagawa nang may bayad.

38.7.9

Medical Marijuana

Ang Simbahan ay hindi sumasang-ayon sa paggamit ng marijuana para sa mga layuning hindi pangmedisina. Tingnan sa 38.7.14.

Gayunman, ang marijuana ay maaaring gamitin para sa panggagamot kung natutugunan ang mga sumusunod na kondisyon:

  • Natukoy ng isang lisensyadong doktor o iba pang propesyonal sa larangan ng medisina na aprubado ng batas na ang paggamit nito ay kailangan sa panggagamot.

  • Sinusunod ng tao ang dosis at paraan ng paggamit nito na ibinigay ng lisensyadong doktor o iba pang awtorisadong propesyonal sa larangan ng medisina. Hindi aprubado ng Simbahan ang paggamit ng marijuana sa pamamagitan ng vape maliban kung awtorisado ito ng propesyonal sa larangan ng medisina na kailangan sa panggagamot.

Hindi aprubado ng Simbahan ang paninigarilyo ng marijuana, kabilang na ang para sa panggagamot.

38.7.10

Organ at Tissue Donation at Transplant

Ang organ at tissue donation ay isang di-makasariling gawain na kadalasang nagbubunga ng malaking kapakinabangan sa mga taong may karamdaman.

Ang desisyon ng isang buhay na tao na ibigay ang isang parte ng kanyang katawan para sa ibang tao o tumanggap ng ibinigay na parte ng katawan ay dapat gawin matapos makatanggap ng mapagkakatiwalaang payong medikal at mapanalanging pagsasaalang-alang.

Ang desisyon para pahintulutan ang organ o tissue transplant mula sa taong namatay ay ginagawa ng taong ito o ng kanyang pamilya.

38.7.11

Pagpapahaba ng Buhay (Kabilang ang Life Support)

Kapag nagkaroon ng isang malubhang karamdaman, ang mga miyembro ay dapat manampalataya sa Panginoon at humingi ng mapagkakatiwalaan na tulong medikal. Gayunman, kapag ang kamatayan ay hindi na maiiwasan, ito ay dapat na ituring na isang pagpapala at makabuluhang bahagi ng buhay na walang hanggan (tingnan sa 2 Nephi 9:6; Alma 42:8).

Hindi dapat madama ng mga miyembro na obligasyon nilang magdugtong ng buhay sa labis-labis na paraan. Ang mga desisyong ito ay pinakamainam na magagawa ng tao, kung posible, o ng kanyang mga kapamilya. Sila ay dapat humingi ng mapagkakatiwalaan na payong medikal at ng patnubay ng Diyos sa pamamagitan ng panalangin.

Ang mga lider ay nagbibigay ng suporta sa mga nagpapasiya kung tatanggalin o hindi ang life support ng isang kapamilya.

38.7.12

Mga Self-Awareness Group

Maraming pribadong grupo at komersyal na organisasyon ang mayroong mga programa na nagsasabing kaya ng mga ito na mapagbuti ang kamalayan sa sarili, pagpapahalaga sa sarili, espirituwalidad, o mga ugnayan ng pamilya. Ang mga grupong ito ay madalas na nangangako ng mabilis na solusyon sa problema na karaniwang nangangailangan ng oras, panalangin, at personal na pagsisikap upang malutas. Bagama’t ang mga kalahok ay maaaring makaranas ng pansamantalang ginhawa o katuwaan, ang dating problema ay madalas na bumabalik, na humahantong sa dagdag na kalungkutan at kawalan ng pag-asa.

Ang ilan sa mga grupong ito ay nagsasabi o nagpapahiwatig na sila ay itinataguyod ng Simbahan o ng partikular na mga General Authority. Gayunman, hindi ito totoo.

Ang mga miyembro ng Simbahan ay binabalaan na ang ilan sa mga grupong ito ay nagsusulong ng mga konsepto at gumagamit ng mga pamamaraan na maaaring maging mapanganib. Maraming grupo ang sumisingil ng malalaking halaga at naghihikayat ng pangmatagalang kasunduan. Ang ilan ay naghahalo ng mga alituntunin ng ebanghelyo sa mga makamundong konsepto sa paraang maaaring magpahina ng espirituwalidad at pananampalataya.

Ang mga lider ng Simbahan ay hindi dapat nagbabayad, nagtataguyod, o nag-eendorso ng gayong mga grupo o gawain. Ang mga pasilidad ng Simbahan ay hindi maaaring gamitin para sa mga aktibidad na ito.

Ang mga miyembro na may problema sa emosyon o pakikipagkapwa ay maaaring sumangguni sa mga lider para mapatnubayan sa pagtukoy sa mga mapagkukunan ng tulong na nakaayon sa mga alituntunin ng ebanghelyo. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang 22.3.4.

38.7.13

Pagpapabakuna

Ang mga bakunang ibinibigay ng mapagkakatiwalaang mga propesyonal sa larangan ng medisina ay nagpoprotekta sa kalusugan at nagpapanatili ng buhay. Ang mga miyembro ng Simbahan ay hinihikayat na alagaan ang kanilang mga sarili, mga anak, at komunidad sa pamamagitan ng pagpapabakuna.

Sa huli, ang mga indibiduwal ay responsableng gumawa ng sarili nilang mga desisyon tungkol sa pagpapabakuna. Kung ang mga miyembro ay may mga tanong o pag-aalala, dapat silang sumangguni sa mga propesyonal sa larangan ng medisina at hingin din ang patnubay ng Espiritu Santo.

Ang mga magiging missionary na hindi nabakunahan ay malamang na bigyan ng assignment sa kanilang sariling bansa.

38.7.14

Word of Wisdom at mga Gawaing Pangkalusugan

Ang Word of Wisdom ay isang kautusan ng Diyos. Inihayag Niya ito para sa pisikal at espirituwal na kapakanan ng Kanyang mga anak. Nilinaw ng mga propeta na ang mga turo sa Doktrina at mga Tipan 89 ay kinabibilangan ng hindi paggamit ng tabako, matatapang na inumin (alak), at maiinit na inumin (tsaa at kape).

Tinuruan din ng mga propeta ang mga miyembro na umiwas sa mga sangkap na nakapipinsala, ilegal, o nakalululong o nakaaapekto sa paggawa ng desisyon ng isang tao.

May iba pang mapaminsalang mga sangkap at kaugaliang hindi tinukoy sa Word of Wisdom o ng mga lider ng Simbahan. Ang mga miyembro ay dapat na maging matalino at maging mapanalangin sa mga gagawing pagpili para itaguyod ang kanilang pisikal, espirituwal, at emosyonal na kalusugan.

Sinabi ni Apostol Pablo: “Hindi ba ninyo nalalaman na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo, na tinanggap ninyo mula sa Diyos, at kayo ay hindi sa inyong sarili? Sapagkat kayo’y binili sa isang halaga, kaya’t luwalhatiin ninyo ng inyong katawan [at ng inyong espiritu] ang Diyos.” (1 Corinto 6:19–20).

Nangako ang Panginoon ng espirituwal at temporal na mga pagpapala para sa mga taong susundin ang Word of Wisdom at ang patnubay ng mga buhay na propeta (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 89:18–21).

38.8

Mga Patakaran sa Pangangasiwa

38.8.1

Pag-aampon at Foster Care

Ang pag-aampon ng mga anak at pagbibigay ng foster care ay maaaring maging pagpapala sa mga anak at mga pamilya. Maaaring makabuo ng mga mapagmahal at walang-hanggang pamilya sa pamamagitan ng pag-aampon. Ang mga anak ay natatanging mga pagpapala, sila man ay inampon o isinilang sa isang pamilya.

Ang mga miyembro na nagnanais na mag-ampon ng mga anak o magbigay ng foster care ay dapat tiyakin na masusunod nila ang lahat ng naaangkop na batas ng mga bansa at pamahalaan na may kinalaman dito.

Ang Simbahan ay hindi tumutulong sa pangangasiwa ng mga pag-aampon. Gayunman, sa Estados Unidos at Canada, maaaring irekomenda ng mga lider na lumapit ang mga miyembro sa Family Services para kumonsulta. Para sa contact information, tingnan ang 31.3.6.

Para sa impormasyon tungkol sa mga taong magkakaanak nang hindi kasal, tingnan ang 38.6.19.

Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang “Pag-aampon” (Mga Paksa ng Ebanghelyo, topics.ChurchofJesusChrist.org).

38.8.2

Affinity Fraud o Panlilinlang ng Kakilala

Ang affinity fraud ay nangyayari kapag sinamantala ng isang tao ang pagtitiwala ng isa pang tao upang malinlang ito. Ito ay maaaring mangyari kapag ang dalawang taong ito ay kabilang sa iisang grupo, tulad ng Simbahan. Maaari din itong mangyari kapag inabuso ng isang tao ang kanyang katayuan sa buhay ng isa pang tao, tulad ng calling sa Simbahan o pagiging kapamilya. Ang affinity fraud ay karaniwang isinasagawa para makakuha ng benepisyong pinansiyal.

Ang mga miyembro ng Simbahan ay dapat maging tapat sa kanilang pakikitungo sa iba at kumilos nang may integridad. Ang affinity fraud ay isang kahiya-hiyang pagtataksil sa ibinigay na pagtitiwala. Ang mga gumagawa nito ay maaaring masampahan ng kasong kriminal. Maaaring lagyan ng mga restriksyon o bawiin ang pagkamiyembro sa Simbahan ng mga miyembrong gumagawa ng affinity fraud. Tingnan ang 32.6.1.3 at 32.6.2.3 para sa patnubay tungkol sa mga membership council para sa mapanlinlang na mga gawa.

Hindi maaaring ipahayag o ipahiwatig ng mga miyembro na ang kanilang mga negosyo ay ineendorso ng, o kinakatawan ang Simbahan o mga lider nito.

38.8.3

Mga Audiovisual Material

Ang mga audiovisual material ay maaaring makatulong na maanyayahan ang Espritu at mapahusay ang pagtuturo ng ebanghelyo sa mga klase at pulong sa Simbahan. Kabilang sa mga halimbawa ng mga materyal na ito ang mga video, larawan, at nakarekord na musika. Ang paggamit ng mga materyal na ito ay hindi dapat makagambala o maging pangunahing pokus ng klase o pulong.

Hindi dapat gumamit ang mga miyembro ng mga audiovisual material sa mga sacrament meeting o sa pangkalahatang sesyon ng stake conference. Gayunman, ang nakarekord na musika ay maaaring gamitin sa mga pulong na ito kung kailangan para sa mga himno.

Dapat sundin ng mga miyembro ang lahat ng batas sa karapatang-sipi kapag gumagamit ng mga audiovisual material (tingnan sa 38.8.11). Dapat lamang nilang gamitin ang mga materyal na naaayon sa ebanghelyo at tumutulong na maanyayahan ang Espiritu.

38.8.4

Mga Autograph (Lagda) at Retrato ng mga General Authority, General Officer, at Area Seventy

Ang mga miyembro ng Simbahan ay hindi dapat hilingin ang mga autograph o lagda ng mga General Authority, General Officer, o Area Seventy. Hindi rin dapat hilingin ng mga miyembro sa mga lider na ito na lagdaan ang kanilang mga banal na kasulatan, himnaryo, o programa. Ang paggawa nito ay inilalayo sila mula sa kanilang sagradong tungkulin at sa diwa ng pagpupulong. Maaaring makahadlang din ito sa kanila na batiin ang iba pang mga miyembro.

Hindi dapat kunan ng retrato ng mga miyembro ang mga General Authority, General Officer, o Area Seventy sa mga sacrament hall habang nasa mga pagpupulong (tingnan sa 29.8).

38.8.5

Mga Negosyo

Ang mga meetinghouse at iba pang pasilidad ng Simbahan, ang mga pulong at klase sa Simbahan, at ang mga website at social media channels ng Simbahan ay hindi maaaring gamitin upang isulong ang anumang negosyo o organisasyon na hindi konektado sa Simbahan.

Ang listahan ng mga grupo sa Simbahan o iba pang impormasyon tungkol sa mga miyembro ay hindi maaaring ibigay sa mga negosyo o organisasyon na hindi konektado sa Simbahan. Kabilang dito ang (ngunit hindi limitado sa) mga nagsusulong ng mga serbisyo sa pakikipagdate, edukasyon, at paghahanap ng trabaho. Tingnan sa 38.8.31.

38.8.6

Mga Empleyado ng Simbahan

Ang mga empleyado ng Simbahan ay dapat ipamuhay at sundin ang mga pamantayan ng Simbahan sa lahat ng oras. Dapat din silang sumunod sa mga lokal na batas ukol sa pagtatrabaho.

Upang magsimula o magpatuloy sa pagtatrabaho sa Simbahan, ang mga miyembro ay dapat karapat-dapat na magkaroon ng temple recommend. May panahon na kokontakin ng mga kawani ng Human Resource Department ng Simbahan ang mga stake president o bishop upang tiyakin ang pagiging karapat-dapat sa templo ng mga kasalukuyan o potensiyal na mga empleyado ng Simbahan. Dapat tumugon kaagad ang mga lider.

38.8.7

Mga Magasin ng Simbahan

Kabilang sa mga magasin ng Simbahan ang:

Hinihikayat ng Unang Panguluhan ang lahat ng miyembro na basahin ang mga magasin ng Simbahan. Ang mga magasin ay makatutulong sa mga miyembro na matutuhan ang ebanghelyo ni Jesucristo, pag-aralan ang mga turo ng mga buhay na propeta, magkaroon ng kaugnayan sa pandaigdigang pamilya ng Simbahan, harapin ang mga hamon nang may pananampalataya, at mas mapalapit sa Diyos.

