Lumang Tipan 2022
Agosto 22–28. Mga Awit 102–103; 110; 116–119; 127–128; 135–139; 146–150: “Lahat ng Bagay na May Hininga ay Magpuri sa Panginoon”


“Agosto 22–28. Mga Awit 102–103; 110; 116–119; 127–128; 135–139; 146–150: ‘Lahat ng Bagay na May Hininga ay Magpuri sa Panginoon,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Lumang Tipan 2022 (2021)

“Agosto 22–28. Mga Awit 102–103; 110; 116–119; 127–128; 135–139; 146–150,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: 2022

Larawan
Si Cristo na nakasuot ng pulang bata na napaliligiran ng mga taong nakaluhod

Ang Bawat Tuhod ay Magsisiluhod, ni J. Kirk Richards

Agosto 22–28

Mga Awit 102–103; 110; 116–119; 127–128; 135–139; 146–150

“Lahat ng Bagay na May Hininga ay Magpuri sa Panginoon”

Itinuturo sa Mga Awit 119:105 na ang salita ng Diyos ay “liwanag sa [inyong] landas.” Habang binabasa mo ang Mga Awit, itala ang mga parirala at ideyang nakakahikayat sa iyo at tumutulong na tanglawan ang iyong landas pabalik sa Ama sa Langit.

Itala ang Iyong mga Impresyon

Ang tradisyonal na pangalan ng mga Judio para sa aklat ng Mga Awit ay isang salitang Hebreo na ang ibig sabihin ay “mga papuri.” Ang salitang iyon, na Tehillim, ay nauugnay din sa pagsigaw ng “Aleluya” (ibig sabihin ay “purihin si Jehova” o “purihin ang Panginoon”). Kung kailangan mong pumili ng isang salita para ibuod ang pangunahing mensahe ng Mga Awit, ang “papuri” ay mabuting pagpili. Ang ilan sa Mga Awit ay naglalaman ng tuwirang paanyaya na “purihin ang Panginoon” (tingnan lalo na ang Mga Awit 146–50), at lahat ng ito ay makahihikayat ng pagsamba at papuri. Inaanyayahan tayo ng Mga Awit na pagnilayan ang kapangyarihan ng Panginoon, ang Kanyang awa, at ang mga dakilang bagay na ginawa Niya. Hindi natin Siya masusuklian kailanman para sa alinman sa mga ito, ngunit maaari natin Siyang purihin dahil dito. Ang papuring iyan ay maaaring sa iba-ibang anyo para sa iba’t ibang tao—maaaring may kasama itong pagkanta, pagdarasal, o pagpapatotoo. Madalas itong humahantong sa mas malalim na katapatan sa Panginoon at pagsunod sa Kanyang mga turo. Anuman ang ibig sabihin sa iyong buhay ng “purihin ang Panginoon,” magkakaroon ka ng higit na inspirasyon na gawin ito habang binabasa at pinagninilayan mo ang Mga Awit.

Larawan
icon ng personal na pag-aaral

Mga Ideya para sa Personal na Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

Mga Awit 102–3116

Mapapanatag ako ng Panginoon sa aking pagdurusa.

Pansinin kung paano inilalarawan ng Mga Awit 102:1–11 ang damdamin ng pag-aalala at paghiwalay sa iba na kadalasang dumarating kapag nagdurusa. Siguro naranasan mo na ang gayong damdamin, at ang mga paglalarawang ito ay tumutulong sa iyo na mas maunawaan pa ang iyong mga karanasan. O maaaring makatulong sa iyo ang mga talatang ito na maunawaan ang damdamin ng ibang tao na nagdurusa.

Habang binabasa mo ang Mga Awit 102:12–28; 103116, hanapin ang mga pariralang nagbibigay sa iyo ng tiwala na maaari kang “[tumawag] sa pangalan ng Panginoon” sa iyong mga pagsubok (Awit 116:13). Maaari mong markahan, isaulo, o ibahagi ang mga pariralang nagbibigay sa iyo ng pag-asa sa Kanya.

Tingnan din sa Isaias 25:8; 2-Corinto 1:3–7; Mga Hebreo 2:17–18; Alma 7:11–13; Evan A. Schmutz, “Papahirin ng Diyos ang Lahat ng mga Luha,” Liahona, Nob. 2016, 116–18.

Larawan
may pinagagaling si Jesus

Healing {Pagpapagaling}, ni J. Kirk Richards

Mga Awit 110118

Maaaring ituro sa akin ng Mga Awit ang Tagapagligtas.

Ang Mga Awit ay naglalaman ng mga talatang tumutukoy sa buhay at ministeryo ni Jesucristo. Narito ang ilang halimbawa:

Anong mga katotohanan ang itinuturo sa iyo ng mga talatang ito tungkol kay Jesucristo? Paano ka pinagpapala ng kaalaman tungkol sa mga katotohanang ito?

Habang binabasa mo ang Mga Awit sa linggong ito, patuloy na isulat ang iba pang mga talatang nagtuturo sa iyo tungkol sa Tagapagligtas. Maaari mo ring basahin o pakinggan ang ilan sa mga paborito mong himno na tumutulong sa iyo na isipin Siya.

