2018
Kung alam ng Diyos ang bawat desisyong gagawin natin, ano pa ang halaga ng ating kalayaan?
August 2018


Tuwirang Sagot

Kung alam ng Diyos ang bawat desisyong gagawin natin, ano pa ang halaga ng ating kalayaan?

Ang tanong na ito ay nakatuliro sa maraming tao sa loob ng maraming siglo. Ang paraan ng pagsagot natin dito ay ayon sa dalawang pangunahin at inihayag na mga katotohanan:

Alam ng Diyos ang lahat. Ang pananaw ng Diyos ay hindi natatakdaan ng panahon (tingnan sa D at T 38:2) Dagdag pa rito, mayroon Siyang walang-hanggang personal na karanasan sa atin bago pa tayo pumarito sa mundong ito, kung kaya’t alam Niya ang mga hilig at katangian ng bawat isa sa atin nang higit pa sa pagkakaalam natin.

May kalayaan tayo. Tayo ay matatalinong nilalang, mga anak ng Diyos, na nagmamahal sa atin at siyang bumuo ng plano na magtutulot sa atin na maging katulad Niya—kung pipiliin nating sumunod sa Kanya (tingnan sa D at T 93:27–32; Abraham 3:21–25). Ang kalayaan ay nangangahulugang makakikilos tayo para sa ating sarili at hindi pinakikilos (2 Nephi 2:14, 16, 27).

Ang lubos na pagkakakilala ng Diyos sa ating pagkatao at ang Kanyang kaalaman noon pa sa mga pagpiling gagawin natin ay hindi magiging sanhi para gawin natin ang mga pasiyang iyon. Kapwa dahil kilala Niya tayo at dahil tayo ay may kalayaan, Kanya tayong inaanyayahan at hinihikayat—ngunit hindi tayo pinipilit—na gumawa ng mabuti at maniwala kay Jesucristo (tingnan sa Moroni 7:16–17).