Tinutulungan ng mga lider ang mga miyembro na makakuha ng libreng kopya ng mga magasin gaya ng sumusunod:

  • Tulungan ang mga miyembro na mag-subscribe sa mga magasin at mag-renew ng kanilang mga subscription sa MagazineSubscriptions.ChurchofJesusChrist.org o sa pamamagitan ng pag-subscribe para sa kanila gamit ang Leader at Clerk Resources.

  • Ipakita sa mga miyembro kung paano mababasa ang magasin sa ChurchofJesusChrist.org, sa Gospel Library app, at sa Gospel Living app. Walang bayad ang digital content na ito.

  • Pagkatapos mabinyagan ang mga bagong miyembro, ipakita sa kanila kung paano makukuha ang digital o print version ng mga magasin ng Simbahan.

  • Maglaan ng nagpapatuloy na subscription para sa lahat ng mga bata at kabataan na nagsisimba nang walang kasamang magulang o tagapag-alaga gamit ang Leader and Clerk Resources.

Ang mga bishop ay maaaring tumawag ng isang magazine representative para tumulong sa mga miyembro na makakuha ng kopya ng mga magasin. O maaari nilang atasan ang ward executive secretary na tumulong (tingnan sa 7.3).

Ang magazine representative o executive secretary ay maaari ding tumulong sa pangangalap ng mga karanasan at patotoo ng mga lokal na miyembro na nagtataguyod ng pananampalataya para ibahagi sa mga magasin ng Simbahan.

Maaaring pamahalaan ng mga miyembro ang mga subscription sa MagazineSubscriptions.ChurchofJesusChrist.org, gamit ang kanilang Church account. Para sa tulong, maaaring kontakin ng mga miyembro ang ward clerk o magazine representative.

38.8.8

Pangalan, Wordmark, at Simbolo ng Simbahan

Larawan
Wordmark at simbolo ng Simbahan

Ang pangalan, wordmark, at simbolo ng Simbahan ay ang mga pangunahing pagkakakilanlan ng Simbahan. Ang mga ito ay nakarehistro bilang trademark o protektado ng batas sa buong mundo. Ginagamit ang mga ito upang matukoy ang opisyal na literatura, balita, at kaganapan ng Simbahan.

Ang mahahalagang pagkakakilanlan ng Simbahan ay dapat gamitin ayon lamang sa mga tuntuning ibinigay sa ibaba.

Nakasulat na Pangalan ng Simbahan. Maaaring gamitin ng mga lokal na unit ang nakasulat na pangalan ng Simbahan (hindi ang wordmark o simbolo) kapag natugunan ang lahat ng sumusunod na mga kundisyon:

  • Ang aktibidad o kaganapang nauugnay sa pangalan ay opisyal na itinataguyod ng unit (halimbawa, isang programa sa sacrament meeting).

  • Ang pangalan ng lokal na unit ay nakasulat bago ang pangalan ng Simbahan (halimbawa, Campo Rosa Branch ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw).

  • Ang typeface o font ay hindi kagaya o katulad ng opisyal na wordmark ng Simbahan.

Wordmark at simbolo. Ang wordmark at simbolo ng Simbahan (tingnan ang larawan sa itaas) ay dapat gamitin ayon lamang sa pahintulot ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol. Hindi maaaring gamitin ang mga ito bilang palamuti. Hindi rin maaaring gamitin ang mga ito sa anumang personal, komersyal, o promosyonal na paraan.

Ang mga tanong ay dapat ipadala sa:

Intellectual Property Office

50 East North Temple Street

Salt Lake City, UT 84150-0005

Telepono: 1-801-240-3959 o 1-800-453-3860, extension 2-3959

Fax: 1-801-240-1187

Email: cor-intellectualproperty@ChurchofJesusChrist.org

38.8.9

Komunikasyon sa mga Stake President at mga Bishop mula sa mga Empleyado at Boluntaryo ng Simbahan

Kapag kailangang kontakin ng mga empleyado at boluntaryo ng Simbahan ang isang stake president o bishop, idinadaan nila ang komunikasyon sa executive secretary ng lider maliban kung ang bagay na ito ay napakahalaga o kumpidensyal. Makatutulong ito sa mga stake president at bishop na mapagtuunan ang marami sa mga responsibilidad na sila lamang ang makagagawa.

Kabilang sa mga empleyado at boluntaryo ng Simbahan ang mga kinatawan ng lahat ng mga departamento, mga programa sa edukasyon at paaralan, at welfare at self-reliance operation ng Simbahan, at mga negosyo na may kaugnayan sa Simbahan.

Kapag walang tinawag na executive secretary o hindi ito lubos na kumikilos, maaaring direktang kontakin ang lider.

38.8.10

Mga Computer

Ang mga computer at software na ginagamit sa mga meetinghouse ng Simbahan ay inilaan at pinamamahalaan ng headquarters ng Simbahan o ng area office. Ginagamit ng mga lider at miyembro ang kagamitang ito para suportahan ang mga layunin ng Simbahan, kabilang na ang gawain sa family history.

Lahat ng software sa mga computer na ito ay dapat may wastong lisensya para sa paggamit sa Simbahan.

Ang stake president ang namamahala sa paglalagay at paggamit ng mga computer sa stake, kabilang na ang mga computer na nasa mga FamilySearch center. Sinisiguro ng stake technology specialist na naa-update ang mga ito at napapanatiling maayos gaya ng nakasaad sa 33.10.

38.8.11

Mga Materyal na may Karapatang-sipi

Ang karapatang-sipi ay proteksyon na ibinibigay ng batas para sa mga tagalikha ng orihinal na gawa na ipinapahayag sa isang paraang nahahawakan (kabilang ang digital), kabilang na ang:

  • Mga gawang panitikan, musika, dramatiko, at koreograpiko.

  • Mga gawang sining, potograpiya, at iskultura.

  • Mga audio at audiovisual na gawa (tulad ng mga pelikula at video, mga CD, at mga DVD).

  • Mga programa o laro sa computer.

  • Internet at iba pang mga database.

Iba-iba sa bawat bansa ang mga batas na sumasaklaw sa mga malikhaing gawa at sa pinahihintulutang paggamit sa mga ito. Ang mga patakaran ng Simbahan na nakabalangkas sa bahaging ito ay naaayon sa mga internasyonal na kasunduan na angkop sa karamihan ng mga bansa. Para maging simple, tinutukoy ng bahaging ito ang karapatan ng isang tagapaglikha bilang “karapatang-sipi.” Gayunman, maaaring kilala ang mga karapatang ito sa ilalim ng ibang pangalan sa ibang mga bansa.

Ang mga miyembro ng Simbahan ay dapat na mahigpit na sundin ang lahat ng batas sa karapatang-sipi. Sa pangkalahatan, ang mga nagmamay-ari lamang ng karapatang-sipi ang maaaring magbigay ng awtorisasyon para gawin ang sumusunod sa kanilang mga gawa:

  • Paglikha ng kopya

  • Pamamahagi

  • Pagtatanghal sa publiko

  • Pagpapalabas sa publiko

  • Paglikha ng isang gawa na nakabatay sa orihinal

Ang paggamit sa isang gawa sa alinman sa mga paraang ito nang walang awtorisasyon mula sa nagmamay-ari ng karapatang-sipi ay salungat sa patakaran ng Simbahan. Ang gayong paggamit ay maaari ding ipasailalim ang Simbahan o ang gumagamit sa legal na pananagutan.

Dapat isipin ng isang taong gumagamit ng isang gawa na ito ay protektado ng karapatang-sipi. Ang mga lathalain ay karaniwang mayroong kasamang abiso sa karapatang-sipi, tulad ng “© 1959 by John Doe.” (Para sa mga recording ng tunog, ang simbolo ay ℗.) Gayunman, ang abiso sa karapatang-sipi ay hindi kinakailangan para makatanggap ng legal na proteksyon. Gayundin, ang katunayan na ang isang lathalain ay hindi na inililimbag o naka-post na sa internet ay hindi nangangahulungan na wala nang nagmamay-ari ng karapatang-sipi nito. Hindi rin nito binibigyang-katwiran ang paglikha ng kopya, pamamahagi, pagtatanghal, pagpapalabas, o paglikha ng isang bagong gawa na batay sa orihinal nang walang pahintulot.

Ang Intellectual Property Office (IPO) ng Simbahan ay tumutulong sa pagproseso ng mga kahilingan na gamitin ang mga materyal o programa ng Simbahan na may karapatang-sipi, kabilang na ang mga materyal na ang karapatang-sipi ay hawak ng Intellectual Reserve, Inc. (IRI). Ang IRI ay isang hiwalay at di-pangkalakal na korporasyon na nagmamay-ari ng mga intellectual property na ginagamit ng Simbahan. Para sa impormasyon tungkol sa mga kahilingan sa paggamit ng mga materyal na pag-aari ng Simbahan, tingnan ang “Terms of Use” sa ChurchofJesusChrist.org.

Ang sumusunod na mga tanong at mga sagot ay maaaring makatulong sa mga miyembro na maunawaan at masunod ang batas sa karapatang-sipi kapag gumagamit ng mga materyal na may karapatang-sipi sa simbahan at sa tahanan. Kung ang mga miyembro ay may mga tanong na hindi nasagot ng mga tuntuning ito, maaari nilang kontakin ang IPO:

Intellectual Property Office

50 East North Temple Street

Salt Lake City, UT 84150-0005

Telepono: 1-801-240-3959 o 1-800-453-3860, extension 2-3959

Fax: 1-801-240-1187

Email: cor-intellectualproperty@ChurchofJesusChrist.org

Maaari bang kopyahin ang mga nakalathalang materyal ng Simbahan? Maliban kung iba ang nakasaad, maaaring kopyahin ang mga materyal ng Simbahan para sa hindi komersyal na paggamit sa Simbahan, tahanan, at pamilya. Nakalagay sa mga tuntunin sa paggamit o terms of use sa website o app ng Simbahan kung paano maaaring gamitin ang mga materyal na matatagpuan sa mga website at app na ito. Ipinagbabawal ang komersyal na paggamit sa mga materyal ng Simbahan kung walang partikular na nakasulat na pag-apruba mula sa IPO.

Maaari bang kumopya ng musika? May mga espesyal na batas sa karapatang-sipi pagdating sa musika. Maaaring kumopya ng musika mula sa sumusunod na mga source para sa hindi komersyal na paggamit sa Simbahan, tahanan, at pamilya maliban na lamang kung may abiso ng limitasyon sa himno o kanta:

Ang pagkopya ng nakalimbag o nakarekord na musika nang walang pahintulot mula sa may-ari ng karapatang-sipi ay salungat sa patakaran ng Simbahan.

Puwede bang kumopya ng materyal na hindi pag-aari ng Simbahan? Karaniwan, hindi. Batas ng karapatang-sipi ang namamahala sa paggamit ng mga pribadong materyal. Kadalasan, may mga restriksyon na nagbibigay ng mga kondisyon na dapat sundin ng publiko bago kumopya ng mga gawa na hindi gawa ng Simbahan. Ang mga limitasyong ito ay karaniwang nakalista sa simula ng isang lathalain. Dapat sundin ng mga miyembro ang lahat ng batas sa karapatang-sipi.

Maaari ko bang ipalabas ang mga komersyal na audiovisual na produkto sa mga aktibidad o pulong ng Simbahan? Karaniwan, hindi. Hindi dapat lumabag ang mga miyembro ng Simbahan sa mga babala at paghihigpit na nasa mga komersyal na audiovisual na produkto. Kabilang dito ang mga pelikula, iba pang video, at musika. Ang paggamit ng mga komersyal na audiovisual na produkto sa Simbahan ay karaniwang nangangailangan ng pahintulot mula sa mga may-ari ng karapatang-sipi.

Maaari ba akong mag-download o kumopya ng computer software at ng iba pang mga program para gamitin sa Simbahan? Karaniwan, hindi. Ang mga computer program at iba pang software ay hindi dapat kopyahin o i-download maliban kung ang lahat ng lisensya ay angkop na binili.

Anong pahintulot ang kailangan upang magtanghal ng mga produksyong musikal at mga dulang pang-teatro? Ang mga produksyon na pag-aari ng Simbahan o IRI ay maaaring itanghal sa mga aktibidad ng Simbahan nang walang pahintulot mula sa headquarters ng Simbahan. Kung ang isang produksyon na may karapatang-sipi ay hindi pag-aari ng Simbahan, kailangang kumuha ang mga miyembro ng pahintulot sa may-ari upang maitanghal ang kabuuan o bahagi nito sa aktibidad ng Simbahan. Ang mga may-ari ng karapatang-sipi ay karaniwang naniningil ng bayad o royalty kahit na ang gagawing pagtatanghal ay walang bayad. Lahat ng ipalalabas ay dapat aprubahan ng mga lokal na priesthood leader.

38.8.12

Mga Materyal para sa Kurikulum

Ang Simbahan ay naglalaan ng mga materyal upang matulungan ang mga miyembro na matutuhan at ipamuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo. Kabilang sa mga ito ang mga banal na kasulatan, mensahe sa pangkalahatang kumperensya, magasin, manwal, aklat, at iba pang mga resource. Hinihikayat ng mga lider ang mga miyembro na gamitin ang mga banal na kasulatan at iba pang mga resource kung kinakailangan upang pag-aralan ang ebanghelyo sa tahanan.

Ang pag-aaral at pagtuturo ng ebanghelyo ay dapat nakatuon sa Tagapagligtas at sa Kanyang doktrina. Upang mapanatili ang pokus na ito sa mga klase sa Simbahan, tinitiyak ng mga lider na ang ginagamit ng mga guro ay ang mga inaprubahang materyal. Para sa impormasyon tungkol sa mga inaprubahang materyal, tingnan ang Mga Tagubilin para sa Kurikulum.