Awit 119

Ang salita ng Diyos ay magpapanatili sa akin sa Kanyang landas.

Ang awit na ito ay naglalaman ng maraming kataga na maikukumpara ang ating buhay sa paglalakbay pabalik sa Ama sa Langit. Habang nagbabasa ka, hanapin ang mga salitang tulad ng lumalakad, landas, daan, mga paa, at maligaw. Pagnilayan ang iyong paglalakbay sa buhay—ang iyong pinagmulan, nasaan ka na ngayon, at ano ang tinatahak mong direksyon. Ano ang natutuhan mo mula sa awit na ito tungkol sa iyong paglalakbay pauwi? Ayon sa awit na ito, ano ang inilaan ng Diyos upang tulungan kang manatili sa tamang landas?

Maaaring interesado kang malaman na sa orihinal na Hebreo, ang unang walong talata sa Awit 119 ay nagsisimula sa unang titik o letra sa alpabeto ng Hebreo. Ang susunod na walong talata ay nagsisimula sa susunod na titik o letra, at ganito hanggang sa katapusan ng alpabeto.

Tingnan din sa Isaias 42:16; 2 Nephi 31:17–21; Alma 7:19–20.

Mga Awit 134–36

Ang Panginoon ay mas makapangyarihan kaysa anumang diyus-diyusan.

Pansinin ang mga dahilan na ibinigay sa Awit 135:15–18 kung bakit kamangmangan ang magtiwala sa mga huwad na diyos. Ano kaya ang matutukso kang pagkatiwalaan na katulad sa mga diyus-diyusan na inilarawan sa mga talatang ito?

Maaari mong ilista ang mga makapangyarihang bagay na magagawa ng Panginoon, tulad ng inilarawan sa Mga Awit 134–36. Anong makapangyarihang mga bagay ang ginawa Niya para sa iyo?

Mga Awit 146–50

“Purihin ang Panginoon.”

Habang binabasa mo ang huling mga awit ng papuri, pag-isipan ang mga dahilan kung bakit dapat mong purihin ang Panginoon. Bakit mahalagang purihin Siya? Ano ang mga paraan na maaari mong purihin Siya?

Larawan
icon ng pag-aaral ng pamilya

Mga Ideya para sa Pag-aaral ng Banal na Kasulatan ng Pamilya at Home Evening

Awit 119:105.Marahil ay maaaring lumikha ng landas ang inyong pamilya at maglakad dito sa dilim, na gumagamit ng liwanag para tanglawan ang landas sa unahan. Habang naglalakad, maaari ninyong itanong ang tulad ng “Ano sa ating buhay ang tulad ng kadilimang ito?” o “Paanong tulad ng liwanag ang salita ng Diyos?” Ang pagkanta ng isang awitin tungkol sa liwanag ng Diyos, tulad ng “Turuang Lumakad sa Liwanag” (Aklat ng mga Awit Pambata, 70), ay makatutulong sa inyo na bigyang-diin ang alituntuning itinuturo sa Awit 119:105.

Mga Awit 127–28Ano ang ibig sabihin ng tulungan tayo ng Panginoon na “magtayo ng [ating] bahay”? (Awit 127:1). Paano natin Siya higit na makakasama sa mga pagsisikap nating lumikha ng matwid na tahanan? Para matulungan ang inyong pamilya sa pagsagot sa tanong na ito, maaari ninyong idrowing ang isang bahay sa isang papel at gupitin ito at gawing mga piraso ng puzzle. Sa likod ng bawat piraso, maaaring sumulat o magdrowing ang mga miyembro ng pamilya ng mga paraan para maging bahagi ng inyong tahanan ang Panginoon. Pagkatapos ay sama-sama ninyong buuin ang puzzle. Ano pa ang nakikita natin sa mga awit na ito na humihikayat sa ating lumakad sa landas ng Panginoon?

Awit 139Matapos basahin ang mga talata 1–4, maaaring pag-usapan ng mga miyembro ng pamilya kung paano nila nalaman na personal silang kilala ng Diyos (tingnan din sa mga talata 14–15, 23–24).

Mga Awit 146–50Maaari mong anyayahan ang inyong pamilya na basahin ang ilang talata ng Mga Awit 146–50 nang malakas, at sikaping iparating ang damdamin ng manunulat. Paano natin maipapakita ang ating papuri sa Panginoon? Maaaring masiyahan ang mga miyembro ng pamilya na magsulat ng sarili nilang mga awit ng papuri at ibahagi ang mga ito sa isa’t isa.

Para sa iba pang mga ideya sa pagtuturo sa mga bata, tingnan sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary.

Iminumungkahing awitin: “Turuang Lumakad sa Liwanag,” Aklat ng mga Awit Pambata, 70.

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Gumamit ng mga audio recording. Habang tinuturuan mo ang inyong pamilya, isiping pakinggan ang audio version ng mga banal na kasulatan, na matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org o sa Gospel Library app. Ang pakikinig sa mga awit ay maaaring maging lalong mabisa dahil nilayon na basahin nang malakas ang mga ito.

Larawan
landas sa gubat

“Akayin mo ako sa landas ng mga utos mo, sapagkat aking kinaluluguran ito” (Awit 119:35).