38.8.13

Mga Direktoryo

Hinihikayat ang mga miyembro at lider na gamitin ang mga member directory na inilalaan ng Simbahan. Ang mga direktoryong ito ay makukuha sa Ward Directory at Mapa sa ChurchofJesusChrist.org at sa Member Tools app. Ang mga ito ay nagbibigay ng pangunahing contact information para sa mga miyembro. Ang mga lider ng stake at ward ay mayroong access para makita ang karagdagang impormasyon na makatutulong sa kanilang mga calling. Maaari ding makita ng mga lider ang mga impormasyong ito sa Leader and Clerk Resources.

Ang mga miyembro ay mayroong opsiyon na limitahan kung sinu-sino ang maaaring makakita ng kanilang digital contact information. Magagawa nila ito sa pamamagitan ng pagpili ng privacy level sa kanilang household profile.

Dapat igalang ng mga lider ng stake at ward ang mga privacy setting na pinili ng mga miyembro. Tinitiyak din ng mga lider na ito na ang impormasyon ay ginagamit lamang para sa inaprubahang mga layunin ng Simbahan.

Ang nakalimbag na mga stake at ward directory ay karaniwang hindi kailangan. Kung napagpasiyahan ng mga lider na mayroon talagang pangangailangan para sa mga nakalimbag na direktoryo, ang mga ito ay maaari lamang gawin gamit ang Ward Directory at Mapa sa ChurchofJesusChrist.org. Hindi kasama sa mga direktoryong ito ang kasarian, edad, o kaarawan ng mga miyembro.

Ang mga listahan ng mga miyembro ay hindi dapat i-print para sa mga layuning walang kaugnayan sa Simbahan.

38.8.14

Pananamit at Kaanyuan

Ang kalalakihan at kababaihan ay nilikha ayon sa larawan ng Diyos (tingnan sa Genesis 1:26–27; Abraham 4:27). Ang mortal na katawan ay isang sagradong kaloob.

Ang mga miyembro ng Simbahan ay hinihikayat na magpakita ng paggalang sa kanilang katawan sa pamamagitan ng kanilang mga pagpili ng angkop na pananamit at kaanyuan. Ang pamantayan ng naaangkop na pananamit at kaanyuan ay magkakaiba ayon sa kultura at sitwasyon. Halimbawa, para sa sacrament meeting, isinusuot ng mga indibiduwal ang pinakamaganda nilang damit-pansimba para magpakita ng paggalang kay Jesucristo at sa ordenansa ng sakramento (tingnan sa 18.9.3). Angkop din ang alituntuning ito sa pagdalo sa templo (tingnan sa 27.1.5). Malalaman ng mga disipulo ni Jesucristo kung ano ang pinakamainam nilang isusuot at kung paano nila aayusan ang kanilang sarili.

Hindi dapat husgahan ng mga miyembro at lider ang iba batay sa pananamit at kaanyuan. Dapat nilang mahalin ang lahat ng tao, tulad ng utos ng Tagapagligtas (tingnan sa Mateo 22:39; Juan 13:34–35). Lahat ng tao ay dapat malugod na tanggapin sa mga miting at aktibidad ng Simbahan (tingnan sa 38.1.1).

Kapag nagbibigay ng mga temple recommend at mga callling sa ward at stake, isinasaalang-alang ng mga lider ang pagkamarapat ng tao at ang patnubay ng Espiritu (tingnan sa 26.3, 30.1.1, at 31.1.1).

38.8.15

Labis-labis na Paghahanda o Survivalism

Hinihikayat ng Simbahan ang pagkakaroon ng self-reliance o pag-asa sa sariling kakayahan. Ang mga miyembro ay hinihikayat na maging handa sa espirituwal at pisikal para sa mga hamon ng buhay. Tingnan sa 22.1.

Gayunman, ang mga lider ng Simbahan ay nagpayo laban sa matindi o labis-labis na paghahanda para sa mga posibleng mangyaring sakuna. Ang gayong mga pagsisikap ay tinatawag kung minsan na survivalism. Ang mga pagsisikap na maghanda ay dapat gabayan ng pananampalataya, hindi ng takot.

Pinayuhan ng mga lider ng Simbahan ang mga miyembro na huwag mangutang para makapag-imbak ng pagkain. Sa halip, ang mga miyembro ay dapat paunti-unting bumuo ng home storage supply at reserbang pera. Tingnan sa 22.1.4 at “Food Storage” (Mga Paksa ng Ebanghelyo, topics.ChurchofJesusChrist.org).

38.8.16

Araw ng Pag-aayuno

Ang mga miyembro ay maaaring mag-ayuno anumang oras. Gayunman, karaniwan nilang itinatalaga bilang araw ng pag-aayuno ang unang Sabbath ng bawat buwan.

Ang isang araw ng pag-aayuno ay karaniwang kinabibilangan ng pananalangin, hindi pagkain at pag-inom sa loob ng 24 na oras (kung kaya ng katawan), at pagbibigay ng bukas-palad na handog-ayuno. Ang handog-ayuno ay isang donasyon para matulungan ang mga nangangailangan (tingnan sa 22.2.2).

Kung minsan ay may mga miting para sa buong Simbahan o mga lokal na miting na ginaganap sa unang Sabbath ng buwan. Kapag nangyari ito, ang stake president ay pipili ng isa pang araw ng Sabbath na gagawing araw ng pag-aayuno.

38.8.17

Pagsusugal at mga Lotto

Ang Simbahan ay hindi sumasang-ayon at nagpapayo laban sa pagsusugal sa anumang uri nito. Kabilang dito ang pagtataya sa mga laro sa sports at mga loterya na itinataguyod ng pamahalaan.

38.8.18

Mga Panauhing Tagapagsalita o Tagapagturo

Para sa karamihan ng mga pulong at aktibidad ng Simbahan, ang mga tagapagsalita at guro ay dapat kabilang sa lokal na ward o stake.

Ang panauhing tagapagsalita o tagapagturo ay isang taong hindi kabilang sa ward o stake. Kailangan ang pag-apruba ng bishop bago maaaring anyayahan ang isang panauhing tagapagsalita sa isang pulong o aktibidad ng ward. Kailangan ang pag-apruba ng stake president bago maaaring anyayahan ang isang panauhing tagapagsalita sa isang pulong o aktibidad ng stake.

Maingat na sinusuri ng bishop o stake president ang mga panauhing tagapagsalita o tagapagturo. Maaaring kabilang dito ang pakikipag-ugnayan sa bishop ng taong ito.

Tinitiyak ng bishop o stake president na:

  • Ang mga sasabihin o ipapakita ay dapat naaayon sa doktrina ng Simbahan.

  • Ang mga sasabihin o ipapakita ay hindi dapat kinabibilangan ng mga haka-hakang paksa (ang mga paksa ay dapat na naaayon sa mga tinatalakay sa pangkalahatang kumperensya).

  • Ang mga panauhing tagapagsalita o tagapagturo ay hindi binabayaran, hindi nangangalap ng mga miyembro, at hindi nangangalap ng mga kustomer o kliyente.

  • Ang gastos sa pagbiyahe ng taong ito ay hindi binabayaran gamit ang pondo sa budget ng lokal na unit o ng pribadong kontribusyon.

  • Ang mga tatalakayin o ibabahagi ay dapat naaayon sa mga tuntunin sa paggamit ng mga pasilidad ng Simbahan (tingnan sa 35.5).

38.8.19

Pandarayuhan

Ang mga miyembrong nananatili sa kanilang sariling bayan ay kadalasang may mga pagkakataong patatagin at palakasin ang Simbahan doon. Gayunman, ang pandarayuhan sa ibang bansa ay personal na desisyon.

Ang mga miyembrong lilipat sa ibang bansa ay dapat na sundin ang lahat ng naaangkop na batas (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 58:21).

Ang mga missionary ay hindi dapat mag-alok ng tulong para sa pandarayuhan ng iba. Hindi rin nila dapat hilingin sa kanilang mga magulang, kamag-anak, o iba pa na gawin ito.

Ang Simbahan ay hindi nagtataguyod ng pandarayuhan sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa Simbahan.

Inilalaan ng mga miyembro ng Simbahan ang kanilang panahon, mga talento, at pagkakaibigan upang tanggapin ang mga nandarayuhan at refugee bilang mga miyembro ng kanilang mga komunidad (tingnan sa Mateo 25:35; tingnan din sa 38.8.35 ng hanbuk na ito).

38.8.20

Internet

38.8.20.1

Opisyal na mga Sanggunian ng Simbahan sa Internet

Ang Simbahan ay mayroong mga opisyal na website, blog, at social media account. Ang mga ito ay malinaw na matutukoy bilang opisyal na resource ng Simbahan sa pamamagitan ng paggamit ng wordmark o simbolo ng Simbahan (tingnan sa 38.8.8). Sumusunod din ang mga ito sa mga hinihingi ng batas at mga patakaran sa intellectual property at privacy ng Simbahan.

38.8.20.2

Paggamit ng mga Miyembro ng Internet sa Pagganap sa mga Calling sa Simbahan

Ang mga miyembro ay hindi maaaring lumikha ng mga website, blog, o social media account para sa Simbahan o upang opisyal na kumatawan sa Simbahan at sa mga pananaw, doktrina, patakaran at pamamaraan nito. Gayunman, maaari silang gumawa ng mga website, blog, o social media account para makatulong sa kanilang mga calling. Kapag ginawa ito, dapat sundin ng mga miyembro ang sumusunod na mga tuntunin:

  • Ang paglikha ng isang website, blog, o social media account ay dapat munang aprubahan ng stake president (para sa resources ng stake) o bishop (para sa resources ng ward).

  • Ang wordmark o simbolo ng Simbahan ay hindi maaaring gamitin o gayahin (tingnan sa 38.8.8).

  • Ang online resource ay dapat mayroong layunin at mithiin at bigyan ng naaayon na pangalan. Maaaring kabilang sa pangalan ang pangalan ng ward o stake. Gayunman, hindi maaaring kabilang sa pangalan ang opisyal na pangalan ng Simbahan.

  • Hindi maaaring ipahayag o ipahiwatig ng mga miyembro na ang mga nilalaman, larawan, o iba pang mga materyal sa online resource ay itinataguyod o iniendorso ng Simbahan o opisyal na kumakatawan sa Simbahan sa anumang paraan. Sa halip, dapat isama ang isang disclaimer na nagpapahayag na hindi ito opisyal na resource ng Simbahan at hindi ito itinataguyod ng Simbahan.

  • Ang lahat ng nilalaman ay dapat na may kaugnayan sa nilayong mambabasa at dapat na aktibong napamamahalaan.

  • Dapat kabilang sa online resource ang contact information.

  • Dapat mayroong mahigit sa isang administrator na namamahala sa online resource. Maaari itong makatulong para masiguro na magpapatuloy ang online resource kapag nagbago ang calling o takdang-gawain ng isang tao. Tumutulong din ito na hindi mabigatan ang isang tao sa responsibilidad ng pag-update at pagsubaybay sa online resource.

  • Ang mga ipinintang larawan, video, musika, o iba pang mga materyal na pag-aari ng Simbahan ay hindi maaaring i-post maliban kung malinaw na pinahintulutan ang paggamit nito sa Terms of Use ng isang opisyal na website ng Simbahan o ng Intellectual Property Office ng Simbahan. Ang mga materyal na mayroong karapatang-sipi mula sa ibang sources ay hindi dapat gamitin maliban na lamang kung ang nagmamay-ari ng content ay nagbigay muna ng nakasulat na pahintulot. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa paggamit ng materyal na may karapatang-sipi, tingnan ang 38.8.11.

  • Kapag gumagamit ng mga larawan, video, o personal na impormasyon, kailangan ang pahintulot mula sa may-ari ng content o ng mga indibiduwal na may kaugnayan sa mga ito. Ang pahintulot ay maaaring makuha sa pamamagitan ng isang release form, isang pahayag sa publiko, isang naka-post na karatula para sa isang partikular na kaganapan, o nakasulat na pahintulot kapag kailangan. Dapat sundin ang mga batas tungkol sa privacy ng bansa.

  • Hindi dapat kopyahin ng mga online resource ang tools at features na mayroon na sa ChurchofJesusChrist.org, Member Tools, o iba pang resources ng Simbahan.

  • Ang mga lider at missionary ay dapat makipag-ugnayan sa isa’t isa upang maiwasan ang duplikadong komunikasyon.

  • Dapat itigil ang paggamit sa mga online resource kapag hindi na kailangan ang mga ito. Ang mahahalagang media (tulad ng mga retrato at video) ay dapat ingatan sa kasaysayan ng ward o stake.

Para sa karagdagang mga tuntunin, tingnan ang internet.ChurchofJesusChrist.org.

38.8.20.3

Personal na Paggamit ng Internet at Social Media

Ang internet at social media ay magagamit sa maraming mabubuting paraan. Kabilang sa mga ito ang mga pagkakataong magbahagi ng mga patotoo tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo. Ang mga blog, social media, at iba pang mga teknolohiya sa internet ay nagbibigay ng paraan para sa mga miyembro na maipalaganap ang mga mensahe ng kapayapaan, pag-asa, at kagalakang dumarating sa pamamagitan ng pagsampalataya kay Cristo.

Hinihikayat ang mga miyembro na magbahagi ng nakasisiglang mga content. Dapat din silang maging mga halimbawa ng pagiging magalang sa lahat ng kanilang mga pakikipag-ugnayan online, kabilang na sa social media. Dapat nilang iwasan ang pakikipagtalo (tingnan sa 3 Nephi 11:29–30; Doktrina at mga Tipan 136:23).

Dapat iwasan ng mga miyembro ang lahat ng pahayag ng panghuhusga nang walang katwiran sa ibang tao (tingnan sa 38.6.14). Sinisikap nilang maging katulad ni Cristo sa kanilang pakikitungo sa ibang tao sa lahat ng oras, at magpakita ng taos-pusong paggalang sa lahat ng anak ng Diyos.

Ang mga miyembro ay hindi dapat gumamit ng mga salita o mga larawan sa internet na nagpapahiwatig ng pagbabanta, pambu-bully, pagpapahiya, karahasan, o pang-aabuso. Kung may nagbabanta ng ilegal na mga gawain online, dapat kaagad na kontakin ang mga nagpapatupad ng batas.

Hindi dapat ipahiwatig ng mga miyembro na ang kanilang mga mensahe ay kumakatawan sa o itinataguyod ng Simbahan.

38.8.21

Internet, Satellite, at Video Equipment

Ang internet, satellite, at video equipment ng Simbahan ay gagamitin lamang para sa mga hindi komersyal na layunin sa Simbahan. Ang anumang paggamit sa mga ito ay kailangang may pahintulot ng stake presidency o bishopric.

Ang mga kagamitang ito ay hindi dapat gamitin para manood o magrekord ng mga programa na hindi itinataguyod ng Simbahan. Hindi rin maaaring gamitin ang resources ng Simbahan, tulad ng mga internet connection, para manood o magrekord ng gayong mga programa.

Tanging ang mga tao na sinanay na magpaandar sa kagamitang ito lamang ang pinapayagang magpaandar nito. Dapat itong nakakandado kapag hindi ginagamit. Hindi ito dapat alisin sa gusali para sa personal na paggamit.

38.8.22

Mga Batas ng Bansa

Dapat sundin, igalang, at itaguyod ng mga miyembro ang mga batas sa alinmang bansa kung saan sila naninirahan o naglalakbay (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 58:21–22; Mga Saligan ng Pananampalataya 1:12). Kabilang dito ang mga batas na nagbabawal sa pagtuturo ng ebanghelyo sa ibang tao.

38.8.23

Legal na Payo para sa mga Usapin sa Simbahan

Kung kailangan ng legal na tulong para sa mga usapin sa Simbahan, dapat kontakin ng mga lider ang legal counsel ng Simbahan. Sa Estados Unidos at Canada, kokontakin ng stake president ang Office of General Counsel ng Simbahan:

1-800-453-3860, extension 2-6301

1-801-240-6301

Sa labas ng Estados Unidos at Canada, kokontakin ng stake president ang area legal counsel sa area office.

38.8.23.1

Pagkakasangkot o mga Dokumento sa mga Paglilitis sa Korte

Hindi dapat isangkot ng mga lider ng Simbahan ang kanilang sarili sa mga sibil o kriminal na kaso para sa mga miyembro ng kanilang unit nang hindi muna sumasangguni sa legal counsel ng Simbahan. Ang patakarang ito ay angkop din sa pakikipag-usap o pagsulat sa mga abogado o kawani ng korte, kabilang ang pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng email.

Dapat kausapin ng mga lider ang legal counsel ng Simbahan kung, sa kanilang tungkulin sa Simbahan, sila ay:

  • Naniniwala na kailangan nilang magpatotoo o makipag-ugnayan tungkol sa isang usaping legal.

  • Ayon sa legal na proseso ay kailangang magpatotoo o makipag-ugnayan tungkol sa isang usaping legal.

  • Inutusang magbigay ng ebidensya.

  • Hinilingan na kusang-loob na magbigay ng mga dokumento o impomasyon.

  • Hinilingang makipag-ugnayan sa mga abogado o mga awtoridad tungkol sa mga paglilitis sa korte, kabilang ang mga pagdinig para sa pagbibigay ng hatol o parole.

Gaano man kaganda ang layunin, ang pagbabahagi ng impormasyon ng mga lider ng Simbahan sa mga paglilitis sa korte ay maaaring mabigyan ng maling interpretasyon at maaaring makapinsala. Ang gayong pagbabahagi ng impormasyon ay maaaring lubhang makapinsala sa mga biktima at kanilang mga pamilya. Ang pagsunod sa mga patakaran ng Simbahan ay makatutulong din para maiwasan ang hindi tamang pagkakasangkot ng Simbahan sa mga usaping legal.

38.8.23.2

Patotoo sa mga Paglilitis

Ang mga lider ng Simbahan ay hindi maaaring magpatotoo sa ngalan ng Simbahan sa anumang paglilitis sa korte nang walang paunang pag-apruba mula sa Office of General Counsel. Ang patakarang ito ay naaangkop din sa mga pagdinig para sa pagbibigay ng hatol o parole. Ang mga lider ng Simbahan ay hindi maaaring magbigay ng pasalita o nasusulat na ebidensya bilang mga lider ng Simbahan nang wala ang pag-aprubang ito.

Hindi dapat sabihin o ipahiwatig ng mga lider na ang kanilang patotoo sa isang paglilitis sa korte ay kumakatawan sa posisyon ng Simbahan.

Hindi dapat impluwensyahan ng mga lider ng Simbahan ang patotoo ng isang saksi sa anumang paglilitis sa korte.

Ang contact information ng legal counsel ng Simbahan ay ibinigay sa 38.8.23.

38.8.24

Paggamit ng Mailbox

Sa maraming bansa, paglabag sa postal regulations ang paglalagay ng anumang materyal na walang selyo sa loob o ibabaw ng mga mailbox ng mga bahay. Ang restriksyong ito ay angkop sa anumang materyal na may kaugnayan sa Simbahan, tulad ng mga flyer, newsletter, o anunsyo. Dapat sabihan ng mga lider ng Simbahan ang mga miyembro at mga missionary na huwag maglagay ng gayong mga bagay sa loob o ibabaw ng mga mailbox.

38.8.25

Pakikipag-ugnayan ng mga Miyembro sa Headquarters ng Simbahan

Ang mga miyembro ng Simbahan ay hindi hinihikayat na tumawag, mag-email, o magpadala ng liham sa mga General Authority tungkol sa mga tanong sa doktrina, personal na mga hamon, o kahilingan. Ang personal na pagsagot sa mga ito ay magpapahirap sa mga General Authority na gampanan ang kanilang mga tungkulin. Ang mga miyembro ay hinihikayat na lumapit sa kanilang mga lokal na lider, kabilang na ang kanilang Relief Society president o elders quorum president, kapag naghahangad sila ng espirituwal na patnubay (tingnan sa 31.3).

Kadalasan, ang mga liham ng mga miyembro sa mga General Authority ay ipinapasa sa mga lokal na lider. Ang stake president na nangangailangan ng paglilinaw tungkol sa doktrina o iba pang mga bagay sa Simbahan ay maaaring magsulat, bilang kahalili ng mga miyembro, sa Unang Panguluhan.

38.8.26

Trabaho ng mga Miyembro

Ang mga miyembro ng Simbahan ay dapat na maghanap ng trabaho na naaayon sa mga alituntunin ng ebanghelyo at kung saan ay kaya nilang hilingin nang may malinis na konsensya ang mga pagpapala ng Panginoon. Ito ay isang personal na bagay na sa huli ay ipinauubaya sa paghatol at mapanalanging pagsasaalang-alang ng miyembro.

38.8.27

Mga Miyembrong May Kapansanan

Ang mga lider at miyembro ay hinihikayat na tugunan ang mga pangangailangan ng lahat ng nakatira sa mga hangganan ng kanilang unit. Ang mga miyembrong may kapansanan ay pinahahalagahan at maaari silang makatulong sa mga makabuluhang paraan. Ang mga kapansanan ay maaaring sa intelektuwal o pag-iisip, pakikipagkapwa, emosyonal, o pisikal.

Hinihikayat ang mga miyembro na sundin ang halimbawa ng Tagapagligtas na magbigay ng pag-asa, pag-unawa, at pagmamahal sa mga may kapansanan. Dapat kilalanin ng mga lider ang mga taong may kapansanan at magpakita ng tunay na interes at malasakit.

Inaalam din ng mga lider ang mga miyembro na maaaring nangangailangan ng karagdagang pangangalaga dahil sa isang magulang, anak, o kapatid na may kapansanan. Ang pangangalaga sa isang kapamilyang may kapansanan ay maaaring maging kapwa makabuluhan at mahirap.

Hinahanap at miniminister ng mga lider ang mga miyembrong may kapansanan na nakatira sa mga group home o bahay-kalinga o iba pang lugar na malayo sa mga miyembro ng pamilya.

38.8.27.1

Pagdagdag ng Kamalayan at Pag-unawa

Hinahangad ng mga lider, guro, at miyembro na maunawaan ang bawat indibiduwal na may kapansanan at ang kanyang mga kakayahan at pangangailangan. Mapalalawak nila ang kanilang pag-unawa sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga miyembrong ito at sa mga miyembro ng kanyang pamilya. Ang resources ay makukuha sa disability.ChurchofJesusChrist.org.

38.8.27.2

Pagbibigay ng Tulong

Sinusuri ng mga lider ang mga pangangailangan ng mga may kapansanan at kanilang mga tagapag-alaga. Inaalam ng mga lider kung paano magagamit ang resources ng ward o stake upang wastong matugunan ang mga pangangailangan. Hinihikayat ng mga lider ang mga miyembro na tumulong nang may pagmamahal at pakikipagkaibigan.

Ang bishopric o stake presidency ay maaaring tumawag ng ward o stake disability specialist upang makatulong sa mga indibiduwal, pamilya, guro, at iba pang lider (tingnan sa 38.8.27.9).

Maaari ding maghanap ang mga lider ng angkop na resources sa komunidad na makatutulong sa mga taong may kapansanan at kanilang mga pamilya.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagtulong sa mga taong may kapansanan, tingnan ang disability.ChurchofJesusChrist.org. Maaari ding kontakin ng mga lider ang Family Services (kung saan mayroon; tingnan ang 31.3.6 para sa contact information).

Hindi dapat tangkain ng mga lider at miyembro na ipaliwanag kung bakit mayroong kapansanan ang isang tao o kung bakit ang isang pamilya ay mayroong anak na may kapansanan. Hindi nila dapat imungkahi na ang kapansanan ay kaparusahan mula sa Diyos (tingnan sa Juan 9:2–3) o isang espesyal na pribilehiyo.

38.8.27.3

Pagsasagawa ng mga Ordenansa

Tingnan sa 38.2.4.

38.8.27.4

Pagbibigay ng mga Oportunidad na Maglingkod at Makibahagi

Marami sa mga miyembrong may kapansanan ay makapaglilingkod sa halos anumang tungkulin sa Simbahan. Mapanalanging pinag-iisipan ng mga lider ang mga kakayahan, kalagayan, at hangarin ng bawat tao at pagkatapos ay nagbibigay ng angkop na mga oportunidad na maglingkod. Sumasangguni rin ang mga lider sa indibiduwal at sa kanyang pamilya. Isinasaalang-alang nila ang mga epekto ng isang calling sa Simbahan sa tao at sa kanyang pamilya o tagapag-alaga. (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 46:15.)

Kapag isinasaalang-alang ang mga takdang-gawain o calling sa Simbahan para sa mga tagapag-alaga ng mga taong may kapansanan, sinusuring mabuti ng mga lider ang kalagayan ng mga tagapag-alaga.

Dapat sikapin ng mga lider at guro na makalahok ang mga miyembrong may kapansanan sa mga pulong, klase, at aktibidad hangga’t maaari. Dapat iakma ang mga aralin, mensahe, at pamamaraan sa pagtuturo upang matugunan ang mga pangangailangan ng bawat tao. Para sa impormasyon tungkol sa pag-aakma ng mga aralin, tingnan ang disability.ChurchofJesusChrist.org.

Maaaring anyayahan ng bishopric ang isang miyembro ng ward na tulungan ang isang taong may kapansanan sa isang miting o aktibidad. Para sa isang klase na kinabibilangan ng isang miyembrong may kapansanan, ang bishopric ay maaaring tumawag ng maraming guro. Ang mga guro ay nagtutulungan upang matugunan ang mga pangangailangan ng lahat ng miyembro ng klase.

Kung ang isang tao ay hindi makabahagi sa isang pulong, klase, o aktibidad, ang mga lider at guro ay maaaring sumangguni sa miyembro at kanyang pamilya tungkol sa kung paano matutugunan ang kanyang mga pangangailangan. Maaaring aprubahan ng stake president o bishop ang pag-oorganisa ng espesyal na mga klase o programa para sa mga miyembrong may kapansanan (tingnan sa 38.8.27.5). Kung ang isang tao ay hindi makadadalo sa mga miting ng Simbahan, ang mga lider at guro ay maaaring magbigay ng mga materyal ng lesson, recording, o streaming.

Ang pag-stream ng mga pulong, tulad ng mga sacrament meeting at funeral service, ay nilayon lamang para sa mga hindi makadadalo nang personal (tingnan sa 29.7). Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pakikibahagi sa sakramento, tingnan ang 18.9.3.

Hinihikayat ng mga lider ang mga mayhawak ng priesthood na may kapansanan na makibahagi sa mga ordenansa kapag angkop. Simula sa Enero ng taon na sila ay magiging 12 taong gulang, ang mga mayhawak ng priesthood at ang mga kabataang babae na nabinyagan at nakumpirma ay maaaring mabinyagan at makumpirma para sa mga patay sa templo. Para sa mga tuntunin tungkol sa mga miyembrong may kapansanan na tatanggap ng sarili nilang mga ordenansa sa templo, tingnan ang 27.2.1.3 at 27.3.1.2.

38.8.27.5

Pag-oorganisa ng Espesyal na mga Klase, Programa, o Unit

Ang mga miyembrong may kapansanan at espesyal na pangangailangan ay hinihikayat na dumalo sa mga pulong tuwing Linggo sa kanilang ward maliban kung sila ay nakatira sa isang bahay-kalinga o residential treatment program kung saan mayroong mga programa ng Simbahan (tingnan sa 37.6).

Mga unit at group. Maaaring lumikha ng mga ward o branch para sa mga miyembrong may natatanging mga pangangailangan, tulad ng bingi at gumagamit ng sign language (tingnan sa 37.1). Ang pag-apruba ay ibinibigay lamang ng Unang Panguluhan.

Ang isang ward ay maaaring hilingang mamahala sa isang group para sa mga may kapansanan, tulad ng mga gumagamit ng sign language. Para sa impormasyon tungkol sa mga membership record ng mga dumadalo sa gayong mga unit o group, tingnan ang 33.6.11.

Ang mga miyembrong bingi, na ang tirahan ay napakalayo sa isang unit para sa mga bingi, ay maaaring dumalo sa pamamagitan ng internet. Dapat silang makakuha ng pahintulot mula sa mga lider ng unit na iyon. Tinitiyak ng mga lokal na lider ng ward na ang mga miyembrong bingi ay napangangalagaan at may pagkakataong regular na makibahagi sa sakramento.

Mga Klase. Ang mga miyembrong may kapansanan ay dumadalo sa mga klase tuwing Linggo kasama ang mga miyembro ng kanilang ward. Gayunman, kapag kailangan para matugunan ang mga pangangailangan ng mga kabataan o adult na miyembro na may magkakatulad na kapansanan, ang ward o stake ay maaaring mag-organisa ng mga espesyal na klase sa Sunday School (tingnan sa 13.3.2).

Mga disability activity program. Kapag kailangan para matugunan ang mga pangangailangan ng mga adult na miyembrong may kapansanan sa pag-iisip, maaaring mag-organisa ang isang ward, grupo ng mga ward, stake, o grupo ng mga stake ng isang disability activity program. Ang programang ito ay dagdag na tulong sa ministering, mga serbisyo sa Simbahan tuwing Linggo, at mga aktibidad sa lokal na unit.

Karaniwang pinaglilingkuran ng isang disability activity program ang mga indibiduwal na edad 18 pataas. Bawat pagsisikap ay dapat gawin upang maisama ang mga miyembro na wala pang 18 taong gulang sa kanilang mga ward at stake. Sa mga di-pangkaraniwang sitwasyon, ang mga lider ay maaaring magbigay ng karagdagang mga aktibidad para sa mga kabataan simula sa taon na sila ay magiging 12 taong gulang.

Kapag maraming ward ang nakikilahok sa isang disability activity program, inaatasan ng stake president ang isang bishop na maging agent bishop na mamamahala rito. Kapag maraming stake ang nakikilahok, inaatasan ng Area Presidency ang isang stake president na maging agent stake president na mamamahala rito.

Kumokonsulta ang agent bishop o agent stake president sa iba pang mga kalahok na bishop o stake president para matukoy kung paano popondohan ang mga programang ito.

Mga disability activity leader. Ang mga adult na miyembro ay maaaring tawagin bilang mga disability activity leader. Ang mga lider na ito ang nagpaplano at nagpapatupad ng disability activity program. Sumasangguni sila sa mga ward at stake disability specialist (tingnan sa 38.8.27.9) para anyayahan ang mga miyembrong may kapansanan na makibahagi. Nag-uusap-usap sila kung paano tutugunan ang mga pangangailangan ng mga miyembrong iyon.

Ang mga disability activity leader ay tinatawag at sine-set apart sa ilalim ng pamamahala ng agent bishop o agent stake president. Maaari ding atasan ng stake president ang isang high councilor na maglingkod bilang disability activity leader.

Kinukumpleto ng mga lider na naglilingkod sa anumang edad na may kapansanan ang pagsasanay sa ProtectingChildren.ChurchofJesusChrist.org. Para sa mga karagdagang kinakailangan sa kaligtasan para sa mga lider, tingnan ang Mga Aktibidad para sa mga Miyembrong May Kapansanan.

Kapag inanyayahan, ang mga disability activity leader ay maaaring dumalo sa mga stake o ward leadership meeting.

Mga tuntunin para sa mga disability activity program. Ang mga disability activity program ay inoorganisa para tulungan ang mga kalahok na umunlad sa espirituwal, sa pakikipagkapwa, pisikal, at intelektuwal (tingnan sa Lucas 2:52). Ang mga lider ang nagpapasiya kung gaano kadalas ang mga aktibidad. Isinasaalang-alang nila ang bilang ng mga kalahok, layo ng paglalakbay, at iba pang mga sitwasyon.

Maaaring hindi makalahok ang ilang tao dahil sa kumplikadong sitwasyong medikal, pisikal, intelektuwal, o pag-uugali. Ang mga lider ay naghahanap ng iba pang mga paraan para matulungan sila sa kanilang mga pangangailangan.

Pakikibahagi at mga pamantayan sa kaligtasan. Dapat ay mayroong hindi bababa sa dalawang responsableng adult sa lahat ng aktibidad. Ang dalawang adult na ito ay maaaring dalawang lalaki, dalawang babae, o mag-asawa. Karaniwang mas maraming adult ang kailangan upang mapangasiwaan ang mga aktibidad para sa mga miyembrong may kapansanan kaysa sa kailangan para sa iba pang mga aktibidad.

Ang mga adult na tumutulong sa mga aktibidad ay kinukumpleto ang training sa ProtectingChildren.ChurchofJesusChrist.org. Kailangan nilang tumanggap ng pahintulot mula sa kanilang bishop bago makibahagi. Para sa mga karagdagang kinakailangan sa kaligtasan, tingnan ang “Mga Aktibidad para sa mga Miyembrong May Kapansanan.”

Kung may mangyayaring di-angkop na pag-uugali, ang agarang responsibilidad ng mga lider ay protektahan at tulungan ang vulnerable person o taong mahina. Para sa impormasyon tungkol sa pagtugon sa hinihinalang pang-aabuso, tingnan ang 38.6.2.1 at abuse.ChurchofJesusChrist.org.

38.8.27.6

Mga Interpreter para sa mga Miyembrong Bingi o Hirap Makarinig

Ang mga miyembrong bingi o hirap makarinig ay kusang nakikipagtulungan sa mga lider upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan sa komunikasyon. Ang mga miyembro at lider ay nagtutulungan upang matiyak na mayroong mga interpreter.

Ang mga interpreter ay dapat nasa isang lugar kung saan sila at ang taong nagsasalita ay makikita nang sabay ng mga miyembro.

Sa mga ordenansa o interbyu, ang interpreter ay nakaupo o nakatayo malapit sa taong nagsasagawa ng ordenansa o interbyu. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pag-i-interpret ng mga ordenansa at basbas, tingnan ang 38.2.1.

Kung may sapat na bilang ng mga interpreter, sila ay magsasalitan bawat 30 minuto upang maiwasan ang labis na pagkapagod.

Bilang paghahanda sa mga sensitibong sitwasyon tulad ng mga personal na interbyu o mga Church membership council, ang mga leader ay sumasangguni sa miyembrong bingi. Kapag nais ng miyembro, ang mga lider ay maghahanap ng isang interpreter na hindi niya kapamilya upang mapangalagaan ang kumpidensyalidad.

Ang mga alituntuning ito ay naaangkop din sa mga miyembrong bingi o hirap makarinig na hindi gumagamit ng sign language, ngunit nangangailangan ng oral interpreter upang tulungan silang magbasa ng pagbuka ng bibig.

Ang mga lider ay maaaring mag-organisa ng mga klase sa ward o stake na magtuturo ng sign language na ginagamit sa kanilang lugar. Ang isang makatutulong na sanggunian ay ang Dictionary of Sign Language Terms for The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints.

38.8.27.7

Privacy

Dapat igalang ng mga lider ang privacy ng mga miyembrong may kapansanan sa oras at pagkatapos ng mga leadership meeting kung saan tinatalakay ang kanilang mga pangangailangan. Hindi ibinabahagi ng mga lider ang mga diagnosis o iba pang personal na impormasyon nang walang pahintulot.

38.8.27.8

Mga Service Animal

Maaaring magpasiya ang mga bishop at stake president kung papayagan ang mga taong may kapansanan na gumamit ng mga trained service dog sa mga meetinghouse. Ang iba pang mga uri ng mga hayop, kabilang na ang mga emotional support animal (mga comfort pet), ay karaniwang hindi pinapayagan sa mga meetinghouse o sa mga kaganapang isinasagawa ng Simbahan, maliban kung partikular na hinihingi ng batas. (Sa Estados Unidos, karaniwan ay walang legal na obligasyon ang Simbahan na papasukin ang mga service dog o emotional support animal sa mga bahay-sambahan.) Ang mga bishop at stake president ang gumagawa ng mga lokal na desisyon. Isinasaalang-alang nila ang mga pangangailangan ng mga taong may kapansanan at ang mga pangangailangan ng ibang mga tao sa kongregasyon.

Para sa karagdagang mga tuntunin sa paggamit ng mga service animal sa mga pasilidad ng Simbahan, tingnan ang 27.1.3 at disability.ChurchofJesusChrist.org.

38.8.27.9

Disability Specialist

Ang bishopric o stake presidency ay maaaring tumawag ng isang ward o stake disability specialist. Tinutulungan ng specialist na ito ang mga miyembrong may kapansanan at kanilang mga tagapag-alaga na makibahagi sa mga miting at aktibidad ng Simbahan at madamang kabilang sila.

Ang specialist ay naglilingkod sa mga miyembro at mga lider sa sumusunod na mga paraan:

  • Pagkilala sa mga taong may kapansanan at kanilang mga pamilya.

  • Pagsagot sa mga tanong at pagtugon sa mga alalahanin ng mga tagapag-alaga, mga lider, at iba pa.

  • Pagtulong sa mga indibiduwal na magkaroon ng access sa mga materyal, miting, at aktibidad ng Simbahan. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng teknolohiya o sa iba pang mga paraan (tingnan sa 38.8.27.10).

  • Tukuyin ang makabuluhang mga pagkakataong makapaglingkod ang mga miyembrong may kapansanan.

  • Pagtukoy sa partikular na mga pangangailangan ng mga pamilya at, kung naaangkop, pagtukoy sa mga resource ng komunidad, ward, at stake.

Maaaring tulungan ng specialist na ito ang mga miyembro na may kapansanan at kanilang mga tagapag-alaga sa pagbabahagi sa iba ng impormasyon tungkol sa kapansanan.

38.8.27.10

Mga Sanggunian

Ang mga sanggunian para sa mga miyembrong may kapansanan, para sa kanilang pamilya at mga tagapag-alaga, at para sa mga lider at guro ay makukuha sa disability.ChurchofJesusChrist.org. Ang website na ito ay nagbibigay ng:

  • Impormasyon para sa dagdag na pag-unawa sa mga hamong kinakaharap ng mga taong may kapansanan.

  • Mga sanggunian o resources para matulungan ang mga miyembrong may kapansanan at kanilang mga pamilya na makatagpo ng kapanatagan sa ebanghelyo ni Jesucristo.

  • Listahan ng mga materyal ng Simbahan sa mga anyo na magagamit ng mga miyembrong may kapansanan (tingnan din sa store.ChurchofJesusChrist.org).

Ang mga tanong ay maaaring ipadala sa:

Members with Disabilities

50 East North Temple Street

Salt Lake City, UT 84150-0024

Telepono: 1-801-240-2477 o 1-800-453-3860, extension 2-2477

Email: disability@ChurchofJesusChrist.org

38.8.28

Pagmiminister sa mga Miyembrong Naapektuhan ng Krimen at Pagkabilanggo

Hinihikayat ang mga lider ng Simbahan na tularan ang halimbawa ng Tagapagligtas na naghahandog ng pag-asa, pag-unawa, at pagmamahal sa mga taong naapektuhan ng krimen at ang mga nakabilanggo (tingnan sa Mateo 25:34–36, 40).

Ang mga stake president ang namamahala sa mga pagsisikap sa prison ministry. Kabilang sa mga pagsisikap na ito ang pagsuporta sa mga adult at kabataan na nakakulong o kamakailan lamang pinalaya mula sa bilangguan. Ang gawaing ito ay kinabibilangan din ng pangangalaga sa mga pamilya at anak na ang magulang o mahal sa buhay ay nakakulong.

Ang mga lider ng mga unit na nakakasakop sa isang bilangguan ay gumagawa ng mga hakbang para malaman nila ang mga oportunidad at pangangailangan sa ministering. Para sa resources at mga tuntunin, maaaring kontakin ng mga lider ang Prison Ministry Division ng Simbahan:

Email: PrisonMinistry@ChurchofJesusChrist.org

Telepono: 1-801-240-2644 o 1-800-453-3860, extension 2-2644

38.8.29

Ibang mga Relihiyon

Maraming bagay na nagbibigay-inspirasyon, marangal, at karapat-dapat sa pinakamataas na paggalang ang matatagpuan sa maraming iba pang relihiyon. Ang mga missionary at iba pang mga miyembro ay dapat maging sensitibo at magalang sa mga paniniwala at tradisyon ng iba. Dapat din nilang iwasang magbigay ng sama ng loob.

Ang mga stake at mission president na may mga tanong tungkol sa pakikipag-ugnayan sa ibang mga relihiyon ay dapat kontakin ang Area Presidency. Ang iba pang mga lokal na lider na may gayong mga tanong ay dapat kontakin ang stake o mission president.

38.8.30

Aktibidad na Pampulitika at Panlipunan

Ang mga miyembro ng Simbahan ay hinihikayat na makibahagi sa mga gawaing pampulitika at pamahalaan. Sa maraming bansa, maaaring kabilang dito ang:

  • Pagboto.

  • Pagsali o paglilingkod sa mga partidong pampulitika.

  • Pagbibigay ng suportang pinansiyal.

  • Pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng partido at mga kandidato.

  • Pakikibahagi sa mapayapa at legal na mga protesta.

  • Paglilingkod sa inihalal o hinirang na katungkulan sa lokal at pambansang pamahalaan.

Hinihikayat din ang mga miyembro na makibahagi sa karapat-dapat na mga gawain na naglalayong gawin ang kanilang mga komunidad na mabuting lugar kung saan maaaring mamuhay at magtaguyod ng mga pamilya.

Alinsunod sa mga lokal na batas, hinihikayat ang mga miyembro na magrehistro na bumoto at pag-aralan nang mabuti ang mga isyu at mga kandidato. Ang mga alituntuning naaayon sa ebanghelyo ay maaaring matagpuan sa iba’t ibang partidong pampulitika. Ang mga Banal sa mga Huling Araw ay may espesyal na obligasyong hanapin at suportahan ang mga lider na tapat, mabuti, at marunong (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 98:10).

Ang Simbahan ay walang kinikilingan na mga partidong pampulitika, pulitikal na plataporma, at kandidato sa posisyon sa pulitika. Ang Simbahan ay hindi nag-eendorso ng anumang partidong pampulitika. Hindi rin nito sinasabihan ang mga miyembro kung sino ang iboboto.

Sa mga pambihirang sitwasyon, ang Simbahan ay maaaring magpahayag ng posisyon nito sa mga usaping pampulitika kung ito ay may kinalaman sa moralidad o sa mga gawain ng Simbahan. Sa gayong mga sitwasyon, ang Simbahan ay maaaring makilahok sa mga diskurso sa pulitika upang maipahayag ang mga pananaw nito. Ang Unang Panguluhan lamang ang maaaring magbigay ng awtorisasyon sa:

  • Pagpapahayag ng posisyon ng Simbahan tungkol sa mga usaping ukol sa moralidad.

  • Pagpapahayag na susuportahan o tututulan ng Simbahan ang isang partikular na batas o panukalang batas.

  • Pagbabahagi ng pananaw ng Simbahan tungkol sa mga usaping panghukuman.

Hindi dapat iorganisa ng mga lokal na lider ng Simbahan ang mga miyembro para makibahagi sa mga bagay na pampulitika. Hindi rin dapat tangkain ng mga lider na impluwensyahan kung paano makikilahok ang mga miyembro.

Ang mga miyembro ng Simbahan na naghahangad na maglingkod sa inihalal o hinirang na katungkulan sa pamahalaan ay hindi dapat ipahiwatig na sila ay ineendorso ng Simbahan o ng mga lider nito. Dapat iwasan din ng mga lider at miyembro na magbigay ng pahayag o gumawa ng pagkilos na maaaring mabigyang-kahulugan na ineendorso ng Simbahan ang anumang partidong pampulitika, plataporma, patakaran, o kandidato.

Kahit na ang Simbahan ay mayroong posisyon tungkol sa isang usaping pampulitika, hindi nito hinihiling sa mga inihalal na opisyal na bumoto sa isang partikular na paraan o magkaroon ng isang partikular na posisyon. Ang mga miyembrong inihalal na opisyal ay gumagawa ng sarili nilang mga desisyon. Ang mga opisyal na ito ay maaaring hindi sumang-ayon sa isa’t isa o sa inihayag na posisyon ng Simbahan. Hindi sila nagsasalita para sa Simbahan.

Ang mga pagpili o kaugnayan sa pulitika ay hindi dapat maging paksa ng anumang pagtuturo o panghihikayat sa Simbahan. Tinitiyak ng mga lider na ang mga miting at aktibidad ng Simbahan ay nakatuon sa Tagapagligtas at sa Kanyang ebanghelyo.

Hindi dapat husgahan ng mga miyembro ang isa’t isa sa mga bagay na pampulitika. Ang matatapat na mga Banal sa mga Huling Araw ay maaaring maging bahagi ng iba’t ibang partidong pampulitika at bumoto ng iba’t ibang kandidato. Dapat madama ng lahat na tanggap sila sa Simbahan.

Ang mga talaan ng Simbahan, direktoryo, at katulad na mga materyal ay hindi maaaring gamitin sa mga layuning pampulitika.

Ang mga pasilidad ng Simbahan ay hindi maaaring gamitin sa mga layuning pampulitika. Gayunman, ang mga pasilidad ay maaaring gamitin para sa pagboto o pagpaparehistro ng botante sa mga lugar na walang iba pang makatuwirang alternatibo (tingnan sa 35.5.6.3).

38.8.31

Privacy ng mga Miyembro

Ang mga lider ng Simbahan ay may obligasyong protektahan ang privacy ng mga miyembro. Ang mga talaan ng Simbahan, direktoryo, at katulad na mga materyal ay hindi maaaring gamitin para sa personal, komersyal, o pulitikal na layunin (tingnan din sa 38.8.13).

Ang mga lider ng ward at stake ay hindi dapat mag-ingat o magbahagi ng kumpidensyal na impormasyon ng Simbahan sa labas ng mga application, system, o internet service ng Simbahan. Kabilang sa mga halimbawa ng kumpidensyal na impormasyon ng Simbahan ang:

  • Membership status.

  • Temporal na mga pangangailangan.

  • Iba pang personal na impormasyon na hindi available sa publiko.

Ang mga komunikasyon mula sa mga indibiduwal o tanggapan ng pamahalaan na tumutukoy sa mga batas ukol sa data privacy ay dapat kaagad na ipaalam sa Church Data Privacy Office.

Email: DataPrivacyOfficer@ChurchofJesusChrist.org.

Hindi dapat tumugon ang mga lider ng ward at stake sa mga kahilingang ito.

Para sa pabatid tungkol sa privacy ng Simbahan, tingnan ang “Pabatid tungkol sa Privacy” sa ChurchofJesusChrist.org. Maaari ding hilingin ng mga miyembro sa mga lider ng stake o ward na tulungan silang ma-access ang patakaran.

38.8.32

Mga Sulating Inilalathala nang Pribado

Hindi dapat hilingin ng mga miyembro sa mga General Authority, General Officer, o Area Seventy na kasamang magsulat o mag-endorso ng mga aklat tungkol sa Simbahan o iba pang mga sulatin tungkol sa Simbahan.

38.8.33

Pagrekord, Pagtranscribe, o Pag-stream ng mga Mensahe ng mga General Authority, General Officer, at Area Seventy

Hindi dapat irekord, i-transcribe, o i-stream ang mga mensahe ng mga General Authority, General Officer, at Area Seventy. Gayunman, ang ilang miting kung saan nagsasalita ang mga lider na ito ay maaaring i-stream sa ilalim ng pamamahala ng bishop o stake president. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang 29.7.

Maaaring magrekord ang mga miyembro ng mga brodkast ng pangkalahatang kumperensya sa equipment sa tahanan para sa personal at hindi komersyal na paggamit.

38.8.34

Pagtukoy sa Simbahan at mga Miyembro Nito

Ang pangalan ng Simbahan ay ibinigay sa pamamagitan ng paghahayag kay Propetang Joseph Smith noong 1838: “Sapagkat sa ganito tatawagin ang aking Simbahan sa mga huling araw, maging Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw” (Doktrina at mga Tipan 115:4). Ang pagtukoy sa Simbahan at sa mga miyembro nito sa mga paraang inilarawan sa ibaba ay tumutukoy sa kaugnayan ni Jesucristo sa mga miyembro ng Kanyang Simbahan.

Ang mga pagtukoy sa Simbahan ay dapat kapalooban ng buong pangalan nito hangga’t maaari. Pagkatapos ng unang pagtukoy sa buong pangalan ng Simbahan, kung kailangan ang pagpapaikli rito, ang mga sumusunod na kataga ay hinihikayat:

  • Ang Simbahan

  • Ang Simbahan ni Jesucristo

  • Ang ipinanumbalik na Simbahan ni Jesucristo

Kapag tinutukoy ang mga miyembro ng Simbahan, ang sumusunod na mga kataga ay tumpak at kanais-nais:

  • Mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw

  • Mga Banal sa mga Huling Araw (ito ang pangalang ibinigay ng Panginoon sa Kanyang pinagtipanang mga tao sa mga huling araw)

  • Mga Miyembro ng Simbahan ni Jesucristo

Ang pagtukoy sa mga miyembro ng Simbahan sa pamamagitan ng ibang titulo na tulad ng “mga Mormon” o “LDS,” ay hindi hinihikayat na gamitin.

Ang salitang Mormon ay wastong ginagamit bilang pangalan tulad ng Aklat ni Mormon. Ginagamit din ito nang tama bilang pang-uri sa mga katagang pangkasaysayan tulad ng “Mormon Trail.”

Ang salitang Mormonismo ay hindi tumpak at hindi hinihikayat na gamitin. Sa paglalarawan sa pinagsama-samang doktrina, kultura, at pamumuhay na natatangi sa Simbahan, ang katagang “ang ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo” ay tumpak at kanais-nais.

38.8.35

Mga Refugee

Maraming tao ang nilisan ang kanilang mga tahanan upang makatakas sa karahasan, digmaan, pag-uusig sa relihiyon, at mga sitwasyong banta sa buhay. Bilang bahagi ng kanilang responsibilidad na pangalagaan ang mga nangangailangan (tingnan sa Mosias 4:26), inilalaan ng mga miyembro ng Simbahan ang kanilang panahon, mga talento, at pagkakaibigan upang tanggapin ang mga refugee bilang mga miyembro ng kanilang komunidad. Tingnan sa Mateo 25:35; ChurchofJesusChrist.org/refugees.

38.8.36

Mga Kahilingan para sa Tulong Pinansyal mula sa Simbahan

Ang mga itinatag na programa ng Simbahan ay nagbibigay ng tulong pinansiyal para sa mga taong nangangailangan at sa angkop na mga gawain.

Ang tulong ng Simbahan sa mga miyembrong nangangailangan ay pinangangasiwaan ng mga bishop (tingnan sa 22.3.2). Sinusunod ng mga bishop ang itinakdang mga alituntunin at mga patakaran upang matiyak na ginagamit nang wasto ang pondo ng Simbahan (tingnan sa 22.4 at 22.5).

Ang mga miyembrong nangangailangan ay hinihikayat na kausapin ang kanilang bishop sa halip na kontakin ang headquarters ng Simbahan o humiling ng pera mula sa iba pang mga lider o miyembro ng Simbahan. Malamang na hilingin ng bishop sa mga lider mula sa elders quorum o Relief Society na tumulong sa pagtukoy ng mga pangangailangan.

38.8.37

Pananaliksik sa Simbahan

Ang layunin ng pananaliksik sa Simbahan ay magtipon ng mapagkakatiwalaang impormasyon na susuporta sa ginagawang mga deliberasyon ng mga pangkalahatang lider ng Simbahan. Ang Correlation Research Division (CRD) ang tanging awtorisadong sangay ng pananaliksik ng Simbahan. Maaari ding kontratahin ng CRD ang ibang mga third-party agency upang magsagawa ng pananaliksik.

Kapag kinontak ng mga awtorisadong mananaliksik ng Simbahan ang mga miyembro o mga lider, ibinibigay nila ang contact information ng isang empleyado ng CRD. Maaaring sagutin ng empleyadong ito ang mga tanong tungkol sa pananaliksik.

Hinahangad ng CRD na protektahan ang pagkakakilanlan at mga sagot ng mga nakikilahok sa pananaliksik. Ang mga tao ay maaaring tumangging makilahok anumang oras. Maaari nilang piliing huwag sagutin ang anuman o lahat ng tanong.

Ang mga magulang o tagapag-alaga ay dapat magbigay ng pahintulot bago anyayahang makibahagi sa isang pananaliksik ang mga batang wala pang 18 taong gulang.

Hindi dapat aprubahan ng mga lokal na lider ang anumang pananaliksik na may kaugnayan sa Simbahan. Kabilang dito ang paggamit ng mga miyembro bilang mga kalahok sa pananaliksik .

Ang CRD ay sumusunod sa lahat ng batas sa data privacy. Ang mga lokal na lider ay dapat ding sumunod sa mga batas na ito at hindi nila dapat ibigay ang mga personal na impormasyon ng mga miyembro sa mga di-awtorisadong mananaliksik at kumpanyang nagsasagawa ng mga pananaliksik.

Ang ilang pananaliksik ay nangangailangang mangolekta ng impormasyon sa mga miting ng Simbahan. Totoo ito lalo na kung ang miting ang mismong paksa ng pananaliksik. Sa gayong mga sitwasyon, ang CRD ay nakikipagtulungan sa mga lokal na lider upang matiyak na ang presensya ng mga mananaliksik ay hindi makagagambala sa mga pulong.

Upang maberipika ang anumang kahilingan sa pananaliksik, kontakin ang Correlation Research Division:

Telepono: 1-801-240-2727 o 1-800-453-3860, extension 2-2727

Email: research@ChurchofJesusChrist.org

38.8.38

Paggalang sa mga Lokal na Restriksyon sa Pagbabahagi ng Ebanghelyo

Ang Simbahan ay kumikilos upang masunod ang utos ni Jesucristo na dalhin ang ebanghelyo sa buong mundo (tingnan sa Mateo 28:19). Ang mga missionary ay naglilingkod lamang sa mga bansa kung saan sila ay opisyal na kinikilala at tinatanggap ng mga lokal na pamahalaan.

Iginagalang ng Simbahan at ng mga miyembro nito ang lahat ng batas at kinakailangan hinggil sa gawaing misyonero. Halimbawa, sa ilang bahagi ng mundo, ang mga missionary ay ipinadadala lamang upang maglingkod sa mga humanitarian mission o iba pang espesyal na misyon. Ang mga missionary na ito ay hindi nagbabahagi ng ebanghelyo. Hindi ipinadadala ng Simbahan ang mga missionary sa ilang bansa.

38.8.39

Pag-iingat sa mga Welfare at Self-Reliance Operation ng Simbahan

Marami sa mga welfare at self-reliance operation ng Simbahan ang may mga gamit at makinarya na makapagdudulot ng pinsala kung hindi ginagamit nang wasto. Dapat tiyakin ng mga agent stake president (o ng mga taong inatasan nila) at ng mga manager ng mga operasyon na ito ang kaligtasan ng mga empleyado at boluntaryo.

Ang mga trabahador ay dapat regular na turuan ng mga kaugalian hinggil sa kaligtasan. Ang lugar ng trabaho ay dapat inspekyunin nang regular. Dapat ay winawasto ang mga panganib sa kalusugan at kaligtasan. Ang naaangkop na pangangasiwa ay dapat palaging naibibigay upang matiyak na ang mga trabahador ay sumusunod sa mga tagubilin, ginagamit nang wasto ang mga kagamitan, at umiiwas sa mapanganib na gawain.

Kadalasan, dapat ay nasa edad 16 pataas ang mga nagtatrabaho sa mga operasyong ito. Ang mga nagpapaandar sa mga kagamitan ay dapat may wastong pag-iisip, nasanay nang wasto, at may karanasan sa paggamit nito. Mga adult lamang ang maaaring gumamit ng mga power equipment.

Kapag nagkaroon ng aksidente, inirereport ito ng operations manager sa sumusunod:

  • Welfare and Self-Reliance Services: 1-801-240-3001 o 1-800-453-3860, extension 2-3001

  • Risk Management Division sa headquarters ng Simbahan (tingnan ang 20.7.6.3 para sa contact information)

38.8.40

Mga Banal na Kasulatan

38.8.40.1

Mga Edisyon ng Banal na Biblia

Tinutukoy ng Simbahan ang mga edisyon ng Biblia na naaayon nang mabuti sa doktrina ng Panginoon na matatagpuan sa Aklat ni Mormon at sa makabagong paghahayag (tingnan sa Mga Saligan ng Pananampalataya 1:8). Pagkatapos ay pinipili ng Simbahan ang isang edisyon ng Biblia na kanais-nais para sa maraming wika na ginagamit ng mga miyembro ng Simbahan.

Sa ilang wika, ang Simbahan ay naglalathala ang sarili nitong edisyon ng Biblia. Ang mga edisyong inilathala ng Simbahan ay nakabatay sa mga pamantayang teksto ng Biblia. Kabilang sa mga halimbawa ang:

  • King James Version sa Ingles.

  • Reina-Valera (2009) sa Espanyol.

  • Almeida (2015) sa Portuguese.

Kabilang sa mga edisyong inilathala ng Simbahan ang mga footnote, indeks ng paksa, at iba pang mga tulong sa pag-aaral.

Hangga’t maaari, dapat gamitin ng mga miyembro sa mga klase at miting sa Simbahan ang mga edisyon ng Biblia na pinili o inilathala ng Simbahan. Nakatutulong ito para mapanatiling malinaw ang mga talakayan at iisa ang pagkaunawa sa doktrina. Ang iba pang mga edisyon ng Biblia ay maaaring maging kapaki-pakinabang para sa personal o akademikong pag-aaral.

38.8.40.2

Pagsasalin ng mga Banal na Kasulatan

Inutusan ng Panginoon ang Kanyang mga propeta at mga apostol na pag-ingatan ang mga banal na kasulatan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 42:56). Maingat na pinangangasiwaan ng Kapulungan ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol ang pagsasalin ng mga banal na kasulatan ng Simbahan. Ang paggamit ng mga inaprubahang proseso ay tumutulong na matiyak na tama ito ayon sa doktrina at maingatan ang katibayan ng pinanggalingan ng teksto.

Ang mga Area Presidency ay nagsusumite ng mga opisyal na kahilingan para sa mga bagong pagsasalin ng mga banal na kasulatan sa Church Correlation Department.

38.8.40.3

Mga Banal na Kasulatan sa Makabagong Wika

Ang Kapulungan ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol ay hindi nagbigay ng awtorisasyon para sa mga pagsisikap na isalin o muling isulat ang teksto ng mga banal na kasulatan sa makabago o di-pormal na wika. Ang pahayag na ito ay hindi angkop sa mga lathalain ng Simbahan para sa mga bata.

38.8.40.4

Pag-access sa mga Banal na Kasulatan

Ang nakalimbag na mga kopya ng mga banal na kasulatan, kabilang na ang mga edisyon ng Biblia na pinili ng Simbahan ay mabibili sa Church Distribution Services. Maaari ding makakuha ng mga edisyon ng Biblia na pinili ng Simbahan sa mga lokal na bookseller, online, at sa mga Bible mobile application. Ang tekstong elektroniko at mga audio recording ng mga edisyon na inilathala ng Simbahan at ilang edisyong pinili ng Simbahan ay makukuha rin sa Gospel Library app at sa scriptures.ChurchofJesusChrist.org. Ang resources na ito ay nagbibigay rin ng listahan ng mga banal na kasulatan na makukuha sa iba’t ibang wika.

38.8.41

Pagkuha ng Impormasyon mula sa mga Maaasahang Mapagkukunan

Sa mundo ngayon, madaling makakuha at magbahagi ng impormasyon. Maaaring maging malaking pagpapala ito para sa mga taong nais matuto at magkaroon ng kaalaman. Gayunman, maraming mapagkukunan ng impormasyon ang hindi maaasahan at hindi nakapagbibigay-liwanag. Ang ilang mga mapagkukunan ng impormasyon ay naghahangad na magpalaganap ng galit, pagtatalo, takot, o mga walang batayang paliwanag sa mga pangyayari sa lipunan (tingnan sa 3 Nephi 11:30; Mosias 2:32). Dahil dito, mahalagang maging matalino ang mga miyembro ng Simbahan sa paghahanap nila ng katotohanan.

Ang mga miyembro ng Simbahan ay dapat na maghanap at magbahagi lamang ng mga mapagkukunan ng impormasyon na mapagkakatiwalaan, maaasahan, at makatotohanan. Dapat silang umiwas sa mga mapagkukunan ng impormasyon na walang batayan o batay lamang sa mga sabi-sabi. Ang patnubay ng Espiritu Santo na sinamahan ng maingat na pag-aaral ay makatutulong sa mga miyembro na malaman ang katotohanan sa kamalian (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 11:12; 45:57). Sa mga usaping nauukol sa doktrina at patakaran ng Simbahan, ang tunay na mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon ay ang mga banal na kasulatan, mga turo ng mga buhay na propeta, at ang Pangkalahatang Hanbuk.

38.8.42

Mga Seminar at Katulad na mga Pagtitipon

Binabalaan ng Simbahan ang mga miyembro nito laban sa mga seminar o katulad na mga pagtitipon na kinabibilangan ng mga pagtatanghal na:

  • Nanghahamak, nangungutya, o hindi angkop na tinatrato ang mga sagradong bagay.

  • Maaaring makasakit sa Simbahan, hadlangan ang misyon nito, o ilagay sa panganib ang kapakanan ng mga miyembro at mga lider.

Hindi dapat hayaan ng mga miyembro na gamitin ang kanilang posisyon o katayuan sa Simbahan upang itaguyod o ipahiwatig ang pag-endorso ng ganitong mga pagtitipon.

Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang 35.5, 38.6.12, at 38.7.8. Tingnan din sa Jacob 6:12.

38.8.43

Suporta sa mga Miyembrong nasa Loob ng mga Ospital at mga Care Center

Ang mga lider ay nagbibigay ng suporta sa mga miyembro na nasa mga ospital at care center sa loob ng kanilang mga unit. Sinusunod nila ang mga tuntuning itinatag ng mga pasilidad na ito.

Para sa impormasyon tungkol sa pangangasiwa ng sakramento para sa mga miyembrong nasa ganitong mga pasilidad, tingnan ang 18.9.1. Para sa impormasyon tungkol sa paglikha ng isang ward o branch, tingnan ang 37.6.

38.8.44

Mga Aktibidad na Maaaring Patawan ng Buwis

Tinitiyak ng mga lider ng ward at stake na ang lokal na mga aktibidad ng Simbahan ay hindi magtatanggal ng tax-exempt status ng Simbahan. Para sa mga tuntunin, tingnan ang 34.8.1.

38.8.45

Mga Buwis

Dapat sundin ng mga miyembro ng Simbahan ang mga batas sa buwis ng bansa kung saan sila nakatira (tingnan sa Mga Saligan ng Pananampalataya 1:12; Doktrina at mga Tipan 134:5). Ang mga miyembrong hindi sang-ayon sa mga batas sa buwis ay maaaring hamunin ang mga ito kung ito ay naaayon sa mga batas ng kanilang bansa.

Ang mga miyembro ng Simbahan ay hindi nakaayon sa batas at sa mga turo ng Simbahan kung sila ay:

  • Sadyang hindi o tumatangging magbayad ng kinakailangang buwis.

  • Gumagawa ng mga walang kabuluhang argumento upang maiwasan ang pagbabayad ng buwis.

  • Tumatangging sumunod sa huling hatol ng isang paglilitis ukol sa buwis na nag-uutos sa kanila na magbayad ng buwis.

Ang mga miyembrong ito ay maaaring hindi maging karapat-dapat para sa temple recommend. Hindi sila dapat tawagin sa mga posisyon sa pamumuno sa Simbahan.

Ang isang Church membership council ay kailangan kung ang isang miyembro ay nahatulang maysala sa paggawa ng felony sa pamamagitan ng sadyang paglabag sa mga batas na nauukol sa buwis (tingnan sa 32.6.1.5).

38.8.46

Mga Patakaran sa Paglalakbay

Ang isang lalaki at isang babae ay hindi dapat maglakbay na sila lamang ang magkasama para sa mga aktibidad, pulong, o takdang-gawain sa Simbahan maliban kung sila ay kasal sa isa’t isa o parehong walang asawa. Para sa ibang patakaran tungkol sa paglalakbay, tingnan ang 20.7.7.

38.9

Mga Ugnayang Pangmilitar at Chaplain Services

Ang mga stake president at bishop ay tumutulong na matanggap ng mga miyembrong naglilingkod sa military ang mga pagpapala ng pakikibahagi sa Simbahan. Ang military relations and chaplain services program ng Simbahan ay kinabibilangan ng:

  • Tulong mula sa mga stake at ward.

  • Oryentasyon ng Simbahan para sa mga miyembrong papasok sa serbisyo-militar.

  • Pagtatatag ng mga ward, branch, o mga service member group ng mga Banal sa mga Huling Araw.

  • Pag-eendorso sa at suporta mula sa mga chaplain na Banal sa mga Huling Araw.

  • Impormasyon kung paano isuot ang garment sa military.

  • Suporta mula sa mga senior missionary couple na itinalaga sa piling mga base-militar.

38.9.1

Pamunuan sa Stake para sa mga Ugnayang Pangmilitar

Kung ang mga base-militar o mga miyembrong naglilingkod sa military ay nasa isang stake, taglay ng stake presidency ang mga responsibilidad na nakasaad sa bahaging ito. Kung ang mga ganitong base ay nasa isang mission sa halip na sa isang stake, ang mission president ang gumaganap sa mga responsibilidad na ito.

Isang miyembro ng stake presidency ang nangangasiwa sa mga ugnayang pangmilitar sa stake. Maaari siyang tumawag ng isang lalaki o isang babae na maglilingkod bilang military relations specialist. Ang miyembrong ito ay hindi kailangang magkaroon ng karanasan sa militar. Tinitiyak niya na may mga resource na nakalaan upang masuportahan ang mga miyembro ng military sa stake. Kabilang dito ang oryentasyon para sa paglilingkod sa military (tingnan sa 38.9.3).

38.9.1.1

Mga Serbisyo ng Simbahan sa mga Base-Militar

Kung nagdaraos ng mga serbisyo ng Simbahan sa isang base-militar, ang president ng stake kung nasaan ang base-militar ay nagtatatag ng isa sa mga sumusunod para sa mga military personnel at kanilang mga pamilya (tingnan sa 38.9.4):

  • Isang ward na may bishopric (kapag awtorisado ng Unang Panguluhan)

  • Isang branch na may branch presidency

  • Isang service member group na may service member group leader at mga assistant

Ang stake president ang tumatawag, nagse-set apart, at namamahala sa mga lider ng mga unit na ito. Ibinibigay niya ang contact information ng mga lider na ito sa Military Relations and Chaplain Services Division ng Simbahan. Maaari siyang pumili ng isang ward na tutulong sa bawat service member group.

Ang stake president ay nakikipagtulungan sa Military Relations and Chaplain Services Division upang magbigay ng liham ng paghirang sa bawat bishop, branch president, o group leader. Binabalangkas ng liham na ito ang kanyang mga responsibilidad at nagbibigay ng awtorisasyon sa kanya na pamunuan ang unit at pangasiwaan ang mga pulong. Dapat magbigay ng kopya ng liham sa chaplain ng base-militar.

Hinihingi ng military ng Estados Unidos na ang chaplain ay magbigay ng pang-administratibong pangangasiwa sa anumang serbisyo ukol sa relihiyon na ginaganap sa isang base-militar. Kung may chaplain na Banal sa mga Huling Araw sa base, siya ang karaniwang nagbibigay ng gayong pangangasiwa sa isang unit ng Simbahan na nagpupulong doon. Ang chaplain ay hindi namumuno sa mga serbisyo sa pagsamba maliban na lamang kung siya ang bishop, branch president, o group leader. Gayunman, inaasahan siyang dumalo at makibahagi rito.

Isang miyembro ng stake presidency ang nakikipagtulungan sa senior chaplain sa bawat base-militar na nasa stake. Tinitiyak niyang ginagawa rin iyon ng mga bishop ng mga ward na nakakasakop sa base-militar. Ipinaaalam ng mga lider na ito sa chaplain ang iskedyul ng pulong, lugar na pagdarausan ng pulong, at contact person ng ward. Maibibigay ng chaplain ang impormasyong ito sa mga miyembro sa base.

38.9.1.2

Mga Chaplain na Banal sa mga Huling Araw sa mga Stake

Bawat taon ay iniinterbyu ng stake president ang bawat chaplain na Banal sa mga Huling Araw na nakatira sa stake. Tinutukoy niya ang kakayahan at pagkamarapat ng chaplain na maglingkod. Hiwalay ding iniinterbyu ng stake president bawat taon ang asawa ng bawat chaplain.

Ang mga chaplain at kanilang mga asawa ay dapat magkaroon ng mga calling sa ward o stake. Ang isang chaplain na mayhawak ng Melchizedek Priesthood ay maaaring maglingkod sa mga leadership calling, tulad ng sa high council o pamumuno sa isang military ward, branch, o service member group. Gayunman, ang calling na ito ay hindi dapat makasagabal sa kanyang mga tungkulin sa military.

Maaaring tulungan ng mga chaplain ang stake president sa sumusunod na mga paraan:

  • Mag-ulat sa mga stake council meeting tungkol sa mga unit ng Simbahan sa mga base-militar. Dapat kabilang sa mga ulat na ito ang impormasyon tungkol sa bago at nagbabalik na mga miyembro.

  • Maglingkod bilang tagapag-ugnay ng mga lider ng military at ng stake president.

  • Tulungan ang stake president na matukoy ang mga miyembro sa military na tatawagin bilang mga service member group leader.

  • Tumulong sa mga pagsisikap na palakasin ang bago at nagbabalik na mga miyembro ng Simbahan sa military.

  • Tumulong na ihanda ang mga miyembro sa military na tumanggap ng mga sagradong ordenansa at tuparin ang kanilang mga tipan.

38.9.2

Pamunuan sa Ward para sa mga Ugnayang Pangmilitar

Kinakausap nang personal ng isang miyembro ng bishopric ang mga miyembro ng ward bago sila lumisan para sa serbisyo-militar. Tinitiyak niya na mayroon silang oportunidad na dumalo sa oryentasyon ng Simbahan bago ang serbisyo-militar (tingnan sa 38.9.3).

Para sa impormasyon tungkol sa membership record ng isang miyembrong papasok sa military, tingnan ang 33.6.9. Ang ilang miyembro ay nakadestino sa isang malayo o liblib na lugar o ipinadala sa lugar na may digmaan. Sa ganitong mga sitwasyon, kokontakin ng bishop ang Military Relations and Chaplain Services Division ng Simbahan para sa patnubay tungkol sa mga membership record (tingnan sa 38.9.10).

Ang mga lider sa home ward ay dapat makipag-ugnayan nang regular sa bawat miyembro ng ward na nasa serbisyo-militar.

Nakikipag-ugnayan ang bishop sa senior chaplain sa bawat base-militar sa ward.

38.9.3

Oryentasyon para sa Paglilingkod sa Military

Ang oryentasyon para sa paglilingkod sa military ay tumutulong sa mga miyembrong magsisimulang maglingkod at naglilingkod sa military na malaman kung ano ang inaasahan hinggil sa mga serbisyo at aktibidad ng Simbahan sa military. Itinuturo nito sa kanila kung paano palakasin ang kanilang pananampalataya at tuparin ang kanilang mga tipan habang sila ay naglilingkod sa military.

Ang isang miyembro ng stake presidency o bishopric ay tatawag ng isang military service instructor para magbigay ng oryentasyon. Mas mainam kung ang instructor na ito ay nagkaroon ng karanasan sa military kamakailan. Kung walang kwalipikadong instructor, kokontakin ng stake president o bishop ang Military Relations and Chaplain Services Division para sa patnubay.

Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang bahaging “Military Service Orientation” sa Military Members page ng Simbahan.

38.9.4

Mga Unit ng Simbahan para sa mga Service Member

Karaniwang nakikibahagi ang mga miyembro na nasa military sa mga ward na matatagpuan sa o malapit sa kanilang mga base-militar. Gayunman, sa mga sumusunod na sitwasyon, ang stake o mission president ay maaaring magtatag ng isang ward, branch, o service member group para sa mga military personnel at kanilang mga pamilya sa base:

  • Masyadong malayo ang distansya ng pinakamalapit na ward sa base-militar.

  • Hindi nauunawaan ng mga military personnel ang wikang sinasalita sa lokal na ward.

  • Ang mga military personnel ay hindi makaalis sa base-militar dahil sa mga training requirement at iba pang restriksyon.

  • Ang unit ng military ng mga miyembro ay ipadadala sa isang lugar kung saan angkop ang isa sa mga sumusunod:

    • Ang Simbahan ay hindi inorganisa.

    • Ang mga miyembro ay hindi kayang mapaglingkuran ng mga lokal na unit ng Simbahan dahil sa pagkakaiba ng wika.

    • Hindi posible ang pagdalo sa mga lokal na mga pagpupulong.

  • Ang mga miyembro ay kabilang sa mga Reserve o National Guard unit at nakikibahagi sa mga weekend drill o mga taunang training exercise.

Ang mga ward at branch sa mga base-militar ay nililikha gamit ang mga prosesong nakasaad sa kabanata 37.

Ang mga ward at branch ay karaniwang itinatatag upang suportahan ang mga miyembrong nasa military at kanilang mga pamilya. Maaari ding magtatag ng ward o branch para sa mga miyembrong nasa military na hindi kasama ang kanilang mga pamilya. Ang gayong mga unit ay maaaring itatag para sa mga miyembrong dumadalo sa basic o advanced training o nakadestino sa malalayong lugar. Karaniwang hindi pinapayagan ng military ang mga miyembro ng Simbahan na walang kaugnayan sa military na maging miyembro ng ward o branch na gumagamit ng mga pasilidad ng base.

Kung hindi mapangangatwiranan ng bilang ng mga miyembro o iba pang mga sitwasyon ang paglikha ng ward o branch sa isang base-militar, ang stake o mission president ay maaaring magtatag ng isang service member group. Ang service member group ay isang maliit na unit ng Simbahan na nagdaraos ng mga pulong ng Simbahan at nangangalaga sa mga miyembro. Ang group leader ay walang taglay na mga susi ng priesthood. Dahil dito, hindi siya awtorisadong tumanggap ng mga ikapu at handog, payuhan ang mga miyembro tungkol sa mabibigat na kasalanan, magbigay ng mga restriksyon sa pagkamiyembro, o gampanan ang iba pang tungkuling nangangailangan ng mga susi (tingnan sa 37.7).

Para sa impormasyon tungkol sa mga service member group, tingnan ang bahaging “Find a Church Location or Leader” at “Information for Group Leaders” sa Military Members page ng Simbahan.

Kapag ang isang unit ng Simbahan ay itinatag sa isang base-militar, nakikipagtulungan ang lider ng unit sa senior chaplain ng base-militar para sa pagsasaayos ng oras ng mga pulong at paggamit ng mga pasilidad ng base. Kung walang chaplain na nakadestino sa base, sumasangguni ang stake president sa commanding officer.

38.9.5

Mga Group Leader sa Malalayong Lugar o mga Lugar na may Digmaan

Ang mga stake o mission president ang karaniwang tumatawag at nagse-set apart ng mga service member group leader. Gayunman, maaaring hindi ito posible sa ilang malayong lugar o mga lugar na may digmaan. Dahil ang isang group leader ay hindi binibigyan ng mga susi ng priesthood para sa kanyang calling, pinapayagan na hirangin siya nang hindi isine-set apart. Ang priesthood leader na responsable sa lugar ay maaaring pumili ng isang karapat-dapat na mayhawak ng Melchizedek Priesthood para maglingkod bilang group leader. Tinitiyak niya ang pagkamarapat ng lalaki sa pamamagitan ng pagkontak bishop at stake president nito. Kung mayroong chaplain na Banal sa mga Huling Araw sa lugar, maaari siyang iawtorisa ng priesthood leader na tumawag at mag-set apart ng isang group leader.

Ang mga service member group leader sa malalayong lugar ay maaaring makakuha ng mga suplay at materyal ng Simbahan sa pamamagitan ng pagkontak sa Military Relations and Chaplain Services Division ng Simbahan (tingnan sa 38.9.10).

Kung minsan ang isang service member na ipinadala sa isang lugar ay malayo sa iba pang mga miyembro ng Simbahan. Kung ang service member ay mayhawak ng Melchizedek Priesthood o priest sa Aaronic Priesthood, maaari siyang iawtorisa ng kanyang bishop na mangasiwa at tumanggap ng sakramento. Kung mayroong mahigit sa isang miyembro sa isang lugar ng destino, dapat tumawag ng isang group leader.

Ang Military Relations and Chaplain Services Division ng Simbahan ay dapat abisuhan kapag tumawag ng isang group leader. Isang liham ng paghirang ang ipadadala sa kanya (tingnan sa 38.9.1.1).

38.9.6

Paglilingkod sa Misyon at Obligasyon sa Military

Para sa mga bansang may mandatory military service, karaniwang kailangang kumpletuhin ng mga miyembro ng Simbahan ang kanilang pagliligkod sa military bago sila makapagmisyon. Maaaring pahintulutan ng ilang bansa na ipagpaliban ang paglilingkod sa military pagkatapos ng pagmimisyon. Dapat maging pamilyar ang mga stake president at bishop sa mga kinakailangan sa kanilang bansa upang angkop nilang mapayuhan ang mga miyembro. Ang mga miyembrong naglilingkod bilang mga Reserve o National Guard ay maaaring magmisyon pagkatapos nilang makumpleto ang basic at advanced training.

Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang bahaging “Missionary Service and Military Obligations” sa Military Members page ng Simbahan.

38.9.7

Mga Chaplain na Banal sa mga Huling Araw

Ang Military Relations and Chaplain Services Division ng Simbahan ay naglalaan ng isang sistema sa pag-eendorso ng mga lalaki at babae na chaplain na naglilingkod sa iba’t ibang lugar sa loob at labas ng pamahalaan. Kabilang dito ang:

  • Military.

  • Mga ospital.

  • Mga hospice organization.

  • Mga bilangguan.

  • Mga detention center.

  • Mga police department at fire department.

  • Border patrol.

  • Civic at veteran organization.

  • Mga kolehiyo at unibersidad.

Bawat organisasyon ay nagtatatag ng sarili nitong mga kinakailangan sa edukasyon at ministeryo para sa mga chaplain. Karamihan sa mga organisasyon ay nangangailangan ng pag-endorso sa Simbahan bago makapaglingkod ang isang tao bilang chaplain na Banal sa mga Huling Araw. Ang Military Relations and Chaplain Services Division ng Simbahan ay nagbibigay ng pag-endorso para sa lahat ng chaplain na Banal sa mga Huling Araw. Ang mga liham ng pag-endorso mula sa mga bishop at stake president ay hindi sapat at hindi dapat ibigay.

Ang mga chaplain na Banal sa mga Huling Araw ay:

  • Naglilingkod sa mga tao ng lahat ng relihiyon, kabilang ang mga Banal sa mga Huling Araw.

  • Tinitiyak nila na ang mga indibiduwal ay binibigyan ng kalayaang panrelihiyon.

  • Tumulong na pangasiwaan o matugunan ang mga pangangailangang panrelihiyon ng mga pinaglilingkuran nila.

Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang “Latter-day Saint Chaplains” on ChurchofJesusChrist.org.

38.9.8

Pagsusuot ng Garment sa Military

Tingnan sa 38.5.7.

38.9.9

Mga Senior Missionary Couple

Ang mga mag-asawang nagretiro na sa serbisyo-militar ay maaaring tawaging maglingkod bilang mga military relations missionary sa piling mga base-militar. Tinutulungan nila ang mga lokal na priesthood leader na palakasin ang bago at nagbabalik na mga miyembro. Sila rin ay nagbibigay ng suporta sa mga pamilya ng mga nakadestinong service member habang sila ay malayo sa pamilya.

38.9.10

Iba pang Impormasyon

Para sa impormasyon tungkol sa mga membership record ng mga service member, tingnan ang 33.6.9.

Para sa impormasyon tungkol sa mga patriarchal blessing para sa mga service member, tingnan ang 38.2.10.3.

Para sa impormasyon tungkol sa pag-oorden sa mga service member sa malalayo at liblib na lugar, tingnan ang 38.2.9.6.

Para sa impormasyon tungkol sa pagbibigay ng mga temple recommend sa malalayong lugar, tingnan ang 26.3.2.

Kung ang mga lider ng Simbahan ay may mga tanong tungkol sa ugnayang pangmilitar, maaari nilang kontakin ang:

Military Relations and Chaplain Services Division

50 East North Temple Street, Room 2411

Salt Lake City, UT 84150-0024

Telepono: 1-801-240-2286

Email: pst-military@ChurchofJesusChrist.org

Print